Share

Chapter 7: Academy's Admission Letter

CLAIRE'S POV

Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ko ang lahat. Ang katotohanang inilihim sa 'kin ng sobrang tagal.

Nasabi sa 'kin ni Mama na matagal na n'yang alam ang mga nangyayari sa 'kin sa school. Kaya pala gano'n nalang ang inaakto n'ya kada umagang papasok ako. Tama nga ang iniisip ko na alam na n'ya talaga noong time na 'yon. Hayst.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Pero ngayon nalulungkot ako sa iba kong nalaman.

Nalulungkot ako sa katotohanan na dahil sa 'kin nawala si Papa. Nawala ang itinuturing kong ama, sinisisi ko ang sarili ko dahil do'n. Pero tulad ng sinabi ni Mama, wala akong kasalanan sa nangyari. Gayunpaman, hindi ko matatanggap na nawala si Papa dahil sa mga taong gustong pumatay sa 'kin. Kaya ngayon nagagalit ako sa mga taong 'yon, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Papa. Bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay n'ya na hindi man lang nalaman ng lahat.

Gusto kong mangyari lahat ng 'yon pero paano? Paano ko magagawa ang bagay na 'yon kung hindi ko kilala kung sino sila or siya? Pero sigurado akong darating din ang araw na 'yon. Ang araw na mabibigyang katurangan ang pagkamatay ni Papa. I'll make him pay no matter what.

Ngayong nalaman ko na ang lahat, wala na siguro akong karapatan para magalit kahit na kanino. Inaamin kong nagalit ako sa simula kay Mama dahil buong akala ko wala s'yang tinatagong lihim sa 'kin. Pero ngayong nalaman ko ang dahilan ng lahat ng 'yon, s'ya ang mas may karapatang magalit sa 'kin pero masaya akong kahit katiting man lang ay hindi n'ya magawa.

Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit hindi nila ako tunay na anak, nagawa nilang ipakita sa 'kin ang tunay na pagmamahal ng isang magulang.

Wala rin akong karapatang magalit sa tunay kong magulang. Dahil tulad nga ng sinabi ni Mama, nagawa lang nila 'yon para sa kaligtasan ko. Sa halip ay nagpapasalamat rin ako sa kanila, magulang ko parin sila kaya gusto ko silang makilala at makasama.

Pero nakakagulat lang na ang tunay ko palang pamilya ang s'yang pinakamayaman sa bansa. Kahit na kailan ay hindi ko naisip o pinangarap na 'sana anak nalang nila ako' dahil kontento na ako sa buhay. Pero hindi ko naman siguro kasalanan na anak nga talaga nila ako 'di ba. I don't really care about wealth though people would always say 'you can't live without money.'

Lumabas ako ng kwarto ko kung saan kanina pa ako nakahiga at nag-iisip tungkol sa mga nalaman ko.

Iniisip ko rin kung saan ako pwedeng pumasok ng kolehiyo para sa kursong kukunin ko. Hindi porket anak ako ng taong pinakamayaman sa bansa, hindi na ako magtatrabaho. Hindi ako aasa sa gano'ng paraan. Kailangan kong paghirapan ang lahat ng gusto kong makuha. Tutuparin ko ang pangarap ko sa tulong ng sarili kong pagsisikap.

Iniisip ko na maaaring delikado na muli ang buhay ko dahil sabi ni Mama ay baka nagsisimula na ulit maghanap ang taong gustong pumatay sa 'kin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya at ako ang gusto nilang patayin. Hindi naman ako makakagawa sa kanila ng kasalanan dahil hindi pa nga ako ipinapanganak ay gusto na kaagad akong patayin. Pasalamat nalang ako dahil nabuhay pa ako, which only means that I'm not really unlucky, after all.

Naisip ko na maaaring ang tunay kong mga magulang ang may kasalanan sa kanila na hindi man lang nila alam? Hindi imposible 'yon. Maaaring dahil anak nila ako, ako ang napili nitong paghigantihan. That person is really eager to kill me.

