Share

Chapter 3

Humugot ako ng malalim na hininga at hinilot ang aking sintido. Sumakit likod ko du'n, ha. Hindi ako aware na buong floor pala ang lilinisan ko mag-isa. Wala akong kasama. Muntikan pa akong atakehin ng takot dahil baka may multo dito o ano. Dagdag pang sobrang tahimik.

I pressed the button of the elevator and huffed. Mabuti na lang talaga at tapos na ako. Gusto ko na ring magpahinga. Pasadong ala una na ng madaling araw. Antok na antok na ako. Jayjay invited me for a coffee but I declined. Gusto ko na makita ang kapatid ko.

Nang makabalik ako sa faculty room, naabutan ko sila doon na busy sa pag-aayos ng mga panglinis na ginamit nila kanina. Si Jayjay ay nakabihis na ng panggayak. Talagang may lakad pa ang mga ito bago umuwi. 

“Hindi ka talaga sasama, Chloe?” tanong sa 'kin ni Rey.

I smiled. “Hindi na. May babantayan pa ako sa ospital.” 

“Ihahatid ka na lang namin. Delikado ka malakad sa labas nang dis-oras ng gabi,” wika ng isa pang lalaki. Hindi ko siya kilala. “Ervin nga pala.” 

Tumango ako dito. “H'wag kayong mag-alala. Sanay na ako maglakad-lakad sa labas tuwing gabi.”

Nang mapagdesisyunan na nilang umalis ay sumabay na lang ako bago nagtungo sa ospital. Hindi na ako namasahe dahil wala akong tiwala sa mga taxi tuwing gabi, o kahit umaga. Kaya nga sa jeep ako sumasakay. Bukod na rin sa delikado dahil ako lang mag-isa sa loob ng sasakyan, mahal pa ang singil ng pamasahe kaya mas pipiliin ko talagang mag-jeep. Sa halip na ibayad pamasahe ng taxi, iipunin ko na lang para may pandagdag ako sa araw-araw naming pangangailangan ni Clein. 

Pagkarating ko ng ospital ay tumungo ako sa silid ni Clein. Naabutan ko roon si Patty na nakahiga sa mahabang sofa at nakapikit ang mga mata. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw at nilapitan na ang kama ni Clein. 

I kissed his forehead and nose, whispering, “Miss ka na ni Ate.” 

Naglatag ako ng banig sa lapag at ginawang unan ang bag na puno ng damit. Gigising pa ako nang maaga bukas dahil may duty pa ako sa coffee shop. Magpapa-test rin ako sa ospital for HIV and TB dahil ubod ng arte ang client ko. 

Hindi kalaunan ay kinain din ako ng dilim. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang isang nurse na pumasok sa loob ng silid ni Clein. Mas mabilis pa ako kay flash na tumayo at kinapa ang aking mga mata. Nakakahiya humarap sa nurse na muta. 

“Papalitan ko lang po ang dextrose niya.” She smiled. 

Tumango lang din ako at nilukot na ang banig. Tumingin ako sa 'king pambisig na relo bago bumaling sa sofa kung saan ko huling nakita si Patty. Sadness filled me when I didn't saw even her shadow. Siguro ay maaga siyang umuwi para hindi mapansin ng mama niyang umalis siya. 

I took a quick bath and changed into my black pants and peach v-neck shirt. Malapit na mag-seven ng umaga, baka ma-late ako sa trabaho. Binilin ko sa isang nurse si Clein bago ako lumisan ng ospital. 

My phone vibrated. Tinignan ko ito nang nakakunot-noo. 

From Madam Julia:

       Punta ka dito mga around 10am ha? Para hindi tayo matalagan sa ospital. 

Napangiwi ako at binalik ang phone sa 'king bulsa. Humikab pa ako habang naglalakad. Tatlong oras lang ang naging tulog ko kaya paniguradong magiging lutang ako nito. 

Naabutan ko si Cherry Joy na aliw na aliw sa pagpupunas ng mesa. Nandito na si Ate May Ann at ang dalawa naming kasama na absent kahapon, si Jean at Anika. Medyo nakahinga ako nang maluwag sa isiping nandito sila. Mag-a-out ako mamayang 10am para puntahan si Madam Julia.

“Nandito na ang prinsesang walang tulog!” anas ni Ate May Ann nang makapasok ako ng café. 

Nginitian lang ako nito at binati ang kasamahan ko bago pumasok sa locker's area para magbihis. Hindi ko napansin ang pagsunod sa 'kin ni Cheryl na nakangiti.

Nilingon ko to habang nagbubutones ng uniform. “Pasensiya ka na Cheryl ha. Natagalan ako.” 

“Ano ka ba! Ayos lang. Sa totoo lang inantay kita.” Ngumiti ito nang matamis. “May gusto lang ako itanong sa 'yo.” 

I tilted my head with a creased forehead. “Ano 'yun?”

“'Di ba janitress ka ng Ferrell Building? Sabi mo kahapon,” may pag-aalangang wika nito. Tinanguhan ko ito para sabihin magpatuloy siya. “Uhm, nakita mo ba si Mr. Ferrell? 'Yung may-ari?” 

