Share

Chapter 5

Callie’s POV   

"Shortness of breath. Feeling faint, chest pain. Mukhang hindi nagiging maganda ang lagay mo Miss Calingasan.  Tatapatin ko na kayo, there is a high risk of death during pregnancy and child birth for your condition. If you are decided na ituloy ang pagbubuntis mo, I’ll be honest with you, there’s only 50 percent chance that you can survive," seryosong sabi ng doktorang tumitingin kay Hailey.

            Parang kulog sa pandinig ko ang sinabi ng doctor. Nilukob ng kilabot ang buong katawan ko. Halos tulala naman si Hailey at hindi makapagsalita.

            "Doc…sinasabi niyo po ba na possible na iterminate ang pregnancy para mabuhay ang kapatid ko?" nakuha kong itanong matapos makabawi sa pagkabigla. Napabuntong-hininga naman ang doktora.

            "Sa totoo lang I don’t agree with abortion unless there are very extreme circumstances, tulad nga nitong sa kakambal mo. Kaya lang imposible ‘yan dito sa batas ng Pilipinas. Abortion is illegal under all cirmcumstances..."

            "S-Sinasabi niyo po ba na wala talaga kaming choice kundi maghintay ng 9 months para mailabas ang bata kahit nasa hukay ang isang ng kapatid ko?" kulang na lang ay manginig na tanong ko.

            "I’m sorry all we can do is hope for the best na makayanan niya ang panganganak."

            Napakagat labi ako para pigilan ang mapahikbi. May posibilidad na mawala sa akin si Hailey. Gusto kong magwala. Bakit naman ganito? Halos wala kaming kibuan ni Hailey nang matapos ang consultation. Marahil mabigat din ang kalooban niya dahil sa gipit na sitwasiyon namin. Naupo kami sa isang bench sa labas ng ospital na iyon. Nakatulala kami pareho sa malakahel na kalangitan. Kakatapos lang umulan.

            "Hailey, gusto mo bang humanap ako ng…underground doctor?" basag ko sa katahimikan saka tumingin sa kanya.

            "A-Ano’ng ibig mong sabihin?" parang ayaw niyang tanggapin ang sinabi ko.

            "Alam mo ang magiging kumplikasiyon kapag isinilang mo ang bata…"

            "S-Sinasabi mo bang patayin ko ang batang ‘to? Ang anak ko. Na pamangkin mo! Naririnig mo ba ang sarili mo Callie? Kasalanan din sa Diyos ang gusto mong ipagawa sa akin." tumaas ang boses na tanong niya.

            Napayuko ako at nangilid ang luha. Ang sama ko. Pamangkin ko pinagbabalakan ko ng masama?

            "S-Sorry natatakot lang ako sa magiging kahihinatnan mo. Paano kung hindi mo kayanin? P-Paano na ko?"

            Natigilan siya at nangilid na rin ang luha. Suminghot siya para pigilan ang pag-iyak. Nagsisikip ang dibdib ko sa sitwasiyon namin ngayon.

            "N-Natatakot rin ako Callie. Sino bang hindi? Parang kabuntot ko lang si kamatayan. Pero di ba sabi naman ni Doc may 50 percent chance pa rin naman na makasurvive ako? Susugalan ko ‘yon. Ayokong ipatanggal ang baby ko. Ayokong dumating ang araw na palagi kong tatanungin ko ang sarili ko kung ano kayang itsura niya kung hinayaan ko siyang mabuhay? Ano kayang feeling ng maging Mommy? Dugo’t laman natin siya Callie. Pamilya."

            "Pero paano kung hindi mo kayanin? Maiiwan akong mag-isa. Ayokong mawala ka!"

            "Sisikapin kong hindi mangyari ‘yon. Sa ngayon mas kailangan ko ang suporta at pang-unawa mo. Bubuhayin ko siya."

            Ako naman ang napasinghot at marahas na pinunasan ng braso ang luhang umalpas sa mga mata ko. Wala pa man at isipin ko palang ang posibleng malagim na kapalaran ng kakambal ko parang mababaliw ako.

            "Kung marami lang akong pera, eh…" himutok ko.

            "Eh, kaso hindi. Ganito talaga ang buhay, eh. Unfair. Hindi siya makikiayon sa’tin. Tayo ang mag-aadjust. At ito ang pinipili kong kapalaran Callie."

