Share

Chapter 5

Kaninong panty 'to? 

Hindi ko maiwasang mapangiwi. Pikit-mata ko itong inilagay sa trash bin at nang mahulog ko na ito ay saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. I roamed my eyes around and pouted. Kaya pala pakiramdam ko may kakaiba. May kababalaghan sigurong nangyari dito kanina. 

I shrugged to myself and decided to start cleaning. Kumuha ako ng gloves at mop para unahin ang sahig. Tinali ko rin nang maigi ang buhok ko para hindi ito magsihulog habang ako'y naglilinis. Minsan kasi nakakarita na kaya naiisip kong magpagupit ng buhok. Si Clein lang naman ang dahilan ba't hanggang ngayon ganito pa rin ang buhok ko. He loves my hair and that's why I don't cut it anymore like before. 

Habang naglilinis, bigla akong napaisip. Ang unfair naman ni Mr. Ferrell na hindi ako pagtrabahuin sa bar e gayong siya ay nakikipag-siping sa iba. Baka may HIV pa 'yung babae at maipasa sa 'kin. Ang kirot niya sa atay, ha. Hindi ba makapagpahinga 'yang pututoy niya? Nakakainis. 

Sa gitna ng pagmomonologo habang naglilinis, napaigtad ako nang may pintong bumukas. Nilingon ito at napaawang ang labi nang lumabas sa pintong 'yung si Mr. Ferrell na hindi nakaayos ang pagkakabutones ng polo, kasunod nito ang babaeng tanging bra lang ang suot. 

Mabilis akong nag-iwas ng paningin nang dumapo ang atensiyon nila sa 'kin. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pinagpatuloy ang paglilinis, pilit inaalis sa isipan ang kanilang presensiya. Acting like they aren't here when they are, heck! 

“So, next time?” anas ng babaeng hindi man lang nahiya. 

Uhm... she's naked, people. Bra na lang ang natitirang saplot sa kanyang katawan. Nagkataon pang maliwanag ang buong opisina ni Mr. Ferrell kayang kitang-kita ang buong pisikal niyang pagkatao. Kinginang 'yan, hindi niya ba inisip na may inosente dito?

Uhm, inosente kasi ako. Slight.

“Not anymore,” Mr. Ferrell replied. “Get out.” 

Rinig kong suminghap ang babae. “Really, Cameron?! Pagkatapos mo akong gamitin, itatapon mo lang ako na parang b****a?! How could you?!”

Hindi ko mapigilang lingunin sila. Mr. Ferrell head straight to his office chair while fixing his polo. Mabilis din naman akong nagbaba ng tingin sa pagma-mop nang masulyapan ako ng pilak niyang mga mata.

“This will be the last time that I'll saw your face in my office, Carmina.” 

“It's Carmela!” 

Gusto ko tuloy bumungisngis. Ano ba 'yan. Ginamit niya na't lahat-lahat, pati basic information hindi man lang alam. Pero well, hindi niya rin naman inalam ang full name ko o personal information ko. He even settled with the agreement of letting me wear my mask during our sessions. Duh! 

Pinag-igihan kong mag-mop ng sahig habang ang aking tenga ay nakikinig sa kanila. Ramdam ko ang mga tinging ginagawad sa 'king pwesto ni Mr. Ferrell ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Kasi according to our head, kung ayaw ko pang mawalan ng trabaho ay h'wag ko raw pansinin ang antipatiko kong amo.

Oh, see? Rhyme God yata 'to.

“I don't care who the fuck you are,” malamig na utas ng binata. “Get out or I'll throw you out.” 

Grabe, ang lamig naman. 

“But, Cameron—” 

“You,” putol ng Mr. Ferrell sa sasabihin ng babaeng nakahubo. Nilingon ko ito at tinuro ang aking sarili nang mapansin kong sa akin ito nakatingin. “Get her out.” 

“Po?” Parang tangang tinuro ko ang aking sarili. “Ako po?”

Sinamaan ako nito ng tingin kaya't napalunok ako. Mabilis ngunit may pag-iingat kong binaba ang mop at nilapitan ang babae. Bigla tuloy akong naawa kaya binalikan ko ang trash bin at kinalkal ang panty niya. Ayos na 'tong nakapanty siyang lalabas, kaysa makita ang buong pagkatao niya, diyos ko naman.

