Share

Chapter 5: Stranger Before Danger

CLAIRE'S POV

Hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga paa ko. Wala na 'kong pakialam kung saan ako mapadpad. Hindi naman siguro ako makakalabas ng earth 'di ba?

Tumingin ako sa paligid at napansing nasa park ako ngayon. Tahimik ang paligid at ni isa ay walang tao rito kundi ako lang. Hindi na siguro ginagamit ang bakanteng lote na ito.

Naglakad ako papunta sa isang batong upuan at tahimik na naupo roon. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod dahil sa kanina pa ako naglalakad.

Napatingin ako sa itaas, magdidilim narin. Bakit ba ang bilis-bilis ng oras? Ayoko pang umuwi, ayoko pang makita si Mama. Hindi pa sapat ang oras na ito para pagaanin ang loob ko. Mas gugustuhin ko pa sigurong 'wag nalang munang umuwi.

Hindi ko lubos maisip na sa loob ng labing walong taon, nagawang itago ni Mama ang katotohanang 'yon. Tanggap ko na ang buhay na meron ako ngayon. 'Yong hindi mayaman at hindi rin naman mahirap, sakto lang. Masaya na akong kasama ko ang mahal ko sa buhay.

Pero kung tutuusin, wala rin namang masama kung mayaman nga kami ngunit sa pamamagitan no'n may mga bagay na magbabago. Nang dahil sa katotohanang 'yon, nagbago ang turing sa 'kin ng mga estudyante. At ngayong nasa rank ng mayayaman sa bansa ang magulang ko, pati ako ay dapat na igalang ng lahat. Ayokong mangyari 'yon dahil hindi ko tanggap na irerespeto lang ako ng iba dahil sa anak ako ng mayaman at hindi dahil sa totoong ako.

Pero siguro kailangan ko ring tanggapin ang katotohanan at isipin nalang na isang pagsubok lang ito na ibinigay ng Diyos sa akin. Mahal ko ang magulang ko at hindi ko kayang mawala s'ya sa 'kin pero hindi ko rin kaya na nagsisinungaling s'ya sa 'kin dahil nga sa mahal ko s'ya.

Kailangan ko rin s'yang patawarin pero hindi ko alam kung kailan. Basta hindi pa sa ngayon.

"Miss, ang lalim naman yata ng, problema mo?"

Nagulat nalang ako sa nagsalita at nakita ang tatlong mamang nasa harapan ko na pala. Mga lasing sila at may hawak pang bote ng alak 'yong nasa gitna na s'yang nagsalita. Where did they came from?

'Wag mong sabihing nasa sitwasyon na ako na kailangan ko nang magahasa? Teka, 'wag naman gano'n. Bakit may ganitong tagpuan, nage-emote pa ako rito e.

"Gusto mong pagaanin natin 'yang problema mo?" sabi naman ng nasa kanang mama' habang sinisinok pa. Nabigla pa ako nang ipatong n'ya sa balikat ko ang kamay n'ya kaya agad kong inalis 'yon at napatayo nalang sa inuupuan ko.

"Wag ka nang pakipot, Miss. May gagawin tayong maganda," singit ng nasa kaliwa na hindi masyadong lasing dahil nakakapagsalita pa s'ya ng diretso. Napaatras ako nang humakbang sila palapit sa 'kin.

"Lumayo kayo! Anong kailangan niyo sa 'kin?" usal ko namang tanong sa kanila.

Panira naman sila ng moment, nagmumukmok akong mag-isa dito tapos bigla silang lilitaw. Ang creepy lang.

"Alam mo kasi, kaming mga lasinggero, marami kaming problema. Kaya nga dinaraan nalang namin sa alak e, nang makalimutan naman namin pansamantala. 'Yong tipong wala ka nang mahanap na solusyon kaya naisip mong lumapit nalang sa alak."

Natahimik ako sa sinabi n'ya. Kahit papano'y nasa katinuan pa naman s'ya para sabihin ang mga salitang 'yon. Ang mga tao, madalas naglalasing kapag may problema. Hindi pa gumagawa ng paraan, sumusuko na agad. Iniisip na wala na silang magagawa kasi talo na sila. Pero tama bang idaan nalang sa alak ang problema? Mas wala namang mangyayari sa'yo kung wala kang ginagawang paraan.

"Pero manong, kailangan n'yo ng lakas ng loob. Hindi po ba dapat gumagawa kayo ng paraan kung ano man ang problema n'yo? Hindi 'yong sumusuko kayo kaagad." At kung ano-ano ang gagawin tapos ako pa ang bibiktimahin n'yo! Susmiyo. Mga tao nga naman. Iniisip ang malaking problema, hindi ba nila naisip na mas malaki pa ang Diyos kaysa sa problema nila.

"Alam mo ang unfair naman kasi ng buhay," pagsasalita ni manong na nasa kaliwa. Daming alam, may pa-unfair-unfair pa talaga s'ya.

Napaatras pa ako nang lumapit s'ya pero uupo lang pala, hanggang sa naupo na silang tatlo sa upuang nasa harap ko. Marahan naman akong naupo sa tabi nila. Tiningnan ko sila isa-isa na ngayon ay nakatulala na sa kawalan habang si manong na nasa gitna ay tungga-tungga 'yong boteng hawak n'ya.

