Share

Chapter 1

Chapter 1: Light

Ilang beses na bang ganito na lang ang nangyayari sa buhay ko?

Lungkot . . . sakit . . . poot.

Hindi ko alam kung nararapat pa ba akong mabuhay sa mundong ito. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang totoong kasiyahan. Pati pagmamahal na siyang kay tagal kong inaasam-asam ay ipinagkait din sa akin.

Sa madaling salita, walang silbi ang buhay ko.

Napasubsob ako sa sahig habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata dahil sa malakas na pagkakasampal sa 'kin ni madame.

Iyak ako nang iyak at patuloy na umiiling, sinasabing hindi totoo ang mga ipinaparatang nito sa akin.

"Hayop ka! Malandi! Ahas! Nandidiri ako sa 'yo!"

Yumuko ako at kinagat ang aking labi, sinusubukang indahin ang sakit nang sabunutan ako ng aking amo. Marahas naman akong napabuga ng hangin nang sampalin ulit ako nito. Napapikit ako dala ng pinaghalong hapdi at sakit na lumukob sa buo kong mukha.

"Walang-hiya ka! Pagkatapos kitang kupkopin ng tatlong taon, pinatira dito sa bahay ko, pinakain at pinahiga . . . tapos ito lang ang isusukli mo sa pagtulong ko sa 'yo?!"

Kahit hirap na hirap ay patuloy lamang akong umiiling.

"Nagawa mo pa talagang landiin ang asawa ko?! Napakawalang-hiya mong babae ka!"

"H-Hindi, hindi ko p-po siya n-nilandi. S-Siya po itong pumasok sa kuwarto ko a-at-"

Hindi ko naipagpatuloy ang aking dapat na sasabihin nang sabunutan ako nitong muli.

"Tapos ngayon ay gumagawa ka na ng kuwento. Hoy, babae! Kilala ko ang asawa ko. Mahal na mahal ako no'n kaya huwag na huwag mo itong sisiraan sa harap ko! Ikaw itong malandi kaya huwag mong ipasa sa iba ang kasalanang nagawa mo!"

Hindi na ako nakagalaw nang ihagis ako nito sa isang upuang gawa sa matibay na kahoy. Napahiyaw ako sa sakit nang tumama ang aking ulo sa dulo ng upuan. Kaagad kong naramdaman ang walang humpas na hapdi sa gilid ng aking noo kung saan malalang napuruhan.

"Linisin mo ang sarili mo. Ayaw kong makita ka ng mga anak ko na ganiyan ang itsura mo," huling sabi nito bago ako iniwan sa kanilang sala.

Napasinghap ako nang maramdaman ang pagdaloy ng likido sa aking noo papunta sa aking pisnge. Isinandal ko ang aking likuran sa pader at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

Hindi ito ang unang beses na sinaktan ako ng ganito ng aking amo. In fact, it's been 3 years since I've stayed in this house and suffered all her abusive acts. Oo nga't kinupkop niya ako, ngunit kapalit naman no'n ay ang pang-aalipin at pang-aabuso niya sa 'kin.

Ilang beses na rin akong pinagtangkaan ng asawa nito, tulad na lamang ngayon. Nakakainis dahil palagi nitong pinapanigan ang asawa at hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag ko.

Pero sino ba naman ako para siya'y maniwala? Pagak akong napatawa.

Isang hamak na ulilang nagkataong tumulong sa kaniya sa isang pagnanakaw kaya'y tinanaw itong utang na loob at bilang pasasalamat ay ipinatira ako nito sa kanilang bahay.

I am just a nobody; a nobody who is useless and futile.

Napailing na lang ako at yumuko. Well, this is my life. A life far from what I wished and expected.

Siguro nga ay hindi na ito magbabago. Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon sa pagbigay nito sa akin ng pagkakataong mabuhay at masilayan ang mundo.

I guess, I should live with this life . . . until the very end.

