Share

Chapter5

Taas noo akong naglakad patungo sa working station ko.Ayaw kong tingnan ang bandang kinaroroonan ni Diego habang nasa working station nito ang binata at kausap si Sir June.

Nilagpasan ko lang ang dalawa at binati ng goodmorning si Sir June habang pilit kong huwag dumako ang paningin ko sa guwapong mukha ng Ex-husband ko. subalit, sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nakatitig saakin ang dati kong asawa.

Wala akong pakialam sa kanya.Pagkatapos ng ginawa niyang paghalik saakin kahapon, hindi ko na siya kayang harapin pa dahil sa buweset kong sarili at nagawa akong ipagkanulo ng sarili kong damdamin kaya ako tumugon sa mga halik nito.

"Goodmorning girl!" si Joy na kararating lang din.

"Good morning too." sagot ko ng hindi nakatingin dito dahil sa inaayos ko pa ang mga kagamitan ko sa ibabaw ng mesa.

"Mukhang malakas yata ang tama ng isa doon." narinig kong wika ni Joy habang inginunguso ang kinaroroonan ni Diego.

Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Diego at hindi ko alam na nakatingin din pala ito saakin kaya, bigla kong binaling ang tingin ko kay Joy.

"Baka nakasinghot ng droga!" Inis kong wika.

"Grabe siya! sa guwapo ba namang nilalang niyang asawa mo, mukha bang nakasinghot ng droga iyan?" natatawang wika ni Joy.

"Correction! he's not my husband anymore.At saka hindi naman basehan ang panlabas na anyo para malaman mong nakasinghot nga siya ng droga.Lu-level up na ang mga drug users ngayon.Karamihan na sa kanila ay mga guwapo at macho pa nga kung tutuusin."

Bumunghalit naman ng tawa si Joy dahil sa sinabi ko kaya, biglang napalingon si Sir June at Diego sa kinaroroonan namin.

Nag-iwas ako ng tingin at muling itinoon ang pansin sa ibabaw ng mesa ko.Inayos ko ang mga magazines na gagawin kong reference para sa maaarte kong clients.

"Makalayas na nga!" narinig kong wika ni Joy saka ito tumalikod at nagtungo sa sariling working station.

Umupo ako pasimple kong sinuri ang sarili ko sa maliit na salamin na nakapatong sa mesa ko.

"You looks beautiful, as always." 

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Diego mula sa harapan ng mesa ko.

"What are you doing here?" masungit kong tanong dito at muling sinilip ang sarili ko sa salamin na hawak ko ngayon.

"I just want to ask, how are you? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Hindi ko alam kung totoo ba ang concern na nahihimigan ko mula dito.

Tumaas ang kaliwa kong kilay saka naman nagsalubong ang maiitim at makakapal nitong kilay.

"I'm okay!" now, will you please shooo away?" I said irritatedly.

"Ipinagtimpla pala kita ng kape."

Saka ko pa napansin ang hawak nitong kape ngayon.

"I don't need coffee!" mataray ko paring saad.

"Alam kong hindi ka pa nagkakape."

"Wala kang pakialam! asik ko.

"Will you please stop yelling at me.Hindi ka ba puwede magsalita ng hindi mataas ang boses? Look pinagtitinginan nila tayo." mahina nitong wika.Pasimple ko namang inilobot ang paningin ko sa mga kasamahan ko.

Inirapan ko ang mga iyon ng makitang halos mapunit na ang mga labi ng mga hinayupak dahil sa lapad ng pagkakangiti lalong lalo na si Joy.Halos mangisay na ito dahil sa sobrang kilig.

Alin ba ang nakakakilig sa pag-uusap namin ni Diego? nakakakilig ba masigawan? hay kalukreng!

"You can go back to work na bawal makipagchika habang nasa oras ng trabaho." mahina kong wika.

Nakita kong sinulyapan nito ang pambisig na relos.

"It's too early.Coffee time pa.Look at them." anito sabay turo sa mga kasamahan ko doon.

Tama naman ito.Hindi pa naman iyon ang start ng working hours.Simula kasi ng muling ibalik ni Sir June si Diego dito sa branch, palagi akong nag-uumpisang magtrabaho ng maaga para lang iwasan ito.Kung maaari nga lang, maging bulag pansamantala, para hindi ko lang makita ang pagmumukha nito.

"Pwes! magkape ka mag-isa mo!"

He clenched his jew halatang napipikon na saakin.

"Ayaw mong tanggapin ang kape ko?o baka gusto mong sumikat kahit ngayong araw lang?" nakangising saad nito na hindi ko naman na gets ang ibig nitong sabihin.

