Share

Chapter 1: Unfortunately Lucky

CLAIRE'S POV

Kaagad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto. Siguradong si Mama 'yon dahil dalawa lang naman kami sa bahay maliban nalang kung may multong nakikitira dito.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Mama na nakangiti. Lagi naman s'yang gan'yan.

"Good morning, Meyn baby ko!" masigla n'yang pagbati sabay humalik sa pisngi ko.

"Good morning din, Ma."

"Let's eat na. Anong oras na, may pasok ka pa." aya n'ya naman.

Sabay kaming pumunta ng kusina kung nasaan ang hapagkainan at nadatnan kong nakahain na ang almusal namin. That's why I love my mother!

Umupo na kaming dalawa at nagsimula nang kumain. Maya-maya lang ay nagsalita naman s'ya.

"How's your school, Meyn?" pangumgumusta n'ya.

She's always calling me with my second name. Ayokong tinatawag ako sa pangalang 'yon at tanging s'ya lang ang pwedeng tumawag sa 'kin no'n kahit na wala namang ibang tatawag sa 'kin maliban sa kan'ya.

Anyway, kumusta naman ang pag-aaral ko? Kumusta nga ba? Ano bang dapat asahan? Edi ayon laging napagtitripan, laging nilalait at inaapi. Magbabago pa ba 'yon?

'Ayos naman po. Laging bida sa school at paboritong pagtripan ng mga students!' Pero syempre hindi ko 'yon sinabi.

"Ayos naman po. Laging active sa klase," sagot ko bago nahihiyang tumawa. Hindi ako sigurado pero bakit parang bigla yata s'yang nalungkot? Nagkakamali lang siguro ako ng tingin. Tiningnan ko pa s'ya nang maayos and there I saw her smiling face. Gano'n na ba kalabo ang mga mata ko? Tsk.

"Aalis na ako, Ma," pagpapaalam ko nang matapos kaming kumain at makapag-ayos ng sarili ko. Humalik ako sa pisngi n'ya.

"Mag-iingat ka," habilin n'ya naman. Lagi n'ya akong sinasabihan ng mga salitang 'yon pero pakiramdam ko ngayon sa tono ng boses n'ya parang may ibig siyang ibang ipakahulugan.

Pinag-iingat n'ya ko hanggang sa makarating ako ng school dahil naglalakad lang ako papunta doon since medyo malapit lang naman. At the same time, para bang sinabi n'ya ring mag-iingat ako sa mga nangyayari sa 'kin sa loob ng school kung saan ay nakakapagtaka. Alam na ba n'ya? Pero hindi n'ya pwedeng malaman. Ayokong mag-alala pa s'ya sa 'kin.

"Oh bakit gan'yan ang hitsura mo? Sinabi ko lang na mag-iingat ka sa daan. Anong nangyari sa'yong bata ka?" nagtataka n'yang tanong. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.

"Ah wala po, sige po mauna na ako. Mag-iingat din po kayo, bye!" Mabilis akong humalik muli sa pisngi n'ya bago nagmadaling lumabas ng bahay at nagsimula nang maglakad.

It's a relief knowing na hindi n'ya alam. Akala ko alam n'ya, mabuti nalang at hindi. Masyado lang siguro akong paranoid sa isiping 'yon. Ayoko talagang malaman n'ya pa ang mga nangyayari sa 'kin sa school dahil mag-aalala lang s'ya sa 'kin at ayokong bigyan pa s'ya ng iisipin.

Kaya naman hindi ako tinitigilan na apihin dahil alam nilang hindi naman ako magsusumbong kahit na kanino. Hindi naman na ako bata at hindi rin gano'n kahina para magsumbong pa. Kung tutuusin ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko at lumaban sa mga nambubuyo sa 'kin pero hindi ko nalang ginagawa dahil ayokong makipag-away. Ni sinasagot nga sila ay hindi ko ginagawa. Basta pinapabayaan ko lang sila sa anong gusto nilang gawin sa 'kin. Ang mahalaga ay nakakapagtimpi pa ako dahil kung hindi, lahat sila ay lilipad papunta sa ibang planeta.

Napahinto ako sa paglalakad at napansing nandito na pala ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin and It's already close, meaning... I'm late!

