CLAIRE'S POV
Naglalakad na 'ko ngayon papuntang school. Binabagalan ko lang dahil baka kasi makarating kaagad ako doon, saka maaga pa naman. Pinaghahandaan ko pa kasi ang sakaling sumalubong sa 'kin ngayon.
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang maganap ang pangyayaring 'yon. Something terrible and pathetic happened to me because of that, because of encountering him. Should I have just not wished to cross-path with him?
Noong araw kasing nakaharap ko si Drish Croughwell, inaamin kong natuwa ako dahil sa tagal ng panahon ay nagkaroon ako ng tsansang makaharap at makausap s'ya ng gano'n. Ngunit sa kabila nito hinihiling ko nalang na hindi na sana pa nangyari 'yon.
Kinabukasan kasi, kaagad akong sinalubong ng mga estudyante. Pagpasok na pagpasok ko, nagkaroon na 'ko kaagad ng isang goodbye treatment. Ngunit ang nakakapagtaka ay hindi nakisali roon sila Chelsyn. She's just watching me from afar.
Habang ang karamihan ay sinimulan akong pagbabatuhin ng crumpled paper at ng sandamakmak na itlog. Wala akong ginawa kundi ang sanggain nalang ang mga 'yon kahit naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Hindi lang 'yon ang ginawa nila, dahil binuhusan pa nila ako ng isang timba ng baking powder na sinabayan pa ng mga panglalait na hindi ko naiwasang matamaan.
Napapatanong nalang din ako sa sarili ko, ano bang nagawa kong mali? They're treating me like a garbage. Paano nila nagagawa 'yon sa akin, hindi man lang ba sila nakokonsensya? I'm getting tired with their pathetic schemes.
But I let them mistreats me, I showed them that I'm weak that's why they were able to oppressed me. They making it sounds like bullying is not a big deal inside the university. They're only targeting the weak, those inferior than them. It's funny how they see me as some kind of toys they could play with anytime. But I don't blame them, this is my choice after all, my intention.
Hindi na sana ako papasok ngayon dahil sa ayoko naman nang maulit pa 'yon. Pero ayoko rin namang malaman ni Mama ang tungkol doon. Siguradong magtatanong pa s'ya kapag hindi ako pumasok.
Titiisin ko nalang kung ano ang mangyayari sa 'kin ngayong araw since last day ko na at magpapaalam na 'ko dahil ga-graduate na ako bukas mula sa unidersidad na 'yon. O 'di ba ang bilis ng araw? Makakapagtapos na 'ko ng high school at makakaalis na sa paaralang 'yon. That's what I'm really waiting for.
Makakahinga na ako nang maluwag dahil hindi ko na sila makikita at matatapos na rin ang pagtitiis at paghihirap na naranasan ko dahil sa kanila. I endured everything for the sake of my mother, I don't want to involve her in this trouble.
Napahinto ako sa paglalakad at napansing nakapasok na pala ako sa loob ng school. Pero bakit gano'n? Bakit parang ang tahimik naman yata ng paligid? Late na ba 'ko?
Tiningnan ko ang relo ko at maaga pa naman. Nakakapagtaka lang dahil walang estudyante ang sumasalubong sa 'kin ngayong umaga. As in ako lang talaga ang tao dito sa labas ng building.
Baka napag-usapan nilang 'wag nalang pumasok since wala na namang gagawin? Pero hindi naman yata pwede 'yon. Hindi man lang ako sinabihan? Saka 'di ba dapat ako ang hindi papasok ngayon? Pumasok na nga ako tapos sila naman ang wala.
Papasok pa ba 'ko o uuwi nalang? Baka naman kasi suspended ang klase para makapagpahinga? Napabuntong-hininga nalang ako, bahala na nga! Matingnan nalang baka may tao sa classroom.
Nagpatuloy ako sa paglakad at wala pang limang hakbang, napahinto muli ako at nagulat nalang mula sa bumungad sa harapan ko. What's with this?
Bigla kasing may ibinabang banner mula sa third floor, sa building ng fourth year. Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang nakasulat doon.
"Claire Meyn Gomez, please forgive us!" nagtataka kong binasa kung ano ang nakasulat doon sa banner.
Aba't kinompleto pa talaga ang pangalan ko? Saka ano raw, 'please forgive us'? Seryoso? Ano namang palabas ito? Talagang nag-effort pa silang gumawa ng banner? Susmiyo! Paano ba ako nakatagal sa paaralang ito kasama ang mga abnormal, mga may saltik sa ulo at mga walang magawa sa buhay na mga estudyante? I can't believe this!
