Share

Chapter 2

Ashna's Pov

"Ash, bigay mo doon sa pangatlong table itong order nila," utos sa akin ni ate Margaret, kinuha ko ang tray at naglakad papunta sa pangatlong table. Part-time job ko ito buti nalang at gabi ako nakatoka kaya hindi ako masyadong nahihirapan, sa umaga naman nag-aaral ako.

Pinag-iigihan ko talagang makapag-ipon dahil malapit na akong tumungtong ng college, sabi kasi ni tito hanggang high school lang daw ang tatapusin ko dahil wala naman daw akong mararating, pero kahit na ganoon ay sisikapin ko paring makapagtapos at makakuha ng magandang trabaho at ako na mismo ang magpapaaral kay Tommy sa ganon ay hindi na namin kailangang humingi ng tulong kay tito na lagi lang naman nitong isinusumbat.

Malapit na ako ng pangatlong table, puro mga kalalakihang ang mga naroon. Tantiya ko ay mga collage students ang mga ito dahil sa klase ng uniform nila.

"Good evening po, ito na po yung orders niyo," magalang kong bati sa kanila, tumingin ang dalawang lalaki sa akin at ngumiti. Binigyan ng space ang paglapagan ng orders nila.

"Excuse me po..." malumanay na sabi ko habang inilalapag ang mga orders nila, last ko na sanang ilapag ang juice ng hindi ko sinasadyang matapon ito sa damit ng lalaking nasa kanan, nagulat at dali-dali kong kumuha ng tissue sa table at pupunasan na sana ng tabigin nito ang kamay ko.

"What the fuck woman! Are you stupid?!" sigaw nito at napatayo habang sinisipat ang polo shirt niya at saka tumingin sa akin ng nakakunot ang noo halatang nainis ito dahil sa kapalpakan ko na naman, natulala ako dahil sa pustura nito, ang gwapo niya, matangos na ilong, makapal na kilay, mapupulang labi, light brown ang kulay ng mga mata, mahahabang pilikmata, nakakorte din ang panga nito na naka tiim bagang ngayon, bagay sa kanya ang long hair na nakakadagdag sa kapogian nito, pero umiling iling ako dahil nakuha ko pa siyang puriin sa sitwasyon ngayon .

"So-sorry sir, hindi ko po sinasadya..." kinakabahang turan ko, hinablot nito ang hawak kong tissue at siya mismo ang nagpunas sa polo niya, napakagat labi ako ng napatingin sa kanya, siguradong matatanggal ako sa trabaho, naiiyak ako ng isiping matatanggal ako dahil sa kapalpakan.

"It's ok miss, in fact, it was an accident," nagsalita ang nasa kaliwa ko, tumingin ako dito, hindi parin mapawi ang kabang nararamdaman. Ngumiti ito sa akin at tumingin ulit sa lalaking nasabuyan ko ng juice.

"Si-sir sorry talaga..." mahinang paghingi ko ng tawad, sobrang pula ko na siguro ngayon dahil sa tensyon, nagsipaglaglagan na rin ang luha ko sa mata.

"Tatanga -tanga kasi!" sigaw uli niya at padabog na binitawan ang tissue tsaka umangat ang tingin sa akin, medyo lumambot ang pustura nito ngunit saglit lang iyon at sinamaan muli niya ako ng tingin.

"Why are you crying?! Iniiyakan mo ba ang pagiging tanga?" aburidong tanong nito, umiling naman ako at mabilis na pinunasan ang luha.

"That's enough, Raul, let's eat. I'm already hungry," pag-aawat ng isa pang lalaki, pero nakatuon lang ang atensiyon nito sa cellphone na hawak niya.

"So-sorry po talaga sir, ku-kukuha nalang po ako ulit ng juice pasensiya na po." Nakayuko ako ngayon dahil baka magreklamo ito sa manager ko siguradong mawawalan ako ng trabaho ng di oras.

"Damn you..." mahinang mura nito at umupo ulit, nagpaalam ako sa kanila at dali-daling umalis doon. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng hindi na nito pinatawag ang manager at wala ring ibang customer, sila palang dahil pasado alas diyes na ng gabi.

"I-sang order pa po ng juice," sabi ko kay ate Margaret at pinilit na ngumiti. Tumango naman siya at hindi na rin nagtanong. 

Pagkapag ng apple juice ay kinuha ko na ito at nagtungo ulit sa table nila kahit na natatakot ay nilakasan ko nalang ang loob ko para lumapit ulit.

"E-excuse me po..." mahinang sabi ko sapat na iyon para marinig nila, double ingat na ako ngayon, nilapag ko ito at tumingin sa lalaking nasabuyan ko kanina, nagulat ako ng nakatitig na pala ito sa akin, malamig na expresyon ang mga titig niyang iyon, lumunok ako at kumurap kurap iniiwas ang tingin at tumingin sa mga kasama niya. 

