Share

CHAPTER THREE

{Kevier's POV}

"Ba't di ka pa pumapasok?" Takang tanung ko. Gusto kong maniguro dahil baka balikan niya si Mia.

"May pupuntahan lang ako. Pumasok kana."

Naglakad pa siya sa gawi ko at hinalikan ako sa noo. There's something in her voice na hindi ko matukoy kung anu.

Sumakay na siya sa kotse at mabilis na pinaandar yun.

Tinawagan ko si Mia at sinabihan itong wag na wag lalabas kahit na anung mangyari..

Mahirap na at baka bugbugin na naman ito ni Ksatreyah.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pasalampak na nahiga sa kama ko.

Pakiramdam ko isa akong walang kwentang boyfriend.

Ni hindi ko ma protektahan si Mia.

Ang sarap nalang eh pa salvage ang demonyitang babaeng yun.

Pero paanu ko yun gagawin?

Gayung kahit na ilan pa yung makakalaban niya ay kayang-kaya niyang patumbahin.

{Ksatreya's POV}

Gusto kong pumunta sa isang lugar kung saan pwede akong mamanhid.

Masyado akong nasasaktan sa mga nangyayari.

I gave everything to him pero balewala lang yun sa kanya.

He's really inlove with her.

Minsan naiisip ko, 

Anu bang meron sa babaeng yun at hindi siya kayang palitan ni kev?

I stopped the car right infront of my own arena.

May mangilang-ngilang sasakyan sa labas nun.

Pumasok ako sa loob at pinindot ang passcode ko.

Lahat ng pwedeng makapasok dun ay kinakailangan ng passcode.

Automatic na bumukas ang malaking gate at dumiretso na ako sa loob.

Hiyawan ng mga tao ang maririnig.

Dumiretso ako sa VIP chair ko at naupo dun.

Malapit nang magsimula ang laban.

Isa yung labanan sa pagitan ng mga magagaling sa paghawak ng baril at magagaling sa pakikipagsapakan. 

At yung schedule ngayong gabi ay ang laban sa pagitan ng isang mabangis na si Hidres at ang kalaban nitong si Marford.

Ilang minuto nalang at magsisimula na ang laban.

Sininyasan ko ang isang taohan ko at kaagad naman itong lumapit.

"Tell the players that I wanna play with them."

"Po?"

Tila gulat na gulat itong kanang kamay ko. Batid kong alam niya ang ibig kong sabihin.

"2 versus 1. I'll be their enemy for tonight."

Susukatin ko yung kabangisan ng dalawang ngayon ay nasa gitna na.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng pumunta ako sa gitna ng arena kung saan merong nakapalibot na salamin sa bawat sulok. For the audience safety.

This battle is only for the sake of money. Well I dont care. Ang gusto ko lang ngayon ay mamanhid at masaktan.

That is my purpose for tonight.

Batid kong nagbubulungan na ngayon ang mga tao sa paligid.

Nagitla naman sa kinatatayuan ang dalawang lalaking kakalabanin ko.

They didn't expect me to be here.

Titig na titig ako sa dalawa.

Nang lumapit ang isa pang tauhan ko.

Kinuha nito ang hawak na baril ng dalawa at merong ibinulong sa mga ito.

Ilang saglit pa tumunog na yung hudyat kung saan nagpapahiwatig na magsisimula na ang laban.

I am still wearing my dress. But who cares?

I can handle it by myself.

Pumuwesto na ang dalawa at handa nang sugurin ako.

Ang dalawang ito ay hindi pa natatalo sa laban ni minsan kaya kumpiyansa ang mga ito.

At ito din ang unang beses na lalaban ako sa sarili kong arena.

Maya pa ay patakbong sumugod yung isa at ganun din ang kasama nito,

Mabilis akong nag slide at pinatid yung lalakeng ngayon ay bumagsak sa matigas na sahig ng arena.

Habang yung kasama nito ay siniko ko sa dib-dib at mabilis pang binigyan ng isang suntok sa mukha.

Lumapit ako sa lalakeng ngayon ay akmang babangon.

"Give me a good fight gentlemen.!"

Halos pasigaw na turan ko at akmang sisipain ang isang lalakeng ngayon ay nakalapit na sa'kin ngunit nagsalita ito.

"Lady Ksatreyah, kilala namin kung sinu kayo. At ayaw namin kayong labanan. Pakiusap."

Hinihingal na pakiusap ng isang lalake na agad naman sinang-ayunan ng isa.

Natigilan naman ako.

Ni hindi pa nga ako nag iinit sa laban ay sumusuko na ang mga ito.

Natigilan naman ang mga tao sa paligid nang mahalatang tila nag uusap kami.

Ngayon ay nakatayo na ang mga ito sa harap ko.

"In one condition."

Hamon ko sa mga ito.

"Punch me! Hurt me for all I care! And I'll give you the reward."

Nakita kong nag alangan pa ang mga ito pero they have no choice. This is what I want.

Huli na nang mapagtanto kong bumagsak ako sa sahig.

They attacked me so fast na ikinangiti ko ng mapakla.

Bumangon ako at mas lalong ginanahan.

"Come on boys, punch me again!"

And they did it.

Para na akong baliw sa kakahamon sa mga ito.

