“Chloe, sa table five!” sambit ng Manager namin nang mapadaan siya sa counter.
Agad akong tumalima sa utos nito at nagtungo sa table five. Dalawa lamang kami ni Ate May Ann ngayong araw dahil nag-absent ang dalawa ko pang kasamahan. Unfortunately, dagsaan ang mga costumer na karaniwan ay estudyante. Siguro ay tapos na ang kanilang mid-term examination.
“Hello, may I take your order?” magalang kong tanong.
Nag-angat sa akin ng tingin ang isang binata na sa tingin ko ay engineering student, marahil na rin sa nakapaskil na ID niya. “What?”
Pilit ko itong nginitian at muling tinanong kung ano ang kanyang order. Lima silang nasa mesa at kapwa estudyante. May isang nakatutok lamang sa kanyang laptop habang nakakunot-noo. The other one was busy putting pressed powder on her cheeks. Dalawa silang babae at tatlo naman ang lalaki.
“One frappe,” the guy in blonde hair replied.
Ngumiti ako at inilista ang kanilang mga order. Hindi ko maiwasang mailang sa uri ng paninitig ng lalaking nagtanong ng ‘what’ kanina.
“Is that all, Ma'am, Sir?” I asked politely.
“How old are you?” biglang tanong ng lalaking una kong nakausap.
I bit my lip and forced a smile. “Sorry po, but I don't entertain personal questions. Excuse me.”
Napangiwi ako habang naglalakad pabalik sa counter. Ganito lagi. Minsan pa nga ay tinatanong ako kung may boyfriend na ba ako, o pwede ba nilang kunin ang number ko. Hindi na bago sa 'kin ang mga ganitong bagay ngunit hindi ko maiwasang mailang. I mean, my only purpose in this café is to serve them their preferred coffee, not to look for love.
“Oh? Anong nangyari? Ba't ganiyan itsura mo?” bungad sa 'kin ng Manager namin na si Ate May Ann.
I pouted. “May nagtanong kung ilang taon na daw ako.”
“Anong sagot mo?” may bahid nang tawa nitong tanong.
I scratched the back of my ears and handed her the orders that were listed on my notes. “I don't entertain personal questions.”
Mahinang napalakhak si Ate May Ann na mas lalong ikinanguso ko. Hindi ako nagpapa-cute. Feeling ko lang kasi mali ang sinagot ko, o 'di kaya ay mali ang paraan ng pagsagot ko. Kostyumer pa naman namin 'yun.
“Oh, siya. Ikaw na magbantay dito sa counter at ako na ang bahala sa mga orders. Baka mas mauna ka pang ma-sold out kaysa sa mga kape natin.” Nginisihan ako nito.
“Ate, naman e!” Bahagya akong nagdabog at pumalit sa kanya sa counter.
I'm already twenty four, yet I still act like a kid sometimes. Palagi ba naman ako binubuska ni Ate May Ann, sinong hindi maiinis doon?
“Two cups of Caramel Macchiato,” saad ng lalaking naka-formal attire. May nakakabit ding earphone sa tenga nito. Siguro politiko 'to. Pero bakit hindi ko kilala?
“Just a moment, Sir.” I smiled politely.
Nagmamadali kong inasikaso ang order niya. Napansin ko rin na malapit nang matapos ang duty schedules ko kaya ganado ako sa pagse-serve ng order.
“Here it is, Sir.” I smiled once again. “One hundred and seventy-five pesos.”
He handed me his credit card na ikinanguso ko. Pinulot ko ito at ini-swipe sa card scanner. Akala ko pa naman cash ang pera niya. Baka bigatin talaga siya kasi card gamit niya, e. O baka tamad lang siya magbitbit ng pitaka? Pansin ko ang mga pasimpleng tingin na ginagawad ng mga costumer sa lalaking kaharap ko na inaantay akong matapos ang aking ginagawa. Pasimple ko itong pinasadahan ng tingin.
Matangos ang ilong nito at manipis ang labi. Itim na itim ang kulay ng kaniyang mga mata at meron siyang nunal malapit sa kaniyang kaliwang tenga. Ang moreno nitong balat ay bumabagay sa kanyang postura.
