Share

Kabanata 4

Kabanata 4

What do you want to be in the future?

Ang daling sagutin pero napakahirap gawin. Ang daling sabihin na, gusto mo maging doctor, lawyer, teacher o kung ano pang gusto mo sa buhay. Pero ang hirap gawin, ang hirap abutin.

Noon, akala ko ‘yong taong gusto mo ang pinakamahirap abutin pero habang tumatagal ay lalo mong nari—realize na noong bata ka pa ay hindi mo pa nahaharap ang katotohanan. Habang tumatagal, patanda ng patanda ang edad mo ay doon mo na unti-unting nakikita kung ano ang totoong kahulugan ng buhay. Doon mo na rin ma—realize kung ano talaga ang gusto mo.

Kasi ‘yong iba, gusto nila maging isang ganap na guro pero habang tumatagal ay unti—unti itong napapalitan ng ibang kurso dahil ito ay unti-unti mong narealize kung ano ba talaga ang gusto mo.

Pero kahit bata ka pa, pag—isipan mo ng maigi kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay, hindi ‘yong hihintayin mo pang ikaw ay tatanda para lang marealize mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay.

“Margaux!” napatalon ako bigla dahil sa sigaw ng katabi ko ngayon.

“Ano ba, Jhen! ‘Wag ka ngang sumigaw!” naiiritang sambit ko.

Nandito kami ngayon sa parke ng aming bayan habang kumakain ng ice cream. Kanina pa kami dito, gusto kasi ni Jhen na makasama ako. Sakto naman at wala na silang pasok dahil ang aga nilang pinauwi.

“Paanong hindi ako sisigaw,  hindi ka nga nakikinig sa akin.” sabi niya at dinilaan ang kaniyang ice cream na coffee ang flavor.

Grabe, kahit sa ice cream kape pa rin talaga iniisip ni Jhen. Gano’n na ba talaga kahirap maging college student? Araw-araw na lang kasi itong nagka-kape.

I rolled my eyes. “Ano ba kasi ‘yang sinasabi mo? Importante ba ‘yan, ha?” ani ko nito habang tinitignan itong dinidilaan ang kaniyang ice cream ngunit napatigil ito.

“Huy, Margaux! Sinasabi ko sa ‘yo, ah.” may halong pagbabantang sambit nito at patuloy sa pagkain ng kaniyang ice cream.

Napangiwi nalang ako. “Ewan ko sa ‘yo, Jhen.”

Dinilaan ko nalang ulit ‘yong chocolate ice cream ko baka kasi matunaw, sayang naman. Tinignan ko si Jhen at gano’n rin ang ginawa niya hanggang sa maubos ang sa kaniya. Ilang segundo pa ang lumipas ay saka na ito tumingin sa akin.

“Ang sabi ko, uuwi na raw si Colai dito pero gusto niya sa inyo muna mamalagi.” aniya.

Kumunot ang noo ko. “Ha? Bakit raw siya uuwi? Akala ko ba ay busy siya sa kaniyang trabaho?”

She just shrugged.

Bakit naman uuwi dito si Colai e andami pa niyang trabaho doon sa States. ‘Yon kasi ang sabi niya noong nagmamakaawa kami ni Jhen na pauwiin siya dahil binyag iyon ng anak sa isa naming pinsan. Pero ang sabi ay busy raw ito kasi fully booked na raw schedules niya sa buwan na iyon. Ang gami kasi client.

Perks of being a makeup artist. Palaging busy lalo na’t ang daming event noong panahon na iyon kaya hindi nakauwi.

“Baka nga mas nauna pa siya uuwi sa atin.” sabi niya at nagkibit balikat ulit.

Ilang oras pa ang itinagal namin ni Jhen doon bago kami umuwi at sobrang thankful kami dahil wala pa si Colai. Naghanda na rin ako dahil ayokong ma-late sa trabaho ko. Lalo na’t marami raw customers ngayong araw.

Nang makarating ako sa kung saan kami palaging nagkikita ng mga kasama ko sa trabaho ay pansin kong wala si Lira kaya naman ay maglalakad na sana ako papunta sa sasakyan ng may tumawag sa akin.

“Margaux,” tawag sa akin ng kung sino man sa aking likuran.