"Ta-tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa po kayo." Yumuko ako ng tumango ang dalawang kasama niya, at umalis na roon.

Nagtungo ako dito sa may medyo malayo sa kanila at tumayo, sakto namang pagdating ni Lisa, kasamahan ko siya dito mas matagal na nga lang siya dito ng ilang buwan nung matanggap ako, medyo masungit siya nung una pero nasasanay na din naman na ako sa kanya.

"Marami na bang naging customer?" tanong niya sa akin, habang inaayos pa niya ang pagkakatali ng buhok niya. 

"Sila palang," sagot ko at binigyan ng atensiyon ang mga kalalakihan kanina kaya napatingin din si Lisa doon ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, kaya taka akong bumaling sa kanya na halos manlaki ang mata nito at namumula pa.

"Bakit di mo ako tinawag sa kitchen kanina?!" Impit na sabi niya sakin ng may pagtatanong na expression.

"Huh? E, kasi diba nagpupunas ka kanina doon…" pagtataka kong sagot sa kanya, sinamaaan niya ako ng tingin at sumimangot.

"Psh. Edi sana nagpalit tayo, diba?" masungit na sabi niya at lumipat sa may mas malapit sa kanila kaya sinundan ko siya ng tingin, inayos ayos pa niya ang skirt niya ng makalipat ito.

Basta gwapo talaga, iba itong si Lisa, may boyfriend na ito at tantiya ko ay matagal na sila, ako kasi kabilin bilinan ni papa noon na habang di pa ako nakakatungtong ng college ay bawal munang mag-boyfriend kahit na maraming nanliligaw sa akin ay hindi ko nalang sila binibigyan ng pansin. Sinasabi ko nalang na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Sabi nila gustuhin daw ako ng mga kalalakihan dahil maganda raw ang loob at panlabas na kaanyuan ko, maputi rin ang balat kong nakuha ko kay mommy at natural lang ang pagka-curly ng buhok ko.

"Mga sir, tubig po ba?" maarteng tanong ni Lisa kaya tumingin ako sa gawi niya, mas lumapit pa siya sa mga ito kaya napatingin na rin ako sa direksiyon ng mga lalaki. Tumingin ang isa sa kay Lisa at ngumiti kaya kulang nalang malaglag ang panty niya sa kilig.

"Yeah, water please," nakangising sabi nung isang lalaki at kumindat pa kaya mas lalong lumaki ang ngiti ni Lisa, namumula na rin ang buong mukha nito, papanhik na sana si Lisa ng…

"No... You!" Sabay angat ng tingin sa akin nung lalaking long hair na suplado, kaya nagtaka ako at tinuro pa ang sarili, tumaas ang kilay nitong nakasimangot.

"You have an obligation to get water for us, you are our server for today, right?" supladong utos niya sa matigas na Ingles habang nakatingin sa akin, kaya naman tumango-tango nalang ako.

"A-Ah, ok sir, I'm sorry po," Paghingi ko ng paumanhin, umayos siya ng upo at pinakatitigan ako na humalukipkip.

"Ilang beses ko bang maririnig iyang sorry mo? Just do your fucking job!" galit na sabi niya, bat ba ang init ng dugo niya? Puwede naman niyang sabihin ng maayos di naman kailangang sumigaw. Okay, relax Ash, wala akong karapatang magreklamo. Sabi nga nila customers are always right. Kaya tumango nalang ako at naglakad na papunta sa loob para kumuha ng tubig.

Pagkakuha ko, naglakad na ako pabalik dala na ang tray na may pitchel na may lamang tubig at mga baso, paglapit ko ay naramdaman ko si Lisa sa gilid na umirap.

"Excuse me po..." sabi ko sa kanila ng ilalapag ko na ang iinumin nila, aalis na sana ako ng magsalitang muli ang supladong lalaki.

"Fill my glass," mahinang turan niya pero madiin iyon, kaya hindi na ako nag-atubili na sumagot pa, nilagyan ko nalang ang basong nasa right side niya para magtigil na ito.

“Okay na po, sir," sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya naman kinuha ko na ulit ang tray at nagpaalam na ulit sa kanila. 

Pumasok ako sa kitchen dahil may mga kailangan na naman daw punasang mga pinggan, nandoon naman si Lisa siya nalang umasikaso sa mga iba pang customer. At tsaka yung mga lalaki kanina magbabayad nalang naman na sila ng bill kaya si Lisa na din ang bahala dahil marami pa akong pupunasan bago ako umuwi.