            "B-Basta ipangako mong mabubuhay ka…kayanin mo," sabi ko at hinawakan pa ang kamay niya.

            Bahagyang sumilay ang ngumiti sa mga labi niya.

            "Kakayanin ko para sa inyo ng anak ko. Maniwala ka," tugon niya at pinunasan pa ang luha ko.

            "Ang ganda ng rainbow," turo ko sa bahaghari na gumuguhit sa kalangitan.

            "Natatandaan mo noong mga bata pa tayo, kapag sumusulpot ang rainbow tuwang-tuwa ka. Sabi mo pa nga hope ang ibig sabihin niyan."

            Napangiti na ako sa sinabi niya.

            "Oo, pag-asa na maging masaya. Kasi makakapaglaro na ulit tayo sa labas. Hinihintay nating matapos ang malakas na ulan tapos kapag sumulpot na ang rainbow, nag-uunahan na tayong makalabas ng bahay at magiging masaya na tayo…"

            "Siguro sign na rin ‘to."

            "Sign na ano?" maang na tanong ko.

            "Sign na may pag-asa pa tayo. May pag-asa pa ko. Nandiyan ang rainbow, oh. Maniwala na lang tayo sa kanya."

            "Aasa talaga tayo sa bahaghari? Hindi na tayo bata ‘no."

            "Oo nga pero wala namang masama, ah. Basta ako naniniwala na hindi ako pababayaan ni God. Anumang mangyari, bahala na siya sa akin. Lahat naman may dahilan, eh."

            Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ng kambal ko.

            "Kung pwede lang ako na magbuntis para sa’yo, eh," sabi ko na ikinatawa niya.

            "Hindi na kailangan kasi kakayanin ko. Saka ano ka ba? Susunod ka ba sa yapak ni Virgin Mary?" biro pa niya kaya bahagya na akong napangiti.

            "Sorry…" sa halip ay paumanhin ko.

            "Sorry sa?"

            "Ang tanga kasi ng idea ko kanina. Nagresort ako sa abortion."

            "Okay lang. Gets kita. Ayaw mo lang ako mawala," nakangiting aniya at tinapik-tapik pa ang balikat ko.

            "Talaga! Bawal mamatay, ah?"

            "Oo. Promise mabubuhay ako," iniangat pa nito ang kanang kamay.

            Nagyakap kami, naputol lang nang tumunog ang cellphone ko

            "Saglit lang," paalam ko at inilagay pa ang hintuturo sa labi ko.

            DC calling…

            Iyon ang nakita ko sa LCD ng screen ng phone ko. Dagli ko iyong sinagot.

            "Hello?" bungad niya.

            "O?" maiksing tugon ko.

            "Where are you? I’m already on my way…"

            Ngayon nga pala ‘yong schedule na magpapatest sila ni Hailey. Tapos di ko pa nasasabi sa kakambal ko.

            "Hey? Are you there?" untag niya.

            "Oo! Papunta na rin." halos angil ko dahil bigla akong natense.

            "Sungit mo, ah? Naglilihi ka pa rin ba?" tatawa-tawang tanong nito mula sa kabilang linya.

            "Lihi mo mukha mo."

            "May gusto kang ipadala sa’kin?"

            "Ano’ng ipapadala?"

            "Baka lang kako may gusto kang kainin para madala ko, may madadaanan akong convenience store."

            Natigilan ako sa sinabi niya. Medyo thoughtful pala itong si Carpenter. Napatingin ako kay Hailey. Nakatingin siya sa akin habang nilalantakan niya iyong eden cheese na nasa kahon. Binaon talaga niya. Iyon na yata ang kinahumalingan niya magmula nang mabuntis.

            "Kung seryoso ka, dala kang keso. Tati. Babu!" paalam ko at pinatay na ang tawag.

            "Sino ‘yon?" maang na tanong ni Hailey habang pinapapak ang keso.

            "Si DC."

            "Dodong Charing?"

            "Yup. O sige umayos ka ng upo. Make up-an kita ng konti. Imimeet natin si DC." ngiting-ngiting sabi ko at inilabas ang press powder ko sa bag at ang aking pinky lipstick.

            "Bakit aayusan mo pa ko? Bading naman ‘yon, ah? Tatalbugan ba natin siya sa beauty?" maang na tanong niya habang nilalapatan ko ng lipstick ang labi niya.

