Share

Chapter 3

Callie’s POV

            DNA. DNA daw. Eh, kung dinadagukan ko siya? Panay ang sipa ko sa maliliit na batong nadadaanan ko habang pauwi sa maliit na apartment na tinitirhan namin ng kambal kong si Hailey. Inis na inis talaga ako sa Carter the carpenter na iyon! Apakahambog! Apakayabang! Apakapogi…

            Yaks! Ano ba naman iyong huling naisip ko? Hindi totoo iyon. Pero siyempre totoo talaga iyon. Gwapo nga siya. Chinito ang loko. Matangos ang ilong. Makinis na makinis din ang mukha. Walang open pores. Matangkad din ito…parang close to perfect. Brrr. Hindi ko dapat siya pinupuri.

            "Cal, ba’t ngayon ka lang? OT?" salubong sa akin ni Hailey nang makapasok ako sa loob ng apartment.

            "Ah, eh…oo. Daming plano, eh. Sumakit nga mata ko kakacomputer," sagot ko at nagtanggal na ng sapatos at iniwan iyon sa labas ng pintuan.

            Isa akong encoder sa isang house and research development. Nakaabot naman ako ng third year college kaya natanggap ako. Kahit hindi ko gusto ang magdisenyo ng bahay gamit ang isang APP, pinilit ko na lang dahil kailangan ko ng trabaho, wala naman kaming ibang source of income, eh.

            "Pahinga ka na, nagluto akong ginisang sardinas saka nilagang itlog. Kakain na tayo mamaya," sabi pa nito habang may kinakaing bayabas.

            "Saan ka bumili niyang bayabas?" usisa ko.

            "Hiningi ko lang diyan kay Aling Lita, ang laki ng puno nila, eh. Buti binigyan ako, kanina pa ko nangangasim."

            Malungkot akong napangiti saka naupo sa maliit naming sofa na yari sa yantok. Tumabi naman siya sa akin, bitbit ang mga bayabas.

            "Naglilihi ka na siguro," komento ko.

            "Siguro nga, parang tumindi na nung nasabi ko na sa’yo ‘yong condition ko. Papansin na ‘tong magiging anak ko kasi hindi ko na siya itinatago."

"Huwag ka ring masiyadong magpagod, mag-aaral ka pa mamaya. Malapit na finals niyo di ba? Baka bukas pag nakuha ko na sweldo ko, pwede mo ng bayaran tuition mo."

Fourth year college na ito. Isang sem na lang graduate na. Napansin kong natigil ito sa pagkain ng bayabas at bumakas ang lungkot sa mga mata.

"S-Sorry ha…nagpapagod ka sa trabaho tapos gumawa pa ako ng kapalpakan."

"Loka, napag-usapan na natin ‘yan. Wag mo ng problemahin. Kaya natin ‘to."

"Naisip ko tumigil na lang ako pagkatapos ng sem na ‘to, para mas makatipid tayo."

"Hailey, hindi. Isang sem na lang di ba? Tapos ka na," tutol ko.

"M-Makakapaghintay naman ‘yon, eh. Eh, itong tiyan ko, 6 months na lang lalabas na. Hindi pwedeng ikaw lang kakayod, kung papasok pa ko, ang daming gastos, tuition, baon, pamasahe…ang tanga-tanga ko talaga," maiiyak na namang sabi nito.

Bumigat ulit ang dibdib ko. Tama naman siya, eh. Hindi na biro itong sitwasiyon namin. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko kay Carpenter. Although…consensual naman ang namagitan sa kanila at walang pilitang nangyari, hindi ko pa rin maiwasang magngitngit.

Tinapik-tapik ko sa balikat ang kambal ko.

"Trial lang ‘to. Huwag ka ng masiyadong mag-isip. Nandiyan na ‘yan. Ang importante hindi ka nag-iisa. Nandito ko. Walang iwanan."

"S-Salamat talaga kambal. Laham kita." sabi niya at niyakap pa ko. Laham, binaliktad ng mahal.

"Iyakin ka talaga. Laham din kita. Basta walang iwanan. O sige na magpapalit na ko ng damit, para makakain na tayo."

"Sige, maghahain na ko," nakangiti ng sabi nito at nagtungo nasa kusina.

Pumasok na rin ako sa silid namin para magpalit. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at nagsuklay ng kaunti. Napatitig ako sa salamin. Iisa ang mukha namin ni Hailey. Kaya siguro hindi na nakahalata ang lokong carpenter na iyon na hindi naman talaga ako si Hailey nang kausapin ko siya kanina.

Hindi ko namang intensiyong magpanggap na si Hailey. Ang kaso wala namang lakas ng loob itong si Hailey para kumprontahin ang lalaking iyon tungkol sa kalagayan niya, kaya naisip kong ako na lang ang kukumpronta. Kahit pa sabihing labas ako sa namagitan nila, hindi maikakailang ako ang puno’t-dulo. Hindi gagawin ni Hailey iyon kung hindi dahil sa akin. Kaya gagawa ako ng paraan para mapagaan ang sitwasiyon namin.