Hindi ko man lang napansin na ang tagal ko na palang naglalakad and worst hindi ko naramdamang humakbang ako sa hagdan at nakarating ng fifth floor. Kaya pala hinihingal na 'ko ngayon, pashnea! At kaya pala walang sumalubong sa 'kin na mga bubuyog kasi mga nasa classroom na. Shemay, first time kong ma-late at sa masungit na guro pa!

Kumatok na ako sa pinto at binuksan naman ito ng first subject, Filipino teacher namin which is Ms. Lin na nakataas na ang dalawang kilay.

"Good morning, Ma'am. Sorry, I'm late," kaagad kong paumanhin sa kan'ya at yumuko. Ang sama naman kasi ng tingin sa 'kin, balak pa yata akong i-untog sa pinto.

"Oh look, nandito na s'ya!"

"Akala ko hindi na s'ya papasok. Nakakalungkot pa naman 'yon."

"Yeah, you're right. Hindi yata mabubuo ang araw ko kapag hindi ko s'ya nasabihan ng panget!"

"Hhahahaha!"

Panget? They don't even know the real meaning of that word. Hindi ko nalang sila pinansin na parang walang narinig at nanatili paring nakayuko sa harap ni Ma'am.

Akala ko ay pagagalitan n'ya pa ako pero narinig ko lang s'yang napabuntong-hininga. Ayaw n'ya kasing nauudlot kuno' ang kan'yang talakayan ng dahil lang sa mga late student. Nakakapagtaka lang na ako lang yata ang hindi n'ya nasermonan.

"Get in and take your seat," utos n'ya at binigyan akong daan para makapasok sa loob na kaagad ko namang sinunod.

Dire-diretso ako sa paglalakad papunta sa aking upuan nang hindi nakatingin sa dinadaanan kaya naman hindi ko inaasahang makikipaghalikan ako sa sahig ngayong araw dahil natalisod ako... este may tumalisod sa akin dahilan para madapa ako.

"Hahaha!" tawanan ng buong klase.

Napatingin ako kung kaninong paa ang humarang sa 'kin and as expected s'ya lang naman at wala ng iba. Siya si Chelsyn, ang pinakabida sa lahat ng bida-bidang nambubuyo sa 'kin.

Naisahan n'ya ko doon! Well, everyday in the morning n'ya kasing hinahanda ang paa n'ya sa daraanan ko at nagbabakasakaling maiisahan n'ya ko. Pero syempre dahil hindi naman ako tanga para hindi tumingin sa dinaraanan, hindi ako natatalisod. Pero ngayon, napatunayan kong tanga talaga ako.

"Ma'am, wala yata s'yang balak tumayo," sabi ni Emil sa maarteng boses, ang oh-so-called best friend ni Chelsyn.

"Napasarap siguro ang pagyakap sa sahig," sabi naman ni Gerly, ang another best friend ni Chelsyn. Gosh, magkakaibigan nga sila! Pare-parehong walang magawa sa buhay, hindi na nagsawa!

"Ms. Claire Meyn Gomez? Are you not going to stand up?" tanong naman ni Ma'am na binanggit pa ang kompleto kong pangalan.

Doon ko lang naalalang nasa kagimbal-gimbal na posisyon nga pala ako. Kaagad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Tulad ng inaasahan, mga natutuwa ang lahat sa kanilang nakita.

"How was it?" Napatingin ako kay Chelsyn na s'yang nagsalita, aba't nagtanong pa. 'Masarap promise! Subukan mo rin minsan,' nasabi ko nalang sa aking isipan.

Hindi ko na s'ya sinagot at naupo na sa aking upuan. Si Ma'am naman ay napairap nalang at bumalik na sa kan'yang tinatalakay.

Dumating ang lunch break kaya nagsibabaan na ang mga kaklase ko sa cafeteria. Ako naman ay bumaba na rin hindi para pumunta doon kundi para pumunta sa library. May baon naman lagi ako na pagkain kaya doon nalang ako kumakain since pwede naman tuwing oras ng tanghalian.

Mahal kasi ang mga pagkain sa cafeteria kaya hindi ko na binabalak pang bumili. Saka tipid ako sa pera 'no. Hindi naman ako tulad ng ibang students dito na puro mayayaman dahil may kaya lang ako.

