CLAIRE'S POV
Nasa kwarto na ako ngayon at oras na para matulog dahil graduation ko na bukas kaso wala yatang balak pumikit 'yong dalawa kong mata.
Anong oras na, hindi parin ako natutulog dahil sa kanina pa ako nag-iisip. Maaaga pa naman ako bukas. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko ang mga salitang 'yon. Sigurado akong importante ang kung ano man ang ibig sabihin no'n.
Malakas kasi ang pakiramdam ko na may dahilan ang paghingi ng tawad sa 'kin ng mga estudyante. Though I know that it was all an act. Inaamin kong gusto kong dumating 'yong araw na hihingi rin sila ng kapatawaran, with all their heart. Pero napaka-imposible.
"I don't care who you truly are, but I promise not to bother you anymore. So please, forgive me."
Kanina pa gumugulo sa isip ko 'yon. Who really I am? Ano ba kasing ibig sabihin no'n? My secret identity ba 'ko na hindi ko alam? Pero bakit? Bakit 'di ko alam? Alam kaya ito ng nanay ko? Pero kung alam n'ya 'yon, sigurado naman akong sasabihin n'ya sa 'kin.
Ngunit hindi rin naman malayong alam n'ya nga ang ibig sabihin ng totoo kong pagkatao na hindi n'ya lang sinasabi sa 'kin? Pero hindi naman naglilihim sa 'kin si Mama.
Nakakaloka naman! Bakit naman nasama pa ang nanay ko rito? Ni hindi nga niya alam ang nangyayari sa 'kin sa school. Kung ano man ang problema ko sa kanila, sa amin nalang 'yon dahil paniguradong wala namang kinalaman dito si Mama.
Sumasakit na ang ulo ko, ayoko na ngang isipin 'yon. Ang mahalaga naman ay ayos na ang lahat. At least, I don't need to worry anymore about being bullied again.
Pilit kong pinipikit ang mga mata ko pero ayaw talagang matulog ng diwa ko. Ilang beses na rin akong papalit-palit ng pwesto at halos magpagulong-gulong na 'ko sa higaan.
Malalim nalang akong napabuntong-hininga. Gusto ko nang matulog! Kailangan ko pang bumangon ng maaga bukas. Sinubukan ko ulit pumikit pero ayaw talaga. Nevermind.
Bumangon nalang ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa kabinet na nasa tabi ng kama ko. Binuksan ko 'yong drawer at kinuha ang isang bagay na pinakaiingatan ko saka umupo sa gilid ng kama.
Pinagmasdan ko ang bagay na 'yon. Isa s'yang silver necklace, nakasulat dito ang pangalan ko na 'Meyn' kung saan ay ginawang pendant. Matagal narin noong huli kong nahawakan ang kwintas na ito. Nakatago lang kasi at hindi ko na napapakialaman.
"Eight years, eight years na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin tayo muling nagkikita," saad ko sa kawalan. Baliw na yata ako para kausapin ang kwintas na ito.
This necklace is from by my best friend at hindi ko lang s'ya itinuring na kaibigan. He's also my first loved, my childhood crush.
Pero ngayon wala na 'kong nararamdaman sa kan'ya. That was long ago, siguro kung meron man, 'yon ay ang pagkasabik na makita s'yang muli bilang isang matalik na kaibigan. Walong taon narin ang nakalipas noong huli kaming nagkita at nakapag-usap.
Binigyan ko rin s'ya ng kwintas at parehas lang kami pero ang pendant naman n'ya ay 'Nart' ang nakalagay which is hindi ko alam kung totoo n'ya bang pangalan o nickname n'ya lang. Basta 'yon ang tawag ko sa kan'ya noon at 'Meyn' naman ang tawag n'ya sa 'kin na tanging second name ko lang. Nakakatuwa lang na sa tagal naming naging magkaibigan ay hindi ko alam kung ano ang buo n'yang pangalan, na kahit s'ya ay hindi rin alam ang akin.
Kaya ngayon paano kami magkakakilala kung hindi ko alam ang full name n'ya? Hindi ko man lang alam na baka nagkita na ulit kami pero hindi naman namin kilala ang isa't isa. Sa rami ng taong nasasalubong ko sa daan at nakakasalamuha ko, maaring isa na s'ya roon.