Pagkatapos ng duty ko ay nagpaalam na ako kay ate Margaret, pasado alas diyes na ng gabi kaya bihira nalang ang mga dumadaang tricycle dito sa may kanto di kalayuan sa Resto. Buti nalang talaga tinanggap ako ng manager sa  pinagtatrabahuan ko ngayon, sikat kasi ang resto dito sa Makati, dinarayo pa ito ng mga mayayamang customers kaya siguro patok ito, mag-isa akong naghihintay ng masasakyan pauwi dahil hindi na rin sumabay sa akin si Lisa dahil palagi itong sinusundo ng nobyo niya.

Nawala ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng may tricycle akong nakikitang papalapit, tantiya ko ay wala itong pasahero.

"Miss, san ka?" tanong ni manong, nginitian ko siya at dumeretso sa loob.

"Sa Concepcion Uno po, manong." Pagkasabi ko ay pumanhik na kami, habang buma-biyahe ay iniisip ko kung kakayanin ko ba ang makapasok sa Clarkston Academy, kung mapaninindigan ko bang mag-aral doon, sabi kasi ni papa kahit mahirap dapat doon daw ako mag aaral dahil malaking opportunity daw ang naghihintay doon kaya magsusumikap ako para doon makapagtapos.

Sa lalim ng pag-iisip ko ay di ko namalayang nasa subdivision na pala kami ng Uno kaya tinuro ko kay manong kung saan niya ako ibaba. Pagkababa ko ay iniabot ko na kay manong ang bayad at pumasok na sa loob ng bahay, pagpasok ko ay naamoy ko na agad ang masangsang na amoy ng sigarilyo at alak. 

"Hoy! Ashna! Ipaghanda mo nga kami ng pulutan! Dalian mo!" sigaw ni Tito ang bumungad sa akin, umiinom sila sa may couch kasama ang mga katrabaho niya. Halatang lasing na ang mga ito dahil malalim na din ang gabi at saka madami na ding bote ang wala ng laman.

"Si-sige po Tito, aakyat lang po ako saglit sa kwarto ko," mahinang paalam ko at yumuko dahil nagsitinginan na rin ang mga lalaking kasama ni Tito at hindi ko gusto ang klase ng titig nila.

"Ang ganda naman ng anak-anakan mo pare," rinig kong sabi nung naka-green na may balbas , iba ang dating ng pagpuri niyang iyon sa pandinig ko.

"Maganda nga wala namang silbi." tumatawang tugon naman ni Tito.

Yumuko nalang ako at papanhik na sana sa kwarto ko ng magsalita ito.

"Magluto ka muna! Dalian mo, ang dami mong arte!" sigaw niya ng ikinangisi ng mga kasama ni Tito kaya tumango nalang ako at nagmadaling umalis doon, nakakatakot sila sa totoo niyan, ngayon ko lang sila nadatnan dito dahil madalas kasing sa labas umiinom si Tito at gabi na rin kung umuwi.

Inilapag ko ang bag ko sa may upuan sa gilid at nagbukas ako ng chicharon, mani, at may naluto na rin pala ditong sisig kaya kumuha din ako roon at inilagay sa plato. Bale pinaghiwa-hiwalay ko sila ng lagayan para hindi ako pagalitan ni Tito. 

Pagkatapos kong ihanda ay kinuha ko ang isang tray sa may lagayan at doon ipinatong saka ako lumabas ng kusina at magtungo sa kinaroroonan nila, ayoko man sanang lumapit sa kanila pero wala akong choice.

"Excuse me po, ilalagay ko lang po ito,” magalang kong saad sa may gilid, tumingin naman sila sa akin at binigyan ng espasyo ang paglalapagan ko ng pulutan nila. Hindi ako umimik at minadali kong inilapag ang lahat ng nasa tray na hawak ko dahil nakakailang ang mga titig nila.

"Ang bango mo naman." Nagulat ko ng magsalita ang nasa may kaliwa ko, tatangkain na sana niyang hawakan ang braso ko ng mabilis akong lumayo, pasimple akong sumulyap sa kinaroroonan ni Tito ng wala na ito roon, kaya dali-dali akong umalis sa kinaroroonan nila narinig ko pang naghiyawan ng medyo malakas ang mga nandoon, pumasok ako sa kusina para kunin ang bag at ilagay sa lagayan ang tray saka ako lumabas. Patakbo ang ginawa kong pagpasok sa kwarto at ni-lock ang seradura ng pinto, huminga ako ng malalim. Nakakatakot sila, para silang gagawa ng hindi maganda, umiling-iling ako at iwinaksi ang mga lalaking nasa labas.

Pagod ang buong katawan ko ngayong araw, nagugutom din ako pero pipilitin ko nalang na wag isipin ang gutom. Nagpalit ako at nahiga na sa kama tsaka pumikit, panibagong pagod na naman ang kakaharapin ko bukas at sa mga susunod pang araw.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status