Share

Chapter6

"This is too much, Diego!" galit kong wika sa kakambal kong si Diego.Ano ba ang kasalanan na nagawa ni Venice noon upang humantong sa ganoon ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Sa nakikita ko kasi sa dating asawa nito, ay may malambot na puso para sa kanya at hindi niya deserve ang lokohin.

Parang hindi ko na kayang ipagpatuloy ang gusto ng kakambal ko.Nakokonsensiya na talaga ako.Daig ko pa ang beteranong aktor kung umarte sa harap nito bilang katauhan ng kambal kong si Diego.

Diego begged me to pretend as Venice's husband.

I am Daniel, ang kakambal ni Diego na kailanman hindi gusto ng commitment in life pero, heto ako, trying to catch Venice bilang si Diego.

Honestly, I really do not know why would I agreed my twin brother's wish.

"Please, I admit, pinagsisisihan ko na ang pang-iiwan ko kay Venice noon dahil mas pinili kong makasama si Anna, ang babaeng tunay kong mahal." ani Diego.

"Ano pa ba ang magagawa ng pagsisisi mo Diego?" tanong ko saka tumungga ng alak.Nandito kami sa isang Bar ngayon.Sinadya ko talagang makipagkita dito para sabihing ayaw ko nang ipagpatuloy ang pagpapanggap bilang ito, bilang Diego Baldecañas.

I heard him sighed."Pinagsisisihan ko na ang lahat but, It doesn't mean na babalikan ko pa siya.I have my own family now and I love them so much."ani Diego."Kaya ko lang naman hiningi ang tulong mo na magpanggap bilang ako dahil, nakokonsensiya na ako."I know how much she loves me pero, hindi ko talaga kayang suklian iyon."mahinang saad nito saka uminom ng alak.

Alam ko namang hindi nito mahal si Venice pero, bakit niya pa ito pinakasalan kung iiwanan lang din sa huli.

And the worst thing he ever did to Venice ay iyong mismo ng araw ng kasal.

Hindi si Diego ang sumumpa kay Venice sa harap ng altar kung 'di ako.Ang akala ni Venice ay ako si Diego Baldecañas ang lalaking nangako sa kanya ng panghabang buhay na pagsasama sa hirap at ginhawa pero, hindi niya man lang nahalatang ibang lalaki ang kaharap niya sa mismong araw ng kasal niya.

Habang ikinakasal ako kay Venice,  sa katauhan ng kakambal kong si Diego, ay iyon din ang araw na nakipagkita ang kakambal ko kay Anna at nagsama ang dalawa ng panandalian.Hanggang sa araw mismo ng honeymoon sana ng dalawa, ay hiniling ni Diego na ako ang makasama ni Venice sa Palawan para sa honeymoon nila.

Ako na yata ang pinakamagaling na aktor sa mga oras ng honeymoon na iyon.Mahirap pala magpanggap ng ibang katauhan.

Venice is beautiful ang sexy kaya, sa araw na iyon, ay todong pagpipigil ko sa aking sarili na makagawa ng masama against her.Look, I was just a man and I needed that thing pero, nai-congrats ko ang aking sarili dahil nagawa kong pigilan ang pagnanasa sa kanya.

I respect her because, I am not his husband kundi si Diego.Yes, ako ang humarap at nangako dito sa harap ng altar pero, si Diego ang nakalagay na asawa sa marriage certificate at wala akong karapatang galawin siya.

"Now that I have already win Venice back, can I stop pretending infront of her as you?" wika ko sabay tungga ng alak.

Diego stare at me disgustfully.

"Ofcourse ipagpapatuloy mo parin iyon Daniel.Kapag ginawa mo iyon, lalo mo namang sinaktan si Venice." Inis na saad ni Diego saakin.

"You know how much I've hated commitment in life, Diego! wala sa usapan natin ang ipagpatuloy ko ang pagpapanggap habang buhay.Ang hiling mo saakin noon, ay ibalik ang tiwala ni Venice at pagmamahal saakin, bilang si Diego, bilang ikaw."mariin kong wika.

"You can have her.Pakasalan mo siya bilang ikaw." Seryosong wika nito.

"This is ridiculous! how can she marry me if she doesn't love me? how can she do that kung ang tingin niya saakin ay ikaw? Paano mangyayari ang gusto mo kung ang mahal niyang asawa ang laman ng puso niya?" I said irritatedly.

"It is your problem anymore!" pabalang nitong sagot.Hindi ako makapaniwalang tumitig dito .

"Paano ko naging problema ang problema mo Diego! Singhal ko.

