Share

Chapter 9

"Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?" yakag ni Carter

"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."

Natawa ito.

"Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server, maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting paalam niya.

Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang hilaw na karne.

Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit pa na kung ano.      

"Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo.

"Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"

Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko.

"Ano'ng akala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.

Mukhang hipon pero nakabalot sa harina.

"Tempura?"

"Yes tempura 'yan. Sawsaw mo dito, para mas masarap," inilapit niya sa'kin ang maliit na mangkok na may lamang sauce na parang tubig lang ang itsura.

"Ayos. Dati nakikita ko lang 'to, ngayon totoo na," hindi naiwasang sabi ko at dinampot ang chopstick sa mesa.

Hindi ako marunong gumamit niyon pero iyon lang kasi ang nandun. Ayoko namang magmukhang engot sa harap niya. Kaya bahala na.

Magkadikit ang chopstick. Pinaghiwalay ko iyon pero mali naman ang hati ko, nabakli ang isa. Hindi pantay!

Alanganing napatingin ako kay Carter na nag-iihaw na ng karne gamit ang tong sa built-in na smokeless grill sa table namin. Napansin kong nakatitig siya sa'kin. Nakakahiya talaga ko.

"Mali ang hati ko, hehe!" ngising asong sabi ko.

Napangiti lang siya at dinampot ang chopstick niya sa mesa.

Swabeng pinaghiwalay niya iyon.

"Here you go," abot niya sa akin. Alanganing kinuha ko iyon.

Ipinuwesto ko iyon sa daliri ko. Nang subukan kong kunin ang tempura nalaglag ang isang chopstick.

Napansin kong napatingin na naman sa'kin si Carter.

Argghh! Magpapakatotoo na nga lang ako. Hindi ako makakakain ng maayos nito. Ano bang paki ko kung magmukha akong eng-eng sa harap niya? Di ko naman kailangang magpaimpress.

"Tsk, wala bang kutsara o tinidor? Hindi talaga ako marunong niyan," napapalatak ng sabi ko na ikinangiti lang niya.

Tumawag siya ng waiter at humingi ng spoon and fork at extrang chopstick.

Dagli niyang iniabot sa'kin ang kutsara at tinidor.

"Soup ka muna. Appetizer," nguso niya sa maliit na bowl na may lamang sabaw na mala-red orange ang kulay.           

Kinuha ko iyon at kumuhit ng sabaw gamit ang kutsara.

"Wew! Ang anghang," komento ko at humigop ulit. Lasang hipon na maanghang.

"Hindi ka ba mahilig sa maanghang?"

"Gusto ko nga, eh. Boring din naman pag walang anghang, eh."

"Pareho pala tayo, mahilig din ako sa maanghang. Eto na 'yong tempura,"

Ipinaglagay niya ako ng tempura sa plate ko na medyo ikinagulat ko. Hindi naman ako sanay na dinudulutan ng ibang tao.

Tinusok ko iyon at isinawsaw sa sauce niyon.

Napatakip ako sa bibig ko nang manguya ko iyon at malasahan.

"Ayos ba?" tanong niya.

"Uhm ang sarap! Grabe! Walang-wala do'n sa chichirya version na tempura," tumatangong sagot ko at sunod-sunod na ang kain ko.

"May chichiryang tempura?"

"Oo naman. Iyong tindahan sa kanto namin may tindang gano'n, tigdodose 'yon, meron din sa mga grocery stores. Di mo lang siguro napapansin, kasi sosyalin ka o baka hindi ka talaga kumakain ng junk foods. Masarap iparis 'yon sa malamig na coke, tapos---" natigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatitig lang siya sa'kin at parang interesadong pinakikinggan talaga ko.

Ang daldal ko naman! Dalagang pilipina nga dapat ang kilos ko.

"Sorry ang daldal ko," napapeace sign pang sabi ko.

"That's okay. Gusto ko rin namang makarinig ng non-related sa trabaho," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.

Mukhang hindi naman na lugi dito si Hailey. Bukod sa gwapo, eh, medyo gentleman. Hindi niya kasi ako tinawanan nang malamang hindi ako marunong magchopstick. Okay na. Pasado ng maging bayaw ko to.

"Bakit? Wala ka bang friends na nakakausap?"

"Meron naman, kaso alam mo na, bihira na lang kaming magkasama-sama. Kalimitan sa mga ganitong edad, busy nasa kanya-kanyang buhay at career."

"Sabagay," napakibit balikat na sang-ayon ko.

"Luto na 'to, tikman mo," tukoy nito sa marinated na karneng inihaw nito.

Inilagay niya iyon sa plate ko gamit ang tongs. Dagli ko iyong kinain. Manipis lang ang hiwa at tamang-tama ang lambot.

"Sarap?" tanong pa nito kaya nakangiting napathumbs up ako.