Malay ko sa nanay ko kung paano ako napapag-aral sa paaralan na ito. Ayoko na namang magtanong pa tungkol doon. S'ya lang naman kasi ang pumilit sa 'kin na dito mag-aral dahil ang gusto ko lang naman ay 'yong simple lang basta makapagtapos ako. Pero mukhang hindi naman s'ya nahihirapan kaya wala akong magagawa.

Habang kasalukuyan naman akong naglalakad papuntang library, mabilis napukaw ang atensiyon ko nang biglang may tumama sa binti ko na isang bola ng soccer at dahil sa lakas niyon ay nawalan ako ng balanse at natumba sa lapag. Nabitawan ko rin ang hawak kong baunan ng pagkain na siya namang natapon sa sahig.

Kainis, lagi nalang bang ganito? Ang malas ko ngayong araw... ay hindi, lagi nga pala akong minamalas.

Hindi kaagad ako nakatayo dahil ramdam ko pa ang pananakit ng binti ko. Nakayuko ako habang nakahawak sa aking binti nang bigla nalang may boses ng lalaki ang nagsalita sa harapan ko.

"Are you okay? I'm sorry, hindi ko sinasadiya." Bigla nalang nag-init ang ulo ko sa inis. Hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa paghingi n'ya ng paumanhin at sasabihing hindi n'ya sinasadiya. Ano? Kunwari pa s'ya! Ang galing n'yang umarte. Akala n'ya hindi ko alam na sinadiya n'ya talaga 'yon? Tapos ngayon, tatanungin n'ya pa kung maayos lang ba ako? Sino ba kasing tanga ang sisipa sa bola mula sa field tapos makakarating ng hallway?

At isa pa, nang dahil sa ginawa n'ya nasayang ang pagkain ko. Wala pa naman akong pera ngayon. I mean, may pera ako pero nagtitipid nga ako hindi ba? Handa na nga akong masaktan para sa ikasasaya nila pero hindi ba pwedeng tigilan na muna nila ako kahit sandali? Kailangan ko rin naman ng space! Tao rin ako na humihinga tulad nila! Hindi ba pwedeng 'wag nalang nila akong pakialaman?

Hindi ko na napigilan ang masidhing nararamdaman ko kaya nakayuko akong napabulalas dahil sa pagkayamot.

"Ayos lang lahat nang ginagawa n'yo sa 'kin pero 'yong idamay ang pagkain ko, hindi na yata maganda 'yon! Sinong tanga ang sisipa sa bola na nasa field at makakarating dito sa hallway na sakto pa sa 'kin? Tapos ngayon sasabihin mong hindi mo sinasadiya at magtatanong kung ayos lang ako? Marunong ka ba talagang maglaro? 'Wag ka ngang tanga! Kung ako sa'yo hinding-hindi na ako maglalaro kung isa ka namang tang—"

Nang maiangat ko ang aking ulo ay napatigil nalang ako sa pagsasalita at sabay na nanlaki ang dalawang mata nang mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Anak ng pitumpo't pitong tupa! Anong ginawa mo Meyn?! Bakit kasi hindi ka nalang nagtimpi? Sanay ka naman na do'n!

Goodness! Anong ginawa ko? Pakisuntok ako ngayon na! O 'di kaya sana mahati ang lupa at lamunin ako. Sa lahat ng kahihiyang naranasan ko, ito na yata ang pinaka-the-best!

"I can't believe this. She's out of her mind."

"Sinabihan n'ya ba talagang 'tanga' si Drish, my love?"

"Ang kapal ng mukha niya para sigawan ang bebe ko!"

"Oh gosh! His family is on Rank 6 for heaven sake!"

Marami na pala ang nakapalibot na estudyante sa amin at kanya-kanya sila ng mga reaksiyon mula sa nangyari. Balak ko sanang tumakbo nalang palayo para matakasan ang kahihiyang nagawa ko kaso naalala kong hindi nga pala ako makatayo. Kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko nalang ulit. Nakakahiya.