Mas lalo akong nagtaka. “Hindi. Bakit?” 

“Ay!” She stomped her feet on the ground and grunted. “Sayang! Balita ko kasi mas guwapo siya sa personal at malapitan. Crush na crush ko kasi si Cameron Ferrell, e. Lahat ng magazines na meron siya, binibili ko. Hay, my virtual boyfie.” 

I chuckled to what she said. “Edi bumisita ka sa building niya. Malay mo makita mo siya. Ako kasi eleven na aakyat sa floor na na-assigned sa 'kin para wala nang mga empleyado akong maabutan. Hindi ko talaga maaabutan 'yang ultimate crushy mo.” 

Umiling si Cheryl. “Kasi naman e...gusto ko talaga siya makita sa personal. Isa siya sa pinakatanyag na business tycoon dito sa Pinas at buong asya. And take note, twenty-eight pa lang siya! Hay...”

“Twenty-eight? Ang bata naman niya para maging isang businessman,” natatawa kong sambit. 

“Oo nga.” She nodded. “Maaga kasing pumanaw ang ama niya tapos wala siyang kapatid kaya siya ang pumasan sa buong negosyong iniwan ng ama niya. Napakasuwerte rin ng ina niya at ng kanyang magiging asawa. Uupo na lang sa sofa tapos gawing pamaypay ang pera! Magaling din kasing magpatakbo ng negosyo si Cameron kaya mabilis ang expansion ng negosyo nila.” 

Tango ako nang tango sa bawat sambit niya. “Ang dami mo namang informations.” I laughed.

“Ako pa?” Tumawa ito at sumandal sa locker. “Mahilig ako mag-stalk, e. Kahit nga mga pangalan ng babaeng nali-link sa kaniya at naging flings niya, kilala ko at memoryado ko ang mga pangalan. Gusto mo malaman ilang babae na-link sa kanya?” 

“Ilan?” sakay ko sa trip nito.

“Lagpas one hundred! One hundred thirty-seven to be exact! Except pa sa mga secret flings nito, ha. At kadalasan sa kanila, model o 'di kaya ay may propesiyonal na trabaho at laging napi-feature sa TV. Grabeng kamandag naman kasi ni Cameron. Nakakamatay.” 

Napailing ako dito. Hindi ko namalayang tapos na pala ako sa pagbibihis. Inabot ko ang apron na may print ng logo ng café. Bumaling ako kay Cheryl. “Bakit? Masyado bang guwapo 'yang si Cameron na 'yan? Hindi ko kilala, e.” 

Cheryl clapped her hands and fished her phone from her pocket. Pinanood ko itong magpindot-pindot sa kanyang phone bago ito lumapit sa 'kin. 

“Ito oh.” Lumapit siya sa 'kin at zinoom-in ang litrato. “Sampu silang magkakaibigan. Ito si Lucifer Russo, tignan mo, sobrang makasalanan ng kanyang hitsura. Napakagwapo! Tapos ito si Nicholas Carter, at Damien Ivanov. Wala ang iba dito. Tignan mo 'yang nasa gilid. Iyan. 'Yan si Cameron Ferrell. Tangina, Bhe. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan at 'yung silver eyes niya, sheyt! Cameron, padapain mo ako.” 

Nangunot ang noo ko at inagaw ang phone ni Cheryl. Pinakatitigan ko nang mabuti ang lalaking nasa tabi ni Lucifer daw ang pangalan. Tuwid ang tindig nito at nakasuot ng puting business suit. Medyo magulo ang buhok nito at mapupungay ang kaniyang mga mata. 

Nanatili ang titig ko sa kaniyang mga mata na para bang nakatitig din sa 'kin. It's silver! At hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

“A-Ano nga ulit ang pangalan niya?” mahinang tanong ko.

“Nino? Lucifer Russo? Cameron Ferrell?” tanong ni Cheryl. 

Napalunok ako. Siya rin 'yung lalaking nakita ko kagabi matapos naming mag-usap ni Patty sa phone. Ang mga pilak nitong mga mata na sobrang lamig kung makatingin. 

Cameron Ferrell. Hindi ako pwedeng magkamali... siya rin ang arogante kong kliyente! 

“Hoy! Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo diyan, e ang gwapo nila masyado para maging multo,” ani ni Cheryl. 

I gulped and was about to answer her when Ate May Ann called me. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at binalik ang phone kay Cheryl.

“Nandiyan na po ako, Ate!” I replied. 

--

Matapos kong magpa-test sa ospital kasama si Madam Julia, dumaan muna kami saglit sa isang fast food resto. Jollibee. Bigla ko tuloy naalala si Clein. Paborito niya ang mga take outs galing sa mga fast food tuwing uuwi ako. 

Ibibigay niya raw ang resulta ng tests ko sa 'king kliyente. Thank God it's negative. Gulat na lang ako kung mag-positive ako sa HIV. 

“Tulala ka?” tanong ni Madam. 

Ngumuso lang ako at sumimsim sa 'king softdrink. “Naalala ko lang po si Clein. Na-miss ko siya bigla.” 

