Share

Because Of You
Because Of You
Author: nicliet_

Chapter 1

Ashna's Pov

"Ash! Bat ba ang kupad mo?!" Nagulat ako sa sigaw ni Tito Paulo, kaya naman binilisan ko na ang paghuhugas, tiningnan ko rin ang niluluto kong adobo at tinikman iyon, lagot na! Ang tabang! Lagot na naman ako nito kay Tito. 

"Ano ba iyan! Wala ka talagang silbi ang kupad!" malakas na sigaw ni Tito habang ramdam kong papalapit ito dito sa kusina, kinakabahan na ako dahil pumalpak na naman ako sa pagluluto, may lagnat kasi ako ngayon pinilit ko lang talagang bumangon at pagsilbihan sila dito sa bahay. 

"A-hm, Tito kasi…" naiiyak na turan ko hindi na din ako makatingin sa kanya ng diretso ng makalapit ito, kumunot ang noo niya at tumingin sa nakasalang, kumuha ito ng tinidor at tinikman ito labis na paghigpit ng kamay ko sa apron na nakasuot sa akin.

"P*tangina ka talaga kahit kailan!" Nagsipaglaglagan na ang luhang kanina ko pa pinipigilan, nagulat ako nang kunin nito ang nakasalang at isinaboy sa akin. Tumama ang mga karne sa muka ko at maging sa apron na suot ko ngayon, wala akong naging reklamo kahit na nasasaktan ay tinitiniis ko ang lahat para sa kapatid ko.

"Hi-ndi na po mauulit t-ito," hagulgol at pinagdikit ang dalawang palad, humungi ng dispensa dahil sa kapalpakan ko. Lumapit ito sa akin at marahas na pinisil ang panga ko ng sobrang higpit.

"Talagang hindi na mauulit! Puro kayo pabigat! Alam mo kung ako talaga napuno sa inyong magkapatid hindi ko susuportahan yang inutil mong kapatid!" sigaw niya sa pagmumuka ko at itinulak ako ng malakas tsaka ito lumabas ng kusina, napaupo ako dahil sa halo-halong emmosyong nararamdaman. Hinawakan ang pisngi ko dahil masakit iyon, taimtim akong umiiyak, ayokong makita ako ng kapatid kong si Tommy na ganito, ba’t ba ganito ang naging kapalaran ko sa mundo?

Simula nung nawala si papa, nagsimula na rin ng kalbaryo sa buhay naming magkapatid, nag-asawa si mama ulit at si Tito Paulo iyon. Lagi niya akong sinasaktan at pinagsasabihan ng hindi maganda lalo na kung may mga bagay na ayaw niya ang nagagawa ko, ang nakakalungkot lang ay pati sarili kong Ina nagbago rin at nalason ang isipan dahil kay Tito. Tinitiis ko ang lahat para sa kapatid ko dahil wala naman akong magawa para suportahan kundi iasa na lamang namin kay Tito ang pagpapaaral sa amin, marami akong naging katanungan na hanggang ngayon wala paring kasagutan kung bakit naging ganito ang sitwasyon namin ngayon. 

Ako si Ashna Martin, 18 years old at ito ang buhay ko, masalimuot.

"A-ate…" Palihim kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo tsaka ko tiningnan si Tommy, ngumiti ako para ipahiwatig na ayos lang ang lahat. 

"Hmmn... nagugutom ka na ba bunso?" Nakangiti kong tanong sa kanya, sinipat niya ang kabuuan ko at lumapit sa akin ng naiiyak. Pagkalapit niya ay agad siyang yumakap sa baywang ko, hinaplos ko ang buhok niya at iniyakap pabalik ang mga braso ko. Hindi ko mapigilang hindi ulit bumuhos ang mga luha galing sa mga mata, napakabata pa niya para makakita at makaranas ng mga ganitong bagay.

Pumantay ako sa kanya at pinunasan ang mga namumula niyang mata dahil sa sa pag-iyak, mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos siya, hindi ko na iniisip ang sarili ko basta para nalang sa kanya kakayanin ko lahat ng hirap.