Unti-unti namang nagsilabasan ang mga estudyante at ngayon ay nasa harapan ko na sila. Saan naman sila sumuot at hindi ko man lang napansin? Nangunguna sa kanila si Chelsyn, Emil at Gerly. Nakakapagtaka talaga dahil 'yong itsura nila ngayon ay parang mga maaamong kuting. Kinikilabutan ako sa kanila sa totoo lang.
Kinakabahan rin ako sa kung ano man ang gagawin nila ngayon na wala man lang akong kaalam-alam. Hindi ko alam kung ano ba 'tong palabas nila ngayon. Napaatras ako nang biglang humakbang palapit sila Chelsyn.
"C-claire," tawag n'ya sa pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon ay hirap yata s'yang banggitin ang pangalan ko? Tapos sa tono ng boses n'ya akala mo'y may pinagsisisihan.
Nakakaloka! Heto na ba 'yong part na luluhod sila sa harap ko tapos hihingi ng tawad sa lahat nang ginawa nila sa 'kin? Imposible! At ano namang dahilan nila para gawin 'yon?
Napaatras ulit ako nang humakbang na naman sila papalapit. Ano bang ginagawa nila? Hindi ba nila alam na kinakabahan ako ngayon? I have to stay on guard. Mamaya n'yan paglapit nila sa 'kin bigla nalang akong sabunutan at kalbuhin e. Hindi pa ba sapat lahat nang ginawa nila sa 'kin?
Napaatras muli ako nang lumapit ulit sila pero nagulat nalang ako nang bigla silang lumuhod sa harapan ko. Ano ito?! Nabasa ba nila ang nasa isipan ko? Pero seryoso, how can they suddenly kneel down in front of me? Asking forgiveness, is not that easy!
Tumingin ako sa mga estudyanteng narito ngayon at halos lahat sila'y parang sangayon pa sa ginawa nila Chelsyn. Teka, Totoo ba 'to? Totoo ba talaga 'to? O sadiyang malawak lang ang imahinasiyon ko?
Tumingin ulit ako sa tatlong babaeng nakaluhod ngayon sa harap ko. Sinenyasan ko silang tumayo na pero parang wala silang nakita. At mas ikinagulat ko pa nang makita silang umiiyak kaya halos mataranta ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit ba sila gan'yan ngayon? Pakitang-tao lang ba ang lahat ng ito? Seriously, they're good at acting.
"T-teka. A-ano bang nangyayari sa inyo? Tumayo nga kayo riyan," utos ko. Lumapit ako kay Chelsyn at inalalayan siyang tumayo.
Nang makatayo s'ya ay bigla nalang niya akong niyakap nang mahigpit habang patuloy parin sa pag-iyak. Ano ba talagang nangyayari? Mamamatay na ba ako kaya sila umiiyak ngayon? 'Wag naman silang nagbibiro dahil hindi ko pa oras. May dapat pa akong gawin.
"S-sorry, I-I'm sorry. Sana mapatawad mo ako sa lahat nang ginawa ko sa'yo," nahihirapan n'yang wika habang nakayakap sa akin. Patawad? They actually asking for my forgiveness out of a sudden, as if it was all just a joke.
But I don't want to turn this into a serious matter though it's really a big deal, I will let this slide because she showed me a small act of conscience.
That day, for the first time in my life, someone lend me their uniform when I was about to change mine. Hindi ko alam kung kanino 'yon galing until I saw Chelsyn wearing her PE uniform throughout the day. Doon ko napagtanto na mukhang sa kan'ya galing ang uniporme na 'yon. Ngunit kasabay noon ang pag-iwas niya sa 'kin at ng mga kaibigan niya. Naiilang pa siya sa akin sa tuwing magtatama ang paningin naming dalawa na lubos ko talagang ipinagtataka. It was really suspicious since she's Chelsyn, the girl who loves making fun of me for no reason but she's acting weird.
"A-ang tanga-tanga ko para ngayon lang matauhan matapos nang ginawa ko. Ngayon ko lang narealized na hindi na makatao ang ginagawa ko. N-napakasama kong tao! Patawarin mo ako Claire. I-I hate myself for being like this. I don't care who you truly are, but I promise not to bother you anymore. So please, forgive me."
Who I truly am? Ano namang ibig n'yang sabihin? And why do I feel like her apology was not as sincere as I thought. Para bang sinasabi niyang hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung hindi ko siya papatawarin. I feel like it was just for her own advantage, to stop being guilty. But being aware of that, I still want to forgive her. Maybe she has her reason. I don't hold grudge until my last breath, but I make sure to compensate them before my death.