Pero naisip ko rin wala naman akong pakialam kay Carter kaya hindi na ako nag-abalang magpakilala kanina kung sino ba talaga ko. Hinayaan ko na lang na isipin niyang ako si Hailey. At kung kinakailangang kulitin ko siya araw-araw para matanggap niya ang anak nila Hailey gagawin ko.

"Tara kain na tayo," nakangiting yakag sa akin ni Hailey nang magtungo ako sa kusina.

Sa maliit na apartment na iyon magkasama na ang dining nila at kusina.

"Hmmm, ang sarap talaga ng ginisang sardinas at nilagang itlog." bulalas ko at nagsunod-sunod ang subo. Ginutom talaga ako kakaconvince sa Carter na iyon.

"Callie, napag-isip isip ko na habang tigil ako sa pag-aaral magtatrabaho muna ko," sabi ng kambal ko kaya napatigil ako sa pagkain.

"Ano’ng trabaho? Bawal ka ngang magpagod di ba?" tutol ko kaagad. Mahina ang puso niya, kaya nga nang mamatay ang mga magulang namin sanhi ng isang aksidente ako ang nagsakripisyong tumigil.

"Wala namang pinagkaiba iyon sa pag-aaral ko, eh. Sige na para hindi ko naman inaaasa lahat sa’yo."

"At kung sakali? Ano namang trabaho ang papasukan mo?"

"Sewer. Si Tiyang Melba tinanong ko kagabi sa chat, may bakante raw. Di ba malaki iyong patahian niya?"

"Ha? Eh, sa Cavite ‘yon, ah? Saka diba masungit ‘yon? Hindi naman tayo close sa kanya, eh."

"Masungit lang ‘yon pero hindi naman siya galit sa atin, ah? Hindi lang kasi natin siya nakasama noong maliliit pa tayo. Pero di ba noong namatay naman sina Nanay, pumunta sila dito at nakiramay?"

"Ibig mong sabihin, luluwas ka pa ng Cavite para lang sa trabaho na ‘yan? Ay naku dito ka na lang. Magpalakas ka, para makapanganak ka ng maayos. Iiwan mo pa ko?"

"Callie naman…sige na. Isa pa, hindi naman mabigat na trabaho iyon. Tsaka tiyahin natin ‘yon kaya nga sa kanya ako magtatrabaho para mapanatag ka. Mag-iipon lang ako tapos babalik din ako dito. Isipin mo kapag nakapanganak ako, mas magastos. Gatas, diaper, check up. Gamot ko pa, upa sa bahay, pangkain araw-araw. Hindi mo kakayanin…"

"Magdodouble time ako. Magdidecember na, doble ang mga planong darating, maraming overtime," katwiran ko pa. Ayoko talagang magkahiwalay kami, dadalawa na nga lang kami, eh, tapos magkakalayo pa?

Mas nagngitngit tuloy ako kay Carpenter. Dahil sa kanya nakakaisip ng mga ganoong bagay si Hailey.

"Callie, payagan mo na ko. Gusto ko naman kahit paano, maramdaman kong may silbi ako. Na kaya ko ring tumayo sa sariling mga paa ko. Paano ako magiging nanay kung hindi ko alam at nararanasan ang salitang sakripisyo?"

Natigilan ako. May bumikig na kung ano sa lalamunan ko. Kumurap-kurap ako para pigilan ang luha ko.

"K-Kailangan ba talaga?"

"Saglit lang naman, eh. Sige na. Baka mamaya niyan mag-end na lang ang buhay ko ng hindi ko pa nararanasan kung paano maging independent…"

"Hoy! Ano’ng mag-end ang life? Kilabutan ka! 'Wag ka ngang magsasalita ng ganyan," saway ko at napakatok sa lamesang kahoy ng tatlong beses.

"Eh, wala namang permanente dito sa mundo di ba? Di natin alam kung ano’ng pwedeng mangyari bukas. Kaya habang may panahon pa ako, gagawin ko na ‘yong mga bagay na magbibigay kahulugan sa buhay ko."

Napahimas ako sa batok dahil kinikilabutan talaga ako sa sinasabi niya. Parang…tunog namamaalam itong kambal ko.

"Hailey, tama na ‘tong usapan na ‘to."

"Ah, payag ka na?"

"Pag-iisipan ko pa. Kumain ka na."

"Pumayag ka na. Saka hindi naman habang buhay nakasandal ako sa’yo. Paano kapag nag-asawa ka na?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Wala sa isip ko ‘yan. Magpapayaman muna ako bago na ‘yang love love na ‘yan. Saka ayoko nga."

"Bakit naman ayaw mo?"

"Ayokong mainlove. Nakakatanga ‘yon."

"Grabe ka naman. Ay ate wait lang, may ipapakita ako sa’yo. Diyan ka lang." parang excited na sabi nito at nagtungo sa sala. Hinintay ko itong makabalik.

