"Keep fighting, if you want me to shoot your mother."
Napunta nalang bigla sa kan'ya ang atensyon ko na kasalukuyang nakatutok ang hawak nitong baril sa ulo ni Mommy. May pagbabanta ang ipinakita n'ya sa 'kin. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko hanggang sa maramdaman ko nalang ang biglang pagsipa sa 'kin mula sa likod. Napaluhod ako at hindi na naisipan pang lumaban.
Hinawakan nila ako sa magkabilaan kong braso at itinayo. Tinanggal ng lalaking nasa aking harap ang suot kong salamin at inihagis dahilan para masira 'yon. Napakuyom ako ng kamao sa galit.
Maya-maya lang ay bigla ko nalang naramdaman ang pag-urong ng tiyan ko dahil sa sakit nito nang sipain akong muli. Tuluyan akong napabuga ng dugo at bumagsak sa sahig. How did I even end up in this situation. I feel so pathetic right now.
Tiningnan ko si Mommy na ngayon ay panay ang pag-iyak habang may nakatutok parin sa kan'yang baril. Tinapakan ng dalawang beses ang tiyan ko nang sobrang lakas kaya pakiramdam ko ay mamamatay na talaga ako. Hanggang sa sunod-sunod nila akong pagtatadiyakan sa buong parte ng katawan ko. Hinang-hina at kapos na rin ako sa hangin. Ang sakit na ng buo kong katawan, hindi ko na kayang bumangon. I have become strong and I tried my best to get even stronger just to make him pay for what he did, for destroying my family. But I feel like it was all for nothing, I feel really helpless. How did it even turned out this way?
"Enough." Tumigil sila sa pagtadiyak sa 'kin habang kasalukuyan akong nakahandusay sa sahig.
Muli akong napabuga ng dugo kasabay nang malakas nitong pagtawa. Rinig na rinig ko parin ang hagulhol ni Mommy na mukhang nahihirapan sa kalagayan ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit na likidong kumawala sa mga mata ko, my tears of anger.
"Masunurin ka naman pala e," natatawa n'ya pang papuri.
Muli akong itinayo ng mga tauhan n'ya at iniharap sa kan'ya. Abot langit ang galit ko nang tumingin ako sa mga mata niyang mapagmaliit at nababalot ng kabuktutan.
"D-dad?" Napukaw ang atensyon naming lahat sa taong nagsalita mula sa likuran ko. Kahit nahihirapan ay nagawa ko s'yang lingunin. At sa pagkakataong 'yon, muli na namang nadurog nang paulit-ulit ang puso ko.
"S-son," bulalas namang aniya nang makita ang kan'yang anak.
Dad? You're gonna be kidding me. If this is just a dream, please wake me up. Let me turn back the time when I know nothing. The time when I know nothing about myself and that academy.
CLAIRE'S POV Kaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Siguradong si Mama 'yon dahil dalawa lang naman kami sa bahay maliban nalang kung may multong nakikitira dito. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Mama na nakangiti. Lagi naman s'yang gan'yan. "Good morning, Meyn baby ko!" masigla n'yang pagbati sabay humalik sa pisngi ko. "Good morning din, Ma." "Let's eat na. Anong oras na, may pasok ka pa." aya n'ya naman. Sabay kaming pumunta ng kusina kung nasaan ang hapagkainan at nadatnan kong nakahain na ang almusal namin. That's why I love my mother!
CLAIRE'S POV Naglalakad na 'ko ngayon papuntang school. Binabagalan ko lang dahil baka kasi makarating kaagad ako doon, saka maaga pa naman. Pinaghahandaan ko pa kasi ang sakaling sumalubong sa 'kin ngayon. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang maganap ang pangyayaring 'yon. Something terrible and pathetic happened to me because of that, because of encountering him. Should I have just not wished to cross-path with him? Noong araw kasing nakaharap ko si Drish Croughwell, inaamin kong natuwa ako dahil sa tagal ng panahon ay nagkaroon ako ng tsansang makaharap at makausap s'ya ng gano'n. Ngunit sa kabila nito hinihiling ko nalang na hindi na sana pa nangyari 'yon. Kinabukasan kasi, kaagad akong sinalubong ng mga estudyante. Pagpasok na pagpasok ko, nagkaroon na 'ko kaagad ng isang goodbye treatment. Ngunit ang nakakapagtaka ay hindi nakisali roon sila Chelsyn. She's just watching me from afar.
