Share

Chapter 1

Nakatitig ako sa kalmadong mukha ni Clein. Maraming aparatos ang nakakabit sa kanyang katawan at minimal ang pagtibok ng puso niya. Natatakot ako na baka bumitiw siya. Mayroon din kasi siyang sakit sa puso. 

Hindi ko alam kung ano ang mga naging kasalanan ng pamilya namin para danasin ang ganito kapait na buhay. Kung bakit kinakailangang magdusa ang kapatid ko. 

“Chloe,” Patty called when she entered Clein's room.

Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at suminghot bago siya hinarap. I plastered my fake smile and cleared my throat. “Patty...”

“Pasensiya ka na kung natagalan ako sa pagdating. Nagkapalitan kami ni mama ng salita, e.” Mapag-umanhin itong ngumiti. 

Tumango lamang ako dito. “Ano ka ba, Pat. Ayos lang.” 

Umupo ito sa sofa at tinapik ang pwesto sa tabi nito, senyales na umupo ako doon. Agad naman akong nagtungo doon at umupo sa tabi niya. 

“Pat,” I thrilled. “C-Can you take care of Clein? Don't worry, kapag kumita ako sa raket ko ngayong gabi, babayaran kita at may ipangpa-opera na ako kay Clein.”

Kita kong natigilan ito. “Seryoso ka ba diyan, Chloe? Bakit? Anong raket ba 'yan?”

Patty doesn't know that I am working as a bar dancer. Buong alam niya ay waitress lamang ako at sumasama sa gig ng mga iba pang kaibigan namin. Ang totoo niyan ay ayokong malaman niya. I know she'll get furious if she'll find out about my work and what I am planning to do. 

“Basta, Pat. Sa akin na lang muna ang magiging raket ko.” Bumaling ang paningin ko kay Clein na natutulog. “Hangga't sa kaya ko, gagawin ko para kay Clein.”

“He is so lucky to have you as his sister,” saad niya. “Mag-iingat ka sa mga magiging raket mo, Chloe. Iba pa naman panahon ngayon. Minsan nga natatakot ako baka napano ka na sa daan. Bawas-bawasan mo rin kasi ang kagandahan mo.”

Natawa ako nang mahina sa sinabi nito. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko dahil lahat ng pinagdaraanan ko ay alam niya. Mula sa hindi pagtanggap sa amin ng natitirang kamag-anak ni mama, pagkaubos ng perang naiwan sa amin ni papa, at ito. 

“Gusto kong matupad niya ang pangarap niya, Patty.” Tumingin ako kay Patty at malungkot na ngumiti. “Okay lang kahit hindi ako makapagtapos, basta lang magiging maganda ang kinabukasan niya, ayos na ako doon. I want him to be what he wanted to be.” 

Hinawakan ni Pat ang kamay ko at pinisil ito. Kung may biyaya mang binigay sa akin ang panginoon, iyon ay meron akong kaibigan na nakahanda akong damayan anumang oras at sa abot ng kaniyang makakaya, at meron akong kapatid na hindi sumusuko. They are the only person I cherish at the moment. Without them, I don't know where I'll be.

“Soon, Chloe. Magiging isang nurse ka rin,” Patty said, her voice is full of assurance.

Tumango lamang ako dito at pilit na ngumiti. “Magdilang-anghel ka sana, Pat. Sana.” 

Naputol ang usapan namin nang mag-ring ang phone ko. Dali-dali kong hinugot ito mula sa bulsa ng aking pantalon at tinignan kung sino ang tumatawag. 

It was Madam Julia...

Tumingin ako kay Patty. “Tumatawag na raket ko, Pat. Bukas pa ako ng umaga makakauwi. Pakibantayan si Clein para sa 'kin, ha?”

She smiled and nodded. “Makakaasa kang aalagaan ko nang mabuti ang kapatid mo.” Tumayo na ito. “Humayo ka na, baka mahuli ka pa sa raket mo. Mag-iingat ka.”

Tumango ako dito at ngumiti. Tumayo na ako at naglakad patungong kama ni Clein. Dumukwang ako upang halikan ang kanyang noo at bumulong, “Para sa 'yo 'tong gagawin ko, Clein. Lumaban ka lang para kay Ate.” 

I kissed his forehead again before bidding my goodbye's to them both, Patty and Clein. Nagmamadali akong lumabas ng silid at nagtungo sa exit ng hospital. 

I called madam Julia. “Madam?”

[“Nasaan ka na ba? Nandito na ang magiging kliyente mo,”] sambit niya. 

