Share

Kabanata 3

They said, one of the main purpose in our life is to be happy. Pero bakit hindi ko man lang ‘yon kailan man naramdaman? Naiingit ako sa iba na kompleto ang pamilya. Naiingit ako sa ibang kaedad ko ngayon na unti—unti ng nakakamit ang kanilang pangarap.

Habang ako, nasa mababa pa rin. Kumakayod para sa kinabukasan namin ng kapatid ko. Kumakayod para may ma—kain.

Pero sabi nga nila, ‘wag kang mawalan ng pag—asa dahil darating din tayo diyan. Darating din ang panahon at makamit natin ang pangarap natin. Hindi man ngayon pero darating din ‘yan. Let’s trust the process and let’s trust Him.

Nandito ako ngayon sa bar, nakaupo sa may counter habang naghahanap ng magiging customer. Ika—limang araw ko na ngayon. Everything went smoothly. May kaunting ipon na rin ako.

Si Carmila ay hindi na nagtanong sa akin kung saan galing ‘yong pera na pinambili ko sa mga bagong damit niya. I even buy a new cellphone but she didn’t ask where did I get those money that I spent on buying a new phone. Masaya lang siya dahil may bagong cellphone na kami.

“Ang w—wild naman ng mga tao dito.” Umiiling kong sambit sa sarili.

Nagpatugtog kasi ng malakas ‘yong DJ dito. Ma-fi-feel mo talaga na nasa bar ka sa sobrang ingay. Todo talon naman ‘yong mga tao dito. Sigawan doon, sigawan dito.

“Huy!” sigaw ng nasa gilid ko.

Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

“Putangina!” gulatang ko.

Agad kong tinignan kung sino ang sumigaw at doon ko nakita si Maverick. Parang napapadalas na talaga siya dito, ah? Sa limang araw ko dito, parati ko nalang siyang nakikita. Parati pa akong ginugulat. Akala mo talaga ay gusto ko siyang maging kaibigan. Napaka—feeling close ng taong ‘to.

He laughed. “Kung nakikita mo lang talaga mukha mo!” Natatawang sambit nito.

Inirapan ko nalang ito at tumingin muli sa stage. My forehead creased when I saw a handsome guy. Lol, handsome. Nakaupo ito malapit sa stage. Umiinom kasama ‘yong tropa niya kaso siya lang ‘yong hindi pinapaligiran ng babae. Ilang sandali pa ay bigla utong tumayo at naglakad papunta sa… sa c.r.

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Ang macho ng katawan, kitang-kita talaga ‘yong hubog nito dahil sa suot niyang fitted t—shirt. His thigh is huge as fuck. Ang ganda tignan. ‘Yong mukha niya naman ay half-french ito at half filipino dahil sa itsura niya.

Oh God, is this a sign?

Margaux, ‘wag kang feeling diyan. Akala mo talaga walang umaasa na kapatid.

“Huy!”

I was taken a back when someone poked my left cheek.

“Omyghad, Maverick! ‘Wag ka ngang mang—gulat ng ganyan!” Naiirita kong sambit nito.

Kung kanina ay muntik na akong mahulog. Ngayon naman ay nahulog na talaga ako pero buti nalang ay natukod ko agad ‘yong paa ko sa sahig.

Tanginang ‘to. Ang hilig mang—gulat!

He chuckled. “Nagulat ba kita?”

Pinanliitan ko ito ng mata. “Hindi naman ata. Parang mamatay lang sa gulat.” Sarkastikong sambit ko.

Halata namang nagulat ako nagtatanong pa.

Ibinalik ko ng tingin ang cr kung saan pumasok ‘yong lalaki pero hindi pa rin ito lumalabas.

Ano kayang ginagawa niya do’n? Bakit ang tagal naman niyang lumabas?

Ano ba, Margaux. Bakit mo ba siya hinihintay? Lalapitan mo ba ‘yon kapag sakaling lumabas? Hindi naman ata ‘di ba?

Napailing nalang ako sa iniisip ko. Tinignan kong muli si Maverick at nagulat ako dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha. Agad ko itong itinulak at tawa lang ito ng tawa. Akala mo talaga clown ‘yong kaharap kung makatawa, e.

“Type mo ba?” he asked out of nowhere.

Kunot-noo ko itong hinarap. “Alin doon sa lima?”

“’Yong tinitignan mo.”

“Alin nga do’n?” I smirked.

“Ewan ko sa ‘yo, Margaux.”

Hahampasin ko sana siya nang bigla ay may nakita ko ‘yong lalaking kanina ko pa tinitignan. Umorder ito at saka umupo sa tabi ni Maverick.

