Share

Chapter 3

Chapter 3: The Sentinels

Hanggang ngayon ay lubos ko pa ring iniisip itong mga pangyayaring biglaang dumating sa buhay ko.

One time, I was an abused and pitiful orphan living in a cruel world. Then another time, I came into this so-called magical world where it can only be found in fantasy books and movies.

Isang araw na'ng lumipas simula no'ng dumating ako sa mundong ito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang intindihin lahat ng mga sinabi noon ni Queen Blythe at ngayon ay kay Alex.

Mahirap tanggapin ang lahat. Mahirap isiping nabuhay pa talaga ako pagkatapos ng lahat ng mga sakripisyo at paghihirap na aking pinagdaanan. Mahirap ipagkaloob sa aking isipan na sa ibang mundo pa talaga-mundong hindi ko inaakalang umiiral, ako'y nagkaroon ng silbe at halaga.

Nais ko mang tumanggi at hindi tanggapin ang mga bagay na ipinapagawa at ipapagawa ng mga nilalang na 'to sa akin, ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay bigla na lamang akong nauumid. Mayroong kung anong nag-uudyok sa akin upang tulungan ang mundong ito . . . mundong kakaiba, hindi kapani-paniwala, at nararating lamang sa ating pantasiya.

Sa loob ng isang araw na pamamalagi rito sa aking silid, ilang beses akong binibisita ni Alex upang bigyan ng makakain at magbahagi na naman ng mga impormasiyon tungkol sa Aerydone at sa tungkulin ko.

The Sentinels.

These Aeons were the chosen deputy of their kingdom. Mismong mga hari't reyna ng kani-kanilang mga kaharian ang pumili sa mga ito bilang mga tagabantay. Maaaring sila ang pinakalamalakas at mahusay na mandirigma sa kanilang pinanggalingan kung kaya sila'y napili, o sadyang mayroong nakitang espesyal ang mga royalties sa kanilang katauhan.

Unfortunately, I am one the Sentinels.

They are the primary defense of Aerydone against Voltur, the so-called evil destroyer of this world who possesses dark magical mana which does destruction.

"Handa ka na ba?"

Tumayo ako mula sa aking kinahihigaan nang dumating si Alex. Ngayong araw mismo ang simula ng aking pagsasanay bilang isa sa mga tagabantay, at ngayon ko rin makikita ang kapuwa ko Sentinels.

Sa totoo lang ay wala akong hilig sa pakikipaglaban, ngunit wala naman akong magagawa dahil mamamatay rin ako 'pag hindi ako lalaban.

"I've got no choice," mariin kong saad at nauna nang lumabas ng silid. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Alex na nasa aking likuran.

"Follow me."

Nagsimula siyang maglakad patungo sa kung saan. Sumunod ako habang hindi iniinda ang bigat ng aking kasuotang kaparehong uniporme na isinuot ni Alex kahapon. Ang kaibahan nga lang ay kulay puti ang baluti ko habang sa kaniya'y itim.

Kapansin-pansin din ang nakasabit na espada sa aking bewang. Pakiramdam ko ngayon ay bigla akong bumalik sa nakaraan kung kailan ganitong-ganito ang kasuotan ng mga mandirigma.

Hindi ko maitatangging minsan ko na ring ginustong matutunan ang paghawak ng mga sandata buhat na rin ng mga napapanood kong mga pelikulang aksyon noon. Pero ngayong nasa aktuwal na pangyayari na ako ay hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.

Nakakapanibago . . . Nakasasabik . . . Nakakatwa.

"We're here."

Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalitang muli ang babae. Hindi ko nagawang pansinin ang nga dinaraanan namin kanina dahil sa dami ng aking mga iniisip. Ngayon naman ay nakatayo kami sa harap ng isang malapad na pintong gawa sa kahoy. Sa gitna nito ay nakaukit ang isang simbolong parang hugis bituin o bulaklak.

Nakapagtataka, ngunit ramdam ko ang lakas ng mga presensiya ng kung sino man ang nasa likuran ng pintong ito.

