Share

Chapter 67

Chapter 67: Her Decision

Sinamaan ko ng tingin si Crane nang magawa nitong sugatan ang aking pisnge. Bumwelo ako patalikod bago siya sinipa sa tiyan at nagpakawala ng malakas na puwersang nagpatalsik sa kaniya papalayo.

Nahawi ang lahat ng mga nilalang sa kaniyang likuran kung saan siya bumulusok. Napangiwi ako nang tumama ito sa malaking bato na nasa malayo.

Hindi na ako nag-abalang atupagin ito at pinuntahan ang aking mga kasamahan upang tulungan. Naramdaman ko na ang kaunting pangangalay at pagod sa katawan, pero ininda ko ito at naglabas ng alon ng enerhiyang nagpalakas sa mga kaalyado namin.

Napunta ang aking paningin kay Shahne na abala sa pakikipaglaban kay Grim nang dambahan siya ng limang higanteng goblins.

"Ang baho n'yo! Putang-ina!"

Narinig ko ang pagmumura nito kaya napailing ako't mabilis itong pinuntahan. Inilabas ko ang aking espada at walang pasabing sinangga ang dalawang ni Grim.

Sumingkit ang mga ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status