Share

Chapter3

Dali dali akong bumaba ng building at tumungo sa garahe kung saan naroroon ang sasakyan ko.Katatapos lang namin ni Diego gawin ang project na ibinigay saamin ni sir June.Hindi maganda ang bungad ng araw na ito para saakin.Palagi kaming nagde-debate ni Diego maging sa oras ng trabaho.

Nakakawalang gana ang araw na ito lalo at nakita ko nanaman ang gwapong mukha ng dati kong asawa.

guwapo? saan galing iyon?

Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan ko subalit, ganoon nalang ang labis kong pagkadismaya ng mapagtanto kong nasiraan ang sasakyan ko.

"What happened? Maayos ka naman kanina." bulong ko bumaba ng sasakyan.Mas lalo akong nairita ng makitang flat ang gulong ng kotse ko.

"Holy shit!! bakit flat? hindi naman ito flat kanina? ano ba ang gagawin ko? Medyo madilim na pauwe at wala akong masasakyan,"

"Need help?"

Napabuga ako ng hangin ng marinig ang boses na iyon.Si Diego nanaman! basta nalang itong sumusulpot.Akala ko pa naman tuluyan na itong hindi magpapakita saakin.

"Bakit nandito ka pa? akala ko ba umuwi ka na?" iritado kong tanong ng hindi parin ito nililingon.Mahirap na baka maalibadbaran pa ako ng sobra.

"May nakalimutan lang akong kunin sa working station ko kaya bumalik ako dun.Kanina pa sana ako nakauwi kaso, nakita kita dito sa parking lot at mukhang nasiraan ka yata?" Anito umikot sa kinaroroonan ng kotse ko.

Naamoy ko tuloy ang mabangong perfume na gamit nito.

"Anong mabango? stop it Venice!"

Pinagmasdan ko lang ito habang sinusuri nito ang gulong kotse ko.

Napalunok ako ng makita ang kakisigan ng katawan nito.Hindi ko alam pero, parang gusto kong yakapin ito.

"Stop staring at me that way!"

Untag nito.Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako titig na titig dito.

I just rolled my eyes at ibinaling sa ibang deriksiyon ang paningin ko.

Ramdam ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko.It was like I felt those heart beat three years ago.

"Gabi na ay mukhang hindi natin maaayos itong sasakyan mo.Sumakay ka na saakin."

Bumuhos ang labis na pagkadismaya sa mukha ko.Talagang nanadya yata ang tadhana.

"What? hindi ako sasakay!" Masungit kong saad at inirapan ito.

Lumapit ito sa kinaroroonan ko at mataman akong pinagmasdan.Nagyuko ako dahil nakaramdam ako ng labis na pagkailang.

"It's up to you." Seryoso nitong wika.

Nainis ako dahil hindi manlang ito namilit.Tinalikuran ako nito at naiwan akong nakanganga.

"Ikaw rin, gabi na at wala ka nang masasakyan.Marami pa namang multo sa building na ito." wika nito."Marami rin ditong rapist,"

Hindi ako natatakot sa multo pero sa rapist takot ako.

"Please wait!" Sigaw ko.Kaagad naman itong lumingon ng nakaguhit ang kakaibang mga ngiti sa labi.

ngiting tagumpay ang h*******k!

Tumakbo ako papalapit sa sasakyan nito.

"Hop in." anito.Nakapasok na pala ito sa loob hindi man lang ako pinagbuksan ng kumag.

at kailan pa naging gentle man iyang asawa mo Venice? wait....! correction ex-husband!!

Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyat at pumasok sa loob.

"O bat diyan ka sa backseat umupo?" kunot noo nitong tanong.

"Anong problema?"masungit kong saad.

"Sit beside me, Wife." Seryosong saad nito.

Inirapan ko lang ito bago sinunod ang utos nito.

"You can close your eyes and feel the music." Narinig kong wika nito nang sa wakas ay nakaupo na ako sa tabi nito.

Maya-maya'y naramdaman ko ang pagdukwang ng mukha nito.Tila hinahabol ng sampung aso ang puso ko ng makita kong lumapit ang mukha nito sa mukha ko.Nakaawang lang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang mga labi nito.Bumuka ang mga braso nito at mukhang yayakapin ako ng hudas.

"Fasten your seatbelt." Malambing nitong wika at inayos ang seatbelt ko.

Hindi ko alam pero, parang nadismaya ako.Masyado akong nag-expect.Akala ko pa naman hahalikan ako nito at yayakapin.

"it's just your delusion, Venice."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa hiya.

"Thank you." matipid kong wika at kunway ipinikit ang mga mata.

Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan.

"How are you after doing the project? Are you tired?" Tanong nito habang nasa pagmamaneho ang paningin.

Iinikot ko ang mga mata ko.

"Not fine."