"By the time we get in, be sure to be alert. The Sentinels are performing their mana battle right now, ibig sabihin ay nagpapalakasan ang mga ito sa pagpapalabas ng kani-kanilang kapangyarihan."

Palihim kong kinagat ang aking labi. Ano'ng mangyayari 'pag matamaan ako ng mga kapangyarihan nila?

"Stay low. Mahirap na kung matamaan ka ng kahit isa sa kanilang kapangyarihan. Remember, they're not just ordinary Aeons," paalala nito at ramdam ko ang diin sa kaniyang boses.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

Itinapat nito ang kaniyang palad sa pintuan at mula roon ay lumabas ang puting ilaw na hindi gaanong nakasisilaw.

Nang sandaling bumukas ang pinto ay nanlaki ang aking mga mata nang mamataan ang isang bola ng apoy na lumilipad patungo sa aking direksyon. Natutop ako sa 'king kinatutuyuan, ngunit mabilis ko namang naramdaman ang isang malakas na puwersang humila sa akin pababa.

"I told you to be alert!" asik sa akin ni Alex. "Bryle's fire isn't a joke. Puwede ka nang matusta sa apoy na 'yon!"

Nanlalaki pa rin ang aking mga mata at sinusubukang isaloob ang situwasyong magiging dahilan ng malapit kong kamatayan. Masiyadong mabilis ang nangyari kaya hindi ko alam kung ano'ng i-r-react.

"Papasok tayo, huwag kang lalayo sa 'kin. Again, stay alert and do not let your guard down. Walang preno at pasensiya ang mga taong nasa loob." Nagsimulang kumilos ang babae paabante.

"T-Teka-"

Hindi ko na nagawang tapusin ang aking dapat sabihin nang mabilis itong nakapasok. Dali-dali naman akong sumunod at mainam na minamasdan ang paligid.

Bumungad sa amin ang isang malawak na bulwagan, ngunit hindi ko na nagawang mamangha sa matikas at magarang silid nito nang mapansin sa 'di kalayuan ang isang lalakeng nakalutang sa ere. Sa tapat nito ay isa ring lalakeng nakalutang at nababalot ang ibabang bahagi ng katawan ng apoy.

"Stay low," rinig kong saad ni Alex kaya nabaling ang aking atensiyon sa kaniya. Tumango ako at napagpasiyahang ilibot ang paningin.

Dumako ang aking mata sa kabilang parte ng silid nang makarinig ng isang babaeng sumigaw.

"Walang-hiya ka, Shahne!"

Nakita ko kung paano ito nagpalabas ng tubig galing sa kaniyang mga kamay. Pinupuntirya ng kaniyang tubig ang lalakeng nasa ere na nakasakay ng isang parte ng lupang nakaangat.

"Hindi mo ako matatalo sa mga ganiyan mo, Bri. Subukan mong lumipad at magkaalaman na," mababakas ang pang-aasar sa boses ng lalake na sinabayan pa nito ng isang mahinang pagtawa. Malakas na napaungol ang babae at wala sa oras na napasipa sa sahig. Kasabay no'n ay ang pagbuo ng isang malaking along nasa sampung metro ang taas.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Kinabahan ako sa maaaring maging kahihinatnan naming lahat dito sa loob ng silid dahil sa malaking alon na nasasaksihan. Baka malunod kami nang wala sa oras! 

"Woah, easy there. Kalma lang, hindi pa nga ako umaatake rito." Tumawa na naman ang lalake na para bang hindi nasindak sa malaking along nasa kaniyang harapan.

Napatigil naman ako sa pagkilos nang makaramdam ng matinding init sa aking harapan. Paglingon ko ay ang siyang pagbulusok muli ng apoy sa aking direksiyon, ngunit ngayo'y hindi na lamang ito bola kung hindi ay mga malalaking halaga ng apoy na handa akong lamunin nang buhay.

"Run!"

Hindi ko alam kung dulot ba iyon ng kaba o kagustuhang makatakas muli kay kamatayan, subalit mabilis akong tumakbo papalayo sa puwesto ko. Nakita kong hindi ako aabot roon sa parteng hindi tatamaan ng apoy kung kaya'y buong puwersa akong tumalon at inihagis ang sarili sa isang gilid.