"Ang sarap! Wala yatang hindi masarap dito,"

Napangiti ito at ipinaglagay pa ako ng marami.

"Damihan mo kain, unli 'yan. Teka, ano nga palang laman nitong mga bitbit mo at ang bigat naman yata?" usisa nito at kinuha ang plastic niyang dala na nasa ilalim ng mesa.

Inilapag nito iyon sa tabi nito.

"Mga beauty soap."

"Pwedeng tingnan?"

"Sige lang," tango ko habang panay ang kain.

Nag-i-enjoy talaga ko. Noon lang naman kasi ako nakakain ng ganoon.

"Aanhin mo naman ang mga 'to?" tanong ni Carter habang hawak ang isang piraso ng kojic soap.

"Ibebenta, para may extra. Sa tingin ko naman, papatok 'yan. Marami kasing gustong pumuti at kuminis."

"Magkano lahat 'to?" seryosong tanong niya.

Napaisip ako saglit at nagkwenta sa isip.

"Isang piraso 60, times 100, 6000 pesos. Pag nabenta ko lahat may 40 percent ako. Di na masama di ba?" daldal ko pa.

Tumango-tango lang siya.Napansin kong dumukot siya ng pera sa wallet.

"Hoy! Aanhin ko 'yan?" gulat na tanong ko nang kunin niya kamay ko at isipit ang ilang lilibuhing pera.

"Ako na bibili. Para hindi ka na mabigatan, baka kung mapaano pa kayo ng baby,"

"Sira ka ba? Aanhin mo naman 'yan? Mas clear pa nga yata balat mo kaysa sa'kin. Wag na," hinila ko ang kamay niya at ibinalik ang pera niya.

"Papagive away ko. Pag may umorder ng mga books online, gagawin kong freebie 'yan, maaaliw na ang buyer sa books, kikinis pa. Kaya kunin mo na," giit niya at hinawakan pa ang kamay ko saka ulit nilagay ang pera.

Nakapagitna sa mga palad namin ang pera kaya parang naghuholding hands na tuloy kami.

"Ayoko, parang nililimusan mo naman ako niyan," tanggi ko pa rin.

Ayoko talaga! Dapat pala hindi ko na sinabi ang halaga ng mga sabon, baka akalain niya binebentahan ko siya. Daldal ko rin kasi talaga minsan.

"May item na kapalit, oh, bakit mo iisiping limos?"

"Ayoko pa rin, baka isipin mo sinasamantala kita," at pilit kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Well it doesn't appear that way to me. Huwag ka ng makulit, anniversary na rin ng publishing next week, kaya dapat may pakulo rin kami. Nagbi-brainstorming pa nga kami kanina ng mga staff kung ano'ng magandang give away."

"Talaga?"

"Oo, kaya nga nandito rin ako sa mall, eh. Naghahanap ng pwedeng ipagive away, kaya kunin mo na kasi hindi ko bibitawin ang kamay mo. Not unless gusto mong makipagholding hands sa'kin?" nakakaloko ang ngiting sabi niya habang umaangat baba ang kilay kaya dagli kong nabawi ang kamay ko, dala ang pera.       

"Tsk, mapilit ka talaga. Sige na ikaw na bahala, pero salamat. Malaking tulong 'to."

"Welcome," nakangiting sagot niya.

Ang hilig ngumiti ng lalaking 'to. Pati tuloy ako nahahawa kapag nakikita ko 'yong maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.

"Kumain na tayo." yakag niya.

"Uhm, Carter pwede magtanong?"

"Shoot."

"Di ba may girlfriend ka? Ano'ng reaction niya nung nalaman niyang magkakaanak ka na?" hindi nakatiis na tanong ko.

Aba dapat ko lang alamin ang status nila, para naman hindi maagrabiyado si Hailey.

"Number 1 wala pa kong sinasabi, wala pa ang resulta. Number 2, di ba sabi ko hindi naman sigurado kung kami."

"Ang labo mo tsong, ano 'yan M.U.? Dalawa lang naman 'yan 'no. Kayo o hindi kayo, 'yon lang 'yon." kunot noong bulalas ko.

"Sabagay. Pero kumplikado kasi."

"Gaano kakumplikado? Kasing kumplikado ba ng algebra? Geometry, calculus? O kasing kumplikado ng babaeng may menstruation tas papabili ng french fries sa jowa? Malala nga 'yan."

Bahagya siyang natawa.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Siyempre baka mamaya niyan may biglang sumabunot at sumampal sa'kin, mapagpatol pa naman ako."

"Hindi naman ganyan si Krisha. Wala sa pagkatao niya ang mananakit, mabait 'yon."

"Masama kayang magalit ang mabait, o ano na nga?"