Gusto ko s'yang makaharap pero natatakot ako na tuluyan na nila akong mapatay kung magpapadalos-dalos ako. Natatakot rin ako na kapag nagsimula na s'yang umaksiyon, sa halip na ako ang mapahamak, baka buhay naman ni Mama ang madamay. Hindi ako makakapayag do'n. Mas gugustuhin ko pang mapatay nalang nila ako kaysa mapahamak pa ang buhay ni Mama.

Pero ang ipinagtataka ko lang, I don't remember my real parents have ever visited me before. Do they really care about our situation? About me? Why do I feel like they putting all the burden to my foster parent? I feel bad, though I'm trying not to make wrong assumption about them. I know they has a reason.

Naisipan kong pumunta ng sala at naupo sa sofa. Hapon na, nasaan na kaya si Mama? Nagpaalam s'ya sa 'kin kaninang umagang may pupuntahan lang s'ya pero hanggang ngayon ay hindi parin s'ya bumabalik. Nag-aalala na ako sa kan'ya. I hope nothing bad happpened.

Nagisip-isip nalang ako ng ibang bagay habang naghihintay na bumukas ang pinto at pumasok doon si Mama. Para naman mas maiwasan ang pag-aalala sa kan'ya, naisipan ko nalang buksan ang TV na nasa tapat lang ng sofa.

"Are you ready kids? Aye aye captain! I can't hear you. Aye aye captain!"

Napaayos ako ng pagkakaupo nang saktong ang paborito kong cartoon na SpongeBob ang palabas ngayon. Hindi ko na s'ya napapanood, mabuti nalang at naisipan kong manood ng telebisyon.

Naaalala ko pa noong bata ako, sinasabayan ko parati ang kanta ng SpongeBob. Wala namang masama kung hanggang ngayon ay susubaybayan ko ito. Hanggang nabubuhay ako, SpongeBob parin, hindi ako magsasawang panoorin 'to. Ngayon pang tanging ang panonood lang ang libangan ko maliban sa pagbabasa.

Maya-maya pa ay napasimangot nalang ako nang matapos na ang episode na ipinalabas. Ano ba 'yan! Ang bilis naman ng oras.

Kinuha ko nalang 'yong remote sa tabi ng TV at inilipat 'yon sa ibang channel. Habang naghahanap ako ng magandang palabas ay napahinto ako sa isang balita.

"Ngayong graduate na kayo ng high school, pwede bang malaman kung saan kayo papasok for college?"

Nagkaroon ako ng interes sa palabas na balita nang makita ko doon sila Drish, Clyde, Loyd at Kenzo na kasalukuyang iniinterview ng mga reporters.

"Kyaaah! Sana sabihin nila!"

"Susundan ko talaga sila kahit saan sila pumunta!"

"Kyaaah, gosh! Ang gwapo n'yo!"

Live ang news at nakalagay sa balita na nasa Croughwell Mall sila ngayong hapon na pagmamay-ari ng pamilya ni Drish. Ang daming taong nakapalibot sa kanila ngayon pero hinaharangan ng mga guwardiya nila para hindi makalapit. Halos puro babae ang mga nagkakagulo at mga nagsisitilian.

Gosh! Bilib na talaga ako sa kanila. Dinaig pa nila ang isang super star! Napakaraming tagahanga. Malamang niyan ay mas sikat pa sila sa mga artista ngayon.

I wonder kung anu-ano ang mga pag-aari ng pamilya nila sa Pilipinas. Pero sigurado akong hindi lang sa Pilipinas mayroon silang pag-aari. Paniguradong may mga properties din sila sa ibang bansa.

Ano naman kaya ang sa tunay kong magulang? Sila ang nangunguna sa ranking kaya mas marami ang mga properties nila dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Magsasaliksik na nga lang ako tungkol sa kanila mamaya, hindi ko pa kasi alam ang pangalan nila.

