Share

Chapter 1.2

Fired on the First Day (Part 2)

"T-Thanks…” She cleared her throat when she said that. She took a look to the one who helped her, a man with same age. He was wearing a plain white shirt, short, and pair of shoes. Maganda ang kilay nito kahit hindi makapal, singkit ang mga mata at medyo mestizo. Matangkad lamang ito nang bahagya sa kaniya.

"No problem,” Tugon ng binate. Sinundan niya ng tingin ang kamay nito nang humugot ito ng maleta galing sa hand luggage. Walang kahirap-hirap nitong naibaba iyon. Nang ibalik na ng binate ang tingin sa kaniya ay umiwas na siya ng tingin. "Empleyado?" The guy asked her.

She just gave him a single nod. "Ikaw?"

"Oo. Mukhang tayo lang ata ang empleyado rito,” Natatawang saad nito. Hindi na nakapagsalita pa si Summer dahil hindi naman niya ugaling kumausap sa hindi kakilala. Lumandas lamang siya ng lakad patungo sa may lagusan ng bangka palabas.

Nang marating niya iyon ay isang hagdan ang bumungad na nagtutulay patungo sa entrada ng isla. Mabuti naman at may dalawang lalaking nag-aalalay sa mga pasahero upang makababa roon.  The platform of the entrance was made up of wood. It was above the water surface so the spaces between the planks were enough to reveal the body of waters under it. Maingat na iniabot sa kaniya ang dalahin at pahila niyang binitbit iyon hanggang marating ang dalawang babaeng nakabihis ng polo-shirt at slacks na nasa mesa sa may bungad ng isla, they were registrars who took down the data of the people coming inside the island.

"Name?" Tanong ng isang registrar.

"Samantha Myrtle Molina,” Tugon niya at inilista na iyon.

"Cholo Dizon po,” Napalingon siya sa tabi nang marinig ang nagsalita. Napansin niyang nagpapalista sa isang registrar ang lalaking tumulong sa kaniya kanina. Lumingon ito sa kaniya tapos ngumiti. Tinanguan lang niya ito nang hindi ngumingiti tsaka ibinalik ang tingin sa registrar.

"Tourist, resident, or employee?" Tanong ng registrar.

"Employee.”

"Okay, doon na lang po kayo,” Tugon ng registrar sabay turo sa may shuttle na nakaparada sa lupang bahagi ng isla. May signage sa likod niyon na 'Employees'. "Iyon po ang maghahatid sa inyo sa bahay na tutuluyan n'yo. Anyway, Welcome to El Salvador, ma'am. Enjoy working with us,”

Tanging ngiti lang at tango ang naitugon doon ni Summer at lumakad na siya patungo sa shuttle na iyon. Sumakay siya sa may ikalawang hanay ng shuttle ay maya-maya naman ay may tumabi sa kaniya, si Cholo.

"Ang ganda ng El Salvador, 'no?" Agad na tanong ni Cholo. Hindi nakapagsalita si Summer hanggang sa paandarin na ng driver ang shuttle na sinasakyan nila. "Ayon sa mga magazine ay parang hindi na bahagi ng Filipinas ang islang 'to, kasi biruin mo, organize 'to, isolated, parang walang pollution,” Dagdag pa niya. Kahit hindi nakatingin sa kaniya si Summer ay pinapakinggan.

"Kung ganito lang sana ang presidente natin, napakaganda ng Pilipinas,” Usap pa ng lalaki. Gusto sana ni Summer na masulit ang tanawin pero panay naman daldal ang katabi.

"Oo. Kaya tumakbo ka na bilang presidente,” Parinig ni Summer at wala nang nagawa ang lalaki kundi manahimik na lamang.

Ang El Salvador ay hindi lamang bastang isla. Isa itong ganap na syudad. May mga kabahayan, mga establisyamento tulad ng malls at supermarket.

Ngayon ay binabaybay na nila Summer ang daan palabas sa daungan. Dahil daungan ito ay kabi-kabila ang mga kubo ng mga mangingisda, sementado na rin ang kalsada. Paglabas ay ang main road patungo sa bayan. Ang magkabilang gilid ng kalsada ay karamihan mga puno ng niyog ang nakatanim. Hindi na rin masyadong mainit dito dahil sa lilim ng mga naglalakihang palapa ng dahon ng mga ito.

