CLAIRE'S POV
Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin nagsisimula ang graduation ceremony. May balak pa ba silang magsimula? Sabihin lang nila kung wala nang makaalis na 'ko dito.
Para na akong naistatwa sa inuupuan ko dahil ni gumalaw ay hindi ko magawa. Hindi ako tumitingin sa magkabilaang tabi ko. Kinakabahan ako dahil kapag lumingon ako sa side n'ya, mahuli n'ya kong nakatingin sa kan'ya.
Tumatalon sa tuwa ang puso ko habang hindi naman mapakali ang isip 'ko. Hindi ako komportableng katabi s'ya. Wala akong problema sa tatlo n'yang kaibigan, tanging sa kan'ya lang talaga ako naiilang. Resulta ba 'to ng pagkagusto ko sa kan'ya? Kung tutuusin dapat matuwa ako ngayon dahil katabi ko s'ya. Tama! Dapat matuwa ako, hindi ganitong kinakabahan ako sa kan'ya na wala namang ginagawang mali sa 'kin.
"Nga pala, my name is Kenzo, Kenzo Nementer." Napalingon ako sa nagsalita sa kaliwang tabi ko na siyang nagpakilala saka inabot sa 'kin 'yong kamay n'ya para makipagshake-hands. Nagdalawang-isip pa ako kung kukunin ko 'yon pero sa huli ay inabot ko rin at nakipagkamay sa kan'ya.
"Ako naman si Claire Gomez," pakilala ko rin naman sa kan'ya.
"I know." Nagtaka ako sa sinabi n'ya. Alam n'ya na ang pangalan ko? Paano n'ya naman nalaman? Stalker ko ba s'ya? Just kidding, as if namang may stalker ako. Ang kapal naman ng pagmumukha ko no'n.
"Eh? Paano mo naman nalaman?" Tinanong ko nalang s'ya.
"What do you think?" Aba't malay ko. Kaya nga tinatanong ko eh, tapos sasagutin rin ako ng tanong. Abnormal! Sinamaan ko nalang s'ya ng tingin, paano kasi ay nakangisi pa s'ya.
"Easy, ang sama naman ng tingin mo. It's written on your uniform."
Tumingin naman ako sa suot kong uniporme at may nakalagay ngang name tag sa right side no'n. Nahiya naman ako, bakit 'di ko naisip 'yon? Sabi ko na nga ba't tiningnan n'ya lang 'yon kaya n'ya nalaman e. Nginitian ko nalang s'ya ng pilit pagkatapos ay hindi nalang ako nagsalita.
"You already know my name right?" Napatingin naman ako sa kan'ya at doon bigla na naman nagtama ang paningin namin. Woah, kalma lang. 'Ano ka ba naman Claire normal lang yan, kaya 'wag kang nagpapadala baka mapansin n'ya pang naiilang ka sa kan'ya.'
"Ahm, O-oo," medyo nauutal ko pang pagsagot sa kan'ya. Kaya ayaw ko s'yang kausapin e. Hindi ko mapigilang mautal sa harapan n'ya. Nakakahiya.
"As expected," sabi n'ya. Sino ba kasing hindi makakaalam ng pangalan n'ya? Isa lang naman s'ya sa mga pinakamayayaman sa bansang kinalakihan ko at ang taong hinahangaan ko.
Paanong hindi ko malalaman ang pangalan n'ya kung halos dalawang taon na simula noong unang araw ko s'yang ini-stalked. Oo, ini-istalked ko s'ya, hindi lang halata. Nakakahiya 'di ba? Pero mas nakakahiya kung sakaling mahuli ako. Pasikreto ko s'yang sinusundan, mabuti nga't walang nakakaalam no'n at hindi n'ya napapansin. Magaling yata akong magtago. Pero ni isang beses ay 'di ko naisipang lumapit sa kan'ya.
Nakakahiya naman kasi na ang isang tulad ko ay stalker n'ya. Pero minsan lang naman 'yon. 'Di tulad ng iba na kahit nasaan s'ya ay laging nakasunod. May limitasyon rin naman ako 'no! Alam ko kung hanggang saan lang ako at hindi ako pwedeng lumampas doon.
