Share

Chapter 5

Ashna Pov

Lumipas na ang ilang buwan, at araw na ng enrollment sa collage, kahit mahirap ay sa Clarkston Academy ako mag eenroll ngayong araw, malaking tulong na sakin ang scholarship ko at ang trabaho sa resto.

Nasa Clarkston kasi ang kursong gusto ko.

Pagnu nursing ang pangarap noon pa man.

Nagbibihis na ako ngayon para makarating doon ng maaga, hindi naman tinatanong ni tito at mama kung saan ko balak magkolehiyo alam ko namang wala silang pakealam

Tanggap ko na na talagang ganun ang trato nila saakin masasanay din ako.

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin, naka black pants ako simpleng white t-shirt, white rubber shoes, tinali ko din ang buhok ko kaya ok na to hindi na ako nag abalang maglagay ng lipstick, kinuha ko na ang bag kong naglalaman ng requirements at lumabas na ng kwarto.

"Ate, kain ka na..." Sabi ni Tommy sa akin pagbaba ko ng hagdan.

Tumingin ako sa watch ko, kung kakain pa ako baka malate na ako niyan.

"Sa bayan nalang ako kakain bunso, kumain kang marami ok?" Sabi ko at ginulo ang buhok niya, bago kasi ako nagbihis kanina nagluto muna ako para sa breakfast nila, pero si Tommy lang ang narito sa hapag.

Siguro ay maagang umalis Sina mommy, o kaya naman tulog pa sila.

"Sige ate, mag-ingat ka." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako at nagpaalam na.

Nasa biyahe na ako ngayon.

Sasakay sana ako sa grab pero naalala kong kaylangan ko palang magtipid kaya pumara nalang ako ng tricycle.

Medyo malayo din ang Academy. Noon pa man ay gusto na ni papa na sa Clarkston ako mag aaral dahil mas malaking opportunity raw ang nag-aantay sakin kapag doon ako nakatapos.

Alam kong puro mayayaman ang nag aaral doon at hindi nababagay ang tulad ko, pero sisikapin ko paring makapagtapos sa Clarkston, alam kong kakayanin ko para kay Tommy.

Siya nalang ang nag-iisang naniniwala sa akin dahil wala na si papa at si mama?

Ewan ko, hindi ko na alam kung may konting pakealam pa ba siya sa amin ng kapatid ko.

Huminga ako ng malalim, kung saan-saan napupunta ang isip ko, kung maaari ay ayokong isipin na wala ng pakealam sa amin si mama, gusto kong isipin at mag-maang maangan na mahal niya kami ni Tommy.

"Ineng, nandito na tayo." Nawala ako sa pagmuni-muni nang magsalita si manong.

Tumingin ako sa labas.

Nandito na ako, gate palang napakalaki na. Pano pa kaya sa loob?

"Heto po yung bayad manong, salamat po" iniabot ko ang bayad at tsaka bumaba.

Sumalubong sa akin ang malakas na simoy ng hangin, ngumiti ako at naglakad na patungo sa gate.

Maraming mga studyante ang narito pa sa labas at hindi pa pumapasok sa loob.

Naglalakad ako ngayon sa hallway.

Wow...

Ang lawak ng campus. Nagsisilakihan din ang mga buildings, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong school. Siguro kapag nilibot ito hindi kaya ng isang araw lang grabe-

Biiipppp!!!

"Ay kalbong may buhok!" napatalon ako sa gulat ng may malakas na bumusina sa likuran ko, napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba.

Ano ka ba Ash pano kung nabangga ka!?

Dali-dali akong naglakad papunta sa gilid at tumingin kung sino ang nakasakay sa sports motorcycle, naka all black ito hindi siya huminto tuloy tuloy lang ang pagpapatakbo niya.

Grabe ang mga tao dito, tsk. Hindi man lang ba siya magsosorry? Pano kung nabangga niya ako at namatay? Pano na ang kapatid ko kapag nangyari yun? Tsk!

Magkahalong inis at kaba ang nararamdaman ko habang ipinagpatuloy ang paglalakad.

Pagkatapos ng ilang oras nakahinga na din ako ng maluwag, dahil nakakuha na ako ng assessment form para sa mga subjects ko.

Naglalakad ako ngayon sa may hagdan pababa, gutom na din kasi ako kaya naman napag desisyunan ko ng lumabas ng campus.

Liliko na sana ako ng pangatlong palapag nitong hagdan ng may marinig akong nag-uusap, hindi naman siguro ako makaka istorbo kung dadaan ako diba? Dadaan lang naman, kaya pinagpatuloy ko na ang pagbaba.

"Babe, I will do everything para bumalik ka lang sakin please..." Rinig kong umiiyak na turan ng babae, nakakahiya atang dumaan pero gutom na ako hindi nalang ako titingin.

"I'm already done with you."  Rinig ko namang sabi nung lalaki.

Malapit na ako sa kinaroroonan nila pero dapat focus ka lang sa paglalakad Ash.

Ng makababa ako sa pang-apat na palapag ay umiwas na ako ng tingin at itinuon ang atensiyon sa dinadaan.

Katahimikan.

Ng biglang...

"Oh, hi baby...Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Malambing na sabi nito.

Nagulat ako ng hilahin niya ako at akbayan. Nanlaki ang mata ko kung sino ang lalaking humila sa akin, siya yung long hair na gwapo pero suplado.

Bakit nagkita na naman kami nito?