Agad akong tumalikod at doon ko nakita si Lira na nakabihis nga pero para naman itong galing sa sabunotan dahil sa buhok nito. Kakaunti palang kami dito and mostly ‘yong ibang kasama namin ay nasa loob pa lang ng sasakyan. Nakasarado ‘yon kaya kaming dalawa nalang ni Lira ang nasa labas ng sasakyan.

“Oh? Bakit?” kunot—noo kong tanong ko.

Kitang-kita sa kaniyang mukha na parang iiyak na ito kaya agad ko itong nilapitan at hinawakan ang dalawang braso nito. Nang mahawakan ko ang kaniyang kamay ay doon na siya nagsimulang umiyak.

“Shh...” pag-aalo ko nito.

“I-Ini—” hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng bigla itong humagulgol sa iyak.

Magsasalita na sana ako nang nagsalita ito ulit. This time ay parang kino-control nito ang kaniyang pag-iyak kaya ay nakapagsalita ito ulit kaso utal-utal naman.

“I-Iniwan n-niya a-ako...” anito at humagulgol ulit.

Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang kaniyang nararamdaman ngayon dahil unang-una hindi ko pa naranasan kung paano ang magmahal at kung paano ang iwan ng isang taong mahal mo.

Iba naman ‘yong tungkol sa magulang. Iba din ‘yong tungkol sa lalaking mahal na mahal mo.

Bago pa man magsalita si Lira ay inalalayan ko agad ito papunta sa may hardin dito malapit sa aming sasakyan at pinaupo agad ito.

Nang makaupo ito ay hinawakan ko ulit ang kaniyang dalawang braso ay ipinaharap sa akin.

“Alam mo, Lira, sa buhay meron talagang nang-iiwan. Walang permanente sa mundo. Hindi ko alam kung bakit ka niya iniwan pero alam kong magsisisi din ‘yon at babalikan ka niya sa gandang mong ‘yan ba naman, alam na alam kong babalikan at babalikan ka niya. Alam mo, yes he helped you to be the better version of yourself, but maybe this time, ikaw lang makakatulong sa sarili mo to be the better version of your self. And besides, sa mga katulad natin na magaganda, we don’t settle for less right?”

She just nodded. I smiled at her. Seeing Lira cried makes me cry too. I mean, damn, I hate seeing my friends crying. If they sad, I will be sad too. If they broken, so do I.

Lira smiled at me. “Maraming s-salamat, M-Margaux.”

Ilang oras na ang lumipas simula noong umiyak si Lira. Nalaman ko sa kanya kanina na iniwan pala siya ng fiancée niya. Lira told me everything. Hindi katulad sa akin si Lira na walang-wala talaga, walang magulang ay walang matinong trabaho. Sina Lira ay nagma-may-ari pala sila ng isang 5-star hotel pero lumayas ito sa kanila noong nakaraang dalawang taon dahil pina-arrange marriage ito sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama.

Nalugi raw ‘yong hotel nila kaya ang katangi-tanging solusyon lang ng kanilang problema ay ‘yong ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama. Which is ‘yong fiancée niya.

Nang itanong ko kay Lira kung paano at bakit hindi pa rin sila kinasal hanggang ngayon kung mahal naman pala nila ang isa’t-isa. Ngunit hindi niya ako sinagot kaya ay nagpaalam nalang ako sa kanya para lapitan ‘yong lalaki na kanina pa ako tinitigan.

Umupo ako sa tabi nito at kumuha ng isang baso na nasa lamesa. I took a one shot and finally turned on him.

“Why are staring at me?” I asked.

He’s staring at me as if I’m the only girl in the whole fucking world. I almost melted of his stare.

Instead of answering my question, he just took a one shot of his glass and stood up. Nilampasan niya ako at napatunganga ako nang iniwan ako doon.

Ha! Ako na nga itong nag-adjust kasi kanina pa ako tinitigan, ngayong ako na ‘yong lumapit, siya naman itong umalis.

Agad ko itong sinundan ng tingin. Nang makita ko ito na papalabas ng bar ay agad ko naman itong sinundan.

“Huy!” I almost ran out of this bar. Muntik na nga akong mapandol dahil sa kakamadali.