"You're not sincere, but apology accepted." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kan'ya saka ngumiti. Hindi naman s'ya kaagad nakapagsalita.
"Ngayong pinatawad na kita. Sagutin mo naman ang tanong ko."
"S-sure, what is it?" nauutal niyang tanong.
"What's your reason? For messing up with me?" tanong ko na ikinatahimik niya bago napayuko. Ganoon rin naman ang dalawa niya pang kaibigan na nagkatinginan pa.
Apat na taon ako dito sa Keighley University at nang tumuntong ako ng third year, doon na nila ako napansin at sinimulang guluhin ang tahimik kong buhay. Hindi lang naman ako ang nakaranas ng pambubully rito. Bago ako, may mga nauna pa sa akin at lahat sila ay napilitang umalis ng paaralan.
Naaalala ko pa noong una kong klase sa third year high school. Hinila nila ang upuang dapat ay uupuan ko kaya sa sahig bumagsak ang kawawa kong puwetan. At simula noon, araw-araw at paulit-ulit na nilang ginagawa sa 'kin 'yon. Nakakahiya mang pakinggan dahil sa matatanda na ay para paring mga isip-bata dahil sa mga gawain nila. Matagal akong nagtiis dahil ayokong madamay pa si Mama at higit pa roon, mayayaman ang mga estudyante sa paaralan na ito kaya madali na lamang nilang mapagtatakpan ang kanilang mga maling gawain gamit ang pera.
Kaya naman hinahayaan ko lang na gawin sa 'kin ang mga bagay na 'yon kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan nila. Bukod sa nawiwirduhan sila sa pananamit, sa malaking salamin ko sa mata at dahil sa wala lang silang magawa kaya naisipan nilang pakialaman ang buhay ko. They just like to mess up with poor and weak people. Reality really sucks.
"Sa totoo lang," Napatingin ako kay Chelsyn nang magsimula siyang magsalita.
"Hindi ko rin alam kung bakit, pero siguro dahil naiinggit ako sa'yo."
Tama ba ako ng narinig? Ang isang katulad n'ya na almost perfect, except for her attitude. Naiinggit sa 'kin? May dapat ba s'yang kainggitan sa 'kin?
"Naiinggit ako kasi mas matalino ka kaysa sa 'kin. Aaminin ko rin na mabait ka kahit lonely at walang nakikipagkaibigan sa'yo," dagdag n'ya.
Talagang kailangan pang sabihin na lonely ako dito at walang nakikipagkaibigan? Tanggap ko na namang walang gustong makipagkaibigan sa 'kin at sanay narin akong nag-iisa.
"At higit sa lahat, nakakahiya mang sabihin pero inaamin kong hindi ko matanggap na mas maganda ka pa kaysa sa 'kin."
Napanganga naman ako sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko matatanggal 'yong panga ko. Ano bang klaseng dahilan 'yon? Nahihibang na ba s'ya? O nilalagnat lang s'ya ngayon? Naririnig n'ya ba ang sinasabi n'ya? Why does she need to get insecure? She's already good as it is. Hindi niya ba kayang pahalagahan ang sarili niya?
"I'm sorry dahil sinasabihan kita ng 'panget'. But believe me, totoo ang mga sinabi ko ngayon."
I have never believe that I'm ugly. I am who I am and being ugly don't give anyone the rights to treat someone like an inferior. They're human, after all.
CLAIRE'S POV Nasa kwarto na ako ngayon at oras na para matulog dahil graduation ko na bukas kaso wala yatang balak pumikit 'yong dalawa kong mata. Anong oras na, hindi parin ako natutulog dahil sa kanina pa ako nag-iisip. Maaaga pa naman ako bukas. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang mga salitang 'yon. Sigurado akong importante ang kung ano man ang ibig sabihin no'n. Malakas kasi ang pakiramdam ko na may dahilan ang paghingi ng tawad sa 'kin ng mga estudyante. Though I know that it was all an act. Inaamin kong gusto kong dumating 'yong araw na hihingi rin sila ng kapatawaran, with all their heart. Pero napaka-imposible. "I don't care who you truly are, but I promise not to bother you anymore. So please, forgive me." Kanina pa gumugulo sa isip ko 'yon. Who really I am? Ano ba kasing ibig sabihin no'n? My secret identity ba 'ko na hindi ko alam? Pero bakit? Bakit 'di ko alam?
