Share

CHAPTER THREE - INVITING TO THE PARTY

KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya.

       " Ayaw mo bang  kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan.

       " Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga lang."   dagdag pa nito na natawawa. 

      Habang nasa daan nagkwento ito ng nagkwento sa kanya. Wala naman sya masabi kaya pinagkasya nalang ang sarili sa pakikinig dito. Hanga din naman sya sa kaibigan nyang ito. Walang preno ang bibig, kung sa iba aakalain mo talagang madaldal. Pero ganito na talaga ito. Natural na rito ang pagiging masalita kaya nga mas naninibago sya kung nakikita nya itong tahimik at tipid magsalita. Kabaliktaran naman sa kanya na hindi sumasagot at tahimik lang liban nalang kung kinakausap sya. Magkaiba man sila pero nanatili pa rin itong kaibigan nya. Para rito hindi raw sya plastik makisama na gaya ng iba, gusto lang itong kaibiganin ng dahil sa mayaman ito. Totoo nga rin naman, pag mapera ka maraming gustong makisawsaw.

       Dahil busy sila sa pagkukwentuhan, nagulat pa sila pareho ng huminto sa tarangkahan nila ang tricycle. Gaya ng dati natatanaw na nya sa may pintuan ang sabik na anak na naghihintay sa kanya. Ganito talaga ito lumalabas agad pag narinig ang sasakyan na humihinto. Sa gabi naman hinihintay pa sya hanggang dumating liban nalang kung napagod ito ng husto at maagang makatulog.

        Mabilis na bumaba ng sasakyan ang kaibigan na nasa may bandang pintuan at sya naman sa gawing loob. Agad itong lumapit sa papasalubong na bata. at iniwan sya. Ibinaba naman nya ang mga gamit at tinulungan naman sya ni mang mario.

       "Baby!" sabi ng kaibigan nya at ibinuka ang mga braso payakap sa batang papalapit rin dito

        "Come to tita ninang." sabi nito. Sabik rin itong makita ang kanyang anak na akala mo kung titingnan ay ito ang nanay. Lumapit dito ang bata at yumakap rin, humalik pa ito sa pisngi ng kaibigan. Sanay na sanay na rin dito ang kanyang anak dahil madalas naman ito sa kanila. Spoiled rin ang anak nya dito. Kahit ano na lang rin yata ibinibili para rito. Nahihiya rin naman sya pero ito ang mapilit, sabagay, wala lang ito dito dahil mayaman naman ito. Kaya lang ayaw rin naman nyang makasanayan nito ang ganoon. Mahirap rin na baka lumaki sa luho ang anak nya. Pero salamat pa rin sya na hindi ito ganon. Hindi ito namimilit kung wala talaga.

        Nang maipasok ang mga dala- dala nila, hinarap nya driver at nagpasalamat dito.

       "Salamat po, Mang Mario." aniya.

       "Walang anuman, Angela. Kung may kailangan pa kayo rito magpasabi lang kayo." dagdag pa nito. "O pa'no tutuloy na rin ako at hapon na rin." pamamaalam na rin nito

        "Sige po, at salamat po ulit." aniya.

        Umalis na rin ito at sya naman ay nagtungo muli sa labas at naabutan ang tatlo na nagtatawanan. Nakayakap ang anak nya sa kaibigan habang nakaluhod ito  sa bermuda grass at bahagyang nakakalong dito si Vince.

         "Ang mabuti pa pumasok na muna kayo sa loob at mahamog na rin baka sipunin pa kayo, doon nyo na ituloy yang kwentuhan nyo." sabi ng matanda at nauna na sa kanila para pumasok ng bahay.

        "Mabuti pa nga." ayon naman ng dalaga at inaya ang anak at kaibigan. Kinuha nya ang anak at kinalong ito. Pumasok sila ng bahay.

        "Tita ninang bakit ang tagal  po  kayo na hindi namasyal dito. Na miss ko din po kayo." sabi ng bata habang naglalakad sila papasok. Nakakapit ito sa leeg ng dalaga habang nakakalong sa kanya. 

       "Oo nga, baby eh, ikaw din namiss ko may pinuntahan kasi kami kaya matagal tagal ako hindi nakasama rito. pero yaan mo may pasalubong ka naman kay tita ninang. Ok?" nakangiti namang baling nito sa bata. "At saka dito rin naman ako matutulog ngayon kay magkukwentuhan tayo mamaya. Kaya lang baka tulugan mo ulit si tita ninang.?" kunwa'y hirit pang biro nito na ikinatawa ng anak nya.

       "Promise po hindi kita tutulugan." sabi nito. Itinaas pa sa ere ang maliit na palad tanda ng pangako. 