“Done checking me?” he asked.
Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin. Agad kong binalik sa kaniya ang kaniyang card at bahagyang yumuko para magpasalamat.
“M-May kailangan pa po kayo?” I asked nang mapansin kong hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya.
A smile lifted his lips making me lost my breath. “What's your name?”
“Chloe,” mahinang sambit ko.
Tumango ito. “It's nice to meet you, Chloe.”
Tumalikod na ito at nagmamadaling lumisan ng café. Wala sa sarili kong kinurot ang aking pisngi matapos kong mapagtanto na sinagot ko ang personal niyang tanong.
“Aray!” Napaigtad ako nang may kumurot sa bewang ko. “Ate May!”
“Ano 'yun?” natatawang tanong nito habang nginunguso ang pintong nilabasan ng gwapong estranghero na nagtanong ng pangalan ko. “Bakit ka natulala? Namumula pa pisngi mo.”
Napahawak naman ako sa aking pisngi at ramdam ang pag-iinit nito. Napatungo ako dahil sa hiyang nararamdaman. “W-Wala, Ate.”
“Kinikilig ka, e!” Sinundot-sundot nito ang bewang ko. “Tinanong niya pangalan mo, 'no?”
Binalingan ko ito ng tingin at bahagyang tumango. “Ang tanga ko lang kasi, Ate. Hindi ko alam na sinagot ko na pala ang personal niyang tanong.”
“Asus!” Bahagya nitong binangga ang balikat ko. “Chance mo na 'to, Chloe! Baka malay mo siya na ang true love mo.”
Pabiro ko itong inirapan at patuloy na inabala ang sarili sa mga order ng mga costumer. Tumahimik na rin si Ate May Ann kakasundot sa bewang ko at pagtatanong tungkol sa gwapong estranghero kanina.
“Finally, dumating din kayo!” Ate May Ann exclaimed after seeing our co-workers entered the café.
Twenty-four hours bukas ang coffee shop namin kaya mayroong night shift. Sa katunayan ay night shift ako noong una, ngunit hindi kakayanin ng oras ko dahil puma-part time din ako sa isang bar dito sa aming lungsod.
Hindi naman ako stripper doon. Sumasayaw lamang ako sa gitna ng entablado at wala akong planong tumable ng costumer. Tanging pagsayaw lamang ang trabaho ko. Hindi kasi sapat ang kinikita ko dito sa café pangtustos ng pangangailangan ng kapatid kong si Clein.
“Hi, Chloe! Ang ganda mo pa rin!” pagbati sa 'kin ng karelyebo kong si Cheryl Joy.
“Magaling ka talaga mangbola, Cheryl.” Napailing ako dito at nagtungo sa locker's area para hubarin ang suot kong apron.
Nagbihis ako ng isang kulay blue na t-shirt at itinuck-in ko sa 'king suot na high-waisted pants. Itinali ko ang aking buhok at kinuha ang backpack na pinagsisidlan ko ng mga extrang gamit.
“Aalis ka na?” tanong ni Ate May Ann nang makalabas ako ng locker's area.
Tumango ako. “Kailangan ko pang bisitahin si Clein sa ospital, Ate May.”
“Sige, mag-iingat ka.” She smiled at me which I responded with a nod.
Nagmamadali akong lumabas ng café habang naghahalungkat sa 'king bag. Saan ko ba kasi nilagay ang cellphone ko? Baka nag-text na sa 'kin si Patty.
Dahil sa busy ako sa paghahalungkat, hindi ko namalayan na may nakasalubong na ako. Basta lamang itong bumangga sa balikat ko sa paraang nagmamadali.
Napatili ako at inantay ang sariling mapaupo sa lapag nang may brasong pumalibot sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Napahawak ako sa balikat nito nang mahigpit habang nakapikit.
“Fuck!”
Naidilat ko ang aking mga mata at halos malula nang mapagtantong ilang dangkal na lang ang layo ng aming ilong. I blinked several times to wake myself in reality. His silver eyes were staring at me. Ramdam ko ang panglalambot ng tuhod ko sa uri ng kanyang titig. Dagdag pa ang mabango niyang amoy na nanunuot sa ilong ko.
