Share

Chapter4

Naging abala ang araw ko ngayon dahil sa isang proyekto na gagawin ko sa Quezon City para sa renovation ng malaking eskwelahan.I am very thankful na hindi si Diego ang kasama ko sa proyektong ito.Natitiyak kong magbabangayan nanaman kami ng sungay kapag nangyari iyon.

"Let's eat our lunch." narinig kong wika ni Engineer Leo, ang ka-partner ko sa proyektong katatapos lang namin gawin ngayon.

Nakita ko kanina kung gaano nasira ang mukha ni Diego nung sabihin ni Sir June na si Engineer Leo ang kasama ko sa trabaho.Buti nga sa kanya.Alak kong nagseselos ito pero, wala akong pakialam.

"Lunch na ba?" Natatawa kong saad.

"Yes! Siguro, dahil sa kaiisip mo niyan sa Ex-husband mo kaya hindi mo namalayan ang oras." Natatawa nitong wika.Inirapan ko lang ito at saka humakbang patungo sa bakanteng mesa at kaagad na  umurder ng pagkain.Naramdaman kong sumunod naman ito.Umupo ito sa bakanteng upuan paharap sa kinauupuan ko.

"Ayaw pang aminin." Hirit pa nito.

"Wala akong pakialam sa mokong na iyon!"

"Pero, deep inside, miss niya na si Engineer Diego." Tukso muli nito.

"Isang Chicken Salad, Sisig at Isang kanin." Wika ko sa waiter.Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Engineer Leo.

"How about you, Sir?" baling ng waiter kay Engineer Leo.

"Katulad nalang din ng sa kanya." Tugon nito.

"Aba! gaya-gaya ka!" natatawa kong wika.

"Bakit bawal ba?"

"Hindi naman."

"Iyon lang po Sir, Ma'am? tanong ng Waiter.

Sabay kaming tumango ni Engineer Leo.Mga ilang sandali lang ay dumating na ang inorder naming pagkain.

Habang nasa kalagitnaan ng lunchbreak, nagkasarapan kami ng kuwentuhan tungkol sa mga personal naming buhay.Sa tinagal tagal naming magkasama sa iisang branch sa trabaho, ngayon ko lang nalaman na hiwalay rin pala ito sa asawa at may dalawang anak na babae na naiwan sa kanya.Hindi rin kami gaano ka lapit noon sa isa't-isa.Sa katunayan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama kami sa iisang proyekto.

Ayon dito, iniwanan daw ito ng asawa at ipinagpalit sa ibang lalaki.

"So, wala ka nang balak mag-asawa niyan?"

"Maybe not this time.For now, I just wanna first prioritize my daughters.Para saakin, sapat na sila upang sumaya ako sa buhay." Seryoso nitong saad.

Engineer Leo is a handsome and kind Hearted man at sa katunayan nga, marami ang nagpapapansin dito sa building na pinagtatrabahuhan namin pero, sadyang isinara na yata nito ang puso para sa pag-ibig dahil sa kabiguan noon sa dating asawa.

"How about you? wala ka na bang balak buksan ang puso mo para kay Engineer Diego?"

Natigilan ako dahil sa tanong na iyon.

"I know, nagsisisi na siya dahil sa pang-iiwan niya sa'yo noon at alam ko ring humingi siya ng tawad sa'yo." anito. "Ano pinatawad mo na ba?" dugtong na tanong nito.

Uminom muna ako ng tubig.Alam kong hindi lingid sa kaalaman ni Engineer Leo ang nangyari sa marriage namin ni Diego noon dahil magkaibigan naman ang dalawa.Hindi rin kami gaano nagkalapit nito noon kahit pa magkaibigan ang dalawa dahil, hindi talaga ako sanay makipagkaibigan sa mga lalaki lalo na kapag malapit sa dati  asawa ko.

Napipilitan lang naman ako makihalubilo sa kanila dahil kahit paano ay kasamahan ko rin naman sila sa trabaho.

"I am not that sure.Hindi ko maintindihan ang sarili ko, everytime na nasisilayan ko ang mukha niya, ay biglang bumabalik ang sakit at kapag wala naman siya, Gusto ko siyang makita mahina kong wika.

" Magulo nga! natatawa nitong saad."But, you still love him right?"

Sumubo muna ako ng pagkain at uminom muli ng tubig.Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong na iyon.

"Oh! will you please excuse me, anito ng biglang tumunog ang cellphone nitong nasa ibabaw ng mesa.

"Sure!"

Naglakad ito palayo sa kinaroroonan ko.Maya-maya'y bigla ring bumalik ito.