Hindi ko naman sinasadiya at lalong hindi ko alam na si Drish Croughwell pala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Tulad nang sinabi nila, ang pamilyang Croughwell ay nasa Rank 6 na mayayaman sa bansa. Kaya dapat s'yang katakutan at igalang ng lahat. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nilang ranking na 'yon. Basta ang alam ko lang, lahat ng mga pamilyang nasa ranking ay dapat na ginagalang.

Isa pa, alam ng lahat na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang mabuting tao at sangayon ako doon. Mabait s'ya para sa 'kin, may respeto at paggalang rin sya sa iba at marunong makisama. Doon ko napatunayan na hindi n'ya nga sinasadiya ang nangyari.

Siya at ang grupo n'ya rin kasi ay kilalang mahusay pagdating sa larong soccer. Ngunit heto ako, diniktahan siyang hindi marunong dala ng emosyon.

Higit sa lahat, gwapo s'ya at hinahangaan ng lahat ng estudyante. Isa na ako ro'n dahil lihim akong may paghanga sa kan'ya. Hindi lang paghanga dahil may gusto ako sa kan'ya. Hindi 'yon nagbabago kahit alam kong hindi ko s'ya kayang abutin.

Binabawi ko ang lahat nang sinabi ko sa kan'ya. Masyado akong nagpadalos-dalos at hindi muna s'ya kinilala, at ngayon handa na akong pumanaw. Joke lang, ayoko pang malagutan ng hininga.

Maya-maya pa, bigla akong napakapit sa balikat niya nang... Shemay! Totoo ba ito o imahinasiyon ko lang? Napasingap ang lahat ng nakapalibot sa amin at mga hindi makapaniwala sa ginawang pagbuhat sa 'kin ni Drish. Oo binuhat n'ya ko! As in 'yong pa-bride style!

"Dadalhin kita sa clinic since kasalanan ko naman at para na rin maniwala kang hindi ko talaga sinasadiya. Siguro naman mapapatawad mo na ako niyan?" sabi niya.

Nagtama ang paningin namin kaya bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko na para bang gusto nang kumawala sa aking katawan. Idagdag mo pa ang sitwasyong buhat-buhat niya ako ngayon.

Hindi ngayon ang oras para kiligin ang isang tulad ko dahil hindi ko yata makakayanan ang mga matatalim na titig na ipinipukol sa 'kin ng mga estudyante.

"Nahihibang na ba siya?"

"Kairita! Ang panget na nga ang kapal pa ng mukha!"

"Malilintikan talaga siya sa 'kin!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at doon ko nakita sila Chelsyn, Emil at Gerly na siyang nagsalita. I can't take this anymore!

"P-pwede bang ibaba mo nalang ako? Okay na ako, hindi ko na kailangang pumunta ng clinic." nahihiya kong pakiusap sa kan'ya sa mahinang boses.

"Sure ka?" paninigurado niya naman.

"O-oo. Okay lang at s-sorry sa mga nasabi ko," sagot ko naman.

Hindi ko lubos maisip na sa ganitong posisiyon pa kami nag-uusap. Bakit kasi binuhat niya ko nang wala man lang pasabi? Tsaka kanina niya pa ako buhat-buhat, hindi ba s'ya nangangalay? Sabagay, kasi ako nangangalay na sa pagpapagaan ko para sa kan'ya.

Tumawa siya bago ako dahan-dahang ibinaba at kaagad humarap sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin.

"All of you, pwede na kayong umalis," pagpapaalis niya sa lahat sa mahinahong boses. Napangiti naman ako habang nakayuko, ang bait niya talaga.

Napaangat nalang ako ng ulo na kaming dalawa nalang ang natira sa hallway. Kaya pinilit ko nang makatayo at laking pasasalamat ko dahil nagawa ko naman, mabuti't hindi na masiyadong sumasakit ang binti ko.

"Sigurado kang okay ka lang?" pag-uulit niya.

"Ahm. O-oo nga."

"Kung gano'n, mauna na ako sa'yo. I'm sorry ulit and see you." Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa kan'ya hanggang sa makaalis na siya at nawala sa paningin ko. Kahit papaano ay may magandang naidulot rin pala ang nangyari ngayon.

Kailan kaya ulit kami makakapag-usap?Okay lang kahit hindi na dahil mamamatay ako nang 'di oras sa kamay ng mga tagahanga niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status