"Okay lang ako, Tommy… huwag ka ng umiyak, kita mo yan, oh, tulo sipon ka na," mahina akong tumawa para pagaanin ang loob niya, napanguso naman ito at ngumiti ng konti sa akin. Kay papa talaga niya nakuha ang pagiging malambing at maalalahanin, iyon ang ipinagpapasalamat ko dahil kahit papaano ay gumagaan din ang loob ko.

"Ate...umalis nalang tayo dito," mahinang turan niya habang sumisinghot singhot pa, pumalumbaba siya at pinag-laruan ang kamay.

"H-indi pa kaya ni ate sa ngayon, Tommy, kaya ko namang magtiis bunso, huwag kang mag-alala, huh?" Tumingin siya muli sa akin at umiling, sa murang edad niya parang kasing edad na niya ako kung mag-isip.

"Kinakawawa ka na nila dito ate, si mommy parang hindi na natin kilala." Umiwas siya ng tingin nang banggitin niya si mommy.

"Hayst, ano ka ba bunso, alam mo sila rin ang magsasawa." Pagpapagaan ko sa loob niya, ginulo ko ang buhok nito at tumayo para hubarin ang apron na suot ko.

Pagkatapos ng pagpapaintindi ko kay Tommy ng mga bagay-bagay ay nagpaalam siya para makipag-laro sa anak ng kapitbahay namin, mababait naman sina Nanay Arcel dahil kung aabutan si Tommy ng tanghali doon ay pinapakain na nila, alam din nila ang sitwasyon namin ni Tommy dito sa loob ng bahay dahil siguro ay nagku-kwento ang kapatid ko.

"Hoy! Ash, anong tinutunganga mo diyan? Maglinis ka na ako na ang magluluto dahil palpak ka naman," sabi ni mommy ng makapasok ito sa kusina kasabay non ay ang pag-irap niya, tumango nalang ako at nagtungo muna sa kwarto ko para magpalit ng damit dahil marumi na ito dahil sa nangyari kanina. Huminga ako ng malalim ng makapasok ako sa kwarto, tumingin ako sa picture ni Daddy na nasa side table. 

"Daddy bakit naman ang aga mong nawala, siguro kung buhay ka parin hanggang ngayon, hindi sana magiging ganito ang kapalaran namin ng kapatid ko. Ang daya mo naman kasi daddy pinangako mo na hindi mo kami iiwan, pero ayos lang po, kakayanin ko para kay Tommy gaya ng ipinangako ko rin sa inyo…" hinaplos ko ang picture ni daddy at kagat labing pinigilan ang pag-iyak, bumuntong hininga ako at nagbihis na para makababa at makapag linis na.

Pagkatapos kong naglinis ng buong bahay ay naglinis din ako sa labas at diniligan ang mga tanim na gulay at nga bulaklak. Malapit na akong makapagtapos ng high school, isa din akong honor student mula elementary hanggang ngayon. Naging inspirasyon ko talaga ang pamilya ko, noon kapag nakaka kuha ako ng maraming  medals tuwing graduation nagce-celebrate kami nina Daddy, napakasaya ng pamilya ko noon na akala mo wala ng makapag-titibag. 

Namatay si Daddy ng dahil sakin, dahil sa pagmamadaling sunduin ako sa school dahil hindi ako nakapag-paalam na gagala kasama ang mga kaibigan ko ay ang akala nila napahamak na ako, nabunggo siya ng malaking sasakyan dahil daw sa mabilis na pagpapatakbo niya. Nalaman ko nalang noong umuwi ako at walang nadatnan sa bahay kaya tinawagan ko si mommy kung anong nangyari, nanlumo ako ng madatnan ko si Daddy nang wala ng buhay. Labis na paghihinagpis ni mommy dahil sa nangyari, kaya siguro hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kayang patawarin dahil nawalan siya ng asawa ng dahil sakin at nawalan kami ng ama ni Tommy ng dahil lang din sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status