Kung ibabase naman sa kwintas na ibinigay ko sa kan'ya, hindi ko rin s'ya kaagad makikilala. Syempre, paano kung hindi rin n'ya sinusuot 'yon tulad ko? At sa dinami-rami ng tao sa mundong 'to, maaring hindi lang s'ya ang lalaking may pangalang 'Nart'. At isa pa, this necklace that we gave to each other was for goodbyes. Na kahit kailan ay hindi ko nalaman kung anong dahilan. Pagpapaalam sa isa't isa na siguradong hindi na magkikita pa.
Siguro hahayaan ko nalang ang tadhanang pagtagpuin kaming muli kung may balak nga s'yang pagtagpuin kami. Ayos lang naman kahit hindi nalang at mananatili nalang s'yang alaala sa akin.
Pero iba parin kung magkikita kaming muli. Umaasa ako na darating 'yong panahon na mangyayari 'yon. Hindi ko naman hinihiling na bumalik kami sa dati kung sakaling magkita kami. Makita at makumusta ko lang s'ya ay okay na sa 'kin. Syempre naging bahagi s'ya ng buhay ko kaya hindi ko s'ya malilimutan.
'Naitago at iningatan kita. Gano'n rin kaya 'yong sa 'kin?' Napabuntong hininga nalang ako sa isiping 'yon bago ibinalik sa kabinet ang kwintas na hawak ko. Pagkatapos, humiga na 'kong muli at sinubukang ipikit ang aking mga mata para matulog.
• • •
Kinabukasan, napadilat ako nang marinig ang katok sa pinto ng kwarto ko. Napahikab pa ako at nag-unat ng kamay.
"Anak, hindi ka pa ba gising? Mahuhuli ka sa graduation mo." Napabalikwas nalang ako ng bangon nang marinig ang sinabi ni Mama sa labas ng pinto. Oo nga pala! Nakalimutan ko, graduation pala ngayon.
Tumingin ako sa wall clock at may thirty minutes pa ako para gawin ang morning routine ko.
"Ma, bakit ngayon mo lang ako ginising!" pasigaw na tanong ko sa kan'ya na may halong pagrereklamo. Nagawa ko pa talagang sisihin ang nanay ko.
"Huwag ng maraming reklamo. Kumilos ka na, your breakfast is waiting for you."
"Yes, Ma." Kaagad na 'kong kumuha ng tuwalya at pumasok na sa loob ng banyo para maligo. Minadali ko lang ang kilos ko na umabot lang siguro ng fifteen minutes.
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis ng uniform, sinuot ang black shoes ko, nagsuklay ng buhok at ang panghuli ay sinuot ko na ang eye glasses ko. In exactly thirty minutes, lumabas na ako ng kwarto at kinain na ang almusal na hinanda ni Mama.
"Can you promise me na magiging masaya ka lang ngayon? Hindi magagalit, malulungkot o ano pa man," sabi ni Mama habang tinatalian n'ya ang buhok ko.
Ano bang sinasabi n'ya? Malamang masaya dapat ako ngayon dahil graduation ko na. Idagdag mo pa na makakaalis narin ako sa wakas sa paaralan na 'yon.
"Of course, Ma. Graduation ko yata ngayon!" masayang wika ko naman sa kan'ya.
Matapos n'yang talian ang buhok ko, inayos n'ya muna ang uniform na suot ko tapos pinagmasdan ang buo kong hitsura. Para tuloy akong bata na kailangan pang inaayusan ng nanay n'ya.
"I think, you better change your uniform," suhestyon n'ya. No way! Sanay na ako sa uniform na sinusuot ko.
"No, Ma. Sanay na ako dito," pagtanggi ko naman.
"But look, ang laki-laki ng uniform mo? Hindi ka naman mataba," nakasimangot niyang saad. Malaki lang naman, grabe maka-laki e.
"Please, just this time. Please, Meyn, pumayag ka na," pagmamakaawa n'ya habang napapikit-pikit pa ang mata. Hayst, napakaisip bata n'ya talaga minsan.
"Fine." Pumayag nalang ako. Matitiis ko ba s'ya? Saka anong oras na para makipagkulitan pa ako sa kan'ya.