Kaagad naman itong lumingon ng may pag-aalala.

"Why?"

"Pagod ako huwag mo akong kausapin."

"Ang sungit mo palagi."

Hindi ko ito pinansin.

"We're here." 

Bigla akong bumaling sa labas ng bintana.Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

bahay namin?

"Can I come in?" Nakangiti nitong tanong nang sa wakas ay nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.

"No way!" 

Kunwa'y sumimangot ito.

"Hindi mo ba ako ipagtitimpla ng kape man lang?"

"Bakit naman kita ipagtitimpla?" Masungit kong tanong.

"Siyempre iinuwi kita ng ligtas dito sa bahay mo," 

I rolled my eyes at napabuntong hininga na lang.

"Okay." Walang emosyong saad ko at nagpatiuna ng naglakad papasok ng bahay.

Iginiya ko ito sa sala at tumungo ako sa kusina upang ipagtimpla ito ng kape.Talagang nangongonsensya ang loko.

"At ako naman itong marupok" bulong ko habang naglalagay ng kape sa tasa.

"O ayan na kape mo! Lagukin mo na 'yan at nang makalayas ka na.

"Talaga bang galit ka parin saakin?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang dahan-dahang hinihila ang tasa ng kape.

"Ano sa tingin mo?" Seryoso kong saad.

Napabuntong-hininga ito at tila kay lalim bigla ng iniisip.

"All this time ay pinagsisisihan ko parin ang lahat Venice, at sana mapatawad muna ako."

Pinagmasdan kong mabuti ito.Sensero ang mga mata nito habang binibigkas ang mga katagang iyon.

"Mabuti naman nagsisi ka na.Pero hindi ibig-sabihin niyon ay patatawarin na kita.Katulad ng palagi kong sinasabi, papatawarin lang kita kung, lulubayan mo na ako.Huwag ka nang magpapakita pang muli."seryoso kong saad.

Natahimik naman ito.

"Thank you for the coffee," kapagkuwan ay wika nito.

"O siya sige larga na!" Pagtataboy ko dito.Napakamot naman ito sa batok niya.

"Goodnight." Ngiting saad nito.

"There's nothing good with my night sinira mo na!" inis kong wika.

"Sana, dumating din ang time na mapalambot kong muli ang puso mo venice.And I will do everything to win your heart back." Halos pabulong nitong wika.

Napalunok ako dahil sa winika nito.Hindi ko alam kung ano ang isasagot.Sa dinami-rami ng sugat at sakit na idinulot nito sa puso ko noon, hindi ko alam kung paano muling lalambot iyon.He will never been a good husband to me back then.Mas madalas akong umiiyak ng patago dahil sa sakit ng katotohanang, unti-unti nang lumamig ang puso nito saakin.Tapos ngayon, nagbabalik ito para sabihing papalambutin muli ang puso ko?

Kung makapagpatawad man ako, nasisiguro ko ring hindi ko na muling ibabalik ang puso ko para dito.

"Kung wala ka nang sasabihin, maaari ka nang umalis."Pagtataboy ko.

Bagsak ang dalawang balikat nito bago tumalikod.

Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ang pagharorot ng sasakyan nito palayo.

Maya-maya'y natigilan ako ng maramdaman ang sakit sa dibdib ko.Tila nagsikip ang paghinga ko.Hindi ko kaagad namalayang, unti-unti na palang nagsipatakan ang mga luha ko.

Ilang beses ko mang itanggi sa sarili ko na, wala na akong nararamdaman para dito, kabaliktaran naman ng itinitibok ng puso ko.

Hindi ko lang maamin sa sarili ko pero, mahal ko parin si Diego.I still love him despite of all he have done to me.

Marahan kong pinahid ang mga luha ko.Nagtungo ako saaking kwarto at doo'y umiyak ng umiyak.

Maraming naiwang alaala si Diego sa bahay na ito.Kahit ilang beses ko pang sunugin ang mga larawan namin sa isa't-isa, itong bahay naman ang nagsisilbing malaking bahagi ng pagsasama namin noon.

Kinabukasan, maaga akong pumasok at hindi na ako nag-abala pang magbreakfast.

Pagkatapos kong batiin ng good morning ang mga kasamahan ko sa trabaho, dirediretso akong nagtungo sa working station ko.

Habang naglalakad patungo doon, pansin ko ang kakaibang mga ngiti ng mga kasamahan ko.Subalit, hindi ko na pinansin pa iyon.

Ilang-sandali lang ay nakarating na ako sa mesa ko subalit, natigilan ako ng mapansin ang isang pumpon ng rosas sa ibabaw niyon.

Luminga-linga ako at nakita kong halos mapunit ang mga labi ng mga kasamahan ko dahil sa kakaibang mga ngiti.

