Mas binilisan ni Reyna ang pag-akyat. Kinakapos siya ng hangin ng makarating sa itaas. Natutuyo rin ang lalamunan niya.
May nakita siyang nakaupo sa gilid ng daan. Lumapit siya sa lalaking prenteng nakasandal sa upuan, sakto may hawak itong bote ng tubig, nangangalahati pa lang 'yon.
Iinumin na sana nito ang tubig nang inagaw niya ang bote at walang paalam na ininom. Naubos niya ang laman pero kulang pa rin.
Tumingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya.
"May..."
Naputol ang sasabihin ni Reyna ng marinig ang sigaw ng humahabol sa kanya.
"Ayon siya!"
"Naman oh! Hindi pa ba sila napapagod? Nauuhaw pa ako eh," reklamo niya.
Binato ni Reyna ang walang laman na bote sa lalaking malapit ng makadating sa pwesto niya.
Napaatras ito ng matamaan.
"Salamat sa tubig..." Hindi niya alam ang itatawag sa lalaki pero napansin niya ang hawak nitong pagkain, "... Siopao. Babayaran kita kapag nakadilihensya ako. Ingat!" saka siya tumakbo ulit.
...
Nasa 23rd street na si Reyna at hindi pa rin sumusuko ang mga humahabol sa kanya. Parami ito ng parami dahil sa bonus na sinabi ni Maylo.
Mas binilisan niya ang pagtakbo, may alam siyang lilikuan dito para mailigaw ang mga humahabol.
Handa na siyang lumiko ng may humarang na babae.
"Miss Ganda, alis sa daan! Alis diyan! Miss Ganda! Alis!" sigaw ni Reyna.
Hindi siya pinapansin ng babae. Huli na kahit pigilan pa niya ang pagtakbo. Nagkabanggaan pa rin sila ng babae.
"Ouch!"
"Aray." nasapo ni Reyna ang kanyang ilong nang tumama sa babae.
"Sarci are you okay?" Narinig niyang boses ng isang lalaki habang binabangon ang babae.
Natanaw ni Reyna na malapit na sa kanilang pwesto ang mga humahabol sa kanya. Dumapa siya sa likuran ng babae habang hawak ito ng lalaki. Hindi siya mapapansin dahil nakukublihan siya ng dalawa.
"Hey..." Mukhang nawalan ng malay ang babae.
Sumilip muna si Reyna kung nakalagpas na lahat ng humahabol sa kanya bago tiningnan ang dalawang pinagkukublihan niya.
"Hala may dugo ang ilong niya," sambit niya habang nakatingin sa babae.
"Your nose is bleeding too."
Tumingin siya sa lalaki. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Alien ka rin?" nagtataka niyang tanong.
"What do you mean?" Mas nagtaka ito sa tanong niya.
"Alien ka nga."
"Hindi ako Alien."
"Bakit Alien ka magsalita?"
"Huh?" Naguguluhan nitong tanong.
"Ay! Ewan ko sayo. Nakakababa ka ng EQ," reklamo niya.
Malakas na tumawa ang lalaki sa harapan niya.
Nangunot ang noo niya.
"Nalipasan ka ba ng gutom?" nagtataka niyang tanong.
"No. No." Nakangiti nitong iling.
"Here, punasan mo yang ilong mo." Inabot nito ang isang panyo sa kanya. "And it's IQ not EQ."
Kinuha naman ni Reyna ang panyo kahit hindi niya maintindihan ang huli nitong sinabi. Pinunasan niya ang dugo nung babaeng walang malay.
"Bakit sa kanya ang inuna mo? Paano yung sayo..."
Tinaas niya ang neckline ng suot na long sleeve at yun ang ginawa niyang pamahid sa ilong niya.
"May sinasabi ka?" tanong niya sa lalaki. Hindi kasi ito gumagalaw habang nakatingin sa kanya. "Hoy!" Pinitik niya ang noo nito.
"Shit ang sakit." Hinimas nito ang pinitik niya.
"Akala ko namatay ka na." Tumawa na naman ito.
Ano bang nakakatawa sa sinasabi niya?
Napahawak si Reyna sa kanyang tiyan ng kumulo iyon. Hinawakan niya 'yon para tumigil ang pagkulo. Napatingin siya sa kaharap ng tumawa ito ng malakas.
Mukhang masayahin ang isang to. Kanina pa tumawa ng tumawa.
"May pagkain ka ba diyan?" lakas loob niyang tanong. "Hindi pa ako kumakain ngayong araw eh." Totoo yun. Tanging tubig na inagaw niya sa lalaki ang laman ng kanyang tiyan simula kanina.
"Wala akong pagkain dito. Samahan mo na lang akong ihatid ang kasama ko sa aming tinutuluyan tapos ipagluluto kita." Nakangiti nitong sabi.