"Okay, wait for me..."
Kaagad s'yang pumasok sa kwarto n'ya at pagbalik ay hawak na n'ya ang isang pares ng uniporme. Pinasuot n'ya 'yon sa 'kin at masasabi kong ayos lang naman din, sakto lang sa katawan ko.
"See, you look pretty. So let's go na, late na tayo." Lumabas na kami ng bahay at nagulat pa ako nang may itim na kotse ang nakagarahe sa tapat ng bahay namin. Maganda at malinis 'yon, parang hindi parin nagagamit.
"Get in." Napatingin ako kay Mama na nagtataka. Kan'ya ba 'yan? Kailan pa s'ya nagkaroon ng kotse?
"I'll tell you later, late ka na remember?" sabi nalang n'ya.
Nagmadali nalang akong pumasok sa loob. Umupo ako sa harap na katabi ng driver seat at sumunod naman si Mama na s'yang magmamaneho. Ano na naman ba ito? May kailangan ba 'kong malaman? Napakagulo, bakit bigla-bigla nalang s'yang nagkaroon ng kotse?
Mabilis kaming nakarating ng school na puro tanong ang nasa isip ko. Pero binalewala ko muna 'yon nang huminto na ang sasakyan kaya bumaba na ako, gano'n din naman si Mama.
Dumaretso kami kaagad sa field kung saan gaganapin ang graduation. Gusto nila sa field kasi raw malawak kahit pwede naman sa gymnasium na lang. Pagkarating namin doon, bumungad sa 'kin ang isang napakagandang pagsasaayos ng buong lugar. Mga upuan na nakasalansan at ginawang stage na nilagyan ng dekorasyon.
Sa tingin ko ay kompleto na ang mga estudyanteng nandito. Mga nasa kani-kanilang upuan na sila katabi ang kanilang mga magulang. Kami lang yata ang natatanging pa-importante pa ang dating kaya naman natahimik ang lahat at natuon ang atensyon sa amin.
Nakakahiya, kailangan talaga lahat sila tumingin sa pwesto ko? Inaya na 'ko ni Mama na maupo na. Nasa harap nalang ang bakanteng upuan kaya doon kami umupo. 'Di ko alam kung para sa amin talaga 'yon dahil binakante nila.
Wala pa si Drish. Pupunta kaya s'ya? Malamang pupunta 'yon, graduation ngayon e. Pa-importante lang din siguro.
Nang makaupo kami, bigla nalang umingay ang paligid at narinig ko pa ang sari-sari nilang usapan na sa tingin ko ay tungkol sa akin.
"Bagay sa kan'ya 'yong uniform n'ya."
"Dapat matagal na s'yang nagsuot ng ganiyan."
"Yeah, she look pretty."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Nakakailang ang mga sinasabi nila sa 'kin at hindi ako sanay. Mas prefer ko pa yata ang sinasabihan ng hindi maganda.
Maya-maya pa ay nagulat nalang ako at halos humiwalay ang tainga ko sa pagsigaw at pagtili ng mga estudyante. Anak ka ng tokwa. Grabe, yung eardrums ko mababasag na yata.
Nang lingunin ko kung anong dahilan ng pagtili nila, napangiti nalang ako. Si Drish, he's here. Ngunit hindi s'ya nag-iisa, may mga kasama s'ya ngayon. As I expecting, dumating ang tinuturing nilang prinsipe at mga pinagpapantasyahan ng lahat ng babae maliban nalang sa 'kin. Aba't kahit naman may gusto ako sa kan'ya, kahit kailan hindi ko s'ya pinagpantasyahan dahil tanggap ko namang hanggang tingin lang ako sa kan'ya 'no.
"Omg! Totoo ba 'tong nakikita ko?"
"Kyaaah! Lord, kunin mo na 'ko ngayon na!"
"Mga bebe ko dumating na!"
"Ang gwapo nilang apat! God! Mahihimatay na yata ako nito."
