Share

Chapter 4

Matapos naming kumain, nagpahinga na si Clein. Nagpaalam din ako sa kaniya na may raket pa ako. Nagtanong pa ito kung anong klaseng trabaho ang meron ako, and I answered him truthfully. Na isa akong janitress sa isang malaking building.

Nang masiguro kong tulog na siya ay saka lamang ako umalis. Nagbihis ako ng isang itim na t-shirt at bughaw na pantalon. Nilakad-takbo ko na lang ang distansiya ng Ferrell building mula sa ospital dala ang pepper spray, in case of emergency. 

Kaagad din akong nakarating sa building. Nakilala naman ako ng security guard na nginitian lang ako nang matamis. Nasa mid 20's yata ang edad niya.

“Good evening, Chloe!” he greeted. 

Nginitian ko ito at bumati pabalik bago tuluyang pumasok ng building at dumiretso sa faculty room. Doon ko naabutan si Jayjay, Rey, at Ervin kasama ang isang bakla. I guess this our head. 

“Kayong naiwan, sino sa inyo ang lilinis ng top floor?” rinig kong tanong nito. 

Nagkatinginan ang tatlo, parang iniiwasan nila ang head. Mahahalata mong ayaw nilang maglinis sa nasabing floor sa hindi ko malamang dahilan. Mailap ang kanilang mga mata, kahit ang dalawang lalaki. 

Patuloy sila sa pag-iwas ng tingin nang mamataan ako ni Jayjay na palapit. Umaliwalas ang mukha nito at sinabing, “Si Chloe po!” 

Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling silang lahat sa 'kin. I pointed myself and chuckled nervously. Hindi ako pwedeng maglinis sa opisina ng CEO, baka maabutan ko doon si Cameron Ferrell. 

“A-Ako?” I uttered and laughed awkwardly. “Nasa floor 48 ang lilinisan—”

“Okay, Chloe. Sa top floor ka maglilinis,” pinal na sambit ng head na ikinanganga ko. Seryoso ba 'to? “H'wag kang ma-paranoid sa inasta ng mga kasamahan mo. May nagawa silang kasalanan kaya ayaw nila sa top floor. Halika rito at nang mabilinan kita.” 

Bagsak ang mga balikat kong lumapit. Hindi ako makatanggi dahil bukod sa bago pa lang ako, ayaw kong magtaka sila kung bakit hindi ako papayag magpunta sa top floor. 

“A-Ano po 'yun?” ani ko nang makalapit ako sa kaniya. 

Umalis sila Jayjay at ang dalawa patungo sa kanilang floor na lilinisan dahilan upang maiwan kaming dalawa ng head. Humarap siya sa 'kin at halos mabilaukan ako sa sobrang kaseryosohan ng hitsura niya. 

“Okay, so tonight ikaw muna ang maglilinis ng floor ni Mr. Ferrell kasi umalis ang tagalinis ng floor na 'yun. H'wag kang matakot, hindi nangangagat ang boss natin. H'wag mo lang galawin ang mga papeles na nasa mesa niya. Mag-iingat ka sa paggalaw dahil halos lahat ng mga gamit doon ay babasagin, mas mahal pa yata ang mga 'yun sa buhay natin. And lastly...” He took a deep breath. “Kung ano man ang masasaksihan mo o mapapansin mo habang naglilinis, keep your mouth shut.” 

Bigla akong kinabahan. Anong klaseng mapansin o masaksihan? May mga dead bodies ba doon? May hidden skeleton ba si Mr. Ferrell sa likod ng mga kabinet? Nakakapanindig balahibo, ah.

“N-Noted, Ma'am.” I bit my lips nervously. 

Tumingin siya sa kanyang pambisig na relo. “Malapit na mag-alas dose. Wala na si Mr. Ferrell. Pwede ka nang umakyat.” 

“Uhm, Ma'am?” may pag-aalangan kong tawag. “M-Minsan po ba naaabutan ng alas dose si Mr. Ferrell sa opisina niya?” 

Tumango siya. “Oo minsan kapag may business meeting siya sa ibang bansa tapos pag-uwi dito ay tambak ang tatrabahuin. In case maabutan mo siya, which is impossible for tonight since nakita ko siyang umalis kanina, batiin mo na lang at h'wag mo nang pansinin. Alam kong mahirap ignorahin ang kagwapuhan niya pero kung ayaw mong matanggalan ng trabaho, iiwasan mo siya. He's heartless.” 

Nagpaalam na ito kaya't tumungo na lang ako sa elevator dala ang push cart na may lamang trash bins, mop, at iba pang panlinis. Piping humihiling na sana ay walang Cameron Ferrell akong maabutan. Baka 'yun pa ang maging dahilan para mabuking niya ang pagkatao ko. 

I entered the elevator and pressed the top floor button. Humikab pa ako habang naghihintay sa muling pagbukas ng pinto. Bigla ko tuloy naisip kung gaano kaliit ang mundong ginagalawan namin. Hindi ko lubusang inaakala na siya pala ang may-ari ng building na 'to. Ang yaman niya pala talaga.

