Share

In The Name Of Love
In The Name Of Love
Author: Yaree

Chapter 1

"Lasing ka nanaman Diego," mariin kong wika ng bumungad sa may pintuan ang pasuray-suray kong asawa na si Diego.Palagi nalang itong lasing galing sa trabaho.Simula ng maikasal kami ay palagi itong huli kung umuwi galing trabaho.Halos palagi rin kaming nag-sasagutan kapag kinokompronta ko ito.

"It's none of your business! mind your own!" anito at pasuray na tinungo ang sofa sa sala.

sinundan ko naman ito doon.Sa totoo lang pagod na talaga akong intindihin ito pero dahil asawa ko ito, ay kinailangan kong habaan ko pa ang pasensiya ko.

Isang Engineer si Diego at ako naman ay isang Archetict.Sa katunayan, kami talaga ang bumuo ng bahay na tinitirahan namin sa ngayon.Hinayaan ako nito sa gusto kong gawing disenyo sa bahay namin.

Magkatrabaho kami at palaging kami ang magkapares sa tuwing may projects na gagawin para sa malalaking kliyente.Hanggang sa nagkamabutihan kami.Niligawan niya ako at agad ko namang sinagot ito.Isang taon pa lang mula ng magpakasal kami pero, ramdam ko na agad ang matinding pagbabago nito.Nawala ang dating sweet at mabait na diego sa loob ng isang taon na iyon at sa loob din ng isang taon na iyon ay tanging holding hands at kiss lang ang ginagawa namin maging sa araw ng honeymoon namin.Nakakatawa na nakakainis ang araw na iyon.

Pakiramdam ko rin may ibang babaeng kinalolokohan ang asawa ko dahil bigla nalamang itong nanlamig saakin.Pero hindi naman ako dapat na maghusga kaagad kailangan ko parin ng mabisang ebedensiya upang paratangan ito.

"May pakialam ako sa'yo Diego dahil, asawa mo ako." bulong ko habang nakatitig sa tulog kong asawa.

Tinanggal ko ang sapatos nito at pinunasan na rin ang basang-basa nitong katawan.Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang mapahikbi.

Naiyak ako noong maalala ang kasal namin one year ago.He seems so very happy staring at me while i am walking down the aisle.Ganun din ang nararamdaman ko nun.Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa.

Marahan kong pinahid ang mga luha ko atsaka ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagpunas sa basa nitong katawan.Kumuha ako ng pamalit nitong damit ayaw ko kasing magkasakit ito.

Kinabukasan, Nagising akong wala si Diego sa tabi ko.Ang alam ko linggo ngayon kaya walang pasok ito sa trabaho.Naligo muna ako bago napagdesisyunang bumaba dahil baka nandun lang ito.

Napakunot noo ako pagbaba ko.Walang diego sa sala, kitchen maging saan mang sulok ng bahay.Hindi ko alam pero parang kinabahan ako.Hinanap ko si ate rina kasambahay.

"Si sir Diego niyo po." tanong ko sa kasambahay habang nagdidilig ito ng mga halaman.

"Umalis po maam, ngayon lang." tugon nito.

"What? did he say anything?" kinakabahan kong tanong.

umiling ang kasambahay.Tinawagan ko ang mga kaibigan na maaaring puntahan nito.Subalit lahat ng mga iyon ay hindi sumasagot.

Bumalik ako sa kwarto.Pinilit kong kinalma ang sarili ko.Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.

Paroo't-parito ako sa sala.Gabi na kasi wala parin si Diego.Naka-off ang cellphone nito kaya hindi ko. matawagan.

"diyos ko! Kung nasaan man si Diego ngayon sana nasa ligtas siyang lugar,"

Nakasilip ako ng pag-asa ng marinig kong may bumusina sa labas ng gate marahil si diego na iyon.Hindi ko na hinintay pa na ang katulong ang magbukas niyon.Kaagad akong tumakbo patungo sa gate subalit, ganoon nalang ang gulat ko ng makita kong may kasama itong ibang babae.Akay nito si Diego at mukhang lasing nanaman.

"Ikaw ba ang asawa? deretsahang tanong sa akin ng magandang babaeng kasama ni Diego.Kaagad kong binuksan ang gate.

hindi ako kaagad nakasagot.Nakatulala lang akong nakatitig sa mala-anghel nitong mukha.

"Hey!" untag nito habang akay parin si diego.

"a oo, ako nga!"

"Heto ang asawa mo, ibinabalik ko na."

Hindi ko alam pero, parang sirang plakang paulit-ulit ang mga katagang binigkas nito.Parang may kakaiba sa tono ng pananalita nito pero, pilit kong iwinaglit iyon saaking isipan.

"Salamat." matipid kong tugon at kinuha mula sa pagkakaay dito si Diego.

Nagpaalam na ang babae kaya, dahan-dahan ko naring ipinasok sa loob si Diego kahit hirap na hirap akong akayin ito dahil sa laki ng katawan nito.

Napabuntong-hininga nalang ako habang pinagmamasdan ko ang asawa ko.Palagi nalang ganito ang buhay namin ni Diego.

