Share

01

"Cleo tara na, nadala mo ba mga gamot mo?" Tanong sa'kin ni mama, nghayong araw ay luluwas kami ng Manila para mag bakasyon. Para masanay na rin ako dito dahil next year, dito na ako titira.

Panigurado naman na iiwan nila ako dito eh.

"Dala ko na lahat ma" sabi ko at ibinaba ang mga dala ko.

Ngayong araw ay pupunta kaming Sampaloc dahil do'n ako titira, matagal na akong hindi naka balik ng Manila kaya natatakot ako.

Ayoko lumabas.

Ayoko makipag interact.

Kinakabahan ako, two weeks lang sila doon at iiwan na nila ako. Babalik na sila ng Nueva Ecija. Hindi ko din sigurado mabilis mag palit ng nasa isip sila mama.

Sa sobrang kaba ko ay nakatulog ako buong biyahe.

"Cleo, nandito na tayo" gising saakin ni ate. Kinakabahan man ay bumaba na ako ng sasakyan tiyaka tiningnan ang bahay na nasa harapan ko.

Dalawang palapag ito ay may balkonahe sa itaas, may gate din at mini garden.

Ibinaba ni dad ang gamit ko ipinasok sa loob, pumasok na din ako at inayos ang gamit ko doon sa may kwarto na mayroong balkonahe.

Nasanay ako sa payapa at preskong hangin sa probinsya, dito maingay ang pnr kapag dumadaan, maingay din ang busina ng mga sasakyan.

"Cleo, hanggang maari ay mag ingat at huwag ka muna masyado lumabas dito." sabi ni Mama habang nag hahanda ng kakainin namin

"Doon sa kabilang kanto ay Dapitan, may 7/11 at miryendahan don. May tindahan din ng milktea" sabi ni ate habang tinutulungan si mama.

"Kung gusto mo lumabas, mag mask ka lagi" paalala ni Dad saakin.

May Asthma ako at hindi ako sanay sa usok, kapag naka amoy ako nito ay mahihirapan ako huminga o di kaya mahihilo ako.

Lumipat kami ng probinsya dahil doon, nung bata ako patawid kami ng kalsada ay bigla akong nahimatay. Doon nila nalaman na may Asthma ako at namana ko ito sa lola ko.

Dito din mag babakasyon sa Manila sila Chan at Zaina, naisipan ko na dito nalang sila tumira para may kasama ako.

Susunduin ko sila sa ika-limang linggo ko dito.

Tiningnan ko ang orasan mag alas kwatro na pala, oras na para maligo. "Ma, bilhi lang ako ng takoyaki" sabi ni ate tiyaka umalis.

Takoyaki? Ano yon? Nakakain ba yon?

Naligo lang ako at tumambay sa balcony sa kwarto ko habang nakikinig sa mga kanta ng Lany.

Pamaya maya lang ay dumating na si ate kaya bumaba ako.

"Ate pagkain ba yan?" Inosenteng tanong ko kay ate, "Oo hahahaha, halika tikman mo" aya ni ate kaya tinikman ko naman.

Malambot ito at may bacon sa loob, may gulay din. Masarap ang sauce at tamang tama ang anghang nito.

Masarap.

"Masarap siya ate" tuwang sabi ko kay ate, "Mayroon tindahan don nyan sa Dapitan sa may kabilang kanto sa tabi ng 7/11" sabi niya at kumain ulit.

Pumunta naman ako ng kwarto ko at sinabi kila Zaina ang natikman ko, sinabi ko din na dito nalang sila mag bakasyon kung papayagan sila.

Gusto ko lumabas pero natatakot ako, baka husgahan o pag tinginan nila ako dahil bago lang ako dito.

Kinagabihan nag luto si mama ng adobo, "bukas ay babalik na kami ng papa mo sa Nueva Ecija, ang ate mo naman ay mag tataggal dito hanggang sa biyernes" sabi ni mama saakin.

Kinabahan ako dahil wala naman akong kakilala dito, at wala akong alam sa lugar na ito.

"Paano pagkain ko sa araw araw?" Tanong ko kay mama.

"Mag grocery ate mo bukas good for one month, if may kailangan ka mag text ka lang" sabi ni dad sakin na parang hindi kinakabahan na maiiwan ako dito mag isa.

"May malapit na savemore diyan, may internet tayo mag search ka ng locations" sabi ni mama at kumain.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako ng kwarto ko para mag pahinga, anong magiging buhay ko dito?

Hindi ko alam ang lugar na ito at wala akong kilala.

Kailangang pumunta na dito sila Zaina.

Nakatulog ako kakaisip sa mga bagay bagay na hindi ko naman dapat isipin.

Kinabukasan pag gising ko ay wala na sila mama, si ate naman ay nakapag grocery na.

Wala naman akong gagawin dito kungdi mag cellphone dahil hindi ko kabisado ang lugar na ito, wala akong pag lilibutan.

Nag video call lang kaming tatlo at sinabing nakapag paalam na sila at pinayagan na din.

Tutulong nalang daw sila sa pag luluto o di kaya ay bibilhi ng pagkain

Nawala naman ang pangamba ko sa nalaman ko kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status