“Why the hell did you throw my panty on the trash bin?!” sikmat nito sa 'kin at inagaw sa pagkakahawak ko ang panty niya. “Disgusting.” 

I grimaced. Uhm, did she called me disgusting? Or she's pertaining to herself. 

“Ma'am, pinapaalis na po kayo ni Mr. Ferrell,” I said. 

Pinasahan ko siya ng tingin. Not bad. Magandan siya at makinis, kaya siguro mataas ang confidence niyang ibandera ang nakahubo niyang katawan dahil may ibubuga naman pala siya. 

Matapos niyang maisuot ang panty, bumaling siya sa akin na may masamang tingin. “You're his new toy, aren't you?” 

I brows furrowed. “Po? Janitress—” 

“Well yeah, Bitch!” She eyed me head to toe. “You're so disgusting! Get the fuck away!” 

“Get out.” Mr. Ferrell's voice thundered the whole place. 

Bumaling sa kanya ang dalaga. “How dare you, Cameron! You're so ruthless!” 

Nilingon ko si Mr. Ferrell at nakita ang pag-ismid nito. Nagpindot-pindot ito sa telepono kaya't muli akong bumaling sa dalaga. I bit my lip and gestured the doorway. 

“Tara na po?” I asked politely. 

Muli niya akong tinapunan ng namimintas na tingin bago umirap at lumabas ng pinto. Ngunit bago siya lumabas, hinarap niya pa si Mr. Ferrell sabay sabing, “I'll get my revenge soon, Cameron! Wait for it, you ruthless jerk!” 

Hindi na ako nag-abala pang sundan siya dahil kusa na itong pumasok ng nakabukas na elevator. As soon as the door closes, a sad smile appeared on my lips.

Sobrang ganda na ng babaeng 'yun, pero binasura pa ni Mr. Ferrell. Paano na kaya akong pipitsuging dilag na naghahanap ng raket pangbayad sa hospital bills ng kapatid ko? Kaya siguro pumayag si Mr. Ferrell na h'wag nang ipakita anv mukha ko. He's feed up with pretty girls in his life and maybe that's the reason why he's looking for a prostitute. Kasi gaya ngayon, it's obvious na may feelings sa kanya ang babae. 

Ugh, kaya pala may pa-no strings attached ang mokong, takot pala talaga sa commitment.

Bumalik na ako sa pagtatrabaho nang hindi pinapansin ang lalakig focus kung makatingin sa laptop. Hindi ko tuloy maiwasang mapahanga sa kaniya sa kabila ng aking nasaksihan ngayong gabi. He still works even if it's almost midnight. Dapat pagod siya after ng kababalaghan nila, pero hindi, e. 

“Start cleaning and stop staring at me,” pagsusungit nito. 

I blinked several times and nodded my head. “O-Opo.” 

Antipatiko talaga!

Nagsimula na akong mag-mop ng sahig. Hindi ko maiwasang mapairap nang magsitakas ang mga baby hair ko mula sa pagkakatali. Ang awkward naman kung itatali ko ulit ang buhok ko e nandito ang amo kong antipatiko. 

“What's your name?” 

Natigilan ako sa pagma-mop at nilingon siya. I bit my lip and answered, “Chloe po.” 

He nodded and leaned against his seat. “Next time, when I tell you to push someone out, do it in an instant. Kung ayaw mong ikaw ang palayasin ko.” 

Napalunok ako sa uri ng kanyang titig. “O-Opo.” 

“And could you please stop biting your goddamn lips?” parang naiirita nitong ani.

Mabilis pa sa alas-kwatro kong binitawan sa pagkakakagat ang aking labi at mahinang humingi ng paumanhin. He told me to continue cleaning and that's what I did. 

Nang matapos ako sa sahig ay ang glass wall naman ang aatupagin ko. Kinuha ko ang pamunas at water spray. Tinabig ko ang malaki at mabigat at kurtina. Wala sa sarili kong kinagat ang aking labi nang bumungad sa 'kin ang malawak na siyudad ng Metro Manila. Ang ganda. 

Napaigtad ako nang makarinig ako ng tikhim kaya't mabilis akong nag-spray sa pader at nagsimulang magpunas. Pinilit ko ang sariling h'wag munang atupagin ang magandang tanawin dahil kasama ko pa ang ubod ng sungit at kinulang sa pag-uugali kong amo. 