"I love you wife." 

Bigla akong napatingin kay Diego habang nakahiga ito sa kama.Pikit parin ang dalawa nitong mata.

Nakangiti akong lumapit dito.Tila ko gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi nito.Bagaman tulog at lasing ito, ay hindi ko parin maiwasang umasa na totoo ang sinabi nito kahit alam kong dala lamang iyon ng kalasingan.

Tinabihan ko ito sa kama at niyakap.

"I love you too, Diego."

subalit, tanging hilik lang ang naging tugon nito.

Kinabukasan, nakahinga ako ng maluwang ng makapa ko sa tabi ko ang aking asawa.Tulog parin ito.

Bumangon ako upang ipag-luto ito ng breakfast.Sabay kasi kaming papasok ngayon dahil iisang building lang din naman ang pupuntahan namin.

"Aalis na ako hindi na kita maisasabay pa sa office na ako magbe-breakfast." Napalingon ako ng marinig si Diego mula sa aking likuran.Bihis na bihis na ito.

Natigilan ako at hindi na nakapagsalita pa ng makita kong tumalikod na ito at naiwan akong puno ng pagkadismaya.

Napabuntong-hininga ako.Kakain nanaman akong mag-isa ngayon.Nakakalungkot.

Pumasok ako sa trabaho na bagsak ang mga balikat.Parang bigla ring sumama ang pakiramdam ko.

"Hoy! ke aga-aga parang pasan mo na agad ang buong mundo," puna ni joy habang papalapit ako sa working station ko.

"Si Diego." 

"Si Diego nanaman?" Si Diego doon sa bahay pati ba naman dito sa trabaho si Diego parin?" hindi makapaniwalang tanong ni Joy.

Nilagpasan ko lang ito at kaagad akong naupo agad rin naman itong sumunod.

"Saan ba ang asawa mo bakit ikaw lang mag-isa?" 

Napabuntong-hininga akong tumingin kay Joy.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilang maiyak.Ang sakit sakit kasi ng nararamdaman ko.

"Nauna siyang pumasok dito pero nakakapagtakang wala pa siya,"Tugon ko.

Bumadha naman ang labis na gulat sa mukha ni joy.

"Guys!"

Kapwa kami napalingon ni joy ng biglang dumating doon si sir June at nagsalita.Ang head ng Azarcon Engineering and Architecture Services.

"May sasabihin lang ako sa inyo, kung nagtataka kayo kung bakit wala dito si Diego sa branch natin, Nandito ang sagot ani sir June.Kinakabahan ako habang naghihintay sa sasabihin nito.

'Inilipat ko siya sa ibang branch."

Tila pinagsuklaban ako ng langit at lupa dahil sa narinig.

Naaawang tumingin saakin si joy.

"girl, nag-aalalang saad nito.

Hindi ko ito pinansin at bumalik na ako kaagad sa upuan ko.

"Kulang kasi ng magaling na Engineer at Architect ang makati branch natin." dagdag pa ni sir june.

Marami pang sinasabi si sir June pero hindi na pumasok ang mga iyon sa pandinig ko.Bakit tila nananadya ang tadhana?

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Diego sa loob ng kwarto namin.Pinagmasdan ko muna ito bago ako tuluyang lumapit sa kinaroroonan nito.

Mukhang kay lalim ng iniisip nito.

"Inilipat ka raw ni sir June sa makati branch ng Azarcon Engineering and Architecture Services? tanong ko.

Kaagad ako nitong nilingon.

"Yeah, why did you asked? tanong nito sa iritadong tono.

Napabuntong-hininga ako bago humakbang palapit dito.

"Nagulat lang ako.Wala ka kasing nababanggit tungkol doon." saad ko.

Tinabihan ko ito sa ibabaw ng kama subalit dagli itong umiwas saakin.

"Kung may problem ka, just tell me." mahina kong saad.

Tumayo at lumayo ito.Umupo ito sa isang single sofa na naroroon.

"Never mind, alam ko namang hindi ka rin makatulong." iritado nitong saad.

Hindi na ako nagulat sa sagot nito.Alam ko namang palagi itong iritable kapag kausap ako.

"Please say it, look I am your wif-

"Shut up!"putol nito sa mga sasabihin ko.

Napalunok at napayuko ako.Pilit kong kinagat ang mga labi ko upang pigilan ang mga luhang kanina pa nagtatangkang pumatak.

"Kapag sinabi kong hindi ka makakatulong, hindi ka makakatulong!" nakapaniim-bagang nitong saad.

"You're so unfair, Diego! Masyado kang mapang-husga!bakit hindi mo subukang sabihin saakin? asawa mo ako! may karapatan ako kung ano ang nangyayare sa'yo!" Saad ko at hindi ko na mapigilan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

"Asawa mo ako pero, hindi ko ramdam! asawa mo nga ako pero bakit hindi mo maipakita? ano ba ang problema? May mali ba saakin? tell me! tell me Diego!"umiiyak kong wika.Ang sakit ng nararamdaman ko.Pakiramdam ko hindi na ako makahinga dahil sa sobrang sakit.