Of course, Chloe! He's really filthy rich! Kaya ka nga binayaran para maging prostitute niya, 'di ba? 

Naiparap ako sa hangin at bagot na inantay umabot sa top floor. Sa taas at tayog ba naman ng building na 'to? Baka nga kalahating oras pa ang tambay ko sa elevator bago matuntong sa top floor. 

Kinapa ko ang aking bulsa at napangiwi nang mapansin kong hindi ko dala ang cellphone kong luma na rin. Balak ko pa naman sanang magpatugtog ng mga musika, pampaaliw dahil nakakamatay ang katahimikan ng paligid. 

The elevator opened, indicating I already reached my destination. Tinulak ko ang cart palabas at ini-switch on ko ang ilaw. Nang tuluyang magliwanag ang paligid, bigla akong nalula. Buong akala ko ay magkatulad lamang ang floor na 'to at ng iba. But it's not!

Sobrang lawak ng paligid, animo'y isang sala ng malaking bahay. May tatlong itim na couch. Dalawang pang-isahan, at isang mahaba couch. May mesa sa gitna na itsura pa lang, parang mabubutas na ang bulsa ko sa sobrang mahal. Meron ding malaking flat screen tv. What caught my attention is the tall and wide book shelf. Punong-puno ito ng libro at puro ito encyclopedia. Grabe, ang talino pala ni Mr. Ferrell! 

Sa halip na tumunganga na parang tanga, minabuti kong simulan na ang paglilinis. Naglabas agad ako ng pamunas para sa pader na gawa sa babasaging salamin. 

Tinabig ko ang malalaki at makapal na kurtinang tumatabon sa pader, at doon ako mas lalong namangha. Kitang-kita ko mula rito ang mga ilaw mula sa mga kabahayan at iilang building. Sa mga streetlights at mga ilaw mula sa mga sasakyan. Ang cool!

Ngunit naputol ang lahat ng 'yun nang makarinig ako ng tikhim sa likod. 

“I hired you to clean my office, not to fucking enjoy the view.” 

Nanlamig ang buo kong katawan, kasing lamig ng kanyang tinig. My lips parted before I slowly faced the speaker. Napaatras ako at halos matutop ang aking hininga nang salubungin ako ng pilak niyang mga mata na kung makatingin ay mas malamig pa sa nagyeyelong north pole. 

“M-Mr. Ferrell,” I uttered. 

He's wearing a business suit, siguro ay may binalikan ito. Hindi maayos ang pakakalagay ng necktie nito at sa kabila ng kagwapuhan nito, mahahalata ko ang pagod sa kaniyang mga mata.

O baka imahinasyon ko lang 'yun?

“Start cleaning, Miss. If you don't want to end your job here.” Magkasalubong ang mga kilay nito. 

Napayuko ako at mahinhing tumango. Nahihiya tuloy ako. Tama nga naman siya. Nandito ako para maglinis, hindi mag-appreciate ng view. Oh well, malay ko bang babalik siya. Sabi ng head e umalis siya. Duh!

“Get back to your work.” 

Mabilis akong tumalima habang nakayuko. Sa tingin ko ay may kinuha lang ito sa kanyang drawer dahil nagmamadali rin itong lumabas. Doon na ako nakahinga nang maluwang. 

Grabeng presensiya naman 'yan, Mr. Ferrell. Nakakangatong ng tuhod, tangina. 

--

Nakaigik ako nang sikuhin ako ni Anika, ang kasama ko sa morning shift. Napakurap-kurap ako at naglibot ng paningin.

“Hoy, ba't ka tulala? Laki na ng eyebags mo, oh. Puyat ka lagi?” puna niya.

Napakamot ako sa 'king batok. Natagalan kasi ako sa paglilinis ng floor kagabi dahil sa sobrang lawak ng espasyong nasasakupan nito. Buong floor ay opisina niya. Dagdag pang halos hindi na ako huminga dahil baka maling pagbuga ko lang ng hangin mabasag na ang mga bagay du'n. 

“Ayos lang ako. Buong gabi akong nagbabantay kay Clein, e.” Napakamot ako ng kilay.

Tumango si Anika. “Sa counter ka na lang muna. Kami na bahala sa mga orders.” 

I nodded headed towards the counter. Kahit sanay na ang katawan ko sa trabaho, hindi pa rin nito maiwasang sumakit. Lalo na't mabigat ang push cart kagabi. Parang matatanggal na sa pagkakakabit ang balikat ko. 

I tied my hair in a neat bun and blinked my eyes to wake my spirit. Nakakahiyang humarap sa mga customer na inaantok. Kapag nagkapera ako, bibili rin ako ng gamot para sa stress ko. Stress tabs can do. 

“Hi! Welcome to Morning Star Café, what's your order?” magiliw kong tanong sa lalaking lumapit sa counter. 

“One frappe,” he replied. 

Napaangat ang kilay ko nang makilala ko ang boses nito, at nang mag-angat ito ng tingin, parang hihimatayin yata ako. 

It's the guy from the other day! 'Yung gwapong nagtanong ng pangalan ko. 

“Well, Chloe?” he asked. 