Sila Mama naman, sinabi n'ya sa 'kin na may lima silang pag-aaring restaurant. Dalawa dito sa Pilipinas at tatlo naman sa Hongkong. Isang hotel dito at dalawang hotel naman sa Singapore. Tapos pag-aari rin nila ang isang sikat na university, ang Keighley University na pinasukan ko. Grabe, hindi parin ako makapaniwala sa tuwing inaalala ko ang bagay na 'yon. Akalain mong manager lang si Mama ng restaurant 'yon pala ay pag-aari n'ya. I still feel like I'm dreaming.

"Alam n'yo na naman siguro ang sagot sa tanong na 'yan."

Nabalik ako sa pinapanood ko nang magsalita do'n si Clyde. Anong klaseng sagot 'yon? Malay ba nila kung saan nila gustong pumasok.

"Sa paaralang malayo sa inyong kaalaman," malalim at mapagpakahulugang saad ni Kenzo sabay kumindat pa kaya nagtilian naman 'yong mga babae sa paligid nila.

Sa paaralang malayo sa kanilang kaalaman? Probably, hindi ito mapapasok ng mga reporters. Ngunit lahat naman ng paarlang pinapasukan nila na mga sikat ay hindi pinapahintulutan ang mga media reporters. Bawal nilang pakialaman ang buhay ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan na 'yon. Tulad ng Keighley University na hindi man lang nalalaman ang kalokohan ng mga estudyante. Kaya naman tanging sa labas lang nila naiinterview ang mga katulad nila.

"Pero 'wag kayong mag-alala, muli niyo naman kaming makikita. Matagal na nga lang ulit," sabi naman ni Drish. Edi hindi ko narin s'ya makikita pa?! I can't accept it. Parang naiiyak tuloy ang puso ko sa sinabi n'ya.

Pero pwede ko naman siguro s'yang sundan 'di ba? Kaso saang school naman kaya 'yon? Hasyt, bahala na nga. 'Wag nalang siguro.

"Matagal na naman ulit bago natin sila makita."

"Waaah. Pa-picture muna, Baby Clyde before ka umalis!"

"I love you Drish! Pa-kiss naman!"

"Baby Kenzo and Loyd namin! 'Wag n'yo kaming iwan!"

Ang iingay ng mga babae sa paligid nila, kung anu-ano ang mga sinisigaw. Subukan lang nilang halikan si Drish. Ikikiskis ko ang mukha nila at lilipad sila sa 'kin—easier said than done.

Parang gusto ko tuloy pumunta sa Croughwell Mall para makita s'ya. Kaso masyadong malayo sa bahay namin, nakakatamad kaya 'wag nalang. Nakita ko na naman s'ya sa TV. Sana pala nagpapicture na ako sa kan'ya noong graduation. Kaso nakakahiya kasi, sayang tuloy 'yong pagkakataon. Hayst.

Sinara ko na 'yong telebisyon nang magpaalam na sila sa mga reporters na aalis na. Pagkatapos ay nahiga nalang ako sa sofa.

Pagkaraan ng ilang minuto, bumangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumingin ako do'n at nakita ko si Mama na nakauwi na. Saan kaya s'ya nanggaling? Hindi naman n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta. Lumapit s'ya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi bago tumabi sa 'kin sa sofa.

"San ka galing, Ma?" may pag-aalalalang tanong ko sa kan'ya.

"Don't worry, inasikaso ko lang ang school na papasukan mo. And after next week is the beginning of the class," sagot n'ya na medyo ikinagulat ko.

Ano raw? May school na kaagad akong papasukan? At pagkatapos ng susunod na linggo na ang umpisa ng klase? Bakit gano'n? Wala man lang bakasyon? Anong ibig niyang sabihin?

"Ma, bakit hindi mo naman sinabi sa aking inaayos mo na pala 'yon, tapos pasukan na kaagad? Saka saang school naman?" nagrereklamong tanong ko sa kan'ya.

