Share

Chapter 2

Pagod akong bumuga ng hangin at nag-inat ng katawan. Sinuri ko muna ang oras sa pader at napangiwi nang mapansin kong alas kuwatro na. Dito na ako pinatulog ni Madam sa bakanteng silid dito sa bar dahil hindi na siya pumayag na umuwi ako dahil malalim na ang gabi. 

Tumungo ako sa banyo at naglihamos nang todo. Binura ko ang make up na nakalimutan kong tanggalin kagabi. Paniguradong mangangati na naman pisngi ko nito. Bawal pa naman daw matulog na may make up dahil nakakasira ng balat. Hay nako. 

Matapos ay nagbihis ako ng dala kong extrang pantalon at long T na damit na kulay puti. I tied my hair into a bun while humming a song. Hanggang ngayon ay maingay pa rin sa baba. Mamayang alas siete pa magsasara ang bar kaya't alive na alive pa ang mga tao ngayon. 

I glanced at the time for the last time before picking up my sling bag and heads out of the room. Kailangan ko pang silipin si Clein sa ospital. Maghahanap pa rin ako ng ibang raket dahil paubos na pera ko. Sa susunod na linggo pa ang sweldo ko sa café at sa susunod na linggo pa ako magsisimula bilang isang bayarang babae ng antipatikong bilyonaryong 'yun. 

Tahimik akong dumaan sa back door ng bar at bumungad sa 'king paglabas ang tahimik at madilim na paligid. Bawat hakbang na ginagawa ko ay lumilikha ng ingay kahit anong pilit kong magdahan-dahan. Mabuti na lang at walang mga lasinggo ngayon sa daan, baka nag-knock out na.

Mabilis ang lakad ko para madali akong makaabot ng ospital. Miss ko na agad ang kapatid ko. Baka sakaling maabutan ko siya nang gising. Gusto ko pa siyang makausap. Miss na miss ko na ang boses niya. 

Tears rolled upon my cheeks remembering his laugh and smiles before he got diagnosed by his illness right now. Gustong-gusto ko na ulit marinig at masilayan 'yun. Gusto ko nang bumalik kami sa dati naming pamumuhay. Kung saan sa pag-uwi ko ay sasalubungin niya ako nang malawak na ngiti at test papers na puro pasado. 

I tapped my cheeks and blinked my eyes. “Okay, Chloe. Babalik din ang lahat sa dati.” 

Nang makarating ako ng ospital ay dumiretso ako sa ward ni Clein na nasa second floor. Sa hagdanan na ako dumaan dahil mas natatagalan pa ako sa elevator gayung nasa second floor lang naman ang sadya ko. 

Maingat kong pinihit ko pabukas ang pinto at sinipat ang kamang hinihigaan ng aking kapatid. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. Naglibot ako ng tingin nang mapansin kong wala siyang kasama, siguro ay umuwi si Patty. 

Binaba ko ang sling bag sa sofa at hinila ang isang stool sa tabi ng kama niya. Umupo ako doon at inabot ko ang kamay niyang may turok ng karayom. Bahagyan ko itong pinisil at mapait na ngumiti. Muli na namang nanubig ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nakapikit nitong mga mata.

“Clein, laban ka lang ha?” I sniffed. “Gagawin ni Ate lahat ng paraan para lang gumaling ka at mailabas kita dito. Alam kong gusto mo nang bumalik sa pag-aaral.” 

My voice literally broke. Naninikip ang dibdib ko at nag-aalpasan ang luha sa mga mata ko. Lagi na lang akong ganito. Umiiyak habang hawak ang kamay niya. 

I wiped my tears away and sniffed. “Kapag nagkapera nang marami si Ate, ibibili kita nang maraming pagkain. Gusto mo sa McDonald's? Ibibili kita nu'n kaya't dapat ay lumaban ka.” 

Sinisikap kong pasiglahin ang boses ko. Alam kong pagod na siya, ngunit masaya akong hindi siya sumusuko. Kapag dumating ang araw na sumuko siya, mababaliw ako.