Dumudugo nadin ang labi at ilong ko.

Ganyan nga.

Thats Me.

Isa akong masokista na mahilig saktan ang sarili lalo na pag binabalewala ako ni Kevier.

Hindi alam ni Kevier yung tungkol sa arenang 'to.

At wala akong balak ipaalam sa kanya.

Lumabas na ako sa ring at dumiretso sa main gate.

Sinalubong ako ng kanang kamay ko at akmang tatanungin kong okay lang ako.

"Thanks for tonight, Nad. "

Yun lang at dire-diretso na akong lumabas at pinaharurot ang sasakyan ko.

I had a very bad evening yet A wonderful day..

Bumukas ang malaking gate ng bahay namin ng ilang beses akong bumusena.

Kaagad kong ipinarada ang sasakyan sa tabi ng mga nakahilera kong sasakyan sa malaking garage namin.

Dire-diretso na akong pumasok sa loob at piniling umakyat sa matarik na hagdan kesa sumakay sa elevator.. Ginaganahan akong mapagod ngayon.

Sa madaling salita, 

Pinaparusahan ko ang sarili ko.

Nasa apat na palapag ang bahay kaya nilagyan ng elevator..

Nasa 2nd floor ako ng makasalubong ko ang mayordoma ng pamilya.

Tila gulat na gulat ito ng makita ang hitsura ko na puro pasa sa mukha.

Pero pinili nitong manahimik.

Mula noon ay wala akong kinakausap na kahit na sino sa loob ng pamamahay na to bukod sa mga magulang ko.

Wala din akong ginagawang masama sa kanila kaya siguro sila nananatili.

Ilang minuto pa bago ako nakarating sa 4th floor kung saan naandun yung kwarto ko.

Binuksan ko yung pinto at malakas na isinara ito.

Dumiretso ako sa malaking cabinet at kumuha ng pwede kong pampalit. 

Nang makakuha ay tumungo ako sa Bathroom at nag half bath.

Ilang minuto ding babad ang katawan ko sa tubig at nang matapos ay lumabas na.

Tinignan ko yung repleksyon ko sa salamin.

Nangingitim yung kaliwang bahagi ng mata ko.

May pasa din ako sa kanang bahagi ng labi, ganun din sa lower part ng lips ko.

Kumuha ako ng yelo para e- compress yung pasa ko.

Siguradong hindi ako bukas makakadalaw kay Kevier.

With my looks right now ay baka isipin niya na nakipagbugbugan ako. 

'At anu naman ang pakialam niya kung nakipag bugbugan ka, Ksatreyah?'

Sumilay ang isang mapait na ngiti sa mga maninipis kong labi.

'I'm not expecting you to love me back Kev... I just wanna be with you all the time.. '

{KEVIER'S POV}

"Anak may naghahanap sayo sa labas."

Dungaw sakin ni Mom habang nagbibihis ako.

Balak kong umalis ngayon para makatakas muna kay Ksatreyah.

9 am na at himalang wala pa siya.

So, I'll grab the opportunity to escape.

Napailing na lamang ako nang maisip na baka ang dyablo na nga yung naghahanap sa'kin.

That devil is really irritating me.

Bumaba ako sa hagdan pero wala naman dun yung sinasabi ni Mom na naghahanap sa'kin.

Tinungo ko si Mom sa kusina at sinabi nitong nasa labas daw ng gate yung naghahanap sa'kin.

Agad akong lumabas at binuksan ang medyu may kaliitan na bakal na gate.

Ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang kuya ni Mia saka apat pang mga kasamahan nito.

Meron silang bit-bit na basebal bat sa kani-kanilang mga kamay.

"Kita mo nga naman."

Rinig kong sabi ni Manly. Yung kapatid ni Mia.

"Isipin mo nga na kami pa ang sumugod sa bahay mo. Ba't di mo pinapansin ang mga text messages ko sayo? Ha Kevier?"

Banaag sa boses nito na anumang oras ay hahampasin na ako nito.

Galit na galit ito nung mga panahong nabugbog ni Ksatreyah si Mia. Kesyo hindi ko daw maipagtanggol ang kapatid nito.

"Ipakita mo sa'kin ang babaeng yun dahil ako mismo ang magtuturo sa kanya ng leksyon."

Tukoy nito kay Ksatreyah.

Kilalang leader ng gang si Manly kaya wala itong balak palagpasin ang nangyari sa kapatid nito.

"Wala siya dito Manly. "

Tipid na sagot ko.

Agad naman ako nitong kwinelyuhan at nagkatitigan kami sa mata.

Lalake ako.

Kaya  ko siyang labanan pero ayuko.

Kuya parin siya ni Mia.

"Sabihin mo sa kanya na ilabas niya ang tapang niya sa'kin-"

"Ba't di mo yan sabihin mismo sa harap ko?!"

Sabay na tumuon ang tingin namin ni Manly sa babaeng ngayon ay kaka-baba lang ng sasakyan nito.

Nakahoodie jacket ito ng kulay itim at naka jeans.

Tuwid na nakatayo sa harapan ng grupo ni Manly at sa harapan ko.

Napansin ko din yung nangingitim na paligid ng mga mata nito.

For sure, 

Nakahanap na naman ng gulo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status