Ramdam ko ang kirot sa aking kanang braso na siyang sumalo sa bigat ng aking katawan.

"Up, now! Kailangan nating makalayo rito sa gitna!"

I groaned. Nakasalampak na ako rito sa sahig habang iniinda ang sakit tapos iyan lang ang maririnig ko galing sa kaniya? Hindi ko alam kung sasama ba ang loob ko o ano, ngunit mas pinili ko na lang na ipagsawalang-bahala ang bagay na iyon.

Mas gugustuhin ko ring makalayo mula sa mga agresibong tao na ito. Ayokong mamatay dahil lang sa kanilang pagsasanay ng kapangyarihan.

Tinulungan ako ni Alex na makatayo at inakay papunta sa dulo ng silid. Habang papunta kami roon ay napapansin ko ang unti-unting paglaho ng kirot na aking nararamdaman. Pagdating namin sa dulo ay namataan ko ang isang hagdang patungo sa itaas at bandang gitna ng silid.

"Can you climb?" she asked, turning to my direction.

"I-I think so. Wala na akong maramdamang sakit," nagtataka kong sambit at kumalas na sa pag-akay niya. Kita ko kung paano ito ngumiti at sumenyas na sumunod.

Nakapagtataka pa rin ang biglaang pagkawala ng kirot sa aking braso, pero hindi ko na ulit iyon pinansin at umakyat na sa hagdan. Nang marating ang itaas ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng silid. Nasa tapat ko na rin ang mga taong nakalutang pa rin sa ere at walang humpay sa pagpapalitan ng mga atake.

Sumandal ako sa mga bakal na riles habang namamanghang pinagmasdan kung gaano kahusay ang mga Aeons na 'to.

Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng kapangyarihan?

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni nang hindi sinasadyang mapunta sa direksiyon namin ni Alex ang nagliliparang piraso ng mga bato galing doon sa lalakeng katapat ng babaeng nagpapalabas ng tubig.

Iiwas na sana ako sa mga batong iyon, ngunit nasaksihan ko naman kung paano ito naglaho na parang bula.

"I've created an invisible barricade around us to dodge the attacks. Mahirap na kung matamaan pa tayo sa kanilang mga atake."

Kumunot ang aking noo sa ipinahayag ng babae. "Kung gano'n ay bakit hindi mo ito ginawa kanina no'ng papasok at papunta pa lamang tayo rito? Masiyadong delikado ang ginawa nating pagtawid kanina." Alam niya naman pala kung paano gawin ang bagay na 'to tapos ngayon niya lang ginawa?

She cleared her throat. "Actually, I was testing your primary skills in battle fighting. Tiningnan ko kung paano mo dalhin ang iyong sarili sa gitna ng labanan; how you perform self-defense and protect yourself and how alert and vigilant you are from incoming attacks."

Hindi ako nakapagsalita sa itinuran nito, sa halip ay bahagyang tumaas ang isang kilay. Alam kong ginagawa niya lang iyon upang subukin ako, pero paano 'pag namatay talaga ako roon? Hahayaan lang nila ako, gano'n?

Bahagya akong napabuga ng hangin upang maibsan ang inis na nararamdaman.

Mayamaya'y napatingin ulit ako rito nang bigla nitong ikinumpas ang kaniyang mga kamay. Namangha ako nang lumitaw ang isang malaking bola ng liwanag sa gitna ng silid, dahilan upang makuha nito ang atensiyon ng lahat.

Natigilan iyong mga Aeons na naglalaban-laban at sabay na lumingon sa aming direksiyon.

"Sentinels, may I have your attention for a while," may awtoridad na saad ni Alex.

Nakita ko kung paano bumaling sa akin ang mata ng mga tagabantay. Nailang ako sa uri ng kanilang tingin na tila ba'y sinusuri ng mga ito ang aking pagkatao.

"I want you to meet the last member of the Sentinels. Your comrade and battle sister, Krysta Delvana."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status