THIRD PERSON’S POV
Halos twelve midnight na ng matapos si Isla sa gabihang trabaho niya. Ginagalaw-galaw niya ang ulo dahil sa pangangalay nito gawa nang napakadaming trabaho kanina.
“Oh, Davina! Sahod mo!” Abot sa kaniya ng manager niyang laging galit sa kaniya ng sobreng puti. Hindi niya alam kung bakit napakainit ng ulo nito sa kaniya. Wala naman siyang maisip na ginawang hindi maganda sa kaniya. Nagpasalamat siya at binuksan agad ang sobre, pero napansin niyang kulang ito.
“M-miss, kula─”
“Kinaltas sa mga utang mo, huwag ka nang magtanong!” sigaw niya na naman kay Isla. Hindi na siya nakapagsalita dahil pakiramdam niya ay wala rin naman siyang karapatan. Napapahiyang napangiti na lang siya nang pilit sa mga kasama niya.
Dismayado si Isla na umuwi ngayon dahil sa natanggap niyang sahod. Iniisip niya pa lang kung paano niya pagkakasyahi
THIRD PERSON’S POV“Ayon! Kumpleto na tayo, so shall we start?” bungad ng principal sa kaniya. Malalaking hakbang ang ginawa niya at tumabi sa mga kapatid. Hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya sa babaeng kapatid. Hinawakan niya ang mga kamay ng mga kapatid para iparamdam na nandito siya at hindi na nila kailangang matakot.“A-ate,” nanginginig na tawag sa kaniya ni Ashleigh. Napatingin siya sa kapatid at hinalikan ang noo.“Shh. Nandito na si ate,” pag-aalo niya sa kapatid.“Ang kapal naman talaga ng mga mukha niyo! Sa dami ng utang niyo sa amin nagawa niyo pang saktan ang anak ko! Mga wala kayong utang na loob!” Nagulat siya nang biglang sumigaw si Mrs. Meiji, parang umuusok ang ilong nito sa galit. Napadako ang tingin niya sa pasa ng anak ni Mrs. Meiji. Hindi siya makapaniwala! Si Asher ba ang may gawa niyan? Pinigilan niyang tumingin kay A
THIRD PERSON’S POV“Bakla, gising na! Nandito na si Ma’am.” Naalimpungatan si Isla nang makaramdam siya nang mahinang pagtapik sa balikat niya. Ayaw pa sana gisingin ni Sasa ang kaibigan dahil alam niya ang pagod at puyat nito ngunit kailangan niyang kausapin ang kanilang Professor, iyon lang naman ang ipinunta ni Isla sa eskwelahan.Nakausap niya na ang iba nilang Professors. Buti na lang at nagbigay sila ng considerations para sa kaniya. Kinailangan niya munang manatili sa school para hintayin ang oras ni Mrs. Manuel, ito lang naman ang mahigpit sa lahat ng Professors nila.Nagkusot ng mata si Isla nang makita na papasok na ang kaniyang terror na Professor. Nanginginig na ang kaniyang tuhod sa kaba, magaling kasing mamahiya ang Professor na ito. Hindi nagbibigay ng konsiderasyon kaya tahimik silang magkaibigan na nagdadasal na sana ay magkaroon ng himala bigla.Rinig na rini
ISLA’S POVKanina ko pa tinatawagan si Adam pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sa tagal na naming magkaibigan, ilang beses na rin naman kaming nagkatampuhan at nag-away. Kahit kasalanan ko, siya pa rin ang unang kakausap sa akin o minsan, tatawag lang ako tapos sasagutin niya tapos magkakaayos na.Ngayon niya lang ako binalewala ng ganito kasi hindi niya ako kayang tiisin eh. At hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ayoko na galit siya sa akin.Hindi ko naman sinasadya. Nakukuha ko rin naman ang punto niya.“Ate, ayos ka lang ba? Nahihilo na kami sa palakad-lakad mo.” Napatingin ako kay Asher nang sabihin niya iyon. Napakagat-labi ako nang ma-realize na nandito pala sila, kasama ko.Tumigil ako at umupo na lang sa kusina. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko. Paulit-ulit ko ibababa sa lamesa at saka kukunin pabalik.Tinawagan k