⚜ ⚜ ⚜

"Ate Krysta, hindi mo pa rin po ba hahanapin ang mommy at daddy mo? Hindi po ba sinabi ninyong iniwan ka nila? Pero bakit po? Hindi ka po ba nila mahal?"

Napangiti na lang ako habang pinakikinggan si Ishe, ang bunsong anak ni madame. She is a bubbly, cute little girl who's always fond of reading books and curious about so many things.

No wonder she always ace her classes in most of her subjects.

"Pero 'di ba, po, sabi mo ay hindi mo pa sila nakikita? Paano mo sila hahanapin?" Ngayon ay tumigil na ito sa pagbabasa at tumingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako at akmang magsasalita ngunit naunahan na ako nito.

"Baka po kinain na sila ng mga monsters! Baka . . . baka naging monsters na rin sila!" pasigaw nitong turan habang nakatakip ang dalawang maliliit na kamay sa kaniyang bibig.

I chuckled with what she said. What do I expect? She's still a 5-year old kid, her mind is still caught up with fantasies and unrealistic creatures. She may be a bookworm, but that doesn't remove the fact that kids in that age do not intend to make things like this a big deal.

Nilapitan ko ito at ginulo ang kaniyang maitim na buhok. Umupo ako sa kaniyang kama at tipid na ngumiti.

"Para sagutin ang lahat ng tanong mo, oo, hindi ko na hahanapin ang mga magulang ko. Oo, iniwan nila ako sa isang bahay-ampunan ilang linggo pa lang bago ako isinilang. Hindi ko alam kung bakit nila iyon ginawa at kung mahal ba talaga nila ako. At, oo, hindi ko pa sila nakikita kaya hindi na ko rin alam kung paano sila hahanapin."

Bumuntong-hininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ramdam kong nakahiga na si Ishe sa aking tabi.

"Labing-pitong taon na akong nawalay sa kanila, siguro ay kaya ko namang mabuhay nang wala sila, Ishe. Hindi ko na sila hahanapin, ngunit kung balang-araw ay darating ulit sila sa buhay ko, tatanggapin ko pa rin sila. Mahirap man pero kailangan-kailangan ko ng sagot sa aking mga katanungan tungkol sa pag-iwan nila sa akin."

"Kaya ikaw, mahalin mo ang mga magulang mo. Alam kong mabait kang bata ka, pero sana ay magtagal iyan, ah? Isipin mo na lang na napakasuwerte mo dahil mayroon kang mga magulang. Mahalin at alagaan mo sila dahil hindi lahat ng bata ay binigyan ng magulang na magmamahal sa kanila."

Pait akong napangiti at magsasalita na sanang muli nang makitang nakatulog na pala ito sa aking gilid.

"Ang batang 'to talaga . . ." Napailing ako at tumayo habang inililigpit ang mga librong kaniyang binabasa kanina. Kinumutan ko ito at binigyan ng halik sa noo.

"Mahal ka ni ate. Tatlong taon na tayong nagsama kaya napalapit ka na sa 'kin at itinuring na ring parang sariling kapatid. Magpakabait ka, ah? Malayo pa ang mararating mo, Ishe. Magsumikap ka lang at magtiyaga nang sa gayon ay makakamit mo ang buhay na gusto mo."

Nagtungo na ako sa pintuan at pinatay ang ilaw ng silid. Binigyan ko ng huling tingin ang bata bago tuluyang isinara ang pinto.

Napangiti ako. Masiyadong mabait ang batang iyon. May dalawa pa siyang nakatatandang kapatid na kapuwa rin mga babae, pero hindi ko sila gaanong nakasama dahil ilap din sila sa 'kin. Tanging si Ishe lang ang lumalapit at kinakausap ako kaya mas lumalim talaga ang pagsasama naming dalawa.

Tahimik at madilim na ang paligid nang marating ko ang sala ng mansiyon. Alas diyes na ng gabi at hindi na kataka-takang ito ang maaabutan ko.