Tumingin siya sa akin, tumaas ang kilay nito, ang lapit ng muka niya mas gwapo siya sa malapitan, ay este hindi pala...

Ano ka ba naman Ash!

Maya-maya pa ay pinandilatan ako nito ng mata at hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin, hanggang ngayon wala parin ako sa katinuan. Pero napaigik ako ng pisilin niya ng mahigpit ang braso kong hawak niya.

"Wh-at, ito ang ipinalit mo sa akin? Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae, at talagang dinuro pa ako.

"You think I'm a clown?" Pilosopong tanong ni Mr. Suplado sa babae.

Anong nangyayari?

"Binaba mo na ba ang standards mo Raul? Ang cheap ng babaeng yan!" Naiiyak na sabi ng babae, hanggang ngayon nakaduro parin ang daliri niya sa akin na parang hindi ito kumbinsido sa nakikita.

Bakit ba ako nasali sa ganitong sitwasyon? Kakatapak ko pa naman dito sa Clarkston tapos ganito kaagad ang bungad.

"Oh yes Umi, so what is it to you huh?" Naka ngising turan nito, tumingin sa akin ang babae. Nanggagalaiti ito sa galit na kahit anong oras ay sasakmal ito.

"I hate you Raul! I know naman na pagsasawaan mo rin yan! Gaya ng ginawa mo sa ibang mga babae mo!" Sigaw nito.

Pwede namang umalis na ako sa ganitong sitwasyon pero ayaw gumalaw ng buong katawan ko, hindi ko rin maibuka ang bibig ko para sabihin sanang nagkakamali lang siya.

Pero heto ako at nakamaang parin.

"Ohh, I guess you forgot that you're one of the women's na sinasabi mong napagsawaan ko na." Kunyare ay nagkamot pa ng sintido itong lalaking nasa tabi ko, at sinabayan ng pag-ngisi.

Tuluyan ng naiiyak ang babae, lumunok ako ng ilang beses. At magsasalita na sana ng...

Mabilis akong hinila ng lalaki, kaya naman napasunod ako dito, narinig ko pa ang pagsigaw ng babae pero hindi tumigil ang lalaking humihila sa akin ngayon, bagkus ay tumawa ito na para bang may nakakatawa sa nangyayari.

Hawak nito ang kamay ko, hindi ko maiwasang puriin ang lambot ng kamay niya, halatang anak mayaman kumpara sa palad ko.

Pero teka!

Inihinto ko ang mga paa ko, kaya naman pati siya ay napahinto rin.

Lumingon siya at tiningnan ang kamay naming hawak niya.

Nang bigla niya ito bitawan ng pabalang.

Parang may pandidiri sa pagbitaw niya ng kamay ko ah.

"Ho-i Mister! Anong eksena yon? Huh? At tsaka makapang hila ka wagas ah..."

Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Oh I forgot, may nahila pala akong garbage?" Natatawang turan niya saka ako tiningnan.

Hindi ko lam kung patanong ba yun o talagang iniinsulto lang niya ako.

"Ikaw itong nanghihila sa ganong sitwasyon tapos makapang insulto ka naman wagas." Pigil emosyon kong sabi sa kanya.

"Oh I knew it! How much?" Nakangising tanong niya.

How much? Anong sinasabi niya?

"Anong sinasabi mo?" lakas loob kong tanong sa kanya ng hindi nauutal.

"Magkano? For your cooperation earlier, stupid. Wag mong sayangin ang oras ko, just name it." Ngayon ay aburido na siya. Dinukot nito ang wallet sa bulsa.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ako nagpapabayad, ang gusto ko lang malaman. Ba-kit mo ginawa yun?" Tumayo siya ng maayos at ibinalik ang wallet sa bulsa niya, tinitigan niya ako na para bang nababagot siya.

"It's none of your fucking busines." Nakataas ang kaliwang kilay nitong turan.

Hindi naman yata tama na paglaruan lang niya iyong babae ng ganun ganun nalang.

"Bakit kayong mga lalaki ang hilig niyong saktan ang damdamin ng mga babae, ikinalalaki niyo ba yan?" Matapang kong aniya, kahit na kinakabahan dahil ang seryoso na niya ay nasabi ko ng buo ang gusto kong sabihin.

Inayos nito ang nagulong buhok at lumapit sa akin.

"Why are you fucking care huh?" Inilapit nito ang muka sa muka ko, kaya naman sa kaba ay umatras ako para makalayo ng konti sa kanya.

"An-g sinasabi ko lang naman mister e hindi laruan ang mga babae..." mahinang sabi ko sapat na iyon para marinig niya.

Tumawa ito na akala mo nakakatuwa ang sinabi ko, lumabas din ang dimples nito.

Kumurap-kurap ako, wag mo siyang pupuriin Ash!

"Is that it? Say what you want to say then, but all of you is a shits of trash." Humakbang pa ito papalapit sa akin tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tumingin ulit sa mga mata ko.

Maya-maya pa ay inilagay nito ang hintuturo sa noo ko at sabay sabing...

"I repeat, a shits of trash." sabay tulak sa noo ko.

Napakagat labi ako dahil nasaktan ako sa sinabi niya pinipigilan ko ang luhang gustong kumawala galing sa mga mata ko.

Lumayo ito at sabay talikod.

Ang sama niya! Bakla siguro siya kaya siya ganyan, sira ulo siya. Nakakainis!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status