Nanatiling madilim ang anyo ni Diego habang nakatitig saakin.

"Maghiwalay na tayo!"

Tila biglang huminto sa pag-ikot ang mundo ng marinig ko ang mga katagang iyon.Isa-isang nagsipatakan ang mga luha ko.Hindi ako makapaniwala na sinabi nito iyon.Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganun.

"Bakit? bakit Diego? Ano ang kasalanan ko?" 

"I'm tired!! Nakakasawa kang kasama!! Nasasakal ako sa'yo!!! Masyado mo akong mahal!"

Napaluha ako.Napaka-unreasonable ng mga sagot nito.

"Kasalan palang maging mabuting asawa? kasalanan bang mahalin kita ng higit pa sa buhay ko?" Umiiyak kong saad habang pinagsususuntok ito sa dibdib.

"Now, Let me go! aalis na ako! bahala ka na sa buhay mo!"

Umiiyak akong napabagsak sa sahig .Pakiramdam ko daig ko pa ang namatayan sa mga sandaling iyon.

Tuluyan na nga akong iniwan ni Diego sa napakababaw na mga dahilan.

Siguro, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na wala na ito sa buhay ko.

Wala akong ibang ginawa magdamag kundi ang umiyak at magmukmok sa loob ng kwarto ko.Isang buwan na simula ng hiwalayan ako ni Diego pero nandoon parin ang sobrang sakit.Mas lalong tumitindi ang sakit dahil palagi kong nakikita ang mga bagay na makakapag-paalala saakin kay Diego.

Umiiyak ako habang pinagmamasdan ang wedding pictures namin.Hawak-hawak ko parin iyon maging saaking pagtulog.Hindi ako maka get-over.Hindi ko pa rin matanggap ang kinahinatnan ng relasyon namin ni diego.Napaka-unfair talaga ng tadhana.Bakit niya pa kami pinagtagpo kung paghihiwalayin lang din pala? Bakit pa dumating sa buhay ko si diego kung iiwan at sasaktan lang din naman niya ako?Bakit pa tumibok ang puso ko kung hihinto lang din pala?

"Girl, sana huwag mo nang masyadong damdamin ang pag-alis ng h*******k mong asawa." si Joy iyon.Dahil sobra itong nag-aalala sa akin, niyaya ako nitong magpunta sa isang bar nang sa ganun ay panandalian kong makalimutan si Diego.Napipilitan man, ay sumama parin ako.

"Girl, wala ka sa sitwasyon ko." mahina kong wika.

"Hoy! baka nakalimutan mong mas malala pa ang naging buhay ko noon sa piling ng Jowa kong si Arthur!!! 

Oo nga pala, nai-kuwento nito dati ang paghihiwalay ng kasintahan nitong si Arthur.Iniwan lang din ito sa napakababaw na dahilan.Bakit may mga ganoon pang tao sa mundo? masyadong mapanakit sa damdamin ng iba.

"Uminom nalang tayo," sa halip ay wika ko.

Nag-inuman kami ni Joy.Pakiramdam ko panandaliang nawaglit sa isipan ko si Diego.Pero, kailangan kong tanggapin na paggising ko bukas, ay nandun parin ang matinding sakit na dulot ni Diego.

Ilang araw, buwan at taon ay unti-unti ko nangang nakalimutan si Diego.Pero, masyado talagang malupit ang kapalaran.Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko sa loob ng bahay ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Magagalit ba ako dahil muling nagpakita si Diego saakin sa loob ng maraming taon? 

Kinapa ko ang dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko.Okay na ako.Wala na ang sakit na katulad na nararamdaman ko noon.Nakapag-move on na ako. Wala na akong pag-ibig ni hinanakit towards Diego.

Pinagmasdan kong mabuti ang hitsura ni Diego.Medyo nangayayat ang mukhq nito dahil medyo lumalim ang mga mata nito kumpara noon.Pero, sa tingin ko ay mas lalong gumandang lalaki ito sa ngayon.Naging makisig na ang pangangatawan nito.Pero, kahit ano pang kahanga-hanga mula sa pisikal nitong anyo, ay ni katiting na atraksiyon ay wala na akong nararamdaman.

"Please, Venice." Nakaluhod itong humarap saakin.Nakatitig lang ako dito.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sasabihin dito.

"Patawarin mo'ko Venice! Nagsisisi na ako sa pang-iiwan ko sa'yo! napagtanto ko kung gaano ka pala kahalaga sa buhay ko! 

"Tumayo ka diyan Diego." mariin kong wika habang nakatitig dito.

"Please forgive me....Pagmamakaawa parin nito."Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako!

"Talaga, Diego?"sarkastiko kong tanong.

Tumango ito at puno ng pag-asam ang mga mata nito.

"Lubayan mo ako, huwag ka nang magpakita pa sa buhay ko, papatawarin kita." 

Nakita ko ang labis na lungkot na bumalot sa mga mata ni Diego.Doon ko napagtantong, umiiyak pala ito.

Hindi ko alam pero parang hinaplos ang puso ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status