Wala pala akong karapatan para mag-emote ngayon. Halata naman sa mga hitsura nila na mas malalim pa ang kanilang problema kaysa sa 'kin.

"Bakit 'yong iba nagpapakasaya't nagpapakasarap sa kanilang mga yaman habang kami dito'y nagpapakahirap pang magtrabaho para lang may makain at mapakain sa sariling pamilya?" dagdag ni manong na nagsalita kanina.

May kurot sa puso akong napaisip. Marami ang naghihirap sa pagtatrabaho at nagugutom dahil walang perang pambili ng makakain nila habang ang ibang mga mayayaman ay nagpapakasasa sa kanilang mga kayamanan na hindi man lang maisipang tulungan ang ibang tao.

Naalala ko pa noong nakakita ako ng batang nanlilimos sa kalsada kung saan ibinigay ko ang aking natitirang pera para ipambili n'ya ng makakain. Naisip ko noon na kung marami lang kaming pera ay magagawa kong tumulong sa kanila pero parehas lang kami, sadyang mahirap lang talaga ang buhay.

Napaka unfair nga, hindi lahat nakakaranas ng ginhawa. Hindi lang talaga pare-pareho ang katayuan ng bawat isa sa buhay. Talagang may mayaman, may mahirap. May nagpapakasaya habang may nagpapakahirap.

"Sana dumating 'yong araw na matulungan naman tayo ng ibang pamilyang mayayaman."

"Halos ang pamilyang Wilk at Sciff lang naman kasi ang nakakagawang tumulong sa atin na s'yang nangunguna sa pinakamayamang tao sa buong bansa. Habang ang iba naman ay inuuna pa ang pumunta sa ibang bansa at doon nagpapalago ng kanilang yaman."

"Wala akong pakialam kung tumulong sila o hindi. Basta, kinamumuhian ko silang mga mayayaman! At kahit kailan hindi ko kailangan ng tulong nila. Mas pipiliin ko pang mamatay nalang!"

Tumagos sa puso ko ang kanilang mga hinanaing. Hindi ko inaasahang sa oras na ito ay makakatagpo ako ng katulad nila na s'yang naglabas ng kani-kanilang saloobin.

Kinamumuhian at hinahangad na matulungan pa sila ng mga mayayaman. Paano pa kaya kung malaman nilang isa ako sa mga taong 'yon? Baka tuluyan na nila akong pagsamantalahan. Pero alam ko namang hindi nila magagawa ang bagay na 'yon dahil wala silang lakas ng loob.

Mahihina sila, oo alam ko 'yon. Kaya nga sila nandito ngayon e. Pero dapat silang maging matatag at magkaroon ng lakas ng loob, hindi para gumawa ng kamalian kundi para bumangon sa buhay na meron sila ngayon. Maya-maya pa ay naramdaman kong tumayo na sila at humarap sa akin.

"Sorry kanina, Miss. At salamat sa sinabi mo. Mauna na kami, pwede mo nang ipagpatuloy ang ginagawa mo kanina. Alam kong may problema ka rin, tutal nalaman mo ang problema namin. Pwede bang sabihin mo ang sa'yo?" sabi ni manong na nasa kaliwa. Aalis nalang, hihirit pa talaga. Sabagay, ang unfair nga naman kasi. Aba sinabi ko bang sabihin nila 'yon? O heto na nga at sasabihin ko na nga 'di ba?

"Isang mahalagang tao po kasi sa 'kin ang itinago ang katotohanan sa loob ng labing walong taon at tanging ngayon ko lang nalaman," pagkukwento ko sa kanila. Nakakatuwa lang na sila pa ang nakakausap ko ngayon, hindi naman pala sila mga masasamang tao.

"Gano'n ba, mabuti siguro kung mapapatawad mo s'ya kaagad dahil mahalaga s'ya sa'yo. At kung ano man ang itinago n'ya na umabot pa ng gano'n katagal, malay mo para naman siguro 'yon sa kabutihan mo. Kaya mas mabuting 'wag mo nang patagalin pa ang inyong problema. Ang mahalaga nalaman mo na, hindi ba?"

Tumango ako sa kan'ya at ngumiti. Tama naman ang mga sinabi n'ya. Mabuti narin at sinabi ko sa kanila ang problema ko. Nabigyan pa nila ako ng advice. Grabe si manong kung makapagbigay ng payo, ang drama rin ng buhay n'ya.

"Siya sige, mauna na kami. Mabuting mauwi ka na ineng baka lapitan ka na naman ng lasing diyan." sinisinok paring saad ni manong na may dalang bote.

"Ah opo, kaya ko naman ang sarili ko. Salamat po sa inyo," sabi ko naman.

"Oh halika na pare! Lasing ka na e." Naglakad na sila paalis habang inaakay nila si manong na patumba-tumba na.

"Ulol hindi pa ako lasing! Ikaw ang lasing!"

"Bubungangaan na naman tayo ni misis nito."