“Papunta pa lang po ako, Madam. Wala na po akong pera pamasahe kaya maglalakad lang ako papunta diyan,” I replied.

[“Madaliin mo sa paglalakad. Dalian mo.”] Ramdam ko ang pagmamadali sa boses nito.

Tumango ako habang naglalakad. “Opo, Madam. End call ko po muna.” 

Nang hindi na sumagot si Madam ay pinatay ko na ang tawag. Tumakbo ako hawak-hawak ang cellphone. Baka nga mahuli ako. Malapit na kasi maghating-gabi, at kailangan ko pang harapin ang lalaking pagsisilbihan ko. 

I ran the distance towards the bar's place. Mabuti na lang at alas onse y medya pa nang makarating ako. 

“Madam,” I called her. Ramdam ko ang malapot na pawis mula sa 'king sintido dahil sa pagtakbo ko kanina. My breathing were uneven. 

Nilingon ako nito at nanlaki ang mga mata. “Bakit pawisan ka?!”

Napatingin ako kila Allen at napansing nakasuot ito ng isang makintab na pares ng damit. Isang fitting na shorts at lacy bra. Iyan ang suot nila. Sila siguro ang ibi-bid ngayong gabi.

“T-Tumakbo po ako mula ospital papunta d-dito,” hinihingal kong tugon. 

Hinawakan nito ang braso ko at kinaladkad patungong banyo ng bar. “Maligo ka, dali! Use the vanilla scented body wash na nandiyan sa tabi. Diyos ko kang bata ka. Haharap kang amoy dugyot kay Mr. Ferrell.” 

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at agad akong tumalima sa kanyang iniutos. I immediately took a quick bath and used her vanilla scented body wash and shampoo. Obsessed siguro si Madam sa amoy ng vanila kasi kahit perfume niya ay amoy vanilla.

“Dalian mo,” bungad nito nang makalabas ako ng banyo.

Suot ang puting bath roba, pinaupo niya ako sa isang bakanteng upuan kaharap ang vanity dresser. Inalis niya ang tuwalyang nasa ulo ko at agad na nalaglag ang aking buhok. 

“Ang bango na ng barbie ko,” nakangiting usal niya habang bino-blower ako. 

She always treats me like a barbie. Bukod daw sa lumaki ang kita nila nang mag-part time ako dito, gustong-gusto rin daw niya ang hubog ng katawan ko at hugis ng aking mukha. 

Matapos niya akong ayusan, pinagsuot niya ako ng isang kulay dark blue na shorts at tie front brassiere. Sinuot ko na ang aking maskarang kulay bughaw. I love blue but I was named Black Butterfly. Si Madam Julia ang nag-insist ng pangalan na 'yan. Ewan ko ba sa kaniya. 

“Here, Barbie. Ang ganda mo talaga! May maskara man o wala,” Madam said.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Totoo nga ang sabi ni Madam, mukha akong barbie. Nagpadagdag pa sa itsura ko ang puting balat ko na inaangat ng dark blue outfit ko. Madam curled the tips of my hair increasing its volume 

“Ayos ka lang ba talaga?” Madam Julia stare at me through the mirror. “Pwede ka pang mag-back out, Hija.” 

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at bumuntong hininga. I slowly opened my eyes and smiled sadly. “O-Opo, Madam. Para kay Clein din naman ito, e.” 

Ngumiti lamang si Madam at tinapik ang balikat ko. Ngayon ko na kikitain ang lalaking gigilingan ko gabi-gabi. Hindi ko man sabihin ngunit inaamin kong kinakabahan ako at nangangamba. 

“P-Pero, Madam, hindi naman po siguro nangha-harass 'yung kliyente ko 'no?” may pag-aalangang sambit ko. 

Natawa ito nang mahina. “Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin, but consider yourself lucky. He's known for being ruthless and dangerous, ngunit sumang-ayon siya sa kasunduang hindi ka niya haharasin kagaya nang iniisip mo. He also agreed to let you wear your mask during your sessions. Huwag ka masyadong mag-aalala.” 

My cold hand balled into fist as I take a deep breath whispering, “Sana nga...” 

--

Nang makarating kami sa sinasabing pribadong silid kung saan ko kakausapin si Mr. Ferrell, ang kliyente ko, ay humigpit ang hawak ni Madam Julia sa 'king kamay. Patungkol sa mga batas at regulasyon na gusto niyang sundin ko ang pag-uusapan namin ngayon. Ramdam ko na ang panlalamig ng buong aking katawan at pakiramdam ko ay nabubura na ang aking lipstick dala ng aking kaba. Ngayon pa lang ako sasalang sa ganitong klaseng aktibidad ng bar kaya't hindi ko maiwasang manginig sa takot. 