Sa ngalan ng pagkain, "sige. Tara na," mabilis niyang sang-ayon na kinatawa nito.
Pinasan nito sa likuran ang babae habang siya malikot ang paningin sa maaaring mangyari. Baka bigla na lang sumulpot ang grupo ni Maylo, maantala pa ang umagahan, tanghalian at meryenda niya. Baka isama na rin niya ang hapunan kapag may labis na pagkain.
...
"Narito na tayo." napatingala si Reyna sa mataas na building.
Sumakit pa ang batok niya sa sobrang pagkatingala.
"Halika na!" tawag nito sa kanya.
Sumunod agad si Reyna. Ngayon lang siya nakapasok dito pero natatanaw niya ang gusaling ito mula sa ibang street.
May pinindot ito sa dingding. Nagtaka si Reyna ng bumukas ang pinto.
"Ang taas ng bahay mo, tapos ang lawak ng labas pero ganito lang kaliit ang kwarto mo?" kunot-noo niyang tanong.
Kung dito siya nakatira, sa labas siya matutulog. Mas malaki ang pwedeng higaan doon kesa dito sa kwarto ng lalaki.
Malakas na naman itong tumawa.
"Kakabagan ako sayo," sabi nito.
"Utot lang ang gamot diyan."
Mas lumakas ang tawa nito. Muntikan pa nitong mabitiwan ang babaeng pasan sa likkuran.
"Salamat sa impormasyon," sambit nito ng mahimasmasan. Pinahid pa nito ang gilid ng mata. Baka nagkamuta. "Pasok ka na dito. Hindi ito ang kwarto ko. Ang tawag dito elevator, iyong labas naman ay reception."
"Ahh," sang-ayon niya.
"Naintindihan mo na?"
"Hindi," sagot niya ng makapasok sa maliit na silid. Wala naman talaga siyang naiintindihan kapag nagugutom siya.
"Nakakatuwa ka talaga," nakangiti nitong sabi. "Ako nga pala si Arthur, itong kasama ko si Sarci. Ikaw anong pangalan mo?"
Tumikhim siya at hinanda ang sarili para magpakilala.
"Ako ang kahanga-hanga, katangi-tangi at kagila-gilalas na reyna. Ako si Reyna Anastacia Goldenhand," proud niyang sabi.
"Wow!"
"Wow na wow!" sang-ayon niya.
"So… Queen, bakit nasa Black district ka?"
"Queen?"
"Reyna."
"Bakit sinabi mong Queen?"
"Reyna at Queen ay iisa?"
"Paano?" nagtataka niyang tanong. Paanong iisa 'yon eh dalawa ang sinabi niya? Nalipasan talaga ito ng gutom.
"Ang ibang tawag sa Reyna ay Queen. Iisa lang ang ibig sabihin nun," paliwanag nito.
Lumabas sila mula sa maliit na silid at may pinindot na naman ito sa dingding. Bumukas ulit ang pintuan at bumungad ang mas malaking silid.
"Sa kabilang kwarto ang samin. Ihahatid ko lang sa loob si Sarci."
Dumeretso ito sa loob pero saglit lang at lumabas din. Nagtungo sila sa kabilang kwarto.
Tulad ng nauna, may pinindot na naman ito sa dingding at bumukas ang pintuan.
"Pasok ka." Sumunod siya sa loob.
"Ang ganda," namamangha niyang sabi.
Umupo siya at hinipo ang makintab na sahig. Nakikita na niya ang sarili dito.
"Ang kinis at ang lamig," natutuwa niyang sabi.
Nilapat niya ang dalawang palad sa sahig. Nang hindi masiyahan, humiga siya at nagpagulong-gulong.
"Ang sarap!" nakangiti niyang sabi.
Nilapat ni Reyna ang pisngi sa sahig. Ang sarap sa pakiramdam.
"Hey, Queen! what are you doing there? Get up!" Narinig niya ang papalapit na yabag. "Tumayo ka diyan, bakit ka ba nakahiga sa tile floor?" Hindi niya ito pinansin.
Hinila nito ang dalawa niyang kamay para makatayo, pero sadya niyang pinabigat ang katawan. Ang nangyari parang hinihila lang siya nito na nagustuhan niya. Ang saya, para silang naglalaro.
"Stop playing, this is not a playground." Sambit ng isang malamig na boses.