Nginitian n'ya lang ako sabay may kinuha sa dala n'yang brown envelope at iniabot sa 'kin ang isang kulay puting sobre. Kinuha ko naman 'yon tsaka nagtatanong na tumingin sa kan'ya. Sinenyasan n'ya lang ako na buksan ko 'yon kaya ginawa ko naman. May letter na nakasulat doon kaya binasa ko nalang.

Mrs. Gomez,

We inform you that your daughter will be going to enter to this Academy. Please be ready this next week because there's someone who will come and get your daughter from your house.

Regards,

G. Academy

What? Ano raw?! Ako? Papasok sa Academy nila? Sila ba ang namimili ng estudyanteng papasok sa paaralang 'yon? Aba't hindi man lang marunong magtanong kung gusto ko bang pumasok do'n at ipapasundo ako kaagad? Agad-agad talaga?

Saka anong klaseng pangalan ng school 'yon? G. Academy? Talagang letter G. lang with point? Aba, hindi ako papasok dito.

Tumingin ako kay Mama na kanina pa pala nakatingin sa 'kin. What's with this scheme.

"Ma, anong klaseng paaralan 'to? G. Academy? Sigurado ka bang makakapag-aral ako rito ng maayos? At ano 'tong susunduin ako kaagad? Hindi man lang ba ako tatanungin kung gusto ko bang pumasok sa paaralan nila?" sunod-sunod ko pang reklamo sa kan'ya.

"Anak, sila kasi ang pumipili ng mga estudyanteng papasok sa school na 'yon. At ang mga estudyanteng nabigyan ng academy's admission letter ay kailangang pumasok do'n sa ayaw at sa gusto nila dahil wala silang magagawa. Hindi na sila tatanggapin sa kahit na anong school."

So wala pala akong choice? Kung hindi ako papasok sa school na 'to, hindi na ako makakapag-aral kasi walang tatanggap sa akin? Ang sama-sama talaga ni tadhana sa 'kin. This is insane, how can they limit our will? This academy must've great power or authority to control people.

"Lahat ng nasa rank ay mabibigyan ng letter kaya pasensiya na dahil wala kang magagawa kundi ang pumasok do'n," dagdag n'ya pa.

"And once nga pala na makagraduate ka riyan. Meron na kaagad na nakalaan sa'yong trabaho, base on your preferred job."

Napaisip ako, they have a great offer. Wala ka ng poproblemahin pagkagraduate mo. At some part, may maganda rin namang pakinabang.

"Pero anak kailangan din nating maghiwalay dahil, Gangster Academy is a dormitory school."

Nabitawan ko ang sobreng hawak ko at napanganga sa sumunod na sinabi ni Mama. I suddenly take aback. G. Academy, as in Gangster Academy? What the heck! A dormitory school? Ano bang sinasabi n'ya? May gano'n bang paaralan?

Kung meron, ayokong pumasok do'n! Lalo pa't magkakahiwalay kami ni Mama! Ayoko s'yang iwan, ngayon pang nag-aalala ako sa kalagayan niya. Saka isa pa, mukha ba akong gangster para pumasok do'n? Pero seryoso? Meron talagang gano'ng paaralan? H-how? Sinong tulad ko ang nanaising pumasok do'n?

But I have no choice. Naiiyak tuloy ako. Naiiyak ako sa sitwasyon ko ngayon!

"G-gangster Academy? Ma! May gano'n ba? Ang galing n'yo pong magbiro, tatawa na ba ako?" Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sana naman ay nagbibiro lang s'ya nang tumawa nalang ako 'di ba?

"This is not a joke, Meyn. Please, take it seriously. Naayos ko na ang lahat at wala naman tayong magagawa. Isa pa, sa mga tunay mong magulang ang paaralan na 'yon. Napag-usapan narin namin ang bagay na 'to and I must agree with them to keep you safe and stay protected," malungkot n'ya namang paliwanag ngunit mapapansin ang kaluwagan sa kan'yang damdamin. To keep me safe? She meant to say, to keep me safe from that person? But in what way?

So I don't really have a choice but to enter inside that academy? But is that school really exist? A school for gangsters owned by my real parents. What's with them?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status