Bumukas ang pinto kaya't agad kong pinunasan ang aking pisngi. Suminghot muna ako bago hinarap ang taong pumasok. 

“Dok,” I greeted. 

She smiled at me and went near my brother. “Maaga akong bumisita dahil dinaanan ako ni Patty na aalis siya at walang makakasama si Clein. Kumusta ka na?” 

Napalunok ako at pilit na ngumiti. “Ayos lang po ako, Dok. Basta ba't humihinga at lumalaban pa ang kapatid ko, makakaasang nasa tamang pag-iisip pa ako.” 

Bahagyan itong natawa sa sinabi ko kaya't ngumiti na lang ako. 

“Ibibilin ko si Clein sa mga nurse dahil alam kong may mga raket ka pang pupuntahan. Mag-iingat ka, Hija.” 

Ngumiti ako dito at nagpasalamat. Mabuti na lang talaga at mabait siyang Doktora. Iniintindi niya ang sitwasyon namin ng kapatid ko. 

Nagpaalam muna ako saglit kay Clein dahil bibisitahin ko muna ang bahay namin para makakuha ng mga damit at makapagpalit. Mamayang gabi na ako maglalaba ng mga labahin. Maghahanap pa ako ng trabaho na pwede ko gawing part time sa gabi. 

Nang makauwi ako ng bahay ay binuksan ko kaagad ang aming ilaw. Napangiwi agad ako nang mapansin ko ang maalikabok na paligid. Matagal ko na pala itong hindi nalilinisan. 

Mistulang isang kubo ang bahay namin na ang atip ay gawa sa yero at butas-butas na kaya't kapag umuulan ay natataranta kami sa paglilipat ng gamit para hindi mabasa, lalong-lalo na ang mga gamit ni Clein sa paaralan. 

Hindi na muna ako nagbihis at naisipan magwalis muna ng sahig gamit ang walis na parang buntot na ng sirena. Inayos ko ang mga kagamitan, lalo na sa maliit naming kusina na sa tingin ko ay inakyat na naman ng pusang kalye. Minsan din ang sarap sakalin ng mga pusang 'yun, e. Sardinas na sardinas, ninanakaw pa. Ang mahal kaya ng bente-dos. 

Matapos ang lahat ay nagtungo ako sa 'king kwarto at naghanap ng masusuot. Naligo muna ako sa 'ming poso at nagbihis. Isang kulay itim na fitted jeans at isang kulay stripe na tshirt ang napili ko. Matapos kong mapatuyo ng buhok ay saka lamang ako lumisan ng bahay. 

Nasa isang skwater area nakatirik ang bahay namin. Mababait naman ang mga tao dito sa amin kaya't malaki ang tiwala ko sa kanila. Minsan nga lang ay nanggugulpi ng mga dayo. Mapapahilot ka na lang ng sintido kapag nagrarason na sila kung bakit sila nanggugulpi. 

“Magandang umaga, Chloe!” Kumaway sa 'kin si Manong Berting.

Ngumiti ako dito at kumaway pabalik. “Magandang umaga rin po!” 

“Mas maganda ka pa sa umaga, Ate Chloe!” hirit naman ng anak nitong si Albert na agad binatukan ng ama.

Napangiti ako dito at nagsimula nang maglakad. Maagang nagigising ang mga tao dito. Alas sais na rin kaya't marami na akong nakikitang nagdidilig ng mga halaman at may nagja-jogging. Marami rin kasing health conscious dito, e.

Nang makalabas ako ng skwater area ay dumaan ako sa kabilang kalsada, sa malaking building para kahit papano ay makatingin ako kung meron bang hiring dito o ano. 

Humihikab pa ako habang naglalakad hanggang sa dumapo ang paningin ko sa isang bondpaper na nakapaskil sa pader. Nilapitan ko kaagad ito at napangiwi. Hiring Janitor, hindi ba pwedeng janitress? 