"I'm sorry Archetict but, I really need to go.Paano ba 'yan, baka puwede ka nalang mag-commute pauwi." nag-aalala nitong wika.

Napagkasunduan kasi namin kanina na sa kotse na nito ako sumakay para magkasabay kaming makarating sa patutunguhan namin.Nasiraan nanaman kasi ang sasakyan ko kaya, nakisabay nalang ako rito.

"No worries, yakang-yaka kong magcommute." ngiti kong wika.

Ilang sandali lang, bigla nanamang tumunog ang cellphone nito kaya, muli itong nagpaalam saakin upang sagutin ang tawag.

Ilang minuto bago ito bumalik.

"Don't worry, ipapasundo nalang kita sa isa sa mga kaibigan ko." anito.

"I'm okay,don't bother." Wika ko at tumayo na rin.

"I insist." pamimilit parin nito kaya wala rin akong nagawa kundi ang um-oo.

Nagpaalam na ito at kumaway pa bago pinaandar ang sasakyan palayo.

Lumabas na ako sa Restaurant na iyon at doon ko na hinintayin ang kaibigang tinutukoy nito na susundo saakin.

Maya-maya'y natigilan ako ng maalalang hindi ko manlang naitanong kung ano ang pangalan ng kaibigang susundo saakin ni wala akong ideya kung ano ang hitsura nito.Paano ko ito makikilala at paano ko malalaman kung sakaling dumating na ito doon.

Ilang minuto din akong nakatayo sa Restaurant na iyon ng mapansin ko ang paghinto ng mamahaling sasakyan sa harapan ko. "Pagani Huayra." bulong ko sa pangalan ng sasakyan na iyon.

Napanganga ako ng makita kung sino ang lulan niyon.

Para akong napako sa kinatatayuan and my eyes nailed into his gray beautiful eyes. "Oh damn! He's oozing with sex appeal bagay na bagay sa kanya ang dalang kotse.Hindi ko inaasahang, may ganoon pala kamahal na sasakyan ang asawa ko. "Correction again! It's my Ex-husband!"

"What are you waiting for?" anito at salubong ang kilay habang nakatitig saakin.

Bakit ba tila nagbalik nanaman ang kakaibang pagtibok ng puso ko ngayong, nasilayan ko muli ang gwapong mukha nito.

"Hurry up! my time is too precious for you to just waste it." He said with an irritated tone.

I rolled my eyes at padabog na sumakay sa sasakyan.

Hindi ko maiwasang palihim na mainis kay Engineer Leo.Sa dami rami ba naman ng puwedeng sumundo saakin, ay ito pa talagang kumag ang inutusan nito.

"Do you love to be with him?"

Narinig kong tanong nito pagkatapos nitong paandarin ang sasakyan.

"Who?" Kunot-noo kong tanong.

"May iba ka pa bang kasama aside from Engineer Leo?" Pabalang nitong wika.

Lihim akong napangiti.

"Are you jealous?" naisipan kong tanong.

"Why do I need to be jealous in the first place?" Seryoso nitong tanong."We're not in a relationship."

Bakit parang sinaksak ng maraming karayom ang puso ko ng sabihin nito iyon.

Hindi ko tuloy maiwasang mapahiya.Mas pinili ko nalang ang manahimik.Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa naitanong ang walang kwentang tanong na iyon.

Ilang oras ring hindi kami nagkibuan hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan.Ibinaling ko sa labas ang paningin ko.Nasa harapan kami ng isang mamahalin at kilalang flower shop.Hindi ko maiwasang magtaka.

Nakita kong bumaba ito.Gusto ko sanang magtanong kung ano ang gagawin nito doon kaso, pinangungunahan ako ng hiya baka pagsisihan ko nanaman iyon kapag hindi ko nagustuhan ang sagot nito.

Obviously naman na bibili ito ng bulaklak.Bakit parang kinabahan ako ng matukoy kung ano ang itinatakbo ng isipan ko.

Ilang sandali lang ay nakabalik na rin ito habang bitbit ang isang bungkos ng mamahalin at magagandang bulaklak.

Ilang segundong napako ang paningin ko sa mga bulaklak na iyon.

Napanganga ako ng bigla nitong iinabot saakin.Hindi ako makapagsalita at nanatili lang akong nakatanga.

"Pakihawak."

Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig dahil sa narinig.

Akala ko pa naman para saakin iyon."Bakit ka naman nag-aasumme Venice!" palihim kong sermon saaking sarili.

Naramdaman kong inis-start ant sasakyan.

"Magugustuhan niya kaya iyan?" Nakangiting saad nito habang nasa kalsada ang paningin dahil sa pagmamaneho.

Tila naumid ang dila ko at wala akong mahagilap na puwedeng isagot.