Biglang sumagi sa isip ko ang babae kanina. Pagkatapos siyang gamitin ni Mr. Ferrell ay parang wala lang sa kaniya ang palabasin ang babae. Bigla ko tuloy naisip kung ganoon din ba ang gagawin niya sa 'kin. After using my body, he would just throw me out of his door and tell me not to come back. 

Parang ang harsh naman. 

Napanguso ako at nagpatuloy sa pagpupunas. Mas mabuti na rin 'yun. Walang puso si Mr. Ferrell, kaya't expected na na pagkatapos niya akong gamitin, pagkatapos niyang pakinabangan ang katawan ko, ibabasura na niya ako. 

“Why the fuck are you pouting in front of the wall?” 

Napaigtad ako nang dumagundong sa buong silid ang malamig niyang tinig. Kailangan ko pang lumunok dahil pakiramdam ko ay may bumikig sa lalamunan ko. Gustuhin ko mang manahimik ngunit hindi ko na napigilan ang bunganga ko.

“E kasi naman, Mr. Ferrell, bakit niyo po trinato ng ganon 'yung babae? Ang rude naman na bigla na lang siyang labasin kahit nakahubo. Ang rude niyo pa kung kausapin niyo, parang hindi niyo siya natikman.” Mabilis kong tinakpan ang aking bibig at bumaling sa kaniya. 

He dropped his pen and looked at me. “I don't eat pússy if that's what you meant.” 

“Hindi po!” Nanlaki ang mga mata ko. Grabe, ang blunt naman! “I-I mean po—” 

“I don't do commitments, Chloe. They offered their body and I'm no saint to decline them.” He licked his lower lip. “What do you expect me to do? Cuddle with her after sex? That's plain bullshit.” 

Napaawang ang labi ko. So he don't eat pússy nor do cuddles after sex? Cool. Kaya pala rumenta ng prostitute dahil gusto niya lang ng parausan. 

Grabe, ang sakit naman ng role ko sa buhay niya. Parausan lang. Pero kapalit naman noon pera, 'di ba? Kukumbinsihin ko na lang ang sarili ko. Dignidad laban sa pangangailangan. Sana lang hindi malaman ni Clein ang mga kagagahan ko. Ayaw ko pa namang nagagalit 'yun sa 'kin. 

I pouted again and sprayed water on the wall. “Kahit na. You should be more gentle when it comes to a woman, Mr. Ferrell. You shouldn't take them rough.” 

“I like it rough, Chloe.” 

Napalunok ako. The way my name rolled over his tongue made me blush. Kaya siguro crush na crush siya ni Cheryl. Ang lalim ng boses, nakakalunod. Dagdag pa 'yung panga niyang nag-iigting kapag nakikinig sa walang kwentang pinagsasabi ko.

“G-Ganu'n po ba?” mahinang usal ko. “Kayo rin. Kapag ba 'yung anak niyong babae ay trinato kagaya ng pagtrato niyo sa babae kanina, hindi kayo magagalit?” 

“Of course, I'll get mad.” His jaw clenched. Kitang-kita ko repleksiyon niya sa salamin kahit transparent wall ito. “And why the hell did we reached this kind of conversation?” 

Hinarap ko ito at namaywang. Hindi ko alam saan ko nakuha ang katapangan ko ngayong kausap ko siya. Ramdam ko ang bigat ng awra niya ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot. Lalo na nang salubungin ko ang malamig na titig ng kaniyang pilak na mga mata.

“Take a woman slowly. Hindi naman sa pinangangaralan kita, Mr. Ferrell. But I really hope you won't dump a girl just like that,” sambit ko. 

His face remained stoic. Humilig pa itong lalo sa kaniyang kinauupuan para tignan ako. “Why are you so talkative? I didn't hire a janitress to tell me the shits I need to do.” 

“Talkative ako kasi kinakausap niyo ako.” Hay, akala ko pa naman matalino 'to. Slowpoke rin pala. Hay! 

“Start cleaning now so you can leave.” 

Sana naman hindi "you're fired" ang bagsak ko. Kainis na bibig din 'to! 

