Share

Chapter 7

Callie's POV

Palinga-linga ako sa glass window ng Mcdonalds na tinatambayan ko. Ilang saglit pa nakita ko na si Hailey na papasok, kaya kumaway na ko para makita niya kung saan ako nakapwesto.

Nasa mall din ako kung saan sila 'nagdate' ni Carter after nilang magpakuha ng sample for DNA.

"O ano kamusta?" excited na tanong ko at binuksan na ang kanin ng chicken fillet na inorder ko.

Ginutom ako kakaikot sa mall, kakaantay sa kanila.

"Okay naman," matamlay na sagot niya pagkaupo, kaya napakunot noo ko.

"Ano'ng okay naman? Para kang nalugi diyan, di ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ni Carpenter? Di ka ba pinakain ng mokong na 'yon? O eto, kumain ka. Tapos uwi na tayo," iniusog ko ang isang tray na may chicken fillet na inorder ko talaga para sa kanya.

"Wag na take out na lang natin 'yan, kumain na kami ni Carter. Masarap nga 'yong carbonara at kani salad na kinain ko."

"O 'yon naman pala, kumain kayo, eh, bakit nga ganyan ka? Hindi masarap kinain niyo? The best pa rin 'tong fillet na may unli gravy, yum!" usisa ko pa rin at nagsimula ng kumain.

"Kasi...may girlfriend yata siya, eh."

Napamulagat ako sa sinabi niya. Nginuya ko muna ang kinakain ko. Nahirapan pa nga akong lunukin dahil halos ga-ulo ng pusa ang laki ng isinubo ko.

"Aba'y ugok pala 'yon, ah? Cheater na Carpenter! Asan na 'yon? Turo mo sa'kin, sisikmuraan ko lang ng isa!" gigil na sabi ko.

"Callie, ano ka ba? Kapag ginawa mo 'yan mas lalo lang siyang malilito."

"Malilito? Sa'n?" takang tanong ko at isinasawsaw ang fries na order ko sa ketchup.

"Eh, kasi kanina parang naninibago siya sa'kin. Parang di pa nga raw siya makapaniwala na sinaktan ko siya dati. Ginawa mo ba 'yon? Sinuntok mo siya?"

Napalabi ako at alanganing napangiti.

"Nakakaasar siya, eh. Parang ang baba ng tingin niya sa'yo. Ayaw niya talagang maniwala na sa kanya ang bata kasi nga trabaho mo naman daw 'yon, paano raw kung may iba pang sumunod sa kanya?" paliwanag ko.

"S-Sinabi niya 'yon?"

"Oo! Kaya nga deserve niyang masuntok sa nguso dahil nakakainsulto siya! Di niya alam na ginawa mo lang 'yon dahil iniligtas mo ko."

"Kaya pala nagsorry din siya kanina dahil nahusgahan nga raw niya ko nung una."

"Eh, kasi natauhan. Papagain ko ba naman ang nguso niyang matabil. Hahaha!" napatawa ng bulalas ko.

Naalala ko kasi ang mukha ni Carter na gulat na gulat nang sinapak ko siya.

"Ui Callie, sobra ka. Kung ako, hindi ko kayang gawin 'yon," naiiling na komento niya.

"Siyempre, mabait ka. Hindi mo talaga kaya," nangingising sagot ko.

"Iyon pa pala. Mukhang matalas ang pakiramdam ni Carter."

"Paano'ng matalas?"

"Ilang beses na ba kayong nagmeet ni Carter?" sa halip ay tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko.

"Twice."

"Loko ka Cal, nagpanggap ka palang ako?" naiiling na sabi niya.

"Eh, kasi nga ayaw mong sabihin sa akin kung sino umaswang sa'yo. Kaya nagdecide ako na hanapin siya. Nang mahanap ko, kinulit ko na panagutan dinadala mo, pero di ko naman intention magpanggap talaga, siya yung unang nag-assume na ako, ikaw. So pinanindigan ko na. Isa pa wala naman talaga akong interest makilala ang Carpenter na 'yan kung hindi lang dahil sa'yo, kaya hindi na rin ako nag-abalang magpakilala. Pero nagbunga naman, eh. Lumambot ang puso niya nang ipakita ko ang ultrasound mo. Tingin ko malaking factor 'yon kung bakit napapayag siyang magpapaternal test. High five naman diyan," ngiting-ngiting sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay.

Natawa na ito at umappear na din.

"So ano nga 'yong sinasabi mo na matalas ang pakiramdam ni DC?" tanong ko pa.

"Ayun na nga, kahit twice palang kayong nagmeet parang napansin na kaagad niya na malaki ang differences natin. Kaya hindi ko na rin sinabing kambal tayo, baka mamaya isipin niya pinaglalaruan natin siya."

"Paano mo nasabing nahalata niya ang pagkakaiba nating dalawa?" curious na tanong ko.

"Eh, kasi parang hindi siya makapaniwalang sinuntok ko raw siya sa kilos ko ngayon. Saka alam mo parang mas kumportable siya sa'yo kaysa sa'kin..." parang lumungkot ang boses na sabi nito kaya bahagya ko siyang pinitik sa ilong.

"Hailey naman, hindi kami magkakilala. Paano mo nasabi 'yan?"

"Eh, kasi nung una binibiro pa niya ko. Alam mo 'yon? Parang at ease siya. Tapos parang may joke siya na hindi ko kaagad  nagets kaya nung pahuli ramdam kong parang nahihiya na siyang kausapin ako. Parang nanibago siyang ewan sa'kin. Naging close na ba kayo agad kahit twice palang kayong nagmeet?"

Natawa ko at sinundot siya sa pisngi.

"Uyyy..." tukso ko.