"Eh di pasikatin mo!" 

"Really? Sarkastiko nitong wika.Dahan-dahan nitong inilapag ang kape sa mesa ko.

"Guys!" tawag pansin nito sa mga naroroon.Kaagad namang nakuha ang atensiyon ng lahat.

"I'm gonna show us my new discovered challenged." ani Diego.Naging interesado naman ang mga loko.

"Okay sure!" si Joy.

"Anong challenge ba'yan Engineer? tanong naman ni Engineer Leo.

"Kiss your Ex-Wife challenge!" mabilis nitong tugon at tinapunan ako ng nakakalokong ngisi.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.Pero, hindi ako nagpahalata at pinilit ko paring magsungit-sungitan sa harapan nito.

"Hoy! lalaking nakasinghot ng droga! huwag mo akong dadaanin sa mga ganyang biro!" Singhal ko.Narinig ko naman ang mahihinang tawanan ng mga kasamahan namin at tila tuwang-tuwa pa.

My whole body couldn't react.I knew that he's going to kiss me dahil, unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha ko.Para akong na-hipnotized.Rinig ko ang malalakas na hiyawan ng mga naroroon pero, hindi ko parin magawang gumalaw.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi ko.

He gently kissed me na halos ikamatay naman ni Joy dahil sa sobrang kilig ganun din ang mga kasamahan namin.

"See.Hindi mo nga maitatangging mahal mo parin ako." Pabulong nitong wika.Halos kasing pula ng makupa ang mukha ko dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko sa ngayon.

Wala sa sariling mabilis akong humakbang palabas ng department na iyon at lumabas ng building bitbit ang bag ko.Uuwi na lang ako.bahala na ang mga kliyenteng nangangailangan saakin.

Hindi ko namalayang unti-unti na palang bumagsak ang mga luha ko.

Bakit ba ramdam ko parin ang pagmamahal ko kay Diego? Bakit sa kabila ng lahat mahal ko parin siya?

Ano ba sa akala niya ang ginagawa niya saakin? Pinaglalaruan niya ba ang damdamin ko? Bakit niya ginagawa saakin iyon gayong may ibang mahal na siyang mahal.

Tinungo ko ang kinaroroonan ng sasakyan ko.Sumandal muna ako doon at marahang pinahid ang mga luha ko.

Siguro, ilang minuto rin akong nakasandal doon hanggang sa may narinig akong tumikhim at alam kong si Diego nanaman iyon.Hindi ko ito nilingon.

"I'm sorry kung napahiya kita kanina." narinig kong wika nito.

"Masaya ka na?" 

Naramdaman ko ang paghakbang nito.Naramdaman ko rin ang paghawak nito sa kamay ko pero hindi ko magawang bawiin iyon.

Wala paring ipinagkaiba, malaki parin ang epekto nito saakin sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin.

"Look, I'm saying sorry already.Can you forgive me?" Sincere nitong wika.

Hindi ako makasagot.Ang ginawa ko ay binuksan ko ang pinto ng kotse ko at pumasok doon.Lilisanin ko ang lugar na iyon pero, bago ko pa napaandar ang sasakyan ko ay nakita kong nakaupo na ito sa upuang katabi ko.

"Pati ba naman dito?" Inis kong wika.

"Kailan mo ba ako patatawarin Venice?" Sa halip ay tanong nito.

"Kapag pumuti na ang uwak kaya, bumaba ka na."inis kong turan.

Sa halip ay bumaba,nanatili ito sa loob at sa hindi ko inaasahan, ay kinuha nito ang mga palad ko at itinapat ito sa dibdib nito kung nasaan ang kanyang puso.

"You're still there inside my heart.It is only beats just for you.You are the only woman who owns my heart." 

Nanatiling nakaawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang mga palad kong nasa dibdib nito.Ramdam ko ang tibok ng puso nito sa mga sandaling iyon.

Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.Naguguluhan ang puso at isip ko.Paano niya nasabi iyon kung may iba namang babae itong nagugustuhan? 

"I don't believe you." saad ko sabay bawi ng mga palad ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"Tell me, what should I do para lang maniwala ka?" malungkot nitong tanong habang nakatingin sa malayo.

Hindi ako sumagot.Alam ko sa sarili ko na mahal ko parin ito pero, mas nangingibabaw ang takot ko na baka, masaktan akong muli.Ayaw ko nang balikan ang masakit kong karanasan sa piling nito noon.

"Please, Venice. Nahihirapan na ako.Everytime na nasisilayan ko ang mukha mo, ay pakiramdam ko mas lalong lumalalim ang pag-ibig ko sa'yo."