Dali-dali, ngunit maingat kong tinahak ang daan mula sa loob ng bahay papuntang labas upang makatungo sa basement kung saan naroroon ang aking munting silid-pahingahan.

Minabuti kong itago ang aking presensiya, mahirap na at baka nandito na naman ang asawa ni madame. Ayoko nang mapagtangkaang gahasain ulit. Nakaka-trauma man, pero kailangan kong maging matatag at labanan ang hayop na 'yon.

Nang makarating ay tinapos ko na ang lahat ng aking mga gawain at naisipang humiga sa kama. Wala sa sariling hinawakan ko ang bandage na nasa gilid ng aking noo at napangiwi na lang nang makaramdam ng kirot.

Dulot siguro ng pagod at puyat, kaagad akong dinapuan ng antok. Ipinikit ko ang aking mga mata at kalauna'y nagpakain ng kadiliman.

⚜ ⚜ ⚜

Kasalukuyan akong nandito sa lungsod ng aming lugar. Inutusan ako ng aking amo na mamalangke dahil mauubasan na kami ng mga pagkain sa mansiyon.

Lihim akong nagpasalamat dahil inutusan ako nito nang sa gayon ay pansamantala akong makalayo sa pamamahay na iyon.

Nais ko munang makahinga nang maluwag sa lahat ng mga pinagdaraanan ko. Ayoko munang marinig ang mga utos at pagalit na tono ni madame sa tuwing nagkakamali ako ng kaunti sa aking mga ginagawa. Ayoko rin munang makasagupa ang asawa nitong palagi na lang akong tinitingnan na may pagnanasa. Idagdag pang marinig ang mga masasakit na salitang ibinabato sa akin ng mga nakatatandang kapatid ni Ishe.

Gusto ko munang makatakas at mapag-isa. Alam kong sa paraang iyon ay maaasikaso ko muna ang sarili ko kaysa sa iba.

Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay sa aking mga pinamiling prutas nang mamataan ko sa 'di kalayuan ang isang batang lalake na biglaang tumawid sa gitna ng kalsada.

Kaagad nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan, lalo na no'ng mapatingin ako sa ina nitong nakatalikod sa gawi ng kaniyang anak dahilan upang hindi nito mapansin ang paglayo ng bata mula sa kaniyang puwesto.

Mula rin sa 'di kalayuan ay ang pagsulpot ng isang humaharurot na kotse.

Its loud and irritating beeping sound covered the whole downtown, making everyone turn to its direction.

Napasinghap ako nang makita kung paano nadapa ang kawawang bata sa gitna ng kalsada habang 'yong kotse naman ay hindi humihinto sa mabilis nitong pagtakbo.

Masasagasaan siya!

Kahit kinakabahan ay walang pagdadalawang-isip na tinakbo ko ang aking distansiya mula sa fruit stalls papunta sa gitna ng kalsada. Dulot siguro ng adrenaline rush ay mabilis kong natawid ang distansiya namin.

Nang makarating sa gilid ng bata ay mabilis ko itong binuhat.

"Salo!" Buong pwersa ko itong inihagis sa isang lalakeng may edad na nakatayo sa isang gilid. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang maayos nitong nasalo ang bata.

Ngunit, bago pa man ako makakilos ay nakaramdam ako ng kung anong sumapol sa akin. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao subalit hindi ko iyon alintana at napapikit na lang nang lumukob sa 'king buong katawan ang walang humpay na sakit.

The excruciating pain scattered in every part of my body. I also taste blood in my mouth which added to the dreadful feeling.

Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata, may kung anong bola ng liwanag na lumitaw sa aking harapan. Humugot ako ng isang malalim na hininga nang maramdaman ang init sa oras na dumapo ito sa akin.

Kasunod no'n ay ang pagbigat ng aking mga talukap na siyang dahilan upang ako'y mabalutan ng walang hanggang kadiliman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status