Share

Chapter 8

"Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kamay ang malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na ko ngayon. Kinuha ko pa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya nga kuminis at pumuti ng husto ang joklang ito. Sagana sa supply.

Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to.

"Irene! Irene na Diyosa..." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumingon ang bwisit.

"Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko.

"Bwisit ka talaga. Kundi pa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo ko sabay hampas sa braso niya.

"Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no! O teka andami mo namang gusto ibenta, gipit na gipit lang 'te?" usisa niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Di ba sabi ko nga sa'yo gipit talaga ko. Kaya nga rumaraket, eh. Ikaw bakit ayaw mong tulungan Tita mo magbenta?"

"Naku ha! Model ako ni Tita hindi seller, saka malakas na negosiyo niya. Nakakapagdistribute na nga sa mga markets, eh. Inilakad lang talaga kita para makatulong naman ako, 'no. Since sabi mo nga may mabigat kang problema."

"Thank you, ha? Tunay kang friend."

"Ako pa va? O siya wag na tayong magdrama at baka bumaha pa dito. Halika ang ganda ng dress na 'yon, tingin ko bagay sa'kin," turo niya sa isang botique na nasa tapat namin.

"Seryoso ka? Magsusuot ka ng ganyan? Bawal sa office 'yan!" saway ko.

"Lady Gaga ka talaga! Hindi 'no. Gagamitin ko 'yan pag rumarampa ako sa gabi! Kaya dapat pak na pak ang awrahan ko. Sumama ka kasing magbar sa'kin minsan."

"Heh! Ikaw na lang. Hintayin na lang kita dito, napagod ako kakabitbit nito. Go!" tulak ko sa kanya matapos kong makaupo sa standby area ng mall na iyon.

"O dito ka lang, tapos sabay na tayong maggrocery, ha? Wait lang mabilis lang aketch," paalam niya at halos patakbo pang nilapitan ang naturang boutique.

Kinuha ko sa sling bag ko ang pamaypay kong de tiklop. Lagi kong dala 'to dahil mainitin talaga ko. O kaya pag naiistress ako nagpapaypay ako. Parang naiwawagwag ko paalis stress.

Kalalabas lang namin galing trabaho, payday kaya nasa mall kami. Well si Renato para magshopping, ako naman para mabilhan ng matinong pagkain si Hailey.

Napasulyap ako sa boutique na pinasukan ni Renato. Este Irene pala. May mga nakadisplay ngang dress na suot ng mga manequin. Kitang-kita ang mga magagandang damit sa makintab na glasswall.

Tumayo ako para sipatin ang mga iyon. Iniwan ko muna ang mga paninda ko, kung may kumuha naman niyon mamamalayan ko kaagad. Di naman kalayuan ang pinagtatambayan ko.

"Ang ganda mo. Bagay ka kay Hailey," parang lokang kausap ko sa isang dress na kulay peach. Simple lang ang tabas at halatang malambot ang tela.

Kung may extra pera lang ako, binili ko na iyon. Sa amin kasing dalawa si Hailey ang mas girly type.

Ako kasi pantalon lang, solve na. Minsan nung nakapagsuot ako nung prom namin, iritang-irita ko. Feeling ko hubo ako, dahil hinahangin ang baba ko.

Akmang hahawak pa ako sa glasswall nang may mga kamay na tumakip sa mata ko.

"Guess who?" anas sa tenga ko. Pamilyar ang tinig pero wala akong balak makipagbiruan dahil ginulat ako ng kung sinumang hudyong ito.

Hinaklit ko ang isang kamay niya at pinilipit iyon sabay harap sa kanya.

"Ouch!" halos mapatalon na reaksiyon nito.

"Ikaw lang pala! Ugok ka!" bulalas ko sabay hampas sa noo niya nang pamaypay ko.

"Ahh! Nakakadalawa ka na!" reklamo ni Carter at napahimas naman sa noo habang iniwawagwag ang kamay na pinilipit ko.

"Gusto mo tatluhin natin? Buti nga hindi kita naibalibag diyan. Ba't ka kasi nanggugulat?" pairap na tanong ko at bumalik sa standby area.

Nakakagulat na makasalamuha ko siya dito.

"Hindi ko naman sinasadya. Sinusubukan ko lang kung makikilala mo boses ko. Sabi ko na, ikaw 'yan, eh. Kaw lang nakita kong tao na namamaypay sa mall, buti na lang last time hindi mo dala 'yan kundi magmumukha ka ng deboto sa simbahan. Nakadress pa naman ang pormahan mo last time," natatawang daldal niya.

"Heh! Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at binitbit na ang dalawang plastic.

Kailangan ko ng makaiwas sa lokong 'to. Baka mamaya makahalata pa siya na hindi naman talaga ko si Hailey.

"Mamamasiyal. Sakto nakita kita. Pinagtatagpo yata talaga tayo. Ikaw?"

"Maglalaba! Diyan ka na," iwas ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.

`Wag sana akong sundan ng Carpenter na to. Ano ba? Sa dami naman ng araw na pwedeng pumunta ng mall ang kamoteng to ngayon pa?

Bitbit ko ang dalawang malalaking plastic bags ng sabon.

Ang hirap maglakad! Para akong penguin na nagmamadali.

Bahala na. Saka na lang akong mag-i-explain kay Renato kung bakit ako biglang nagdisappear-appear, one half, one fourth...

Nagulat ako nang sumunod si Carter at hagipin ang mga dala ko.

"Hoy! Ano ka ba? Akin na 'yan," pilit kong inagaw ang mga paninda ko.