Sinipat ko ang mga requirements at napatango. Kompleto ako. Meron akong bio-data, barangay clearance, at valid ID. Mag-aapply ako mamaya. Baka pwedeng madaan sa lambing ang nagha-hire. Kailangan na kailangan ko talaga ang pera. 

“Kuya,” tawag pansin ko sa guard na nasa gilid. “Saan po pwedeng mag-apply nito?”

Tinignan niya ang nakapaskil na bondpaper. “Hiring janitor? Hija, janitor ang hanap.” 

“Kaya ko naman po 'yan, e. Kailangan ko talaga ng pera.” Ngumiti ako dito. 

“Doon ka sa Ferrell building mag-apply. Dalhin mo lang 'yung requirements nila,” he said. 

Ferrell? Familiar 'yun, ah.

Tumango ako dito. “Maraming salamat po!” 

--

“Ang saya mo ngayon, ah.” Sinipat ako nang tingin ni Ate May.

Matamis akong ngumiti dito. Tapos na ang shift ko dito. Mabuti na lang at natanggap ako bilang isang janitress sa Ferrell building at mamayang alas onse ako magsisimula.

“May bagong part time ako, Ate.” Matamis akong ngumiti rito.

“Anong part time?” 

Hinubad ko ang suot kong apron. “Janitress po sa Ferrell building.” 

“Ano?” biglang sabat ni Cheryl. “Sa Ferrell Building? Naku, Chloe! Gwapo ang may-ari ng building na 'yun!” 

Hinarap ko naman si Cheryl. “Paano mo nalaman?” 

“Aba, sikat kaya siya! Isa siyang ambassador ng sikat na hard drinks at isang businessman. Baka 'pag nakita ko 'yun, maglulupasay ako.” Tumili ito na ikinangiwi namin ni Ate May. “Gwapo pa naman lahat ng kaibigan niya. Hays, kailan kaya ako mapapansin ng isa sa kanila? Kahit si Lucifer lang o kaya si Nicholas ang ibalato nila sa 'kin.” 

Napapantastikuhan namin itong tinignan at nagpaalam na ako sa kanila. Pupunta pa ako ng ospital. Sabi pa naman sa 'kin ng head faculty kanina ay dapat na maaga akong makarating. Eleven pm ay maglilinis na ako sa floor forty eight dahil alas otso uuwi ang boss. 

Namasahe na ako papuntang ospital para mabilis akong makarating. Excited na ako. Mabuti na lang at nakapag-cash advance ako sa coffee shop, kundi ay malalagot ako.

Pagkarating ko ng ospital ay mabibilis ang mga hakbang ko patungong ward ni Clein. Nasasabik na akong sabihin sa kanyang may bago na naman akong trabaho. 

“Patty?” takang tanong ko pagkapasok ko ng silid.

Mabilis na tumayo si Patty mula sa silya at nakangiting nilapitan ako. Ngunit parang may mali sa ngiting 'yun. “Chloe, pwede ba kitang makausap?” 

Nagtataka man ay tumango ako. Giniya ko siya palabas ng silid at sumunod din naman siya. 

“Ano 'yun, Patty?” 

Kinamot nito ang kanyang kilay. “Dadalhin ako ni Kuya sa Cebu. Doon na kami maninirahan nila Mama.” 

Bigla akong nawalan ng gana. Gusto kong magdabog at sabihing hindi pwede, ngunit hindi rin pwede ang gusto ko. Pamilya sila ni Patty. Alangan namang unahin niya ako, e pamilya niya 'yun.

I swallowed the lump on my throat. “K-Kailan?” 

“Bukas ng umaga,” malungkot nitong saad at inabot ang mga kamay ko. “Mag-iingat ka dito, ha? Balitaan mo ako palagi. Mami-miss kita.” 

Tumango ako dito at niyakap siya. Pakiramdam ko ay napilayan ako. Wala na si Patty sa tabi ko. Kulang na ang mga paa ko para tumayo. Si Clein na lang ang meron ako ngayon. 

Hindi rin nagtagal dito si Patty dahil paulit-ulit na tumatawag ang kanyang Mama. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Sana may mga magulang din kami. 