ISLA’S POVNakita ko ang paglapit niya at binuklat ang bag na dala ko. Bago ko pa pigilan ay hawak-hawak niya na sa kamay iyong red na dress!“Wow! May date ka? Sino iyan, ha?” tanong niya habang sinisipat ang design ng dress. Inagaw ko ito sa kaniya at umiling.“Wa-wala! A-ano lang… wala lang.”“Hmm?” Pinaningkitan niya ako ng mata, hinahanap kung nagsisinungaling ba ako. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil feeling ko madali lang niya akong basahin.“Tsk! Wa-wala nga.”Okay, ngayon pa lang ay hindi ko na kayang sabihin. Feeling ko maiintindihan niya ako pero nahihiya ako!Umupo siya sa katapat na sofa, kung saan sila nag-ano kanina. Tsk. Tahimik lang siya at inopen iyong TV niya. Parang naging malalim ang tingin niya at biglang naging seryoso.Kinakaba
ISLA’S POVHindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa club ngayon at balak ibenta ang katawan. Parang ngayon ko lang naproseso ang lahat at natauhan. Pwede pa naman sigurong umatras ‘di ba? Wala pa namang customer eh. Aalis na lang ako.Nilibot ko ulit ang aking mga mata sa aking mga kasama na naririto. Iyong iba ay parang wala lang ito na tipong sanay na sanay na sila. Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanila ba o sa aking sarili.Dahil sa kaba ay balak ko nang umatras at lumabas. Bahala na!Tumayo ako at pinihit ang seradura ng pinto nang bilang pumasok si Sweetie na tuwang-tuwa. Nagulat siya nang makita niya akong papalabas.“Isla?! Anong ginagawa mo?” tanong niya, kita pa rin ang kinang sa kaniyang mga mata. Mukhang may natanggap siya na magandang balita.“Ah, gu-gusto ko na sanang u-umu─&rdq
ISLA’S POVNanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang baritonong boses ng lalaki. Siya iyon! Siya iyong lalaki kagabi sa club! Siya ba? Siya ba ang bumili sa akin?Gusto kong sampalin ang pisngi ko kung totoo ba ito o namali lang ako ng pinuntahang pinto? Hindi eh… dito ako hinatid ng guard.“Do you want to come in?” Tumalon ang puso ko nang bigla niya akong tanungin. Niluwagan niya ang bukas sa pinto at tumagilid siya. Really? Sa ganiyang suot?Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa nakabalandra niyang katawan. Bakit naman ito nakahubad agad?! Hindi ba siya nahihiya?!At bakit naman siya mahihiya kung maganda naman ang katawan niya?Namula ako sa aking naisip. Lumingon ako kunwari sa likod ko, sasabihin ko na lang na maling pinto napuntahan ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko! Pambih
ISLA’S POVHindi pa ako tuluyang nakakalabas dito sa building ay may tumawag sa pangalan ko. halos lahat ng tao ay lumingon sa sumisigaw.“Ms. Davina!” Napalingon ako sa direksiyon ng boses. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay ang lalaking tumatakbo.Hingal na hingal naman siya nang makarating sa harap ko. Nakasalamin sa mata, halos magkasing-height lang kami at parang nasa limang taon ang tanda niya sa akin. Napakunot noo ako kung bakit niya ako kilala.“B-bakit po?” puno ng pagtataka kong tanong. Napansin ko rin na naka-suit din siya na parang papasok sa opisina. Katulad ni… Mr. Martin.“Hi, I am Elmar Pascua, Secretary po ako ni Mr. Ad─ Martin, Mr. Martin!” Mas lalo akong nagtaka nang mapansin ang pagiging kabado niya. Secretary ni Mr. Martin? May nakalimutan ba ako kanina?
ISLA’S POVDalawang linggo na ang nakakalipas at naging successful ang operasyon ni Mama pero hanggang ngayon hindi pa ulit siya nagigising, katulad ni Papa. Sabi ng Doctor ni Mama, muntik na raw hindi kayanin ng katawan niya pero lumaban siya. I know, she’s fighting for us.Nandito na rin ako ngayon sa school dahil malapit na ang intership at madami na akong kailangang habulin na lesson at plates, halong isang buwan ang nawala. Buti at naintindihan ng mga professors ko ang kalagayan ng pamilya ko. Ako ang nagbabantay kila Mama at Papa noong nakaraang linggo pero ngayon ay iyong kapatid na ni Papa na galing pa sa probinsiya.Bumalik na rin sa school ang mga kapatid ko. Buti nga at tinigilan na sila no’ng anak ni Mrs. Meiji“Isla! Tulala ka na naman. Lagi ka na lang talagang tulala at luting,” sabi niya habang tumatawa. Kasama ko nga pala si Sasa ng