Share

CHAPTER TWO

{Kevier's POV}

Kasalukuyan akong lulan ng kotse ni Ksatreyah. Halos di parin maipinta ang mukha ko dahil sa pinag-gagawa niya. Wala na nga akong pagsidlan ng galit ko sa kanya. Punong-puno na ako! But this woman is really getting into my nerves!

Tinungo nga namin ang bahay namin at akala ko ay uuwi na siya. 

But what the-!

"I wanna sleep with you tonight."

There's an authority in her voice na lagi nalang niyang ginagamit. Who is she?! Sinu ba siya para manipulahin ang buhay ko?

'Mahal mo si Mia, Kevier.'

Paalala ng isang bahagi ng isip ko. Damn! I can't even protect Mia mula sa mga pang-iipit ng bwesit na Ksatreyah na 'to!

Dumiretso pa siya sa kwarto ko at pumili ng mga damit ko saka 'yun isinuot.

Tss.

Nagmumukha siyang hanger. I don't even wanna speak. Di manlang ako binigyan ng letseng babaeng 'to ng kahit na kunting oras para mapag-isa.

At home na at home siya sa bahay namin at tumulong pa sa pagluluto ng hapunan. Hinayaan ko nalang at wala akong ginawa kundi ang mahiga nalang sa kama ko.

Tinatamad ako sa lahat ng bagay ngayong alam kong galit sa'kin si Mia.

Pa'nu ba ako makakatakas kay Ksatreyah? Gustong-gusto kong makausap si Mia ngayon but how?

She didn't even answering my calls. 

Kanina ko pa pasimpleng dina-dial ang number ni Mia pero ni hindi manlang nito sinasagot.

Noon biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Ksatreyah. Tumagilid ako ng higa at hindi siya pinansin.

"Kev, hali kana. Kakain na daw tayo sabi ni Mom."

Anu daw? Mom?

Tss.

Kapal ng mukha para tawaging Mom ang Mom ko. Anu ito? Feeling niya asawa niya ako?

Tss never in her wildest dream!

Bumangon na lamang ako dahil alam kong pipilitin din naman niya ako  at hindi tatantanan.

Ni hindi ko siya kinibo ngunit mabilis pa sa alas kwatrong lumingkis ang kamay niya sa braso ko at sumabay sa pagbaba ko.

Iwinaksi ko yung kamay niya pero ni hindi manlang siya natinag. Ipinaghila pa niya ako ng upuan pagkuwa'y naupo na siya sa tabi ko.

Todo lagay din siya ng pagkain sa plato ko habang nakatingin lang si Mom na halatang napipilitan lang din.

Alam ni Mom na ayaw ko kay Ksatreyah. Alam din niya kung sinu ang gusto ko. At kagaya ko ay hindi din niya gusto si Ksatreyah. Pero wala siyang pagpipilian dahil nagtatrabaho siya sa hotel kung saan pagmamay-ari ng mga magulang ni Ksatreyah.

"Oh siya sige. Kayo na muna ang kumain ha? May gagawin pa ako sa taas." Sabay tayong turan ni Mom.

"Hindi niyo ba kami sasabayan, Mom?"

Confident pang tanung ni Ksatreyah dito.

"Ah mamaya na ako kakain. Busog pa kasi ako Hija. Sige lang. Kain lang kayo."

Yun lang at umalis na si Mom sa dining. Batid kong nawalan ito ng gana. Well, ganun din naman ako.

Nakakawala naman talaga ng ganang kumain lalo na kasama ang babaeng ito.

"Don't you like the food? Ako yung nagluto niyan."

Pa-inosenteng alok pa ni Ksatreyah ng pagkaing iniluto daw niya. Kumain na lamang ako at hindi siya pinansin.

Ang daming niyang niluto  at kunti lang naman ang kakainin. Nagsasayang lang ng pagkain. Pakialamera kasi.

Nang matapos kaming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nag shower. Nang mabawasan naman ang init ng ulo ko. After ko maligo ay nadatnan ko nang nakahiga na siya sa kama ko. Talagang dito niya gustong matulog.

Bitch. Nagpatuyo ako ng buhok at kumuha na ng comforter sa cabinet.

Sisiguraduhin kong tulog na tulog na siya bago ako aalis. Pupuntahan ko si Mia.

"Kev, saan ka matutulog?"

Shit!

"Sa sala." Tipid na sagot ko.

