Share

Chapter 69

Chapter 69: Mortem

Nag-aalala kong tiningnan si Hera sa mag-isang kinakalaban ang dambuhalang halimaw na halos sirain ang kabuuang bahagi ng magkatabing kaharian ng Breshire at Deandrelle.

Mabuti at nagawang mailikas ng aking mga kasamahan ang halos lahat ng mga mamamayan ng dalawang kaharian. Sa ngayon nahati ang mga ito at kasalukuyang naroon sa Asteria at Floreshia. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ng mga lalake, ngunit kamangha-mangha at nagawa nilang mailigtas ang Shires at Deanders sa loob lamang ng limitadong oras.

Sabay kaming tatlo na napaiwas sa isang malaki at makapal na sementong lumilipad tungo sa aming direksiyon.

"Tutulungan ko ang Enchantress. Kayong dalawa na ang bahala sa iba pang mga sibilyan na hindi nailikas."

"Travis, wai—"

Hindi ko na nagawang pigilan ang lalake nang mawala kaagad ito sa aking paningin. Nag-aalala ko namang binalingan si Tross, sinasabing sundan nito ang kapatid niya.

"No, I'm
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status