“Are you just gonna stare at me?” His cold voice echoed on my ears.
Nag-init ang pisngi ko at agad akong tumuwid ng tayo. Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at wala sa sariling kinagat ang aking ibabang labi.
Tumungo ako. “S-Sorry.”
Hindi ito sumagot at basta na lang akong nilampasan. Napahawak ako sa aking dibdib at humugot ng malalim na hininga.
Sheyt, nakakahiya 'yun!
Gusto kong kutusan ang aking sarili sa pagiging tanga ko ngayong araw. Nagsimula na akong maglakad patungong sakayan ng jeep. Umugong naman ang cellphone ko mula sa 'king bag. Hinalughog ko ang bag at napanguso nang makapa ang aking selpon. Ito talaga ang rason ba't nabangga ko ang antipatikong 'yun, e!
“Hello, Patty?” I asked.
[“Girl, pauwi ka na ba?”] tanong nito.
Tumango ako at pinara ang jeep na dumaan. Agad akong pumasok sa loob at umupo katabi ng isang ginang. “Oo, papunta na ako. Ayos lang ba si Clein diyan?”
[“Oo, ayos lang siya. Hinahanap ka na niya kaya dumaan ka muna dito bago ka rumaket,”] saad nito.
“Oo, dadaan ako diyan.” Lumingon ako sa 'king mga katabi at mahinang tumikhim. Grabe naman sila makatitig. “End call ko muna, ha? Usap tayo pagkarating ko.”
“Sige.”
I hummed before ending our call. Umayos ako nang upo at pinagsawalang-bahala ang mga titig na nararamdaman ko sa mga kapwa ko pasahero. Kahit ang mga babaeng pasahero ay tumititig na din sa 'kin.
May dumi ba ako sa mukha?
Pasimple kong sinilip ang mukha ko sa 'king cellphone na Cherry Mobile. I bit my lip as I saw my haggard-looking face.
Ang pangit ko na ba para tignan nila ako ng ganiyan? Grabe naman.
“Manong, para po!” Kumuha ako ng barya sa 'king maliit na pitaka at inabot ito sa lalaking nakasuot ng salamin. “Kuya, paabot po ng bayad.”
Napangiwi ako nang bahagyan nitong haplosin ang kamay ko bago kinuha ang pera. Dali-dali ko namang hinila pabalik ang aking kamay matapos niyang makuha ang pera. Agad akong bumaba ng jeep dala ang malakas na pintig ng aking dibdib. Naglakad ako papasok ng Chan Hospital kung saan nananatili ang kapatid ko.
“Patty!” I greeted her the moment I entered Clein's private room.
Kaya malaki ang babayarin ko sa hospital dahil dito kami nilagay ng doktor ni Clein. Chan Hospital is a private hospital, not government's. Wala kasing ibang doktor ang tumatanggap sa kapatid ko bukod kay Dr. Torres.
“Chloe, buti dumating ka na.” Tumayo si Patty mula sa pagkakaupo sa silyang katabi ng kama ni Clein. “Gusto ka daw makausap ng doktor ni Clein.”
Tumango ako dito at nilapag ang backpack sa sofa. “Saglit lang, ha. Kausapin ko lang.”
Lumabas ako ng silid at dumiretso sa pribadong opisina ni Dr. Torres. Kumatok muna ako dito bago pinihit ang pinto pabukas.
Nginitian ako ni Dr. Torres at inanyayahang umupo sa katapat nitong upuan.
“Gusto niyo daw po akong makausap?” I asked.
She nodded. Nilapag niya ang isang folder sa mesa at bahagyang tinulak ito palapit sa 'kin. “Iyan ang mga resulta ng test result that ngayong linggo. Lumalala ang kalagayan ng kapatid mo. Kinakailangan na niyang makahanap ng kidney donor, Hija.”
Napalunok ako sa narinig. “W-wala na po ba talaga tayong naghahanap na magdo-donate?”