Kaya nga tinanggap ko ang salitang 'hanggang tingin lang ako'. Hindi lang naman kasi ako ang may gusto sa kan'ya dahil lahat humahanga sa kan'ya. At kahit baliktarin pa ang mundo, hindi kami talo'. Kung baga s'ya ang langit ako naman ang lupa.
"Hey cutie girl! Clyde Parker is my name," pakilala naman ng katabi ni Kenzo na kinindatan pa ako. Sa oras na 'yon biglang nagtilian ang mga babaeng nakakita sa pagkindat n'ya. Pati yata ang mga nanay nilang bata pa ang hitsura ay nakikitili narin. Napipilitan nalang ako ngumiti sa kan'ya.
"And his name is Loyd Webler," sabi ni Clyde na tinuro 'yong lalaking katabi ni Drish.
Kumaway s'ya sa'kin saka ngumiti, hindi ko maitatangging ang cute n'ya tingnan lalo na't may dimple pa s'ya. Ngumiti ako sabay kumaway rin sa kan'ya na kaagad ko ring ibinaba nang mapansin ko ang tingin ng mga estudyante sa 'kin.
"Ang swerte n'ya 'no?" narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Malapit lang sila sa pwesto ko kaya naririnig ko ang mga sinasabi nila. Swerte na ba kaagad ang makausap ang apat na lalaking 'to? Sabagay mga sikat nga pala sila, so ako na ang swerte.
"Sana katulad n'ya rin ako," sabi naman ng isa ko pang kaklase. Edi palit nalang kami, bakit ba naiinggit sila sa 'kin? Hindi ko naman ginustong makatabi 'tong mga 'to. They're so full of jealousy.
"Kairita, gusto ko s'yang sabunutan pero hindi ko na naman pwedeng gawin!"
Hindi na ako naapektuhan sa narinig kong 'yon. It's better to express how they really feel than to act like they really respected me.
Tumingin ako sa pwesto nila Chelsyn but they just staying still from their seat. Napaiwas pa siya ng tingin nang magtama ang aming mata. She's really trying hard to avoid me.
"I'm glad that you're now okay with them," biglang imik ni Drish. Nakalimutan ko yatang katabi ko pa s'ya ngayon. So alam n'yang hindi kami maayos noon? But we're still not okay until now. That doesn't matter though.
"Thank you," pasalamat ko naman. Wait, nasabi ko ba 'yon ng diretso? Hindi yata ako nautal.
Maya-maya pa ay may bigla nang nagsalita sa mikropono na nasa stage kaya natahimik ang lahat at natuon sa kan'ya ang atensyon. Nandoon si Mrs. Daris na s'yang principal nitong Keighley University.
"Today is the day that you're all waiting for. And after this, all of you will be going to a different school for college. I congratulate everyone to your new journey in life and I hope for your success. Keep soaring high, students!"
Marami pa s'yang sinabi at kung anu-ano pa. Tulad ng pagpapasalamat n'ya sa mga estudyante lalo na sa apat na lalaking katabi ko ngayon dahil ang Keighley University raw kasi ang napili nilang pasukan.
Sa pagkakaalam ko kasi may iba pang school na mas sikat at maraming mayayaman ang nag-aaral kaysa sa school na 'to. Siguro doon nag-aaral ang iba pang nasa rank na high school pa lang. Apat na estudyanteng nasa rank ang narito so may anim na nasa ibang school.
Lahat kasi ng pamilyang nasa rank ay may mga anak na nag-aaral sa magkakaibang paaralan kaya siguro pagdating sa school sila ang mga hinahangaan at ginagalang. Tulad nalang nitong apat na katabi ko.
'Di nagtagal ay nagsimula naring tawagin isa-isa ang mga estudyante. Kasama nilang maglakad sa gitna papuntang stage ang kanilang mga magulang na s'yang inaabutan ng pilak na medalya at isusuot sa anak nila. Pagkatapos kukuhaan ng litrato habang hawak ng estudyante ang kani-kanilang diploma.
Lahat ng estudyante ay makakatanggap ng pare-parehong medalya maliban nalang sa may mataas na karangalan na s'yang naiiba. At ang medalya na 'yon ay bilang palatandaan ng kanilang pag-aaral sa school na 'to maliban sa diploma. Ayos nga e, kahit walang karangalan mabibigyan ka parin ng medalya. 'Di nakakapagtakang mayayaman nga sila.