       Napatawa naman sila sa ginawa ng bata. Alam naman nila na madali itong makatulog. Pero naaaliw pa rin itong ianyunan ng kaibigan.

       "Promise mo yan, ha?" sabi nito sabay pisil ng ibabang baba nito.

        Naupo sila sa upuang nasa sala pagkapasok. Ibinaba nya ang anak at nagpaalam sa kaibigang mag hahanda muna sya ng para sa hapunan nila. Tumango  ito at tumabi sa bata  ng upo.

       "Sige. Kwentuhan muna kami ng bulilit na batang to." sabi pa sabay tila gigil na pinisil sa pisngi na ikina hagikgik nito nakiliti marahil sa ginawa ng kaibigan.

       Tumalikod na rin sya at iniwan ang mga ito at nagtungo sa kusina. Naabutan nya duon ang abuwela na inaayos ang mga lulutuin.

       "Ako na po  d'yan 'la. Baka mapagod po kayo. Kaya ko na naman po iyan. Samahan nyo nalang po sina Vince sa sala para naman may makakwentuhan si Karen." sabi nya. Papadilim na rin kasi.

      "Sigurado ka ikaw na dito?" sabi ng matanda. 

        "Opo."

        "O sya. Maiwan na kita. May kanin naman na d'yan at nakainit na rin ako ng tubig. Ulam nalang kulang, may apoy pa naman sa kalan." dagdag nito bago umalis. Ang tinutukoy nito ay ang siga sa kalang de kahoy. Mayroon naman silang de gas. Nanguha sya para naman hindi mahirapan ang lola nya pag wala sya. Kaya lang hindi nito palagi ginagamit para makatipid rin daw sila. 

         Lumabas na ito at iniwan sya. Naging busy naman sya sa pagluluto. Inilabas niya ang binili kanina ng kaibigan na bangus at nilinis ito. Nahihiya sya dito kaya ayaw sana nya at sya nalang sana magbabayad kaso mapilit rin naman ito, marahil dahil alam nito ang buhay nila at ganito talaga ito kahit ayaw nya. Wala syang masabi sa ugali nito. 

       Matapos linisin ang isda. In prito nya ito. Hahatiin nalang nya para ilagay na sahog sa pakbet. Alam nya gustong- gusto ito ng kaibigan nya. Habang nagpiprito inihanda naman nya ang mag gulay na hinimay at hinugasan. Naririnig pa nya ang masayang kwentuhan at tawanan nang tatlo sa sala habang abala naman sya sa kusina..

       Ilang saglit pa at natapos nya ang ginagawa. Inayos at inihanda na nya ang mesa para sa hapunan. May Pakbet, pritong isda na may sawsawang calamansi juice, at hiniwang papayang hinog at saging  na panghimagas. Inilabas din nya ang pagkaing in take out ng kaibigan nya kanina bilang dagdag sa pagkain nila. Matapos makitang handa na lahat saka sya lumabas at inaya ang mga ito.

     "Kain na muna tayo bago ituloy ang kwentuhan." bungad nya sa mga ito. Mabilis naman sumunod ang mga ito.

      "Oo nga bigla tuloy ako ginutom, kilala ko yata ang amoy na yon ah." sabi ng kaibigan na umakto pang kunwa'y may inaamoy. Totoo naman talaga mabango ang amoy ng pinakbet. Natawa tuloy sila lahat at pumasok ng kainan.

       Habang nasa hapag tuloy pa rin ang kwentuhan nila. Hindi alintana na madilim na labas. 

       Hindi nila namalayan ang oras . Sabay pa silang napatawa ng lingunin si Vince na tulog na pala habang nakahiga sa upuan. Agad din nagpaalam ang matanda sa kanila ng makaramdam ng antok. 

       "Ihihiga ko lang si Vince, bess." paalam nya rito.

       "Sige." sabi nito. 10:15 na ng gabi pero hindi pa naman sila inaantok kaya itinuloy pa rin nila ang kwentuhan.

      "Sya nga pala birthday ni mama sa susunod na buwan. Wag kayong mawawala ha. Susunduin ko kayo dito ng maaga." sabi nito

      "Naku h'wag na kaya, bess. Nakakahiya sigurado puro mayayaman ang mga nanduon." tanggi nya dito. Hindi nya maiwasang makaramdam ng panliliit isipin pa lang n'yang puro mayayaman ang nasa paligid nya. E ano naman sila. Baka pagtinginan pa nga sila duon ng iba. Kaya nga kung ano anong alibi ang iniimbento nya sa kaibigan sa tuwing mag aaya ito sa kanya sa kahit anong handaang ganap sa kanila, wala rin naman itong magawa. 