“Unfortunately, we still have none. Baka tuluyan nang mag-shut down ang functions ng kidney ni Clein.” She took a deep breath. “Wala nang kusang nagdo-donate ng kidney sa panahon na 'to, Chloe. Lahat may bayad. Kung gusto mo, kukunsulta ako sa ibang doktor kung may kakilala silang nagpapabayad ng kidney.”
“M-magkano po kung ganoon?” nanginginig ang boses kong tanong.
She eyed me with symphaty. “That would thousands, Hija. Are you sure you'll buy it?”
Napalunok ako. “O-opo, Dok.”
Matapos nang naging usapan namin ng doktor ni Clein ay agad akong bumalik sa loob ng private ward ng kapatid ko bitbit ang bigat ng loob.
“Kumusta pag-uusap niyo ng Doktor?” bungad na tanong ni Patty.
Malungkot akong ngumiti dito. “Lumalala na ang kondisyon ni Clein.”
Sinabi ko sa kaniya lahat ng napag-usapan namin ni Dr. Torres. Patty has been my friend since our mother left us for her new husband, but sadly, she also left the world.
“A-Anong gagawin mo ngayon? Pasensiya ka na, Chloe, wala akong maipapahiram na pera sa 'yo,” malungkot na saad ni Patty.
Nginitian ko ito. “Ayos lang, Pat. Susubukan ko umutang kay Ate May Ann at humanap ng ibang raket.”
Lumapit ako sa kamang hinihigaan ni Clein at umupo sa katabing silya na inupuan ni Patty kanina. I reached for my brother's hand and gently squeezed it. He's asleep. Hindi ko man lang naabutang nagising ito.
Si Clein na lang ang natitirang pamilya na meron ako. Kaya't handa akong gawin ang lahat para lang maisalba ang buhay niya. He's the only person I have. Losing him means losing my sanity.
“Clein,” I called him even though he's asleep. “Lumaban ka lang, ha? Hintayin mo si ate. Gagawa ako ng paraan para maging maayos ang kalagayan mo.”
Clein is six years younger than me. Desi-otso pa lang ito, masyado pang bata para makaranas nang ganitong sakit.
“Saan ka pupunta?” asked Patty.
Nilingon ko ito at nginitian. “Hahanap ako ng raket, Pat. Pakibantayan si Clein para sa 'kin, ha?”
She nodded her head. I took a glimpse of my brother before heading out of his ward. Tinignan ko ang aking cellphone para sa oras at nakagat ang aking ibabang labi dahil malapit na akong ma-late. Halos takbuhin ko na ang distansiya ng bar mula sa ospital dahil wala na akong sapat na pera pamasahe. Kaya't nang makarating ako ng backstage ay pawisan ako.
“I told you to arrive on time, 'di ba?” Tinaasan ako ng kilay ni Madam Julia. She's gay.
Napakamot ako sa likod ng aking tenga. “Pasensiya na po, Madam. Dinaanan ko pa po kasi si Clein sa ospital.”
Kita ko ang paglambot ng expresiyon nito. “Oh, siya. Magbihis ka na. Mabuti na lang at naunang dumating si Magdalena sa 'yo.”
Hilaw akong ngumiti dito at agad na tumungo sa dressing room para magbihis. Bumungad sa 'kin ang mga busy'ng kapwa ko dancer sa pagpapaganda sa sarili. Well, they will be not wearing a mask on stage, unlike me.
“Hi, Chloe!” Samantha greeted me.
Tipid akong ngumiti dito at kinuha ang isang pares ng blue shorts at blue fitted tops na nagmumukhang bra kung isuot.
Inabutan ako ni Madam Julia ng kulay asul na mask na napapalibutan ng kulay asul na glitter. Mabuti na lang at kasundo ko lahat ng andito at naiintindihan nila kung bakit kinakailangan kong magtago sa likod ng maskara.
“Ang ganda mo talaga, Chloe!” saad ni Hayley. “Sana kasing-puti mo ako.”
Natawa ako nang mahina dito. “Maputi ka rin naman, ah?”
“Naku!” singit ni Samantha. “Ilang gluta na kaya nilaklak at itinurok ni Hayley sa katawan niya ngunit tingnan mo ang balat, lumiwanag lang slight.”