CLAIRE'S POV Nasa kwarto na ako ngayon at oras na para matulog dahil graduation ko na bukas kaso wala yatang balak pumikit 'yong dalawa kong mata. Anong oras na, hindi parin ako natutulog dahil sa kanina pa ako nag-iisip. Maaaga pa naman ako bukas. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang mga salitang 'yon. Sigurado akong importante ang kung ano man ang ibig sabihin no'n. Malakas kasi ang pakiramdam ko na may dahilan ang paghingi ng tawad sa 'kin ng mga estudyante. Though I know that it was all an act. Inaamin kong gusto kong dumating 'yong araw na hihingi rin sila ng kapatawaran, with all their heart. Pero napaka-imposible. "I don't care who you truly are, but I promise not to bother you anymore. So please, forgive me." Kanina pa gumugulo sa isip ko 'yon. Who really I am? Ano ba kasing ibig sabihin no'n? My secret identity ba 'ko na hindi ko alam? Pero bakit? Bakit 'di ko alam?
CLAIRE'S POV Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na 'ko dito. Para na akong naistatwa sa inuupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa side n'ya, mahuli n'ya kong nakatingin sa kan'ya. Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip 'ko. Hindi ako komportableng katabi s'ya. Wala akong problema sa tatlo n'yang kaibigan, tanging sa kan'ya lang talaga ako naiilang. Resulta ba 'to ng pagkagusto ko sa kan'ya? Kung tutuusin dapat matuwa ako ngayon dahil katabi ko s'ya. Tama! Dapat matuwa ako, hindi ganitong kinakabahan ako sa kan'ya na wala namang ginagawang mali sa 'kin. "Nga pala, my name is Kenzo, Kenzo Nementer." Napalingon ako sa nagsalita sa
CLAIRE'S POV Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Wala na 'kong pakialam kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako makakalabas ng earth 'di ba? Tumingin ako sa paligid at napansing nasa park ako ngayon. Tahimik ang paligid at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito. Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at tahimik na naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad. Napatingin ako sa itaas, magdidilim narin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag nalang munang umuwi. Hin
CLAIRE'S POV "Lumayo ka sa 'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa n'ya dahilan para mapalayo s'ya sa 'kin at ininda ang sakit no'n. Nagtatatalon s'ya sa sakit habang nakahawak sa paa n'yang tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently. Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa 'kin at sinuntok s'ya sa mukha pagkatapos ay mabilis ko s'yang sinipa sa tiyan kaya natumba s'ya at hindi kaagad nakatayo. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko mula sa likod at nakita ko ang isa pang lalaking humawak sa kamay ko kanina. They're dead! Hindi ba nila alam na masakit ang ginawa nilang pagkakahawak sa kamay ko? Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinilipit 'yon kasabay nang pagharap ko sa kan'ya. "Fuck! Bitiwan
CLAIRE'S POV Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal. Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman. Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang gin
CLAIRE'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nag-unat pa ako ng katawan bago bumangon. Panibagong araw na naman ang lilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Linggo na ngayon at 'di ako sigurado na baka sa susunod na mga araw ay may sumundo na sa akin dito. Ayokong iwan si Mama na mag-isa. Pag-umalis ako, wala na s'yang kasama rito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok at 'yon din naman ang gustong mangyari ni Mama. Kaso hindi ko maalis ang pangamba ko na baka pag-umalis ako ay bigla nalang dumating ang mga taong naghahanap sa 'kin. At kapag nangyari 'yon, mapapahamak si Mama. Saka kinakabahan ako sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin na pwedeng mangyari. Pangalan palang ng school na 'yon, alam mo na kaagad kung anong meron. Gangster Academy, malamang may