"Sino ba kasing nag-aya sa ating uminom ha? Ikaw ba?"

"Hindi ako, ikaw kaya 'yon! Tingnan mo ang dami mong nainom."

Pinagmasdan ko pa sila paalis hanggang sa tuluyan na silang nakalayo. Napangiti nalang ako bigla, ang iingay nila grabe.

Kinuha ko naman sa bulsa ng skirt ko 'yong cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate 'yon. Kanina pa ito nagba-vibrate kaya paniguradong marami na akong nareceived na messages and calls galing kay Mama.

Binuksan ko 'yon at nakita ang notification. 20 messages and 15 missed calls na galing lahat kay Mama. Pinindot ko ang isang message n'ya at binasa 'yon.

From: Mama

Meyn, please go home. Let me explaine and tell you everything. Please, I'm so worried about you.

Tiningnan ko pa ang iba n'yang mensahe at halos lahat gano'n ang nakasulat. Gabi na, kailangan ko narin sigurong umuwi at kausapin s'ya. Nagpadala ako sa nararamdaman ko kanina, pinag-aalala ko pa tuloy s'ya.

Naglakad na ako paalis ng park at napahinto nalang nang maalala kong hindi ko nga pala alam kung nasaan na ako napunta. Nasa gilid na ako ng kalsada, wala namang masyadong dumadaang sasakyan dito at wala ring masyadong napapadpad na tao. Mga ilaw lang sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa daan. Goodness, saan na ba ako nakarating?

Naglakad nalang ulit ako kung saan naalala kong dumaan ako. Pero napahinto ako nang may maramdaman akong parang sumusunod sa 'kin. Tumingin ako sa likuran ko pero wala naman kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Guni-guni ko lang siguro.

"Where are you going?"

Napahinto na naman ako sa paglalakad at dahan-dahan pang lumingon sa aking likuran. And this time, may sumusunod nga talaga sa 'kin.

Apat na lalaki ang nasa harapan ko ngayon at mukhang mga kaedaran ko lang sila. Mga may hitsura sila at mala-bad boy ang dating, may mga itim na hikaw sa magkabilaang tainga. Ayos rin ang porma nila, all black at mukhang mga mamahalin pa. They kinda looks like a gangster.

Nagawa ko pa talagang pagmasdan ang hitsura nila ngayong mukhang delekado ako. Bakit kasi may part two pa 'yong kanina? Tapos ngayon nadagdagan pa ng isa.

"Are you lost?" tanong ng nasa gitna na mukhang leader nila. The heck. He's dangerous. Ano 'to, 'are you lost, baby girl' ang datingan?!

"Wanna join us?" tanong n'yang muli. Sino naman ang sasama sa kanila sa ganitong oras at sitwasyon? Hindi naman ako nahihibang para sumangayon sa kan'ya.

"N-no, thanks. Nakapunta ako rito ng mag-isa at makakauwi ako ng mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong n'yo," lakas loob kong sagot sa kaniya. I'm not afraid, but this is my first time facing people like them. I don't want to hurt anyone without a reason but if I have to fight, then I will.

Ngumisi 'yong leader nila na ginaya naman ng kaniyang mga kasama. Nagulat pa ako nang bigla nila akong lapitan at hawakan ng dalawa sa magkabilaang kamay. They forcing me.

"B-bitawan n'yo ko! Tulong!" sigaw ko pero nagsitawanan lang sila. Bakit pa ba ako humihingi ng tulong kung wala namang makakarinig sa 'kin. Ni isang tao walang dumadaan dito, malas ko lang dahil katulad lang yata nila ang napapadpad.

"Anong gusto mo? Sasama ka sa amin o dito nalang? Anything will do," muling tanong ng leader nila.

Hinihila ko ang kamay ko sa dalawang mokong na lalaking ito pero ang higpit ng pagkakahawak nila sa 'kin. This is so unfair!

"Ano bang sinasabi mo?! Bitiwan n'yo sabi ako!" naiinis ko nang sigaw sa kanila.

"Pipili ka lang naman sa sinabi ko," sagot naman niya.

"Piliin mo your face! Let me go or else..." Napapa-ingles na 'ko sa inis dito, lintik naman. Uuwi na nga 'yong tao tapos hahadlang pa sila. This is really a bad day. Ang sakit na ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak ng dalawang kasamahan niya.

"Or else? May magagawa ka ba?" nang-aasar n'yang tanong. Or else? Ano nga bang magagawa ko, ni hindi nga ako makaalis dito. But l surely won't forgive them once I'm free. I'm pissed off.

"Tutal ayaw mong pumili, dito nalang tayo."

I don't follow what he meant until he get closer and leaned forward, hinawakan niya ako sa mukha. Nagulat nalang ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Mabuti nalang at nailayo ko kaagad at mabilis na nagpumiglas sa pagkakahawak nila.

Pero nanghina ang mga tuhod ko nang maramdaman ang labi n'ya na marahang dumikit sa leeg ko. Hindi ako pwedeng manghina at magpadala sa ginagawa n'ya.

This is... disgusting! Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa 'kin 'to. It's giving me goosebumps. I can't let them take advantage of me!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status