"Ano'ng uyyy ka diyan?"

"Nagsiselos ka 'no?"

"Hindi, ah!"

"Sus! Ramdam ko, Hailey. Pero eto, ah, lilinawin ko sa'yo. Wala akong interest kay Carpenter. Ginawa ko lang lahat ng 'yon para sa'yo at sa pamangkin ko. Nothing more. Nothing less. Future bayaw ko kaya 'yang si DC."

"Bayaw ka diyan," saway niya pero bigla namang namula ang magkabilang pisngi.

"Yieee! Nagbablush. Gusto mo 'yong idea ko 'no?"

"Heh! Tama na. Pero teka, paano ka ba makitungo kay Carter? Bakit parang hindi kayo nagkakahiyaan? Di tulad namin kanina, parang ang awkward lang."

"Wala. Natural lang. Di naman ako naiilang sa kanya. In the first place bakit ako maiilang sa kanya? Casual ko lang siya tratuhin. Parang wala lang. Saka kapag nagbibiro siya sinasakyan ko lang din o kaya binabara ko. Kaya siguro iniisip niya na okay lang biruin ka. Saka alam mo, baka naman hindi talaga awkward. Ikaw lang ang awkward kasi nga may something ka sa kanya."

"Something? Wala, ah!" kaila niya pa at nakikain na rin sa french fries ko kaya alam kong denial to.

"Bakit wala ka ba talagang something sa kanya? Kaya ka nga nahihiya sa kanya, eh. Saka sa una palang walang mangyayari sa inyong something kung wala ka talagang something sa kanya," natatawang pabulong na sabi ko kaya lalo siyang nagblush.

Mayamaya lang ay napabuntong-hininga siya.

"Ang totoo, gusto ko talaga siya. Ang gwapo kaya niya. Unang kita ko palang sa kanya nung gabing 'yon, pumintig na ng malakas ang puso ko. Akala ko nga inaatake langako pero hindi pala. Kaya tama ka, may something nga talaga siguro ako sa kanya."

"Kitams? Inamin mo rin. Okay lang 'yan. Saka wala kang dapat ipag-alala. Support ako sa inyo ni Carpenter. Kumbaga sa story ako ang supporting cast at proxy mo lang. Kayo ang bida. At kapag may kontrabida, ako ang bubura," umaangat-baba ang kilay na sabi ko.

"Talaga? Salamat, ah."

"Oo naman. Ikaw pa ba? O teka ano ba 'yang dala mo?" usisa ko sa dala niyang supot.

"Ah, ito? Keso! Binili ni Carter, kasi nagbilin ka. Alam mo ang bait niya. Tingnan mo tatlo 'yong binili niya para sa'kin. Hindi niya kasi alam kung ano'ng gusto ko kaya iba-iba ang binili niya," excited at tila nangingislap pa ang mga matang kwento nito at inilatag sa mesa ang tatlong klase ng keso.

Napangiti ako.

"Naks! Ang cheesy pala niyang si Carpenter? Tapos tatlo pa. May meaning 'yan. Kundi i love you, i like you," tukso ko.

"Callie, ah, malapit na kong maniwala sa'yo!" tatawa-tawang sabi nito.

"Eh, di maniwala ka. Di naman imposible sinasabi ko 'no? Saka madali na 'yan, magkakababy na kayo, eh."

"Sana nga. Kaso nga lang, parang may girlfriend."

"Teka linawin mo nga pala sa'kin 'yan. Confirmed na?"

"Hindi pa naman. Kaso kanina may kausap siya sa phone tapos sinabihan pa niya ng I still love you. Kaya napatanong ako, tapos ang sagot niya 'I GUESS' ang labo. Pero pakiramdam ko gf niya talaga 'yon. Baka may misunderstanding lang, ewan ko ba." dismayadong kwento niya.

"Nakakaasar nga 'yan. Hindi ka man legal wife pero hello, astang salawahan siya! GGSS huh? Namamangka sa dalawang ilog. Lunurin ko, usto mo?" napahawak pa sa baba na sabi ko.

"Callie, naman! 'Wag nga. Kawawa naman baby ko," tutol niya kaagad kaya natawa ko.

"Malakas talaga tama mo sa lokong 'yon. O sige na hands off na ko sa karpinterong 'yon. Basta, ah, kung sakaling awayin ka ng gf niya, tawagan mo agad ako. Ako na reresbak. Walang pwedeng umaway sa'yo."

"Thank you talaga, Cal, ah? Kundi dahil sa'yo, baka hindi ko na makita si Carter. Laham kita! Muaahh!" nagflying kiss pa siya sa'kin.

"Kaw pa. O teka, buksan na natin yang isang keso, masarap yan dito sa spaghetti."

"Ay! Ayoko, tatago ko 'to, eh. Papaframe ko pa nga 'to, eh."

Binatukan ko siya.

"Gaga, ano ka highschool na binigyan ng candy ni Crush tapos itatago ang wrapper? Daga lang sa bahay makikinabang diyan kundi mo kakainin."

"O sige na nga, pero wag mong sirain ang kahon, 'yan na lang itatago ko," napanguso pang sabi niya kaya napatawa ko.

"Ay naku, nahibang na talaga ang mahal kong kakambal. Kaya ayokong mainlove, eh. Nakakatanga pala talaga. Hahaha!"

Kinurot niya ko sa braso.

"Aray! Masakit, ah." reklamo ko.

"Tawa ka diyan. Ikaw din kapag nainlove ka. Mahihibang ka ring tulad ko."

"Asa ka, Hailey. Di ako maiinlove. Taga mo pa sa bato!" bulalas ko.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leonida Guibao
sana maging ok c heiley
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
taga resbak si callie
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status