Muli kong itinuon ang pansin sa bulaklak at sinilip ang nakasulat sa maliit na card.

"For you my lovely ex-wife hope you like it"

Pinigilan ko ang mapangiti pagkatapos kong basahin iyon.

"Come back na ba?"Narinig kong saad ng isa sa mga kasamahan ko.Hindi ko na ito pinansin pa.Kunwa'y wala akong pake sa mga bulaklak pero deep down in my heart, para akong nalulunod sa saya.

"Bakit di pagbigyan muli ang ating pagmamahalan."Narinig kong kanta ni Alex isa sa mga Engineer dito sa department.

"Naku! Tigilan niyo ako! Hindi mangyayari ang iniisip ninyo." Kunwa'y naiiritang saad ko.

"Tulak ng bibig kabig ng dibdib, ito'y kasabihan na aking nabatid," narinig ko rin ang pagkanta ni Joy mula sa likuran ko.Kaya inulan ng hiyawan ang Department na iyon.

"Balik nalang kayo sa trabaho ninyo!" Saad ko at hindi ko na muling pinansin pa ito.

Maya-maya'y natigilan ako ng mapansing wala si Diego sa working station nito.Gusto ko sanang magtanong kaso, alam kong bibigyan nanaman ng malisya iyon ng mga haliparot kong katrabaho.

Nagtataka man, ay pinilit kong iwinaglit sa isipan ko si Diego.Nilibang ko nalang ang sarili ko sa trabaho hanggang sa hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras.

"Lunch break na pala," bulong ko.Noon ko pa napansing ako nalang ang taong naroroon.

"Siguro nandoon na sila sa cafeteria." Bulong ko.

Tumayo ako at inayos muna ang mga nagkalat na mga papel sa mesa bago nilisan ang lugar na iyon.

Nagtungo ako sa cafeteria upang mag-lunch.

Tama nga ang hinuha ko nandoon na sila lahat.

Humakbang ako patungo sa counter para mag-order.

Iniabot ko ang perang pambayad ko para sa pagkain subalit nagtaka  ako ng hindi ito tanggapin ni Reese ang tindera ng cafeteria.

"Bayad ka na po."

"Huh? Heto nga po inaabot ko palang ang pambayad ko," taka kong wika.

"Binayaran na po iyan ni sir Diego," 

"Ano?" Hindi ko makapaniwalang saad.

"Paano niya nabayaran e wala nga siya dito? Absent po siya ngayon kaya huwag mo akong lukuhin." Natatawa kong wika.

"Bayad na po talaga," 

Napilitan akong tumango.

Pagod kong hinilot ang sentido ko pagkapasok ko palang ng bahay.Humakbang ako patungong sofa at ipinikit ko ang aking mga mata.

"Tired?"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat.

"Diego?" 

"Pasensiya ka na pinakialaman ko nanaman ang kitchen mo." Anito doon ko pa napansin ang suot nitong apron.Aba bumagay talaga sa kanya.

"Pagod ako kaya huwag mo akong kausapin bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin." Saad ko at tumayo para umakyat na patungong kwarto.

"Let's eat together." Nakangiting saad nito.

"No kainin mo mag-isa ang pagkaing ihinain mo." Masungit kong saad.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Please, just this time Venice." Nagsusumamo ang mga mata nito.

"Pagod nga ako at hindi ako nagugutom."

"Please just this time." Pangungulit nito.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin ng happy birthday?"

Natigilan ako.Oo nga pala kaarawan nito ngayon.

"Okay, happy birthday." Walang emosyong saad ko.

Kapwa kami tahimik habang nasa harapan ng pagkain.Walang nagtatangkang magsalita sa amin.Minsan, nagtatama ang paningin naming dalawa pero hanggang doon lang.

"Thank you," he broke the silence.

"For what?" Kunot noo kong tanong.

"Sa pagbibigay ng pag-asang makasama ka kahit ngayong gabi lang."

Hindi ako kumibo.Ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo.

"I want this night to become especial."

Hindi parin ako kumibo pero, lihim akong natuwa.Tila nagbabalik na nga ang dating Diego na nakilala ko.Ang dating sweet at mabait na Diego.

"Pagkatapos nating kumain, matutulog na ako at umuwi ka narin." 

"Can I stay here just for tonight?"

Kinabahan ako sa sinabi nito.

"No!" Mariin kong tanggi.

"Please."

"I said no! Ano nalang ang iisipin ng mga tao kapag nakita ka nilang dito natulog?

"I don't care," 

"Talaga?" You don't care? Ganyan ka naman di ba? Kagaya nang dati, you always don't care.You don't care kahit nasasaktan mo na ako ng paulit ulit."

Natigilan ito.

"I'm sorry hindi na mauulit iyon."

Umiling nalang ako iniwanan na ito sa kusina

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status