Pero bakit naka-uniform lang kami? Graduation ngayon kaya dapat may mga suot kaming toga, 'yong graduation dress. Siguro ayaw lang nilang takpan ang uniporme ng school para maipagmalaki.
Natapos nang tawagin ang lahat maliban sa 'kin pati narin sila Drish. Pati ba naman ako isinama pa nila sa mga huling tatawagin? Dapat ako ang una e. Nasan na ba kasi 'yong nanay ko? Saan na 'yon nagsusuot?
"Natapos ang lahat, and now let's welcome our special guest. Let's give them around of applause!"
Nagpalakpakan ang lahat at lumingon sa likuran. Naroon ang mga magulang ni Drish at ng tatlo niyang kaibigan. Akala ko pa naman hindi sila pupunta. Special guests pala sila.
Mga bata pa ang histura nila at halata mo parin ang kanilang kagandahan at kagwapuhan. Ngayon ko lang sila nakita dahil ngayon lang naman sila pumunta rito. Tumingin ako roon sa isang lalaki na katabi ang isang babae at sigurado ako na 'yon ang magulang ni Drish. Kamukhang-kamukha n'ya 'yong tatay n'ya. Pati narin sila Clyde. Mga may pinagmanahan talaga.
"Mr. Drish Croughwell, Clyde Parker, Loyd Webler, and Mr. Kenzo Nementer. Please go to your parents now and Ms. Gomez, stay at your seat," utos ni Mrs. Daris sa kanila kaya kaagad silang tumayo para lumapit sa kanilang mga magulang. Nagulat pa ako nang ngitian ako ni Drish kaya medyo nag-init yata 'yong pisngi ko.
Paano ko? Special ba ako para ihuli nila? O baka naman hindi ako kasali sa graduation na 'to? Bakit gano'n? Wag naman silang ganiyan. Nasaan na ba kasi si Mama? Lagot talaga sa 'kin 'yon kapag nakita ko.
Tulad kanina, isa-isa rin silang tinawag at pumunta ng stage para parangalan. Nagtilian at nagsigawan ang mga estudyante nang isa-isa silang kuhaan ng litrato kasama 'yong parent nila. Ang iingay nila, napakababaw ng kaligayahan.
Matapos no'n ay nakipagkamay ang magulang nila sa principal at sa iba pang namamahala ng school. Saka bumalik ang mga anak nila sa dating upuan habang sila ay naiwan sa stage at doon naupo.
Nalaman ko na ang pamilyang Parker ay nasa Rank 8. Ang pamilyang Webler ay nasa Rank 9 at Rank 10 naman ang pamilyang Nementer.
"And lastly, let's welcome the owner of this university which is on Rank 7!"
Muling natahimik ang lahat. Waaah, ngayon lang ang unang beses na makikita ko s'ya dahil hindi naman s'ya pumupunta dito kahit na graduation pa 'yan. Curious nga ako kasi kahit ang pangalan n'ya ay hindi pinapaalam.
"Mrs. Mathezon Gomez!" dagdag ng nagsasalita. Napuno ulit ng palakpakan ang buong paligid.
Ako naman ay natahimik at pilit na sinisink-in pa sa utak ko 'yong sinabi n'ya. Mathezon Gomez? Did I just heard the name of my mother? Tama naman ang pagkakarinig ko 'di ba? Mathezon Gomez? Pangalan nga 'yon ng nanay ko, paano nangyari 'yon?
Lumabas ng stage ang isang babaeng kamukhang-kamukha ng nanay ko, but she really is my mother!
Gusto kong magpakatanga dahil ayokong isipin na nanay ko s'ya. Magkaiba sila ng magulang na itinuring ko. Ang magulang na tinuring ko ay hindi nagmamay-ari ng paaralan. Ang magulang na tinuring ko ay wala sa rank na pinakamayaman sa bansa. At higit sa lahat, ang magulang na tinuring ko ay hindi nagsisinungaling at naglilihim sa 'kin! Kaya pala bigla-bigla nalang s'yang nagkakaroon ng sasakyan. Ang ganda ng surpresa n'ya.