Nagbaling ako ng tingin dito.I saw such sincerity in his eyes.Gusto kong maniwala.Gusto kong iparamdam dito ang pagmamahal ko pero, natatakot na talaga ako.

"You can go back to your work." Sa halip ay wika ko."Pakisabi nalang kay Sir June na masama ang pakiramdam ko.Bukas na ulit ako papasok." dugtong ko.

"Hindi na rin ako babalik doon.Sasamahan kita.Please, ayusin na natin ang nasirang relasyon natin noon.Kaya kitang pakasalan muli.And I promise, hinding-hindi na kita sasaktan pang muli."

"Sana ganun lang kadali ang lahat, Diego." 

"Please Venice."pagmamakaawa parin nito.He cupped my face at hindi ko inasahan ang kasunod na nangyari.

He instantly kiss my lips at ayon nanaman ang tila mahikang bumalot sa buo kong pagkatao.

I closed my eyes and feel the warmth of his lips.I slowly incircled my arms into his neck.Kasing lakas ng tambol ang pagtibok ng puso ko sa mga sandaling iyon.

We stopped kissing each others lips.I catch my breath dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga.

His eyes were mesmerizing while staring my eyes too.

"You still love me, Venice." nakakasigurong bulong nito.

"But you love someonelse."

Nakita ko ang sunod-sunod nitong pag-iling.

"Do you think, magagawa pa kitang habulin kung may mahal na akong iba? Do you really think na hahalikan kita kung may mahal na akong iba?"

"So please tell me, sinong babae ang ipinagpalit mo saakin noon?" tanong ko kahit na hindi ako sigurado kung tama nga ang hinala kong  may ibang babae ba talaga itong ipinalit saakin noon.Ang  alam ko lang kasi, nasasakal na ito saakin kaya hiniwalayan ako noon.

"Hiwalay na kami."

So tama pala ang hinala kong may iba ito at ginawa pang dahilan ang pagkasakal saakin para magkahiwalay na kami ng tuluyan.Ang sakit sa damdamin ng mga walang kabuluhang mga rason ng pakikipaghiwalay nito saakin noon.

"Paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo?" Tanong ko sa medyo garalgal na boses.

"Hayaan mo akong ipakita ko araw-araw ang pagmamahal ko para sa'yo."

Naghigit ako ng isang malalim na buntong-hininga hininga.Siguro, karapatan naman nito na mabigyan ng pagkakataon upang ipakita ang pagmamahal kono na sinasabi niya.Huwag lang siyang magkakamaling saktan ako muli dahil, natitiyak kong wala na siyang babalikan.

"Okay."

"What do you mean by that?" Nakangiting tanong nito.

"I will give you a chance to prove that I will not mistaken of choosing you again."

Dahil sa sinabi ko, bigla ako nitong niyakap ng kayhigpit.

Napangiti ako.I already felt those familiar warmth of his body three years ago.

"I can't breath!" reklamo ko dahil sa higpit ng yakap nito.

"I'm sorry!   anito sabay kalas sa pagkakayakap.

"Can I drive you home?" Nakangiting tanong nito.

"Okay." Sagot ko at nagpalit na kami ng puwesto ng upuan.

Pagdating sa bahay, sinundan kami ng mga tingin ng mga kasambahay ng may pagtataka.

"Himala!" Narinig kong bulalas ng isa sa mga kasambahay ko.

Hindi namin pinansin iyon.Dumiretso kami sa kusina.

"Anong gustong kainin ng "Mahal kong Reyna."nakangising wika ni Diego habang naghahanda ng mga sangkap para sa lulutuin.Ayon pa dito, uumpisahan na daw niya ang pagpapakitang gilas.I will let him do what he want.Nakangiti akong umupo sa harap ng mesa habang pinagmamasdan ang bawat galaw nito.

Napasinghap ako ng makita ang kakisigan ng katawan nito habang nakatalikod saakin dahil sa ginagawa.

He look so manly with the apron that he wear.Gumagalaw din ang mga biceps nito.

Naibaling ko kaagad sa ibang direksiyon ang paningin ko ng bigla itong pumihit paharap saakin at nahuli akong nakatitig dito.

Narinig ko ang pagtikhim nito.

"Enjoying the view, right?" nakangising saad nito.

"What view?" Kunway hindi ko alam ang tinutukoy nito.Hindi ko parin magawang humarap dito upang itago ang pamumula ng pisngi ko.

"View, I mean my body built."mayabang nitong wika.Inirapan ko lang ito pero, hindi ko maiwasang kiligin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status