“One hard drink.” anito sa lalaking nag-s-serve.

Umayos ako ng upo at saka sinenyasan si Maverick na lumapit dahil may sasabihin ako. Naguguluhan man ngunit lumapit pa rin ito.

“Salili tayo, bilis!” bulong ko nito sa tainga.

“Ano?” kunot-noong tanong nito.

“Ako na diyan! Dito ka sa inuupuan ko!” sigaw kong bulong nito.

Umiling ito. “Ayoko. Gusto ko dito, e.”

Tanginang lalaki ‘to.

Tinignan kong muli ang lalaking umupo sa tabi ni Maverick at saka ko pinagmasdan ang mukha niya. Parang hulog ng langit ata itong lalaking ito. Ang ganda talaga tignan ng mukha. Paano kaya kapag nasa higaan—

Bigla akong napatigil dahil ang dumi na pala ng iniisip ko. Ano ba ‘yan, Margaux. Hindi ka naman ganyan!

Tinignan kong muli ang lalaki at binalewala ang katabi ko na kanina pa may sinasabi pero hindi ko pinakikinggan dahil hindi naman ako makaka—relate. Kung ano-ano kasi kinukwento.

Nanlaki ang aking dalawang mata dahil nakatingin na pala sa akin ang lalaki habang nakataas ang dalawang kilay nito. Napaayos ako ng upo at tinapik si Maverick at sinenyasan itong tumayo, mabuti nalang talaga at tumayo ito. Agad akong umupo sa kung saan naroon si Maverick at tumabi sa lalaki.

Itinukod ko ang aking kanang kamay at inilagay sa aking pisngi ang aking palad at doon ko ito tinignan habang nakangiti ng may halong paglalandi.

I raised my brows. “Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita dito, e.”

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Habang siya naman ay balewala lang at tinitignan nito ang kaniyang baso na may laman.

Napangiwi ako nang wala akong narinig na sagot mula nito.

Bingi ata ‘to, boi.

Tinignan kong muli si Maverick at doon ko napansin na wala na pala ito sa tabi ko. Nasa harap na ito ng stage at may kaakbay na babae.

I shooked my head. Tinignan kong muli ang lalaki at hindi pa rin inaalis ang tingin sa baso.

“Sana baso nalang ako...” mahinang sambit ko habang nakatingin din sa baso.

Seen zone. Ok. You can do this, Margaux.

“Bingi ka ata. But anyway, parang familiar ka.” ani ko nito kahit alam kong hindi ito sasagot.

“Parang nakita na kita somewhere.” Dagdag ko nito.

Nakatingin pa rin ito sa baso at hindi inaalis ang tingin nito. Kahit dampian man lang ako ng isang tingin, wala.

“Parang ikaw ‘yong future ko...” Nakangising sambit ko.

“’Yong future husband—” he cut me off.

“Can you please stop bugging me? You’re not a mosquito so stop bugging me.” he said in a deep hoarse pero hindi man lang ako dinampian ng isang tingin.

Imbes na magulat, napangisi ako. At least, nakuha ko atensyon niya. Tumingin ako muli sa stage at saka bumulong.

“At napansin na rin,” bulong ko.

Tinignan ko itong muli at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang mga titig. Hindi ko masabi kung galit ba ito o naiinis. Pero ang gwapo pa rin niya.

I was about to open my mouth but he raised his right hand at sinensyasan ako na tumahimik. Napangiwi ako.

“Sino ka para patahimikin ako?” taas kilay kong tanong.

Hindi pa rin ito inalis ang kaniyang tingin sa dalawang mata ko. Parang gusto ko nalang bumigay sa kanya at sundin ang gusto niya.

“And who are you to ask me that kind of question?” tanong nito.

Kahit sobrang ingay dito sa loob, rinig na rinig ko pa rin ang kaniyang boses. Ang kaniyang malalim na boses na nakakatunaw pakinggan.

“Ako lang naman ‘tong anak ng mafia boss.” Tuma-tango kong sagot habang nakangisi.

Pero hindi man lang ito tumawa. Ano ba ‘yan, pinanganak ba ito sa ice dahil sobrang cold hearted person. Hindi man lang marunong mang—appreciate ng jokes ng iba.

“Tss, nonsense.” Anito at saka tumayo papalayo sa kinaroroonan niya.

Nonsense? Nonsense ba ‘yong joke ko? E bakit bentang-benta ‘yong mga joke ko kay Maverick? Gago ‘yon, ah.

its_urmami

Short update muna. Busy sa school works, e. Happy Reading! 😗😗

| 2

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status