Nakipagbatian at nakipagkamay s'ya sa mga magulang nila Drish pati narin sa principal bago lumapit sa mikropono. Nagtama pa ang aming paningin pero ni isang ekspresyon ay wala akong ipinakita sa kan'ya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayokong intindihin ang nakikita ko ngayon, ayokong tanggapin.
Nagmukha akong kaawa-awa sa lahat ng estudyante dito, nilait, kinawawa at inapi. Tapos sa huli humingi ng tawad dahil... dahil anak ako ng may-ari ng paaralang pinapasukan nila na nasa Rank 7. Kaya pala.
"Can you promise me na magiging masaya ka lang ngayon? Hindi magagalit, malulungkot o ano pa man."
Kaya pala sinabi n'ya ang mga salitang 'yon dahil sa malalaman ko ngayong araw. Nangako ako sa kan'ya dahil syempre graduation ko at hindi ko pa alam ang gusto n'yang mangyari. Pero ngayong nalaman ko na, hindi ko yata kayang tuparin ang pangakong 'yon.
Bakit kasi kailangang ngayong araw pa n'ya ipaalam ang katotohan sa 'kin? Anong akala n'ya matutuwa ako dahil anak ako ng mayaman? Ang galing n'yang magtago ng kasinungalingan!
"First of al—" Napatigil s'ya sa sasabihin n'ya at tumingin sa 'kin nang bigla nalang akong tumayo.
Hindi ko gustong pakinggan ang kung ano man ang sasabihin n'ya. Ang lakas naman ng loob n'yang magsalita pa sa harapan ng maraming tao. Wala akong pakialam kung bastos ako ngayon.
Walang anu-ano'y umalis ako sa inuupuan ko at tumakbo nalang paalis sa pwestong 'yon. Tumakbo ako palayo ng field at nang makarating ako ng gate, bigla nalang akong hinarang ng guard.
"Ms. Gomez, hindi pa po tapos ang—" Hindi ko na s'ya pinatapos.
"I need to go!" sigaw ko sa kan'ya.
"Pero—" Binalewala ko ang sasabihin niya at pinilit ang sarili kong makalabas.
"Saan ka pupunta?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko sila Drish na sinundan pala ako.
"Wala na kayong pakialam doon," sagot ko nalang bago tumakbo palayo ng gate.
Doon ko nalang napansin na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Umiiyak na pala ako ng hindi ko napapansin. I hate this day.
CLAIRE'S POV Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Wala na 'kong pakialam kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako makakalabas ng earth 'di ba? Tumingin ako sa paligid at napansing nasa park ako ngayon. Tahimik ang paligid at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito. Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at tahimik na naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad. Napatingin ako sa itaas, magdidilim narin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag nalang munang umuwi. Hin
CLAIRE'S POV "Lumayo ka sa 'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa n'ya dahilan para mapalayo s'ya sa 'kin at ininda ang sakit no'n. Nagtatatalon s'ya sa sakit habang nakahawak sa paa n'yang tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently. Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa 'kin at sinuntok s'ya sa mukha pagkatapos ay mabilis ko s'yang sinipa sa tiyan kaya natumba s'ya at hindi kaagad nakatayo. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko mula sa likod at nakita ko ang isa pang lalaking humawak sa kamay ko kanina. They're dead! Hindi ba nila alam na masakit ang ginawa nilang pagkakahawak sa kamay ko? Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinilipit 'yon kasabay nang pagharap ko sa kan'ya. "Fuck! Bitiwan
CLAIRE'S POV Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal. Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman. Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang gin
CLAIRE'S POV Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Nag-unat pa ako ng katawan bago bumangon. Panibagong araw na naman ang lilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Linggo na ngayon at 'di ako sigurado na baka sa susunod na mga araw ay may sumundo na sa akin dito. Ayokong iwan si Mama na mag-isa. Pag-umalis ako, wala na s'yang kasama rito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok at 'yon din naman ang gustong mangyari ni Mama. Kaso hindi ko maalis ang pangamba ko na baka pag-umalis ako ay bigla nalang dumating ang mga taong naghahanap sa 'kin. At kapag nangyari 'yon, mapapahamak si Mama. Saka kinakabahan ako sa paaralang papasukan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa 'kin na pwedeng mangyari. Pangalan palang ng school na 'yon, alam mo na kaagad kung anong meron. Gangster Academy, malamang may