"Hey! are you alright?" untag nito at bahagya akong nilingon at muling ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.

"Yes, Ofcourse!" maagap kong sagot at pilit na ngumiti.

Bakit parang nasasaktan akong isipin na may ibang babae ang pagbibigyan nito ng mga bulaklak na iyon.

Marahil ay sumuko na ito sa panunuyo saakin at nakakita na ng babaeng iibigin.

"You look so pale, are you okay?" nag-aalala nitong tanong.

"Medyo nahihilo lang ako.Siguro dahil pagod lang ako sa trabaho." Pagdadahilan ko at bahagyang ipinikit ang mga mata ko at isinandal ang likod ko sa upuan.

Naramdaman kong binilisan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan at ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng gate ng bahay ko.

Mabilis itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Inilahad nito ang kamay at inalalayan akong makababa.Natigilan ako ng maramdaman ko ang tila kuryenteng dumaloy sa bawat sestema ko.

"Why? May masakit pa ba sa'yo?nag-aalala nitong tanong.Subalit, hindi pa ako nakakasagot, ay nagulat ako ng bigla ako nitong buhatin with a bridal style.

"Anong ginagawa mo?" mahina kong tanong.

"Alam kong masama ang pakiramdam mo kaya, dadalhin na kita sa kuwarto mo," sagot nito saka pinindot ang doorbell at ilang sandali lang ay dumating ang isa sa mga kasambahay ko at dali-dali nitong binuksan ang gate ng may pagtataka.

"Ibaba mo ako kaya kong maglakad!" masungit kong wika.Subalit, hindi ito sumagot bagkus, ay binilisan nito ang paghakbang at iinakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang pinto.

Naramdaman ko nalang ang maingat na paglapag ng likod ko sa malambot na kama.

Ilang minutong nakipaglabanan ng titigan ang mga mata ko sa mga mata nito.We both speechless while staring each others.All I hear now is my faster heart beats.

"You can rest now." halos pabulong nitong wika.

"I-I need to rest now you can go."

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig ang mga mata nito hanggang sa naramdaman ko ang pagbaba ng paningin nito sa mga labi ko.

I really do not know what to feel or to react with. Dumako ang paningin  ko sa mga labi nito.

I missed those lips for how many years at may bahagi ng damdamin kong gusto kong maramdaman muli ang masuyo nitong mga halik just like the old times.

"Can I kiss you?" 

This is the right time to feel those lips again.

"Can I kiss you?" Pag-uulit nito subalit, nanatili lang akong nakanganga habang nakatingala dito.Hindi ko namalayan kung paano nito nagawang dumagan sa katawan ko habang nakatukod ang magkabilaang makikisig na mga braso sa malambot na kama upang hindi ako mabigatan.

"Puwede bang umalis ka sa ibabaw ko, baka mamaya makita tayo dito ng mga kasambahay!" Piksi ko subalit, malalakas ang mga braso nito dahilan upang hindi ako makawala.

Pinilit kong magsungit-sungitan upang maipakita kong hindi ako ganun kaapektado sa mga ginagawa nito..

"I ask your permission to kiss you." Anito at hinawakan ang dalawa kong braso upang hindi ako makawala pa.

"Huwag ako Diego! hindi mo ako madadala sa mga ganyan!"

"Okay fine! Kung hindi naman pala madadala sa magandang usapan, mas maiging idaan ko nalang sa santong paspasan!" anito at siniil ako ng halik saking mga labi.

I was totally in shock even if the kiss was over.

Hindi ako makapaniwalang, tumugon ako sa mga halik na iyon dahil sa tila mahikang lumukob sa buo kong pagkatao ng mga sandaling iyon.

Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang ito naman ay gumuhit sa mga labi ang mga ngiting tagumpay.

"I have to go.Thank you for the kiss hindi ko maitatangging mahal mo pa nga ako." nakangising wika nito.Para namang umakyat ang dugo ko saaking ulo dahil sa narinig. 

Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at tinapunan ito ng nakamamatay na tingin.

"I don't love you anymore Diego!"

"Oh really? Hindi mo ba alam na action speaks louder than voice?" anito at ngumisi ng nakakaloko.

Natameme naman ako dahil sa sinabi nito.Tama naman ito.Base sa mga kilos ko kanina, mas nangibabaw parin ang pagmamahal ko dito.Siguro, hindi ko lang maamin sa sarili ko na mahal ko parin ito dahil, natatakot akong masaktan muli.Ayaw kong umasa lalo na ngayong, may ibang mahal na ito.

Nasaktan nga ako kanina nang mapagtanto kong may pagbibigayan ito ng mga bulaklak na iyon at hindi ako iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status