“Ang sama mo talaga!” Binatukan ni Hayley si Sam na ikinailing ko.
Nakarinig kami ng pakpakan, ibig sabihin ay tapos na ang nag-perform. Now, it's my turn.
“Gora diyan, girl!” Cathy exclaimed. “Ikaw na!”
Napakamot ako sa likod ng aking tenga at sinuot ang aking mask. I put on a red lipstick, enough to emphasize my plump lips. Sumilip ako sa malaking salamin upang tignan ang sarili.
Kung gaano kahapit ang top ko, ay mas hapit ang shorts ko na animo'y isang panty short. Dati-rati ay naninibago ako dahil sa lantaran kong katawan. But according to people, God casted a curse on humans, and that is they adapt faster than any other animals. Kaya nasanay na rin ako sa ganitong damit.
“Tama na kakatitig sa katawan mo, Girl! Akyat na sa stage!” Pumalakpak si Madam Julia.
Pilit akong ngumiti sa kanila at tumikhim. Suot ang isang three inches heels, naglakad ako patungong stage. Narinig ko naman ang pagbanggit ng emcee sa pangalan ko.
“Let's now welcome, Black Butterfly!”
I stepped in to the stage and the spotlight immediately found me. I forced myself to smile. I licked and bit my lower lips as I started making a seductive strides towards the pole in the middle of the stage.
Wala akong halos maintindihan sa kanilang mga hinayawan. Naglikot ang mga mata ko sa karagatan ng mga tao, na parang may hinahanap.
I started dancing seductively to the rhythm of the music making the crowd gone wild. Patuloy pa rin sa paglilibot ang paningin ko sa buong bar. Pakiramdam ko kasi may matiim na nakatitig sa 'kin.
I almost suck my breath the moment my eyes landed on the man's silver ones. Mariin itong nakatitig sa 'kin na para bang pinapamilyar ang bawat galaw ko, ang katawan ko, at ang postura ko.
Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay habang gumigiling at hawak ang pole. I closed my eyes and bit my lip. Mas tinotodohan ko pa ang paggiling na mas lalong nagpaingay sa mga tao. I saw some people, mostly men, na halos halikan na ang sahig masilipan lang ako. Tumingin ako sa pwesto ng lalaki kanina ngunit wala na ito sa upuan niya.
Pilit kong winaglit ang binata sa 'king isipan. At sa kabila ng hiyang nararamdaman, inisip ko si Clein. Ang kalagayan niya, ang mga pangarap niya, at ang mga ngiti niya na gusto kong masilayan ulit.
Sa buong pagsasayaw ko ay si Clein lamang ang inisip ko hanggang sa matapos ang kalahating oras ko sa entablado. I bit my lower lip and gave them a flying kiss before proceeding towards the back stage.
“Grabe, Girl! Ang galing mo gumiling!” tili ni Samantha.
“Oo nga! Tumalon-talon pa kinabukasan,” nakangusong saad ni Cathy. “Kaya sa 'ting lahat ikaw mas malaki kita, e. Ikaw ang alas ng bar kasi halos lahat ng lalaki na customer humalik na sa stage kanina.”
Nginitian ko lang sila. Nilapitan ko si Madam Julia na nakangiti nang malawak sa 'kin. “Madam...”
“You did great, Baby,” she said.
Ngumiti lang ako dito. “Madam, pwede po ba kitang makausap saglit?”
She nodded and lead the way towards the dressing room where nobody is inside.
“Anong gusto mong pag-usapan, Chloe?” Umupo ito sa isang silya.
I bit my lip before telling her my brother's situation. Kinuwento ko lahat, including the money I need to gain for Clein's operation.
“Naku, hindi kita matutulungan sa bagay na 'yan, Chloe,” she sadly said. “Ngunit may alam akong paraan para makaipon ka ng pera, ngunit kapalit naman noon ay ang kinaiingatan mo.”
Hindi ko maiwasang mapalunok sa usal nito. Halata ang kaseryosohan sa kaniyang tinig. “A-Ano po 'yun, Madam? Kahit ano pong trabaho, papatulan ko na po. Kailangan ko lang po talaga ng pera para kay Clein. S-Siya na lang ang meron ako.”