Hindi ito sumagot.Isang katahimikan ang namagitan saamin.

"You're old enough to get married.Court her at ipaliwanag mo ang lahat sa kanya."

"Bakit parang ako pa ang obligadong gawin iyon? Hindi ba ikaw ang dapat na magpaliwanag sa kanya? Ikaw ang magpaliwanag kung bakit mo ako pinagpanggap bilang ikaw!galit kong hinampas ang mesa."And for you to remember, I hate commitments!"

"She doesn't deserve this kind of life.Niloko mo na nga noon ang asawa mo, pati ba naman ngayon niloloko mo parin siya? Ano ba talaga ang gusto mo Diego? Alam kong matagal ka na niyang kinalimutan tapos ngayon, ginagambala mo nanaman, natin ang buhay niya?"

"Just follow what I want to." matabang nitong wika at muling lumagok ng alak.

Maraming taong naging sinungaling dahil sa kalokohan ni Diego kasama na roon si Sir June.Kinausap nito ang head ng Azarcon Engineering And Architecture Services, na huwag sabihin kay Venice na hindi naman talaga  ako si Diego.

Ganun din si Engineer Leo na kaibigan nito.Ginawa niyang tanga si Venice sa harapan ko.Hindi ko maiwasang maawa sa dalaga dahil nakikita ko sa mga mata at kilos nito, na talagang mahal niya nga si Diego.

Venice deserve a man who truly love her dahil, alam kong mabait at mapagmahal ito.

Ang nakakatawa pa sa lahat ng ginawa ko, ay kinailangan kong matutunan ang trabaho ni Diego bilang isang Engineer.Ginawa ko ang lahat hanggang sa natutunan ko naman ang lahat ng pasikot-sikot.

Hindi rin naging madali saakin iyon lalo na at ang natutunan kong trabaho ay ang pagluluto sa sarili kong Restaurant.Sa katunayan nga, bihira ko na lang nadadalaw ang Restaurant na pag-aari ko dahil sa letseng kalokohan ng kakambal ko at pati ako nadadamay.

"I need to go!" Sa halip ay wika ko.Umiinit kasi ang ulo ko sa nagiging takbo ng pag-uusap namin ng kakambal ko.

Alam kasi nito na, masunurin akong kapatid kaya hindi ko matanggihan ang gusto nitong pagpanggapin ako bilang ito.

Napakunot noo ako ng marinig ang pagtunog ng doorbell mula sa gate ng bahay.Sinipat ko muna ang relo ko atsaka naisipang tumayo upang pagbuksan kung sino man ang taong iyon.Hating-gabi na at ano naman ang sadya nito saakin.

Hindi pa kasi ako makatulog dahil sa sobrang saya.Masaya ako dahil sa muling paglalapit ng loob namin ni Diego, ang aking dating asawa.Alam kong nagbago na nga ito ng tuluyan dahil, pinapatunayan niya naman iyon sa akin sa tuwing magkasama kami.

Nagulat ako pagbukas ko pa lang nang gate ay natunghayan ko ang lasing na mukha ni Diego.At talagang nagawa pa nitong magmaneho sa ganoong sitwasyon.

"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong dito.

He just smile and stare at me intently.

"Mag-I-sleep over ako." nakangising saad nito habang namumungay ang mata dahil sa kalasingan.

Nag-umpisa naman akong kabahan pero, wala rin naman akong magagawa dahil, hindi ko naman ito puwedeng pauwiin ng ganoon ang kanyang sitwasyon baka may mangyari pang masama dito.

Hindi ako nagsalita sa halip, ay inakay ko ito papasok sa loob ng bahay.Itinuloy ko ito sa isang bakanteng kuwarto katabj ng kuwarto ko.

Inalalayan ko itong maihiga sa ibabaw ng kama at saka inalis ang sapatos at medyas nito.At pagkatapos, kumuha ako ng damit upang palitan ito dahil, pawisan ito.Wala akong ibang damit sa loob ng tokador ko kundi, puro pambabae kaya, kumuha ako ng malaking T-shirt at natitiyak kong hindi naman pangit tignan sa kanya.Hindi na ako nangahas pang alisin ang pantalon nito.

Oo naging mag-asawa kami dati, pero, never pa akong nagkaroon ng karapatan ang gawin ang pagpapalit nito ng kasuutan lalo na at sa bahaging may kaselanan.

Pinagmamasdan ko ng mabuti ang guwapo nitong mukha habang nakapikit.Ibang-iba na nga ang Diego na nakilala at nakasama ko noon.