            "Oily ka na ghorl. Basta. Trust me. Matutuwa ka kay DC." umaangat-baba ang kilay na sabi ko.

            "Bigla akong nacurious kay Dodong Charing na ‘yan."

            "Mamaya hindi ka na makucurious. Tara na!" hatak ko sa kanya patayo.

            Sumakay kami ng jeep papunta sa meeting place namin ni Carter.

            "Teka bakit nasa DNA center tayo?" maang na tanong ni Hailey nang makarating kami doon.

            "Basta. Teka tago!" hinila ko siya sa isang sulok malapit sa gate.

            Nakita ko na kasi ang kotse ni Carter na papasok.

            "Hoy ang weird mo na. Ano ba kasing meron??" nakakunot noo na si Hailey.

            "Tingnan mo kung sino ang bababa sa kotse." nguso ko sa kotse ni Carter. Eksakto pababa na ang loko.

            Kitang-kita kong halos malaglag ang panga ng kakambal ko. Pumitik ako sa harap niya ng dalawang beses dahil natulala siya.

            "Callie, bakit nandito siya? B-Bakit nandito tayo?" banaag sa mukha niya ang pagkalito.

            "Patutunayan mo sa kanya na siya at wala ng iba pa ang Daddy ng baby mo. Magpapatest ka at siya kaya nandito tayo ngayon. Pero hindi na ako haharap sa kanya. Kayong dalawa lang."

            "Pero paano’ng nangyari ‘yon? Di ba sabi ko hindi na niya kailangang malaman?"

            "Ugok. Hindi naman pwede ‘yon. Siya ang tatay, eh. Saka mukhang willing naman siya, eh. Kaya nga humihingi siya ng paternity test para kung sakaling totoo pananagutan ka raw niya. Saka ko na ipapaliwanag kung paano ko siya nahagilap at nakumbinsi. Basta harapin mo siya."

            "Ibig sabihin siya ‘yong kausap mo? Si DC? Dodong Charing?"

            Natawa ako at tumango.

            "Oo. Ang totoo niyan Daddy Carpenter talaga meaning ng DC. Basta Hailey chill ka lang. Baka mamaya sa kanya ka pa atakihin." biro ko habang inayos pa ang buhok niyang sinalipadpad ng hangin kanina sa jeep.

            "K-Kinakabahan ako." halata nga ang pagkatense niya.

            "Sshhh. Relax ka nga lang-" naputol ako nang tumunog ang cellphone ko. Iniangat ko ang cellphone ko at iniharap sa kanya. Iniloud speaker ko pa iyon para marinig ni Hailey.

            "Hello?" bungad ni Carter.

            "O?"

            "Puro ka na lang O, tipid mo sa hello. Dito na ko, saan ka na?"

            "Kita na kita, wait lang." pinatay ko na ang tawag at muling hinarap si Hailey.

            Bahagya ko pang iniikot si Hailey papunta sa direksiyon ni Carter.    

"Go!" ngiting-ngiting bahagyang tulak ko kay Hailey papunta kay Carter.

Humakbang siya pero nakakailang steps palang si Hailey nang pumihit siya pabalik sa akin.

"O bakit? Sige na puntahan-" naputol ako nang bigla niya akong yakapin.

"Thank you kambal! The best ka talaga! Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Thank you! Thank you! Promise babawi ako sa’yo."

Natawa ko at tinapik-tapik siya sa likuran.

"Huwag ka ng magdrama. Saka na ang bawi-bawi na ‘yan. Basta be happy and I’ll be more than happy! Alam kong masaya ka ngayon kasi makakasama mo na ulit daddy ng baby mo. At masayang-masaya ako para sa’yo. Kaya go ka na. Baka mainip pa yan at magbago ang isip. Sayang pagigign tulay ko. Text text na lang tayo kapag pauwi ka na."

Kumalas siya sa akin at tama ang hinala ko. Umiyak na naman siya. Mabilis kong pinunasan ang luha niya.

"Sige na. Bilis!" naiexcite na sabi ko kaya lumakad na siya.

Nakangiting kumaway siya kaya nagthumbs up ako.

"Goodluck!" ngiting-ngiting sabi ko habang nakatanaw sa kanya palapit kay Carpenter.

            To be continued…       

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
kawawa naman c heily
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang galing mo callie laban lng hailey kaya nyo yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status