Nanubig ang mga mata ko dahil sa samo't-saring imaheng lumalabas sa 'king isipan na gusto kong iwakli. Hindi pwedeng mawala sa 'kin ang natitirang lakas ko. Hindi pwedeng mawala sa 'kin si Clein. Kung wala na talagang ibang paraan, itong kidney ko na lang ang ibibigay ko sa kanya.
Madam Julia reached for my hand and squeezed it. “Papayag ka bang maging isang private prostitute ng isang malaking negosyanteng kostyumer natin?”
Napalunok ako. Nagdadalawang-isip akong sumagot kung kaya't tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Para sa kapatid ko, lahat gagawin ko.
Nakatitig ako sa kalmadong mukha ni Clein. Maraming aparatos ang nakakabit sa kanyang katawan at minimal ang pagtibok ng puso niya. Natatakot ako na baka bumitiw siya. Mayroon din kasi siyang sakit sa puso.Hindi ko alam kung ano ang mga naging kasalanan ng pamilya namin para danasin ang ganito kapait na buhay. Kung bakit kinakailangang magdusa ang kapatid ko.“Chloe,” Patty called when she entered Clein's room.Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at suminghot bago siya hinarap. I plastered my fake smile and cleared my throat. “Patty...”“Pasensiya ka na kung natagalan ako sa pagdating. Nagkapalitan kami ni mama ng salita, e.” Mapag-umanhin itong ngumiti.
Pagod akong bumuga ng hangin at nag-inat ng katawan. Sinuri ko muna ang oras sa pader at napangiwi nang mapansin kong alas kuwatro na. Dito na ako pinatulog ni Madam sa bakanteng silid dito sa bar dahil hindi na siya pumayag na umuwi ako dahil malalim na ang gabi.Tumungo ako sa banyo at naglihamos nang todo. Binura ko ang make up na nakalimutan kong tanggalin kagabi. Paniguradong mangangati na naman pisngi ko nito. Bawal pa naman daw matulog na may make up dahil nakakasira ng balat. Hay nako.Matapos ay nagbihis ako ng dala kong extrang pantalon at long T na damit na kulay puti. I tied my hair into a bun while humming a song. Hanggang ngayon ay maingay pa rin sa baba. Mamayang alas siete pa magsasara ang bar kaya't alive na alive pa ang mga tao ngayon.I glanced at the time for
Humugot ako ng malalim na hininga at hinilot ang aking sintido. Sumakit likod ko du'n, ha. Hindi ako aware na buong floor pala ang lilinisan ko mag-isa. Wala akong kasama. Muntikan pa akong atakehin ng takot dahil baka may multo dito o ano. Dagdag pang sobrang tahimik.I pressed the button of the elevator and huffed. Mabuti na lang talaga at tapos na ako. Gusto ko na ring magpahinga. Pasadong ala una na ng madaling araw. Antok na antok na ako. Jayjay invited me for a coffee but I declined. Gusto ko na makita ang kapatid ko.Nang makabalik ako sa faculty room, naabutan ko sila doon na busy sa pag-aayos ng mga panglinis na ginamit nila kanina. Si Jayjay ay nakabihis na ng panggayak. Talagang may lakad pa ang mga ito bago umuwi.“Hindi ka talaga sasama, Chloe?” tanong sa 'kin ni Rey.I smiled. “Hindi na. May babantayan pa ako sa ospital.”“I
Matapos naming kumain, nagpahinga na si Clein. Nagpaalam din ako sa kaniya na may raket pa ako. Nagtanong pa ito kung anong klaseng trabaho ang meron ako, and I answered him truthfully. Na isa akong janitress sa isang malaking building.Nang masiguro kong tulog na siya ay saka lamang ako umalis. Nagbihis ako ng isang itim na t-shirt at bughaw na pantalon. Nilakad-takbo ko na lang ang distansiya ng Ferrell building mula sa ospital dala ang pepper spray, in case of emergency.Kaagad din akong nakarating sa building. Nakilala naman ako ng security guard na nginitian lang ako nang matamis. Nasa mid 20's yata ang edad niya.“Good evening, Chloe!” he greeted.Nginitian ko ito at bumati pabalik bago tuluyang pumasok ng building at dumiretso sa faculty room. Doon ko naabutan si Jayjay, Rey, at Ervin kasama ang isang bakla. I guess this our head.“Kayon