Grabe talaga sila, sobra na ang ka OA-an nila. Gan'yan ba talaga sila kapag may mga nagsisilabasang mga gwapong nilalang? Paano dumating kasi si Drish kasama ang tatlo pang lalaki, kaibigan n'ya siguro. Hindi ko alam ang mga pangalan nila dahil wala naman akong balak malaman pa. All I know, mga kasama rin sa ranking ang pamilya nila. Dito sila nag-aaral pero minsan lang magpakita kapag may mga mahahalagang okasyon sa school tulad ngayon.
Hindi maipagkakailang mga gwapo sila, matangkad, maputi at magaganda ang hubog ng pangangatawan. Matatalino rin sila at may kan'ya-kan'yang talento. Halos ang mga ideal type ng mga babae sa isang lalaki ay nasa kanila ng lahat.
Sabay-sabay silang naglakad sa gitna papunta sa harapan habang patuloy parin sa pagtili ang karamihan. Halos mahimatay ang iba sa kanila nang ngitian at kindatan sila ng apat. Ano ito, concert?
Nang makarating sila sa harap, kaagad nilang inupuan 'yong ibang bakante at ang malas ko lang dahil sa side ko pa sila naupo. Pero ngayon ko lang napansing 'yon nalang pala ang bakanteng upuan. Ten chairs per horizontal line na hinati sa gitna bilang daanan. Lima sa right side habang lima rin sa kaliwa.
"Hey! We meet again."
"Malamang dito ako nag-aaral," bigla ko nalang nasabi.
Ay teka sino 'yong nagsalita? Lumingon ako sa kanang tabi ko at napatakip ng bibig nang marealized ko kung sino s'ya.
"Oh my gosh," bulong ko. OA na kung OA pero hindi ko inaasahang makakatabi ko si Drish. 'Yong puso ko nagwawala, ang lakas ng tibok n'ya.
"Hahaha."
Bigla naman akong napalingon sa kaliwang tabi ko nang marinig ko ang pagtawa ng isang lalaki. Nakita ko naman ang isang kaibigan ni Drish. Bakit s'ya tumawa? Baliw ba s'ya?
Teka, katabi n'ya rin 'yong isa pa nilang kaibigan. Tapos si Drish katabi rin 'yong isa pa. So anong ibig sabihin nito? Pinaggigitnaan ako ng apat na lalaking 'to?
What the? So nasaan na ang nanay ko? Katabi ko lang 'yon kanina 'di ba. Hindi ko man lang napansin na umalis s'ya. Saan naman kaya pumunta 'yon?
"You're funny and I found that cute," sabi naman ng lalaking nasa kaliwa.
Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya bago narinig ko pa silang apat na nagsitawanan. I can't believe this! Parang ayokong huminga dahil nasa tabi ko lang s'ya ngayon. Gosh, I need to calm down.
CLAIRE'S POV Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na 'ko dito. Para na akong naistatwa sa inuupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa side n'ya, mahuli n'ya kong nakatingin sa kan'ya. Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip 'ko. Hindi ako komportableng katabi s'ya. Wala akong problema sa tatlo n'yang kaibigan, tanging sa kan'ya lang talaga ako naiilang. Resulta ba 'to ng pagkagusto ko sa kan'ya? Kung tutuusin dapat matuwa ako ngayon dahil katabi ko s'ya. Tama! Dapat matuwa ako, hindi ganitong kinakabahan ako sa kan'ya na wala namang ginagawang mali sa 'kin. "Nga pala, my name is Kenzo, Kenzo Nementer." Napalingon ako sa nagsalita sa
CLAIRE'S POV Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Wala na 'kong pakialam kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako makakalabas ng earth 'di ba? Tumingin ako sa paligid at napansing nasa park ako ngayon. Tahimik ang paligid at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito. Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at tahimik na naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad. Napatingin ako sa itaas, magdidilim narin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag nalang munang umuwi. Hin
CLAIRE'S POV "Lumayo ka sa 'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa n'ya dahilan para mapalayo s'ya sa 'kin at ininda ang sakit no'n. Nagtatatalon s'ya sa sakit habang nakahawak sa paa n'yang tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently. Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa 'kin at sinuntok s'ya sa mukha pagkatapos ay mabilis ko s'yang sinipa sa tiyan kaya natumba s'ya at hindi kaagad nakatayo. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko mula sa likod at nakita ko ang isa pang lalaking humawak sa kamay ko kanina. They're dead! Hindi ba nila alam na masakit ang ginawa nilang pagkakahawak sa kamay ko? Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinilipit 'yon kasabay nang pagharap ko sa kan'ya. "Fuck! Bitiwan