--

I held his hand and smiled. Isang magandang balita ang bumungad sa 'kin kanina. Meron daw'ng handang ipagbili ang kaniyang kidney kay Clein para sa malaking halagang pera. Kinausap ko rin si Madam Julia kanina at ang sabi ay naglagay na raw ng pera si Mr. Ferrell sa bangko para sa unang buwan ko kahit hindi pa ako nakakapagsimula. 

“Malapit ka nang gumaling, Clein. Makakalabas ka na rin dito,” mangiyak-iyak kong saad. 

Ramdam kong pinisil nito ang kamay ko. “Maraming salamat, Ate. A-Ang saya ko. Maagang birthday gift mo sa 'kin.” 

I chuckled and lift his hand to kiss the back of his palm. “Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo, gagawin lahat ni Ate para mailabas ka sa ospital na 'to. Pag-aaralin kita sa unibersidad na gusto mo. Sa Ateneo gusto mo, 'di ba? Pagkalabas mo rito at pagkagaling mo, doon ka ipapa-enroll ni Ate. Ano, game?” 

“Pero, Ate, mahal masyado sa Ateneo. Konti lang sweldo mo sa café tapos—” 

“Hush,” I cut him and smiled. “H'wag mo nang isipin pa ang pera. Let me handle everything, okay? Kaya natin 'to.” 

Biglang tumunog ang phone ko, indekasyon na kailangan ko nang pumasok sa café. 

“Humayo ka na, Ate. Aantayin kita mamayang gabi. Mag-iingat ka po,” Clein said. 

Nginitian ko ito at tumayo. Yumukod ako para halikan ang kaniyang noo at pinisil ang kaniyang ilong. “Kapag may kailangan ka, pindutin mo lang ang button na 'to, ha? Ikaw rin, mag-iingat ka rin dito.” 

Nagpaalam na ako at lumabas na ng silid. Dire-diretso ang lakad ko dahil baka ay ma-late ako. Paniguradong inaantay na ako ni Cheryl doon. 

At tama nga ang hinala ko. Nang makarating ako ng café ay nadatnan ko si Cheryl na nakatambay sa counter habang nakatitig sa kaniyang selpon. 

“Hoy!” Panggugulat ko rito.

“Ang bwakanangshit!” Natawa ako sa biglang usal nito. Sinamaan niya ako ng tingin at sumimangot. “Gagi ka, Chloe.” 

I smiled. “Anong kinabi-busy-han mo sa phone mo at hindi mo man lang ako napansin?” 

Ang kaninang simangot ay napalitan ng malawak na ngisi. She showed me her phone. “Look! Usap-usapan sa social media na binasura na raw ni Cameron si Kaycee.” 

Tinignan ko ang phone niya at napaawang ang labi. It was the girl from last night! 'Yung nakahubong lumabas ng private room ni Mr. Ferrell! Grabe talaga. Totoo ngang may tenga ang lupa at may pakpak ang balita. 

“Ganoon kasikat si Mr. Ferrell?” I asked. Umangang-umaga, may chismis ako mula kay Cheryl. 

She nodded. “Sikat na sikat si Mr. Ferrell, Dzae! Mag-post lang siya ng pic sa I*, may bayad na 'yun. Tatlong picture, equals isang Lambo car.”

Pinigilan ko ang sariling mapanganga. Ganoon pala ka-influencial si Mr. Ferrell, e sinasagot-sagot ko lang 'yun kagabi. 

“Bakit daw binasura?” I asked curiously. 

Nagkibit-balikat siya. “Ewan. Kung tutuosin, na kay Kaycee na lahat. Yaman at ganda, pati na rin pagiging sikat. Pero ang bali-balita, bitch daw ang pag-uugali niya. Kaya siguro tinapon na ni Mr. Ferrell.” 

Tumango ako at muling tinignan ang kaniyang phone. Grabe. Sikat at mayaman na 'yan, tinapon niya pa. Paano kaya ang prostitute na gaya ko? 

Hay naku, mundo. 

Comments (16)
goodnovel comment avatar
DJRose Andrada-Halina
I thought it was free....D pala...
goodnovel comment avatar
Jazzy o
pa unlock nman pls
goodnovel comment avatar
Jenny Lyn Barrantes
pa unlock po..akala ko po my free pg manood ng ads..wala nman po ads..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status