Kaninong panty 'to?Hindi ko maiwasang mapangiwi. Pikit-mata ko itong inilagay sa trash bin at nang mahulog ko na ito ay saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. I roamed my eyes around and pouted. Kaya pala pakiramdam ko may kakaiba. May kababalaghan sigurong nangyari dito kanina.I shrugged to myself and decided to start cleaning. Kumuha ako ng gloves at mop para unahin ang sahig. Tinali ko rin nang maigi ang buhok ko para hindi ito magsihulog habang ako'y naglilinis. Minsan kasi nakakarita na kaya naiisip kong magpagupit ng buhok. Si Clein lang naman ang dahilan ba't hanggang ngayon ganito pa rin ang buhok ko. He loves my hair and that's why I don't cut it anymore like before.Habang naglilinis, bigla akong napaisip. Ang unfair naman ni Mr. Ferrell na hindi ako pagtrabahuin sa bar e gayong siya ay nakikipag-siping sa iba. Baka may HIV pa 'yung babae at maipasa sa 'kin. Ang kirot niya sa atay, ha. H
“Clein!” masiglang bati ko. “Good afternoon!”He slowly opened his eyes and a soft and happy smiled lifted his lips. Napangiti rin ako sa kaniya. Hindi pa siya pwedeng magsalita dahil kakatapos pa lang ng operasiyon nung isang araw.Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Sobrang saya ko. Kung siguro nandito si Patty, matutuwa rin 'yun. Sa wakas na operahan na si Clein.It's been four days since the first night I had a conversation with Mr. Ferrell. Laking tuwa ko nang sabihin ng doctor ni Clein na handa na raw ang kidney at kailangan na ng pera. To the rescue naman sa 'kin si Madam Julia. Siya ang nag-abot ng pera sa donor kaya naoperahan agad ang kapatid ko.Pinisil kong muli ang kaniyang kamay at matamis na ngumiti. Half day ako ngayon sa café kaya ngayong ala una, lalarga na ako. Sayang kung hindi ako papasok. A-kinse pa naman ngayon, sweldo namin. Thou
“Madam, anong susuotin ko?” kinakabahan kong anas.She pointed the blue tops and fitted short hanging inside the closet. Tipid akong napangiti rito at mabilis na isinuot ang damit. Kung bakit ba kasi nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'to. Nasa isip ko na kaninang umaga na ngayong gabi magsisimula ang nakakainis na trabaho ko.Ang trabahong sumalba sa buhay ng kapatid ko.Nang matapos akong magbihis ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Magulo ang aking buhok at wala pa akong suot na maskara. Hindi ko alam kung saan pa ang pagmi-make up sa 'kin ni Madam kung matatakpan lang ng maskara.Hapit na hapit ang suot kong lingerie tops at tanging ut*ng ko na lang ang nakikita. Inaamin kong kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano gawin ang bagay na ito dahil ito ang unang pagkakataong sumalang ako sa ganitong uri ng trabaho.“Ch
Napahigpit ang kapit ko sa pader at humugot ng malalim na hininga. Muli akong nag-angat ng tingin sa harap ng main entrance ng Ferrell Building. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang sarili. I can feel the heart of my core pulsating. Nanghihina pa rin ang tuhod ko sa nangyari sa opisina ni Mr. Ferrell.“Tangina, Chloe. Muhka kang tanga.” Lihim kong kinutusan ang aking sarili.Mabuti na lang at pagkatapos niyang gawin 'yun ay pumayag siyang umuwi na ako. Bukod sa may trabaho pa akong hahabulin bilang janitress dahil sayang ang sweldo, gusto ko na ring umalis muna dahil hindi ko kaya ang presensiya niya. He's too much to handle.Wala sa sarili akong napahawak sa 'king labi at tulalang tumingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang virginity ng labi ko at may iba pang nakahawak sa pagkababae ko. Like, I aware of this but it didn't know