Nagpaalam na rin ako kay Clein dahil malapit na mag-alas onse. Baka pasadong ala una pa ako makakauwi. Bibilhan ko pa siya ng mga prutas bukas para kahit papano ay may laman naman ang silid niya bukod sa mineral water sa gilid. 

Pumara ako ng tricycle patungong Ferrell Building at nagmamadaling pumasok sa loob. Mabuti na lang at may nakasabay rin akong babae, sa tingin ko ay janitress din ito. 

“Saang floor ka?” she asked me.

I twisted my lips and answered, “Forty eight daw.” 

Tumango naman ito. “Akala ko sa floor ka ni Mr. Ferrell. Nga pala, ang ganda mo.”

“Ah...” Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. “S-Salamat.” 

“Sigurado ka bang mahirap ka? Wala kang hidden agenda sa pagiging janitress?” she asked again while were walking along the quiet hallway. 

“Huh?” Nagtataka ko itong tinignan. “Anong hidden agenda?”

She shrugged. Ano ba 'yan, kanina pa kami nag-uusap pero hindi ko alam ang pangalan niya. “Well, may mga babae rin kasing nag-apply bilang janitress mapalapit lang kay Boss Cameron. Kadalasan, mga past flings.” 

Kahit wala akong naintindihan ay tumango ako. “Ganoon ba? Hindi ko kilala 'yan, e. Trabaho talaga ang punta ko rito.” 

“Mabuti 'yun.” Sinipat niya ako ng tingin. “Hindi ka rin naman mukhang kaladkaring babae. Anong pangalan mo?”

Ngumiwi ako. “Chloe. Briana Chloe Asuncion.” 

“Hi, Chloe. Ako si Jayre. Call me Jayjay na lang.” She smiled. 

Saktong nakarating kami ng faculty room. May naabutan kaming dalawang lalaki doon at may hawak na panglinis. Mabuti na lang at approachable sila. Tinuruan nila ako kung ano ang mga dapat kong gawin sa mga kalat at kung ano lang ang pwede kong galawin. Karamihan daw kasi sa mga papel na nakalatag sa mesa ng mga empleyado ay mahahalaga. 

“Gusto mong samahan kita sa floor mo?” alok ni Rey, isa ring janitor. 

Umiling ako dito at ngumiti. “H'wag na. Kaya ko na 'to.” 

Tinahak naming apat at elevator at si Jayjay ang pumindot ng pumindot sa button na nasa gilid. Napitlag ako nang lumikha nang ingay ang cellphone ko. Humingi ako ng paumanhin sa kanila at pasimple at tumalikod para sagutin ang tawag.

“Hello?” 

[“Chloe, tumawag lang ako para sabihing ako muna ang magbabantay kay Clein ngayong gabi. Ayos lang ba?”] ani ni Patty mula sa kabilang linya. 

Napangiti ako. “Sige, Pat. Maraming salamat. Uuwi rin ako mamayang ala una.” 

[“Sige, mag-iingat ka.”]

Nang maputol ang tawag ay pumihit na ako paharap. Napalabi ako nang mapansin kong iniwan nila ako. Ang pangit nilang ka-bonding, ha.

I pressed the open button once again and patiently waited for the door to open. Tumingala ako sa taas para tignan kung nasaang floor na ba ang elevator. Napalingon naman ako sa 'king gilid nang makarinig ako ng yabag ng sapatos. 

Nangunot ang noo ko at inaninag ito. A gasp escaped from my lips the moment I saw the man under the lights. Hindi ko maiwasang mapaatras nang magsalubong ang aming mga mata. 

Those silver ones...

Malamig lang ako nitong tinignan at lumihis na ng daan. Wala sa sarili akong napahawak sa 'king dibdib habang pinapanood ang lalak hanggang sa mawala ito sa paningin ko. 

Anong ginagawa niya rito? 

Alam niya na ba ang katauhan ko? 

Sino ba kasi ang lalaking 'yun?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status