CLAIRE'S POV Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na 'ko dito. Para na akong naistatwa sa inuupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa side n'ya, mahuli n'ya kong nakatingin sa kan'ya. Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip 'ko. Hindi ako komportableng katabi s'ya. Wala akong problema sa tatlo n'yang kaibigan, tanging sa kan'ya lang talaga ako naiilang. Resulta ba 'to ng pagkagusto ko sa kan'ya? Kung tutuusin dapat matuwa ako ngayon dahil katabi ko s'ya. Tama! Dapat matuwa ako, hindi ganitong kinakabahan ako sa kan'ya na wala namang ginagawang mali sa 'kin. "Nga pala, my name is Kenzo, Kenzo Nementer." Napalingon ako sa nagsalita sa
CLAIRE'S POV Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Wala na 'kong pakialam kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako makakalabas ng earth 'di ba? Tumingin ako sa paligid at napansing nasa park ako ngayon. Tahimik ang paligid at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito. Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at tahimik na naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad. Napatingin ako sa itaas, magdidilim narin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag nalang munang umuwi. Hin
CLAIRE'S POV "Lumayo ka sa 'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa n'ya dahilan para mapalayo s'ya sa 'kin at ininda ang sakit no'n. Nagtatatalon s'ya sa sakit habang nakahawak sa paa n'yang tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently. Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa 'kin at sinuntok s'ya sa mukha pagkatapos ay mabilis ko s'yang sinipa sa tiyan kaya natumba s'ya at hindi kaagad nakatayo. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko mula sa likod at nakita ko ang isa pang lalaking humawak sa kamay ko kanina. They're dead! Hindi ba nila alam na masakit ang ginawa nilang pagkakahawak sa kamay ko? Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinilipit 'yon kasabay nang pagharap ko sa kan'ya. "Fuck! Bitiwan
CLAIRE'S POV Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal. Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman. Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang gin
CLAIRE'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nag-unat pa ako ng katawan bago bumangon. Panibagong araw na naman ang lilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Linggo na ngayon at 'di ako sigurado na baka sa susunod na mga araw ay may sumundo na sa akin dito. Ayokong iwan si Mama na mag-isa. Pag-umalis ako, wala na s'yang kasama rito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok at 'yon din naman ang gustong mangyari ni Mama. Kaso hindi ko maalis ang pangamba ko na baka pag-umalis ako ay bigla nalang dumating ang mga taong naghahanap sa 'kin. At kapag nangyari 'yon, mapapahamak si Mama. Saka kinakabahan ako sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin na pwedeng mangyari. Pangalan palang ng school na 'yon, alam mo na kaagad kung anong meron. Gangster Academy, malamang may
CLAIRE'S POV Dumating kami sa cemetery mag-aalas diyes na ng umaga. Kaagad na ginarahe ni Mama 'yong kotse pagkatapos sabay na kaming bumaba. Habang hawak ang flower vase, nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang puntod ni Papa. Nang makarating kami roon, kaagad ko munang inilapag sa isang tabi ang bulaklak na dala ko bago lumuhod sa tapat ng lapida n'ya. Gano'n din naman ang ginawa ni Mama. Inalis ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng lapida na nanggaling sa isang punong katabi lang namin. Maganda ang sikat ng araw at para lang kaming magpi-picnic ngayon. Napatingin ako kay Mama nang may ibinigay siya sa 'kin na puting kandila. Sinindihan ko 'yon at inilagay sa tabi ng lapida n'ya kung saan mayroong candle holder. Pagkatapos, inilagay ko na 'yong flower vase sa ibabaw naman ng lapida. "Nandito na ulit kami, Hon. Pasensya ka na kung ngayon nalang ulit ka
CLAIRE'S POV Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ko dahil ngayon na ang araw nang pag-alis ko, ang araw na may susundo sa 'kin. Nasa isang maleta lang lahat ng gamit na dadalhin ko dahil sabi ni Mama ay may mga pinalagay na raw s'yang mga susuotin ko ro'n sa kwartong tutuluyan ko. Para tuloy akong aalis ng bansa nito. Pero hindi ko pa naman alam kung saan naroroon ang paaralang 'yon. Sabi lang ni Mama, malayo raw 'yon kaya mahihirapan kaming makita ang isa't isa. Inaantok pa ako, ang aga-aga pa kasi ay pinaghanda na 'ko kaagad ni Mama para raw pagdumating 'yong sundo ko, handa na 'ko. Parang minamadali pa n'ya ang pag-alis ko e. Kaya ngayon, handang-handa na ang dating ko. Tapos narin akong kumain at ngayon nakaupo na 'ko dito sa sala. Hinihintay nalang na dumating 'yong susundo sa 'kin. Out of a sudden, bigla ko nalang naalala 'yong sinabi ni Lola kaha