May iniabot siya sa aking papel.

"Nagpaultrasound ka?" maang na tanong ko nang makita kung ano’ng klaseng papel ang iniabot niya.

"Oo! Hulaan mo kung ano’ng gender niya?"

"Sira! Malay ko diyan. Ang dilim-dilim ng papel na ‘yan. Eh, di gumastos ka pa?"

"Konti lang naman. May naitabi ako. Excited lang talaga akong malaman."

"O ano’ng gender niya?" naexcite ko na ring tanong.

"Baby boy!"

"O wow! At least paglaki niya may bodyguard tayo. Pero…wala ka ba talagang balak ipaalam ‘yan doon sa damuhong nakadisgrasiya sa’yo?" nanunubok na tanong ko.

Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha niya.

"H-Hindi na lang siguro. Baka itanggi lang niya, eh."

Natahimik ako. Tama si Hailey. Kanina nga noong puntahan ko si Carter, kantatanggi siya, eh. Pero hindi ako papayag. Kailangan niyang panindigan si Hailey. O kahit iyong bata man lang.

~*~*~*~*~

            "Oy…" bati ko kay Carter na akmang pasakay nasa magara niyang kotse. Pinuntahan ko siya ulit.

            "Kabayo!" napatalon ito sa gulat.

            Pinigil kong matawa. Sa halip ay pinamewangan siya at nakachin up na hinarap siya. Here I am nagpapanggap na naman akong si Hailey.

"Nerbiyoso ka pala?" komento ko.

"Ikaw na naman? Saka paanong hindi ako magugulat sa’yo? Sumusulpot ka na lang bigla."

"Takot na takot ka talaga sa akin ‘no?"

"Hindi ba may usapan na tayo? Hangga’t walang DNA wala akong pananagutan sa’yo? Aaraw-arawin mo bang puntahan ako dito?"

"Lupit mo naman tsong. Alam mo siguro nga, nagsimula tayo sa bayaran pero hindi naman nangangahulugan na wala ka ng pananagutan. Hindi kasama sa bayad mo na maging Mommy ako ng baby mo DC."

"DC? Detachment commander?" maang na tanong niya.

"DC as in Daddy Carpenter."

"It’s Carter." pagtatama na naman niya.

"Nye, Nye, Nye! O! Kunin mo ‘to." abot ko sa kanya ng isang nakatiklop na papel.

"Ano ‘to?"

"Buksan mo ng malaman mo."

Kunot noong sinunod niya ako.

"U-Ultarsound?"

"U-UU." panggagaya ko sa tono niya kaya napa`tsk` ito.

"Seryoso ba ‘to?"

"Oo naman! More than three months na tiyan ko. Kaya nalaman ko na ang gender. Baby boy…" napangiti ng sabi ko.

  Napansin kong natigilan siya at tahimik na pinagmasdan ang ultrasound. Marahil hindi man niya aminin, naramdaman niya ang lukso ng dugo kahit na nga sa papel palang niya nakikita ang anak niya.

"Bakit mo ipinapakita sa’kin ‘to? Nangongonsensiya ka ba?" paratang niya kaya napabuga ako ng hangin.

"Hindi. Saka ang tanong, meron ka ba no’n? Pero char lang. Di kita kinukonsensiya. Inaupdate lang kita kasi nga ikaw ang Daddy ng baby. Gets mo na DC? O sige na, kung ayaw mo pa rin maniwala, akin na ‘yan. Alis na ko." paalam ko at akmang hahablutin ang ultrasound paper pero iniiwas niya sa akin iyon.

"Sa akin na lang muna ‘to." seryosong sabi niya at muling tiniklop iyon saka ibinulsa.

Pinigilan kong mapangiti. Mukhang lumalambot na ang karpintero. Konting halibas na lang lalambot din 'to.

"Fine. Ge, alis na ko."

"Saglit lang." pigil nito kaya napalingon ako.

"O?"

"Number mo?"

"Ha?"

"Number mo. Para may contact ako sa’yo."

"Textmates?"

"Hindi ka ba magtitino? Sige na ibigay mo na."

"Oo na. Ito na," sabi ko at idinikta na ang number ko.

"Hailey di ba?" tanong pa niya nang ilalagay na ang pangalan ko sa contacts niya sa cellphone niya.

"Ah…o-oo. Hailey. Hailey Calingasan." napapalunok na sabi ko.

"Okay…"

"Iyon lang ba? Sige alis na ko. Matatraffic ako pauwi, eh."

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." alok nito.

Sudden change of mood ang loko, ah.

"Ah, eh, wag na! Malayo, eh. Bye DC!" paalam ko at nagmamadaling umalis.

Sa ngayon hindi niya muna pwedeng malaman kung saan ako nakatira hanggat hindi siya pumapayag na panagutan ang bata. Isa pa walang alam si Hailey sa ginagawa ko. Kapag sigurado na kong pananagutan niya ang dinadala ni Hailey, saka ko sila paghaharapin…

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
Tama ka jan calle
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status