CLAIRE'S POV Dumating kami sa cemetery mag-aalas diyes na ng umaga. Kaagad na ginarahe ni Mama 'yong kotse pagkatapos sabay na kaming bumaba. Habang hawak ang flower vase, nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang puntod ni Papa. Nang makarating kami roon, kaagad ko munang inilapag sa isang tabi ang bulaklak na dala ko bago lumuhod sa tapat ng lapida n'ya. Gano'n din naman ang ginawa ni Mama. Inalis ko ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng lapida na nanggaling sa isang punong katabi lang namin. Maganda ang sikat ng araw at para lang kaming magpi-picnic ngayon. Napatingin ako kay Mama nang may ibinigay siya sa 'kin na puting kandila. Sinindihan ko 'yon at inilagay sa tabi ng lapida n'ya kung saan mayroong candle holder. Pagkatapos, inilagay ko na 'yong flower vase sa ibabaw naman ng lapida. "Nandito na ulit kami, Hon. Pasensya ka na kung ngayon nalang ulit ka
CLAIRE'S POV Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ko dahil ngayon na ang araw nang pag-alis ko, ang araw na may susundo sa 'kin. Nasa isang maleta lang lahat ng gamit na dadalhin ko dahil sabi ni Mama ay may mga pinalagay na raw s'yang mga susuotin ko ro'n sa kwartong tutuluyan ko. Para tuloy akong aalis ng bansa nito. Pero hindi ko pa naman alam kung saan naroroon ang paaralang 'yon. Sabi lang ni Mama, malayo raw 'yon kaya mahihirapan kaming makita ang isa't isa. Inaantok pa ako, ang aga-aga pa kasi ay pinaghanda na 'ko kaagad ni Mama para raw pagdumating 'yong sundo ko, handa na 'ko. Parang minamadali pa n'ya ang pag-alis ko e. Kaya ngayon, handang-handa na ang dating ko. Tapos narin akong kumain at ngayon nakaupo na 'ko dito sa sala. Hinihintay nalang na dumating 'yong susundo sa 'kin. Out of a sudden, bigla ko nalang naalala 'yong sinabi ni Lola kaha
CLAIRE'S POV Lumipas ang ilang oras pa ng biyahe at hindi nagtagal ay nakarating din kami sa bahay ni Mommy. Pumasok ang kotseng sinasakyan ko sa puting gate na may nagbukas pang dalawang lalaki. Malaki 'yong gate na pwedeng daanan ng dalawang sasakyan nang magkasabay. Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na huminto na 'yong kotse dahil nakapagpark na pala si Manong. Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Manong. Nauna s'yang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagpasalamat naman ako. Pagkalabas ko ng sasakyan, napanganga nalang ako nang bumungad sa 'kin ang napakagandang bahay—este mansyon na pala. Ang ganda grabe, tutulo na yata ang laway ko rito. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na makakakita ako ng ganitong kalaking tirahan o mansyon, tapos ngayon makakapasok pa ako sa loob. Maganda rin ang buong paligid. Merong malaking fountain sa gitna na sobrang linaw ng tubig habang pinalilibutan naman ng ibat-ibang
CLAIRE'S POV Six days passed, today is a new Monday of this week. I stayed additional six days before going to the Gangster Academy, at ngayon na ang araw na papasok ako roon. Nakaramdam na naman tuloy ako ng lungkot dahil mahihiwalay rin ako kay Mommy. I have more than one family but I have to leave both of them. Anim na araw akong nanatili sa mansyon ni Mommy, anim na araw ko s'yang nakasama at anim na araw akong nagmukhang prinsesa dahil sa kailangang pinagsisilbihan pa ako ng mga katulong namin. Ilang beses ko silang sinasabihan na 'hindi na kailangan' pero ang kukulit talaga nila kaya hinayaan ko nalang, at the same time naging malapit ako sa kanila. Mababait ang mga katulong sa mansyon at pinagkakatiwalaan sila ni Mommy since they knew their secret about me. Speaking of her, she is totally like her best friend. She's also a good mother, she has her sweet and childish side. Kaya nalayo