CLAIRE'S POV Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal. Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman. Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang gin
CLAIRE'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nag-unat pa ako ng katawan bago bumangon. Panibagong araw na naman ang lilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Linggo na ngayon at 'di ako sigurado na baka sa susunod na mga araw ay may sumundo na sa akin dito. Ayokong iwan si Mama na mag-isa. Pag-umalis ako, wala na s'yang kasama rito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok at 'yon din naman ang gustong mangyari ni Mama. Kaso hindi ko maalis ang pangamba ko na baka pag-umalis ako ay bigla nalang dumating ang mga taong naghahanap sa 'kin. At kapag nangyari 'yon, mapapahamak si Mama. Saka kinakabahan ako sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin na pwedeng mangyari. Pangalan palang ng school na 'yon, alam mo na kaagad kung anong meron. Gangster Academy, malamang may
CLAIRE'S POV Dumating kami sa cemetery mag-aalas diyes na ng umaga. Kaagad na ginarahe ni Mama 'yong kotse pagkatapos sabay na kaming bumaba. Habang hawak ang flower vase, nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang puntod ni Papa. Nang makarating kami roon, kaagad ko munang inilapag sa isang tabi ang bulaklak na dala ko bago lumuhod sa tapat ng lapida n'ya. Gano'n din naman ang ginawa ni Mama. Inalis ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng lapida na nanggaling sa isang punong katabi lang namin. Maganda ang sikat ng araw at para lang kaming magpi-picnic ngayon. Napatingin ako kay Mama nang may ibinigay siya sa 'kin na puting kandila. Sinindihan ko 'yon at inilagay sa tabi ng lapida n'ya kung saan mayroong candle holder. Pagkatapos, inilagay ko na 'yong flower vase sa ibabaw naman ng lapida. "Nandito na ulit kami, Hon. Pasensya ka na kung ngayon nalang ulit ka
CLAIRE'S POV Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ko dahil ngayon na ang araw nang pag-alis ko, ang araw na may susundo sa 'kin. Nasa isang maleta lang lahat ng gamit na dadalhin ko dahil sabi ni Mama ay may mga pinalagay na raw s'yang mga susuotin ko ro'n sa kwartong tutuluyan ko. Para tuloy akong aalis ng bansa nito. Pero hindi ko pa naman alam kung saan naroroon ang paaralang 'yon. Sabi lang ni Mama, malayo raw 'yon kaya mahihirapan kaming makita ang isa't isa. Inaantok pa ako, ang aga-aga pa kasi ay pinaghanda na 'ko kaagad ni Mama para raw pagdumating 'yong sundo ko, handa na 'ko. Parang minamadali pa n'ya ang pag-alis ko e. Kaya ngayon, handang-handa na ang dating ko. Tapos narin akong kumain at ngayon nakaupo na 'ko dito sa sala. Hinihintay nalang na dumating 'yong susundo sa 'kin. Out of a sudden, bigla ko nalang naalala 'yong sinabi ni Lola kaha
CLAIRE'S POV Lumipas ang ilang oras pa ng biyahe at hindi nagtagal ay nakarating din kami sa bahay ni Mommy. Pumasok ang kotseng sinasakyan ko sa puting gate na may nagbukas pang dalawang lalaki. Malaki 'yong gate na pwedeng daanan ng dalawang sasakyan nang magkasabay. Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na huminto na 'yong kotse dahil nakapagpark na pala si Manong. Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Manong. Nauna s'yang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagpasalamat naman ako. Pagkalabas ko ng sasakyan, napanganga nalang ako nang bumungad sa 'kin ang napakagandang bahay—este mansyon na pala. Ang ganda grabe, tutulo na yata ang laway ko rito. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na makakakita ako ng ganitong kalaking tirahan o mansyon, tapos ngayon makakapasok pa ako sa loob. Maganda rin ang buong paligid. Merong malaking fountain sa gitna na sobrang linaw ng tubig habang pinalilibutan naman ng ibat-ibang