"Stop playing, this is not a playground!""Zeus!" Sambit ng lalaking may hawak kay Reyna. Nakalimutan niya ang pangalan nito eh. "Tamang-tama ang dating mo!" Umalis ito sa harapan niya habang siya nanatiling nakadapa sa sahig. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Sobrang lamig."Who's that?""Our visitor,""Visitors are not allowed here, you know that!""Yeah. I'm sorry about that, but I can't help it. She's hungry and well… adorable." Narinig pa niyang tumawa ito."We're here to do something more important than your hormones. I know you,
"Basag trip ka naman Tan. Huwag ka ngang magseryoso ng ganyan, para kang matanda eh," biro niya dito."Seryoso ako Reyna.""Oo na. Kitang-kita ko ang kaseryosohan mo," ginulo pa niya ang buhok nito, "alis na 'ko." hindi na niya hinintay sumagot isa man sa apat.Magandang umuwi ngayon sa bahay niya, siguradong wala na sa labas ang grupo ni Maylo.......Sobrang tahimik ng paligid. Ibang-iba kapag umaga. Kung walang sinag ng buwan, wala kang makikita sa daan.Kinilabutan si Reyna ng umihip ang hangin. Tumataas ang balahibo niya. Parang nags
"Anong pag-uusapan natin?" agad na tanong ni Reyna pagkatumba ng huling kalaban ni Zyrex."Nasaan ang utak mo?" naiinis na tanong ni Zyrex."Andito sa ulo ko. Bakit mo hinahanap ang utak ko?"Labis na pagtitimpi ang ginagawa ni Zyrex sa mga oras na 'to. Mahaba ang kanyang pasensya pero mabilis maubos dahil sa pag-iisip na meron ang kaharap niya."Kung nasa ulo mo, bakit hindi mo gamitin ng maayos?" sagot niya.Konti na lang talaga, mapipigtas na ang pagpipigil niya."Kahit gustuhin ko, hindi siya gumagana ng maayos." simple nitong sagot pero nakakasagad ng pasensya. "U
Location: Purple District Urvularia City"Maxinne focus!" galit na sigaw ng stage manager sa isa nilang talent, si Maxinne DeLie."Shut up old hag! I can't focus with your annoying voice." mataray nitong sagot.Maxinne DeLie is well known Superstar in her generation. Kung hindi lang kailangan, hindi ito pakikisamahan ng mga na sa paligid ngayon."Break!" sigaw ng stage manager.Malakas na ibinagsak ng stage manager ang hawak na script sa table at lumabas ng theater."Thanks goodness naisipan mo rin kaming bigyan ng break." sambit ni Maxinne.
"Wow pagkain ulit!" masayang sambit ni Reyna sa niluluto ni Zyrex.Dumungaw ito sa likuran ng lalaki habang nagluluto si Zyrex para sa kanilang tanghalian.Ganito ang senaryo nilang dalawa sa nakalipas na dalawang araw. Walang naririnig si Zyrex na reklamo mula dito maliban na lang kapag nagutom ito."Wash your hands. We're going out after the meal," aniya."Ayoko lumabas," anito.Hindi na siya nagtaka. Sa nakalipas na araw akala niya magrereklamo ito dahil hindi sila lumalabas pero wala siyang narinig dahil... "Mas marami ang pagkain dito kesa sa labas,"Pagkain
"Max?""I miss you Zy," Mahigpit itong nakayakap sa kay Zyrex.Maxinne DeLie, the superstar and his childhood friend na tila buntot niya kung makasunod. Nasanay na rin siya sa pagiging clingy nito. Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman ang pagkagusto nito sa kanya, but he doesn't feel the same way. She's like a sister to him.Aalisin na sana ni Zyrex ang braso nitong nakapulupot sa beywang niya ng bumukas ang kabilang pintuan sa tapat ng kanyang unit.Seryoso itong tumingin sa kanila."Miss na miss na kita Zy."Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang
"Reyna gising! Reyna!""Tahimik!"May naririnig na ingay si Reyna. Nararamdaman din niyang may gumagapang sa kanyang tiyan.May bulate ba siya? Pero… parang sa labas naman nagmumula iyong gumagapang."Reyna gumising ka!"Hindi lang iisa ang tumatawag sa kanyang pangalan.Bakit ba ang ingay nila? Kita namang natutulog ang tao eh.Naramdaman niya ang gumagapang sa baywang niya.Naglalakbay ang bulate sa labas?
"S-si Dutch at Mill, n-nasa labas," "At anong kailangan ng magkapatid na 'yon sakin?" Tanong nito bago umalis. Maya-maya ay narinig ni Reyna ang mga papalapit na yabag. Pilit niyang inangat ang ulo. Nagulat pa siya ng binaba ng bagong dating na lalaki ang kwelyo ng damit niya. Akala niya pupunitin nito ang damit, mabuti na lang hindi. "Dalhin siya," Utos ng lalaki sa harapan niya. "Dutch, maganda ang usapan natin na walang makikialam sa teritoryo ng bawat isa. Bakit tila sumusuway kayo sa batas nating tatlo?" "Hindi mo pa teritoryo ang babaeng ito,"