"Sige, tingin ko naman may karapatang ka ring malaman. Ang totoo 6 months ago we're happy. Parang walang problema, hanggang sa bigla na lang siyang nawala. Sinubukan kong hanapin siya, kaso walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya. Napagod din ako kaya tumigil na rin ako kakahanap. At ipinagpalagay ko na lang na wala na kami. Tapos ngayon nagpaparamdam. Kaya 'yon malabo talaga," mahabang paliwanag niya.

"I see. Malabo nga. Pero nasa'yo 'yan kung babalikan mo pa. Ikaw naman ang lalaki."

"Okay lang sa'yo?"

"T-Teka bakit ako ang tinatanong mo?"

"Plano ko kasi kapag napatunayan ko ng akin 'yan, magpofocus na lang ako sa baby, sa'yo..."

Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya napukpok ko siya ng pamaypay na nasa kandungan ko lang. Useful talaga 'to!

"AW!" reklamo niya at napahimas na naman sa noo.

"Pwede `wag mo kong harutin? Narinig ko sagot mo kay Krisha, sabi mo sa kanya 'I still love you' o ano 'yon? Nangrirebound ka lang?" sumbat ko nang maalala ang malungkot na kwento sa akin ni Hailey dahil sa narinig nitong sagot ni Carter kay Krisha sa cellphone.

"Ano namang masama kung magfocus ako sa inyo?" tanong niya.

"Ang baby lang ang kargo mo. Hindi ako. Saka ano'ng masama? Masama kung gagamitin mo lang kami as distraction. Gets? Saka aminin mo, wala sa plano mo ngayon ang maging ama. Lasing ka no'n. Siguro kung wala ako hindi ka magdadalawang isip na makipag-ayos sa kanya. Maging honest na lang tayo dito, pwede?"

"Okay. Sabagay tama ka. Wala naman talaga sa plano ko ang maging tatay hangga't hindi pa ako kasal, pero nandiyan na 'yan. Wala naman sa personality ko ang tumalikod sa responsabilidad."

"Eh, ganyan talaga ang life. May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..."

Tumango-tango siya at napangiti saka tumitig sa'kin.

"Hoy! Okay ka lang?" untag ko dahil nailang ako.

Kung makatitig naman ang ugok na 'to, wagas! Hindi ako sanay ng tinititigan!

"Ah...yeah. Sorry. It's just that...thank you," parang hindi siya magkandatuto sa sasabihin.

"Ano nga? Ano'ng thank you? Sabihin mo na? Pasuspense ka rin."

"Wala may narealize lang ako sa sinabi mo. Organize kasi akong tao kaya halos lahat ng galaw ko kalkulado o nakaplano talaga. Ayoko kasi ng magulo, pero dahil sa sinabi mo narealize ko na tama ka, hindi ko nga makocontrol ang lahat ng pangyayari. Tulad ngayon, nagkakilala tayo. Magiging tatay na rin. Nakakagulat lang."

"Di ba nga life is full of surprises? Kaya ako bihira ako magplano, bahala na. Naniniwala din kasi ako na kung para sa'yo, para sa'yo talaga. Wala namang masamang magplano. Okay nga 'yon, eh. Kaso lang kapag nagplano ka, may inaasahan kang resulta na ayon sa expectation mo. Eh, paano kung hindi mangyari? Eh, di magugulat ka o  madidisappoint ka na lang---teka disappointed ka ba ngayon? Kasi sabi mo wala sa plano 'to,"

"Nah. I am actually surprised. You're my biggest surprise..." malawak ang ngiting sabi niya.

Kung si Hailey nakakarinig nito, baka namilipit na 'yon sa tuwa. Bakit ba kasi ako ang nakakarinig nito ngayon? Wala naman to sa plano. Hays! Kakaguilty tuloy.

"Tumigil ka na nga diyan, harot ka rin, eh." saway ko.

"Ako? Hindi, ah. Loyal kaya ako."

"Sus! Loyal daw, walang gano'n Mars. Sa panahon ngayon, aso na lang ang loyal!" naibulalas ko.

Napatawa naman siya. Tawang-tawa ang loko.

"Baka kabagan ka diyan?"

"Nakakatuwa ka, eh. May narealize na naman tuloy ako."

"Ano na naman 'yan?"

"Narealize ko na...mas gusto kita."

Nalunok ng buo ang piraso ng karneng kinakain ko. Jusko tama ba ang dinig ko?

Nakakagulat ang word niya na 'gusto kita' pero mas nagulat ako sa word niyang 'MAS'!

'MAS GUSTO KITA'

May word na 'MAS' ibig sabihin ba may pinagkumparahan siya?

Alam na ba niyang kambal kami?

Shutik!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sa inyo callie at hailley sabihin nyo n kay carter na magkambal kayo pra walang lihiman sigurado akong maintindihan nman kayo ni carter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status