Kung dati ay palagi kaming nagtatalo sa tuwing umuuwi ito ng lasing ngayon naman ay tahimik at mapayapa itong natutulog sa ibabaw ng kama.

Hindi naman siguro mali dahil muli kong binuksan ang puso ko para dito.Lahat ng tao ay may karapatang pagbigyan ng pagkakataong magbago.

Bago ako lumabas ng kuwarto nito, Kinumutan ko muna ang katawan nito.

Kinabukasan, paggising ko palang ay sinilip ko na kaagad ang kuwarto nito subalit, nagtaka ako ng makitang wala ito doon.Dali-dali akong bumaba upang hanapin ito.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ito sa kitchen at mukhang abala yata sa pagluluto ng breakfast.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakatalikod na si Diego.Amoy na amoy ko ang bango ng niluluto nito.

Talagang todo effort talaga ito para ipakita saakin ang malaking pagbabago nito.

Ang dating Diego ay hindi kailanman nag-abalang lutuan ako ng breakfast.Pero heto siya at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa.

"Hi goodmorning!" bati ko.Kaagad naman itong lumingon ng may mga ngiti sa labi.I feel a butterflies fluttering in my stomach dahil sa ganda ng pagkakangiti nito.

"Goodmorning too." anito at muling ipinagpatuloy ang pagluluto.Naghila ako ng upuan at umupo doon paharap sa kanya.

"Pasensiya ka na kung umuwi ako kagabi ng lasing, nagkatuwaan lang kasama ng mga friends ko." Narinig kong wika nito.

"It's okay.Next time, siguraduhin mong sa bahay mo ikaw makauwi ha?"

Kaagad naman itong pumihit paharap saakin at napakamot sa batok.

"I'm sorry ulit.Hayaan mo, sa bahay na talaga ako uuwi." ngiting wika nito.

Tumango nalang ako at pinagmamasdan ang ginagawa nito.

"Anyway, today is sunday. Can you come with me? Pasyal tayo."

Kaagad naman akong tumango.Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay.

"Alam mo ba 'yong Filipino-food Restaurant na bagong bukas ngayon? ang sabi ni Joy, masarap daw ang mga pagkain doon." ngiti kong wika.

Hindi ito kaagad nakasagot.

"Kaso, hindi ko tanda ang pangalan ng Restaurant na iyon." Dugtong ko pa.Muli itong pumihit paharap saakin.

"DB Filipino-food Restaurant?" narinig kong tanong nito.

"Yes! I think iyon nga."

"Would you like to eat there?" Tanong nito.

"Yes, But, the foods there are too much expensive pero worth it naman din kasi masasarap ang kanilang mga putahe."saad ko.

Tumango-tango ito at muling ipinagpatuloy ang ginagawang pagluluto.

Napangiti ako ng sa wakas ay natapos na nitong lutuin ang paborito kong beefsteak at baked macaroni.

"Breakfast for my soon to be wife."ngiting wika nito habang inipalapag sa mesa ang nilutong pagkain.

"Again?" 

"Yes, again.

Kinuha nito ang mga palad ko at hinalikan ang mga iyon.Kaagad ko namang naramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa bawat kalamnan ko.

"Thank you dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa'yo." Seryoso nitong wika.

"Ang tanging hiling ko lang sana ay huwag mo na akong sasaktan pang muli Diego.I was hurt dati dahil sa pang-iiwan mo saakin. I almost crying everynight and asking myself if what is wrong with me? What is wrong of being a good wife towards you? Akala ko hindi na ako makakapag-move on but, I'm glad I did it.Sana, ngayong pinasok mo muli ang buhay ko, sana panghabang buhay na ito Diego." saad ko at hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha ko.

Kaagad ko namang naramdaman ang pagpahid nito sa mga luha  ko gamit ang mga palad nito.He hug me and gently kiss my lips.

"My promise will never gonna be broken." Sincere nitong wika pagkatapos ng halik.

"Aasahan ko iyan." ngiti kong wika.

"Malamig na ang breakfast natin!" natatawang wika nito ng maalala ang pagkain sa mesa.

Kaagad naman kaming tumalima upang mag-almusal.

Nilagyan nito ng pagkain ang plato ko at natawa ako ng makitang tila huling agahan ko na yata iyon dahil sa dami ng pagkain na inilagay nito sa plato ko.

"Hayaan mong pagsilbihan kita mahal na Reyna." anito habang nilalagyan ng Juice ang baso ko.

"Okay.Since hindi ko naman naranasan iyan sa'yo, hindi na ako tatanggi pa."natatawa kong wika.

Bahagya itong natigilan at tumitig sa mga mata ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status