"Maglalaba? Sa mall? Sino'ng niloko mo? Pauso ka rin, what. Ang bigat pala ng mga 'to, tapos binibitbit mong mag-isa? Baka kung mapaano 'yang baby natin," seryosong sabi niya at iniiwas sa'kin ang dalawang plastic.

Pinigil kong matawa. Haba ng hair ni Hailey. Sigurado ako na kung narinig niya ang sinabi nitong si Carter kikiligin siya.

"Makababy natin, ah? Wala pang resulta di ba? Ikathird day palang magmula nang magpatest ka."

"Di ba sabi ko sa'yo 70-30 ang paniniwala ko na akin 'yan? Kaya matik may concern ako diyan. Saka hindi ka naman mukhang sinungaling, kaya kahit papa'no naniniwala ako sa'yo."

"Ge, bahala ka na. Makulit ka rin," pagsuko ko.

"Sinabi mo 'yan, ah? Ako bahala? Tara," yakag niya kaya napasunod ako. Dala niya 'yong paninda ko 'no.

"Ano ka ba? Marami pa kong gagawin, saan ba tayo pupunta?" usisa ko. Lakad nang lakad, eh.

"Kakain."

"Ikaw na lang!"

"Bakit ba parang ilag na ilag ka sa'kin? Di naman kita aanuhin, kakain lang tayo Madam." tatawa-tawang sabi niya.

Nakuu! Kaloka lalaking 'to! Paano ko ba tatakasan 'to? Dapat sila ang magkasama ni Hailey. Hindi ako.

"Teka! Bagalan mo naman! Hinihingal ako sa'yo," reklamo ko dahil hindi pa talaga ko nakakarecover kanina sa pagbibitbit ng mabibigat na plastic bag na 'yon, tapos palalakarin na naman niya ko. Ang tangkad pa naman niya, dalawang hakbang ko yata, isa lang sa kanya, eh.

Nagulat ako nang hagipin niya ang kamay ko matapos niyang pag-isahing bitbit na lang ang dalawang plastic bags sa kanang kamay niya.

"Oi! Ano 'yan? Bitaw," piglas ko.

Aba! Ngayon lang ako nahawakan ng lalaki sa kamay. Nung prom ko nung highschool di ako nakipagsayaw ng sweet sa kahit na sino, kumain lang ako nun at nakipagdaldalan, eh.

"Sanay kasi akong mag-isang maglakad. Laging walang kasabay. Wala inaalalang maiiwan kaya mabilis akong maglakad," ani Carter habang nakapaloob ang mga kamay ko sa kamay niyang may mahahabang daliri.

Balbunin. Kinis din. Nagkokojic din kaya 'to?

"Ah...eh, bakit de hawak ka pa diyan. Bitaw!" piglas ko.

Init ng palm. Malambot din ang kamay niya. Parang ballpen at papel lang ang alam hawakan.

"Para maalala kong may kasabay ako at ng hindi ka maiwan, tara!"

"Ayoko pa rin," palag ko pero lumakad na siya habang hawak pa rin ang kamay ko kaya napasunod ulit ako.

Naghihilahan tuloy kami habang naglalakad. Jusme ayokong sumama. Baka makahalata ito na hindi naman ako si Hailey.

Dami ko pa namang atraso dito. Sinapak ko sa nguso, kung sungitan ko wagas, binansagan ko pa ng kung anu-ano. Carpenter. Dodong charing. Pinilipit ko pa kamay. Halos bugbog sarado na siya sa'kin.

Ano kayang magiging reaksiyon ng isang ito kapag nalaman niyang kakambal ko si Hailey?

"Wag kang makulit," tatawa-tawang saway niya. Pinagtitripan yata ako ng kumag na ito. Parang aliw na aliw, eh.

"Ayan! Nandito na tayo," bulalas niya nang mapatapat kami sa isang eat-all-you-can na restaurant. Binitiwan na rin niya ang kamay ko. Salamat naman.

Kakagatin ko na sana talaga siya, eh.

Rawr!

Napansin kong korean/japanese ang mga cuisines na isiniserved sa resto. Base na rin sa mga nakakapit na posters sa glasswall. May flat tv screen pa sa labas kung saan ipinapakita doon ang mga pagkaing iniluluto. Halatang pangmayaman. Nakakailang.

"A-Ano 'to? Sambok-".

"Sambokojin. Masarap dito. Healthy rin ang mga dish nila. Good for you,"

"Teka! Wala akong budget para dito. Ikaw na lang," akmang tatalikod na ko nang hatakin niya ang collar ng polo shirt ko.

"Tara na, sagot ko," at iginiya niya ko sa entrance. May  receptionist doon.

"Table for two," ani Carter. Nagtawag ang receptionist ng tao sa loob at iginiya kami sa lamesa namin.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. Ambiance palang sosyal na. Ang ganda ng chandelier sa taas.

At ang sahig marmol. Pwede ng manalamin. Inilapag ni Carter sa ilalim ng mesa ang mga dala-dalahan ko. Napansin kong bawat mesa may nakabuilt na smokeless grill.

Couch ang upuan.

"Ano ka ba? Ano'ng akala mo sa'kin aso?" piglas ko kaya nabitiwan niya ang collar ko.

"Para kang kiti-kiti, eh. Hyper ka ngayon? Kulit mo, eh. Tara na kasi," ngiting-ngiting sabi nito at hinatak naman ako sa braso. Magkatapatan kaming naupo.

Patay. Baka nakahalata na naman 'to na iba ang demeanor ko kay Hailey. Okay. Kailangang magpakadalagang pilipina...yeah!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
maganda nga sya comedy
goodnovel comment avatar
Ervie 💟
maganda po ang kwento... sana free hanggang dulo .........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status