Nginitian ako ni Madam. “Magiging maayos din ang lagay ng kapatid mo. Kaya ka nga nagpupursige sa pagtatrabaho, 'di ba?” 

Tipid akong tumango at ngumiti.  “Yeah.” 

“Kaya mo pagtitiisan ang trabahong ayaw mong pasukin. Diyos ko, kung makakatulong lang ako, hindi ka na sana magtatrabaho sa aroganteng business man na 'yun,” ani niya. 

Nabaling ang aking tingin sa kanya. “Speaking of that guy, ano nga po ulit ang pangalan niya?” 

Kasi kung tama ang hinala ko, mas dapat akong mag-iingat at dapat hindi kami magkasalubong ng landas. My privacy is a must. Ayaw kong ma-disappoint si Clein sa kaalamang kumakapit na ako sa patalim. 

“Hindi mo nakilala nung nagkausap kayo about sa rules niyo?” Bakas sa mukha nito ang pagtataka. “Siya si Cameron Ferrell. Pating daw 'yun sa negosyo, e. Kaya natatakot ako sa 'yo baka balian ka ng buto. Ang laki at tangkad pa naman nu'n. For sure hindi ka makakalakad ng ilang linggo sa laki ng ano nu'n...”

“Ng ano?” I asked confusedly. My eyes grew wide upon realizing what she meant. “Madam!” 

Humalakhak ito. “Oh nga pala, ano ang laman ng rules niyo? Gusto kong malaman.” 

I shrugged and scoffed. “Ayun nga, dapat hindi na ako magtatrabaho sa club habang private prostitute niya pa ako. No strings attached, it means bawal daw ako maging clingy at umaktong head over heels sa kanya dahil prostitute niya lang ako. At bawal din akong mabuntis. Or else ipapakulong niya ako for breaching the contract. Ha! As if naman gusto kong mabuntis niya. Hindi ko na nga halos maitaguyod ang pag-aaral ni Clein, hahanap pa ako ng panibagong problema.” 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa rule na bawal akong mabuntis. Never kong hiniling na mabuntis niya, 'no! Kahit gaano siya kayaman, kung hindi ko siya mahal, hindi ko ipagbubuntis ang anak niya! Nakakainis. 

“Kung ganoon, edi dapat humiling ka sa kaniya na bumili siya ng pills o gumamit siya ng condom. Kahit kaano pa kasarap magchukchakan na walang rubber, safety first ka. Kung ayaw mong madagdagan pa ang problema mo,” sambit niya.

Buong araw nagpaulit-ulit ang sinabing 'yun ni Madam Julia. Tama nga naman siya. I need to take contraceptive pills to avoid unwanted pregnancy. I need to tell him that the next time we meet. 

Hindi na ako bumalik sa café. Sa ospital na ako tumambay, nagbibilang ng butiki sa kisame. Unfortunately, walang butiki kasi malamig ang aircon. Nagpalipas lang ako roon ng oras, para na rin mabantayan ko si Clein. 

Bumili muna ako ng sardinas sa tindahan sa may kanto para ulamin ko. May tira pa naman kahit papano sa cash advance ko mula sa café. Naabutan ko naman si Clein nang gising na ikinangiti ko. He smiled back at me but that one is faint. 

“Clein, kumusta pakiramdam mo?” I asked. 

I don't know if this is normal but he keep sleeping from time to time. Gigising siya ng tatlong minuto, tutulog ulit buong araw. Natatakot na ako dahil baka isang araw, hindi na siya gumising. H'wag naman sana.

“Ate, saan ka galing?” mahinang tanong nito. 

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. “Bumili si Ate ng sardinas para ulamin natin. Gusto mo bang kumain bago matulog?” 

“Si Patty?” he asked. 

Nangunot ang noo ko. “Ate Patty. H'wag Patty lang.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Isinama siya ng Kuya niya sa Cebu.” 

He nodded his but I can perfectly see the glimmering sadness at the depths of his eyes. 

“Kain ka muna?” pag-aaya ko. 

I checked the time on my wrist, it's still nine. Mabuti na lang kahit may kalumaan na ang relo na 'to, gumagana pa rin. Minsan nga lang, nade-delayed. 

“Ate, sorry.” 

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang magsalita ito habang sinubuan ko siya. “Sorry saan?” 

“K-Kung hindi lang ako nagkasakit, sana hindi ka nahihirapan ngayon. Sana hindi ka laging pagod. Sana nakakapagpatuloy ka sa pag-aaral ng ALS mo, sana—” 

“Hush...” Binitawan ko ang kutsara at sinapo ang kaniyang nangangayayat na pisngi. “It's fine. Gagawin lahat ni Ate ang lahat nang makakaya niya para lang gumaling ka. Ikaw ang lakas ko, e. Kaya lumaban ka rin, ah. Kasi kapag sumuko ka, hindi ko na alam ang gagawin ko. M-Mababaliw ako Clein. Mababaliw ako kapag pati ikaw mawala sa 'kin.” 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edgar Catubig
ayos lang panlibang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status