"Wait! Di ba sabi ko. Gusto kitang makasama ngayong gabi? Ba't sa sala ka matutulog?"

Nakipagtitigan pa siya sa'kin nang hindi ako sumagot. Kung pwede lang bumuga ng apoy ang mga mata ko ay kanina pa sana siya natusta. Napabuntong hininga ako at tumabi sa kanya. Kaagad naman siyang pumaloob sa mga bisig ko at umunan sa braso ko. Ang sarap sampalin nang mamulat sa katotohanan.

Ilang minuto pa at rinig ko na ang mahinang paghinga niya. Mukhang tulog na tulog na. Dahan-dahan kong inalis ang braso ko na nasa batok niya at bumangon.

YES! Himbing na nga siya. Kaya hindi niya na napansin ang paglabas ko ng bahay at pinaandar ko na ang motor ko patungo sa apartment ni Mia.

Ipinarada ko sa labas ng apartment ang motor ko at bumaba na. Tin-ext ko si Mia na kung maari ay lumabas ito.

Maghihintay ako. Pero kung hindi, maghihintay parin ako. 30 minutes na akong naghihintay bago ito sumulpot sa likod ko. I hugged her so tight.

I love her so much.

"I'm sorry. Just please listen to me," nagsusumamo ang boses ko sabay ng pag-gagap ko sa palad nito.

"It's okay. Naiintindihan ko. Pasensya kana kanina-"

I grab her waist at hinalikan siya sa noo.

"Ikaw lang ang mahal ko Mia. Wala ng iba. "

Sadyang napakabait nito. Ibang-iba kay Ksatreyah. Kaya kahit kailan hinding-hindi mapapalitan ng babaeng yun sa puso ko si Mia.

"Do you think the night is still young?"

Nagitla ako sa narinig. It's her.

The devil, named, KSATREYAH.

Mabilis kong hinarangan si Mia upang protektahan ito. Ksatreyah is now wearing her dress na kanina ay hinubad niya. The nerve of her para sundan ako.

"Ksatreyah, please. I just wanna talk to her."

Nanatili lang siyang nakatayo ilang dipa mula sa kinaruruonan namin ni Mia. Walang kahit na anung emosyon akong nababasa sa mukha niya na tanging ilaw ng posteng nandun lang ang nagsisilbing liwanag.

Sa unang tingin ay aakalain mong isa siyang anghel na hindi makabasag pinggan. Ngunit hindi. Minsan na niyang sinaktan si Mia at ayuko nang maulit pa 'yun.

"Kahit anung gusto mo, gagawin ko, just please palagpasin mo lang 'to."

I maybe sound coward but I don't care. Alam na alam ko kung anu ang mga kayang gawin ng babaeng ito oras na magalit.

And with her looks right now, alam kong kunti nalang at nagtitimpi lang siya. Pinipilit maging kalmado kahit yung totoo ay gusto na niyang magwala.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi na kayo p'wedeng magkitang dalawa?"

Saad niya na lalong nagdag-dag ng inis ko.  Sinu siya para diktahan ako?

"Bakit ba, Ksatreyah? Mahal ko si Mia. Anu bang mali dun?"

Hindi ko man ginusto ngunit naisatinig ko yun.

"Ang mali ay dahil mahal din kita na higit pa sa pagmamahal ng babaeng yan!"

And here we go again. She's now shouting like the hell she cares.

"Pero hindi kita mahal... Sana naman maintindihan mo y--"

"Papasukin mo na siya. Kung ayaw mong masaktan siya ulit."

Halos pabulong na saad niya pero sapat na upang marinig ko nang mabuti.

Napalunok ako saka nilingon si Mia.

"Pumasok kana. Please.."

Nagkatitigan kami at tila ba nagkaintindihan. Kaagad naman itong naglakad papasok sa apartment nito.

Lumingon ako sa gawi ni Ksatreyah na ngayon ay naglakad na patungo sa kotse niya na nasa di kalayuan lang.

Pinaharurot niya ang sasakyan na animo'y siya lang ang may-ari ng buong kalsada.

Mabangga ka sana.

Sumakay na din ako sa motor ko at binaybay ang daan pauwi. Ilang minuto pa at dumating ako sa bahay at nandun sa labas yung kotse ni ksatreyah. Nakahilig siya sa unahan ng kotse at hinintay ang pagdating ko.

Bumaba ako sa motor at lumapit sa kanya.

To Be Continued

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status