Tumigil ito sa tapat ng sasakyan niya at ako naman itong si tanga ay halos takbuhin ko na ‘yong sasakyan niya para lang maabutan ko ito.

Nang pumasok ito ay binuksan ko ‘yong kabilang side ng sasakyan niya at mabuti nalang ay bukas ito, agad akong sumakay at doon na niya na ito pinaharurot ng takbo.

Lagot ako nito sa boss ko, panigurado. Konti lang ang naging client ko ngayong gabie tapos heto ako, sumama sa lalaking tinitigan lang ako.

“Tss,” he tsked.

Tinignan ko ito at sakto ay nakatingin ito sa akin. Para itong papatay ng tao sa kaniyang titig.

Agad naman nagpaulan ng tibok ang puso ko. My heart beat so fast, akala mo talaga ay para itong hinahabol ng mga aso sa sobrang bilis.

“Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?” taas noo kong tanong nito. Ngunit binalewala lamang niya ako dahil seryoso itong nagmamaneho.

Papunta kami ngayon sa hindi ko alam kung saan, parang papunta ata ito sa mall. Hindi ako pamilyar sa lugar dito kasi hindi naman ako nagpupunta dito simula noong bata ako. Hanggang palengke lang talaga kami nina Nanay noon. Lalo na’t ang hina ko mag memorize ng mga lugar.

Napatili ako ng bigla itong huminto sa gilid ng kalsada. Hingal-hingal ko itong tinignan at saka ito sinamaan ng tingin.

“Ano ba?!” singhal ko nito at sinamaan ng tingin habang naghahabol ng hininga.

He glared at me. “Can you fucking wear your fucking seatbelts?” mariing tanong nito.

Halos hindi ko ito matingnan ng maayos dahil nakalukot pa rin ang aking mga mukha sa gulat ng kaniyang pagmumura. At sa gulat dahil ngayon lamang ito nagsalita ng ganon kahaba.

“Nagsasalita ka pala?” mukhang tanga kong tanong.

Syempre naman, Margaux. Nagsasalita talaga ‘yan kasi tao ‘yan katulad mo. Gago.

Nag-peace sign ako pagkatapos kong marealize na sobrang tanga ko magtanong.

Parang binabawi ko na nagsalita ako kasi ‘yong kanina medyo madadala ko pa ng smile ‘yong tinginan niya. Pero ngayon, para papatay na ito ng tao sa galit. Tapos dumagdag pa itong mga puso ko na sobrang bilis ng tibok.

Ano ba ‘yan.

“Wear. Your. Fucking. Seatbelt. You. Fucking. Woman.” Galit niyang sabi.

Ay hala, nagtatanong lang naman ako kung—

“Now!” he yelled in front of my face.

Kung kanina ay ‘yong puso ko lang ang nagtatalo. Ngayon naman ay buong katawan ko na. Nanginginig man ang mga kamay ko ay agad kong kinuha ang seatbelt at isinuot ito. Nakatitig lamang siya sa akin at sinusundan ang bawat galaw ko.

Putangina mo, Margaux. Napakabobo mo.

Urgh! Kung hindi niya aki tinitigan ng ganon ay hindi naman ako sasama, ih. Bakit ba kasi titigan niya ako, hindi ba niya alam na isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay titigan ako ng ganon.

At kung matalino kang babae, Margaux, hindi mo siya susundan at iisipin mo na may kapatid ka na papakainin mo. Tandaan, nandito ka para magtrabaho. Hindi para maging tanga dahil lang tinitigan ka niya.

Hay nako, Margaux.

Nang makita niyang isinuot ko na ‘yong seatbelt ay agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito kung saan. Hindi na ako magreklamo dahil baka ay masigawan ulit ako. Ayokong masigawan. Nakakatrauma kasi.

Tahimik lang ako sa gilid at nagsisisi na sumama sa kaniya. Kung sana ay hindi ako sumama, hindi ako masisigawan. Kung ngayon ay sinigawan niya ako. Bukas ay sisigawan naman ako ng boss ko dahil sumama ako sa mga taong hindi katulad namin sa bar.

Ang laki mong tanga, Margaux.

its_urmami

Thank you for patiently waiting my update.

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status