       "Gaga. E anu ba naman tingin mo sa sarili mo, hindi tao?" eksaherado nitong bulalas.

        "Basta, susunduin ko kayo at hindi ka tatanggi. Saka alam mo ba. Na kwento ko na din kay mommy si baby Vince at excited itong makita si baby. Naka pangako na ako na iimbitahin ko kayo noh. Kaya this time, hindi ka na tatanggi ka sakin." sabi nito sabay pinag salikop sa dibdib ang mga braso at nakapikit na isinandal sa upuan ang likod.

      "Hindi mo naman siguro maaatim na mapahiya ako kay mommy, di ba?" dagdag pa nito. Nanulis pa ang nguso at kunwa'y nagtatampo.

      Nanlalaki ang mga matang napatingin si Angela sa kaibigan. Napa awang ang bibig sa gulat at napaunat ang likod. Naitutop pa nya ang palad sa nakaawang na bibig dahil sa reaksyon dito.

       "What?" bulalas nya dito.

       "Yes!" sabi nito na nakapikit pa rin. Medyo ngumiti pa ito. "At hindi ka na ngayon tatanggi." hirit nito sabay mulat ng mata. At lumingon sa kanya.

        "Pero di ko pwedeng iwanan si lola dito." Hindi rin naman pamba blackmail yan di ba?"   hirit namang sabi nya. 

        " Anong problema dun? E, kasama naman natin sya, noh." magkasalubong ang kilay nitong tumingin sa kanya. "Palusot ka pa talaga. Basta ako susundo sa inyo, wala ng tanggihan 'yan."  sabi nitong muling pumikit.

       "Pero baka mapagod ng husto si lola dun alam mo naman na matanda na yong tao bawal na mapagod. " hirit pa rin nya dito.

      "Malaki ang bahay at maraming kwarto kaya malayang makapag - papahinga sila doon. Sinabi ko na kanina kay lola at pumayag na sya. Sinabi ko na rin pala sa anak mo, kaya excited na rin ang bata. Bibiguin mo pa ba sila?" sabi. At nangonsensya pa talaga ang bruha. 

        Hindi naman napaimik si Angela. May magagawa pa nga ba sya e mukhang desidido naman talaga itong pupunta sila. Bigla tuloy syang nailang isipin pa lang na puro mayaman ang imbitado. 

       "O, dinadaga ka naman dyan." untag nito sa kanya. 

       "Pwede ba alis alisin mo nga sa katawan mo yang pagiging insecure mo." sabi nito. Umusod ito sa kanya at hinawakan sya sa baba at inangat ang mukha nya. "Cheer- up, bess. Hindi ka na naman bata dapat nga mas maging proud ka pa kesa sa kanila." sabi nito at binitawan sya. Muling isinandal ang likod at pumikit.

        "Alam mo bang mas tao ka pa sa mga bisitang 'yon?" anas nya. "Puro lang naman pakikipag sosyalan at pakikipag -plastikan ang mga yun. Sisilipin lang ang buhay ng may buhay." sabi nitong umismid pa. Napangiti tuloy sya sa sinabi nito akala mo nga naman hindi rin mayaman kung magsalita. 

        "E anu din naman tingin mo sa sarili mo, bess?" nangingiting tudyo nya dito. 

       Umayos ito ng upo at nagmulat ng mata. Medyo yumuko at nangalumbaba na nakatukod sa isang hita ang siko. Lumingon ito sa kanya ng bahagya.

       " Atleast hindi naman ako katulad ng mga yon noh! Nagpapakatotoo pa rin naman ako ah! Hindi kagaya ng mga yon na sobrang plastik.!" sabi nito. 

         Sabay silang napahalakhak. Tiningnan nila ang orasan na nakasabit sa dingding. 1:43. Sabay pa silang nagkatinginan at ngumiti. 

       "Tulog na din tayo baka tanghaliin tayo bukas." aniya. 

        "Sige. But... is it a yes then?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang pagpayag nya sa pag iimbita nito para sa party.

         "Uhmnn, makakatanggi pa ba ako?" sabi naman nya. "E ang lagay planado na ata?" ganting sabi nya dito. Wala na ngang atrasan pa 'to. Bahala na.

        "Good!" sabi nito. Tumayo na rin at nag inat habang humihikab. "Mukhang antok na rin ako." sabi pa.

        Sabay nilang tinungo ang silid para matulog, maaga pa rin nila kailangang bumangon dahil may pasok at trabaho pa rin naman sya. Malawak naman ang silid para sa kanilang apat. Magkakatabi na silang natutulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status