Napalunok ako at kumabog nang mabilis ang dibdib ko. “Uhm...just a moment, Sir—”

“Hector.” Ngumiti ito. “My name's Hector.” 

“Ahh s-sige, Hector. Saglit lang,” sambit ko. 

Nagmamadali kong inihanda ang order niya. Katulad nang nagdaang araw, lahat ng customer ay napapatingin sa kaniya, kahit 'yung isang babaeng kasama ang jowa niya. Hay nako, millennials. 

After I prepared his order, I told him the exact amount of his order and he gave me his card. Napasimangot akong muli. Wala ba siyang cash na dala? Grabe, ha. Ganoon ba siya kayaman?

“Thank you!” I smiled. 

He nodded his head. Aloof siguro 'to. Tinalikuran na niya ako at naglakad patungo sa isang mesa na ikinatanga ko. Seryoso siya? Dito siya magkakape? 

“Psst, Chloe!” mahinang anas ni Jean. “Sino 'yun? Jowabels mo?” 

Nangunot ang noo ko at pasimpleng tinapunan ng tingin si Hector na busy sa pag-i-scroll sa kanyang phone. Muli akong bumaling kay Jean na nakalapit na ng counter. 

Pinandilatan ko ito ng mga mata. “Ano ka ba? Hindi ha.” 

“Weh? 'Yung klase ng tingin niya sa 'yo kanina parang napana ni kupido, e. Pero nililigawan ka?” She wiggled her brows. 

Natampal ko ang aking noo. “Gagi ka. Hindi. Kakaalam ko lang nga sa pangalan niya, e.” 

“Talaga?” Umaliwalas nag mukha nito. “Ano daw ang pangalan?” 

Ngumiwi ako. “Hector. Bakit?” 

Impit na napatili si Jean at sinulyapan si Hector nakayuko pa rin sa cellphone. “Tangina, pangalan pa lang ang gwapo na.” 

“Hoy, kayong dalawa. Anong pinag-uusapan niyo?” pagtataray ni Ate May sa 'min. “Umagang-umaga, ah.” 

“E, kasi naman, Ate May, tingnan mo 'yun oh.” Nginuso niya ang inuupuan ni Hector. “Tangina, ang gwapo. Ugh, Daddy Hector padapain mo ako.” 

Mahina akong natawa sa kagagahan nito at ganoon din si Ate May. 

“Nandito pala si Mr. Pogi. Chloe, 'di ba crush mo 'yan?” Kinindatan ako ni Ate na ikinasimangot ko. 

“Ate, hindi kaya!” I rolled my eyes at her. 

Pumalakpak si Jean. “Kaya pala ganoon 'yung tingin ni Mr. Pogi sa kaniya!” 

Ngumuso ako. Tinawanan ako ni Ate May at Jean. Ate May Ann instructed us to continue our works. Pansin ko rin na biglang nagdagsaan ang mga customer at panay ang nakaw tingin sa lalaking parang walang pakialam sa paligid. 

Hindi rin siya nagtagal, umalis din si Hector na may pagmamadali. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito at nagpatuloy sa pagtrabaho. Ngumangawa si Jean at Anika na tinawanan lang ni Ate May Ann. 

Buong araw naging busy ang café kaya hindi ako nakasilip sa phone ko sa locker. Baka nag-text si Madam o ang Doktor ni Clein. Ganoon din ang mga kasamahan ko. Busy kaming lahat. 

“Grabe! Sumakit bilbil ko kakalakad-lakad!” Humikab pa si Anika matapos sabihin 'yun. 

“Guys, sweldo na sa fifteen. Anong plano niyo?” tanong ni Jean. 

I shrugged off my shoulders. “Ewan. Ikaw ba, anong plano mo?” 

Jean grinned. “Maghanap ng pogi sa BGC.”

Napangisi ako nang kaltukan ni Ate May si Jean. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa nang dumating na ang aming mga karelyebo. 

Just like the other days, dahil seven pm ang out ko, tumambay ako sa silid ni Clein ng apat na oras. Nagsalo kami sa ulam na pancit na binili ko sa kanto. Siniguro kong tulog na siya nang umalis ako. 

I head straight to the Ferrell building and picked up the cart in the faculty room. Wala na sila Jayjay, siguro ay nauna na sila dahil malapit na mag-alas dose. Dumiretso ako sa top floor dahil alam kong wala na si Mr. Ferrell doon.

At tama nga ako. Wala na nga akong naabutang antipatikong bilyonaryong kinulang sa mabuting pag-uugali. Ngunit may napapansin akong kakaiba. I sniffed and roamed my eyes around, there's really something wrong. 

Nangunot ang noo ko nang may mapansin akong tela malapit sa office table nito. I bit my lip and pick it up, only to grimace. 

Kaninong ligaw na panty 'to? 

Mga Comments (26)
goodnovel comment avatar
Maryjane Dimaano
bkit na wala na un ibang tasking
goodnovel comment avatar
Carla Sandoval
ang mahal nman
goodnovel comment avatar
Henry Luzong
ang ganda sana.kaya lang may bayad.sayang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status