Tumigil kami sa harap ng pintong nalalayo sa iba pa, siguro ito na 'yun. Masyadong isolated ang silid na ito mula sa iba kaya't paniguradong mga bigating tao lamang ang nakakapasok dito. 

Hinarap ako ni Madam at hinawakan ang dalawa kong kamay. “Nasa loob ng silid si Mr. Ferrell. H'wag kang mag-aalala, mag-uusap lang kayo tungkol sa mga gusto niyang malaman sa 'yo. Tandaan mo, h'wag tatanggalin ang maskara.” 

“Opo, Madam.” Tumango ako. 

She smiled and tapped my cheeks. “Pasok ka na.” 

I nodded again before facing the door. Dala ang malakas na kabog ng aking dibdib, dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto. Muli kong nilingon si Madam bago ako tuluyang makapasok sa loob ng silid. 

Bumungad sa 'kin ang may kadilimang kwarto. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng panlalaking pabango na hindi masakit sa ilong kagaya ng iba. Nakakaadik ito at nakakakalma. Muli kong inilibot ang paningin hanggang sa dumapo ito sa mahabang mesa kung saan may nakaupong binata sa dulo. 

“Done observing? Have a sit.” Malamig ang boses nito na halos manginig ang aking tuhod. 

Napalunok ako ngunit taas noong naglakad paupo sa silyang nasa dulo rin ng mahabang mesa. Nang makaupo ako ay napansin ko ang puting folder na nasa harap ko, siguro ito nandito nakasilid ang mga 'Rules and Regulation' na susundin ko. 

“I'll get straight to the point,” he said. “I already instructed your Manager to test you. Both HIV and TB. Bring that folder in your house if you want to read the rules again and again.” 

“But...” I bit my lips and my hand balled into fist. “I'm clean.”

“You're my prostitute. A private prostitute. I just want to make sure you come to me clean. Who know's you had sex with a person positive with HIV?” 

Sa halip na matakot dahil sa lamig ng boses ng binata ay nakaramdam ako ng inis. Anong pinagsasabi nitong HIV? I'm a freaking virgin! Never been touched! 

Gustuhin ko mang umirap ay tumango na lang ako. “Okay.” 

“Good.” He lit up his cigarette. “I need the results before next week. Next week, I'll call you for a service and I'll send you the address. Make sure to come on time, I hate late people. Starting from now, you'll never do service for the bar and only to me. Are we clear?”

Nakapa-bossy naman nito. 

Tumango ako at kinagat ang aking ibabang labi. Hindi para manglandi, kundi dahil sa inis. Ang sarap-sarap niyang bulyawan. Kung hindi ko lang siguro kailangan ng pera, asa namang papatol ako sa ganito. 

“Stop biting your lips,” he said. 

Napatitig ako sa kaniya. Bahagya akong natulos nang tuluyan ko nang mamukhaan ang lalaki, ang kulay pilak niyang mga mata. Siya 'yung lalaking nakatitig sa 'kin kanina habang sumasayaw! 

Silver eyes, pointed nose, clenched jaw, and thick eyebrows...he looks like Zayn Malik from One Direction! Ngunit ang kaibahan lang ay hindi ito nakangiti. Parang ang laki ng problema nito sa mundo.

“If we're good, then you can get out.” 

Para akong isang tuta na sumusunod sa utos niya. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid bitbit ang folder. My heart's beating damn fast. Faster than usual. Daig ko pa ang tumakbo sa isang marathon nang makalabas ako ng silid. 

Napasandal ako sa pader habang sapo-sapo ang aking dibdib. My knees trembled and my hands turned to cold. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking iyon at napakalamig magsalita. Bawat bigkas niya ng salita ay walang mababahid na emosyon. 

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at humugot nang malalim na hininga. Para kay Clein itong gagawin ko. I need to do this for him, because I can't lose him. Not now, never. Baka tuluyan na akong mabaliw kapag pati siya ay iiwan ako. 

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Nena Talbo
Nice start, gusto kong basahin lahat na chapters
goodnovel comment avatar
Freanne Germina
Ganda ng story
goodnovel comment avatar
Belinda Ortiz Genterone
maganda gusto kung malaman ang susunod na na manyayari,at sana free
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status