Ilang minuto ang tinagal ng byahe ay narating na nila ang mga iilang kabahayan na puro kubo ang naghahari. Hindi mapigilan ni Summer ang pagguhit ng kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang mga iyon. Simpleng-simple lamang ang buhay ng mga mamamayan.

Sunod nilang narating ang nagsisilbing pamilihan ng El Salvador matapos ang ilang minutong byahe. Sa bayan ay may iilan nang nagdaraan na mga jeepney at tricycle, iisa lang ang mall dito. Hindi tulad sa Maynila na masikip, dito ay hindi mabigat ang daloy ng trapiko.

Hanggang marating nila uli ang isa pang liblib na lugar at dahil papasapit na ang dapithapon ay tanaw na nila ang magandang kulay kahel na papalubog na araw. Sa dulo ng daan na iyon matatagpuan ang pinakamalaking resort ng buong isla at ang mga Salvador na mismo ang may-ari niyon. Doon magtatrabaho ang dalawa.

Huminto na ang sinasakyan nila sa tapat ng isang building. "Kuya, dito na ba 'yon?" Manghang tanong ni Cholo habang nakatanaw sa napakataas na building sa kanilang tapat.

"Opo, sir. Sa reception na lang kayo magtanong,” Tugon ng drayber. Tumango naman ang dalawa at bumaba na ng sasakyan.

Summer couldn't hide her smile while staring at the building. This design was luxurious, yet matched with the vibe of the place. She keeps asking herself, what if she is an owner of that kind of company?

Lumakad na ang dalawa papasok sa building na iyon at agad na nagtungo sa information's desk kung nasaan ang tatlong receptionists.

"Good afternoon. How can we help you?" The receptionist asked.

"Good afternoon,” Summer greeted back. "May I know where's my room. I'm a new employee.”

"Name, ma'am?"

"Samantha Myrtle Molina.”

"Have it on tenth floor, room J-15.”

"Thank you,” Pagkasabi niya niyon ay ngiti lang ang ginawa niya bilang paalam kay Cholo. Sa lobby ng building ay puro salamin ang dingding kaya nakikita ang beach sa may kalayuan na unti-unti nang hinahagkan ng dapithapon. Hinugot niya ang phone mula sa bulsa at kinunan iyon ng litrato tsaka ipinadala sa kapatid na si Scarlet.

She continued walking until she reached the elevator. Nakasara pa iyon hudyat nang may nakasakay pa. At sa pagbukas ay may bumungad na dalawang babaeng nag-uusap.

"Hay nako, Napakaselan talaga ng Mr. Salvador na 'yan!"

"Truth. Ewan ko na lang kung tatagal ba ng isang lingo ang sekretarya niya,”

"Sinabi mo pa. Bakla siguro kaya napakasungit. Bwisit,”

Hindi alam ni Summer kung dapat ba siyang matawa sa usapan ng dalawang babae. Hindi naman siya napansin ng mga ito dahil nasa sulok siya. Nang makalayo na ang dalawa at pumasok na siya ng elevator, saktong pagpasok din ng isang e-mail sa kaniyang telepono.

'7am with Mr. Salvador office. Don't be late. It's your first day.'

Napahinga na lang siya nang malalim nang mabasa iyon tsaka ibinulsa na ang telepono.

Nang marating na niya ang kaniyang unit dito sa building ay pumasok na siya. Saktong tulugan lang ang laki ng unit na iyon. Isang single bed, isang cabinet, isang bedside table, isang bintana. Maganda naman ang disenyo at pang-mayaman kaya hindi na siya makakapagreklamo. Kaysa sa Maynila siya magtrabaho at mag-upa ng bed space na marumi at marami pang daga.

KINABUKASAN ay alas-singko pa lamang ay gising na si Summer para makapaggayak. Sa floor na kinaroroonan nila ay nakalaan lang iyon sa mga empleyado kaya panay kuwarto ang makikita. Nakagayak na ang blouse niyang puti, navy blue na blazer at skirt.

Palabas na sana siya ng silid nang mahagip ng kaniyang tingin ang mapa na nakadikit sa likod ng pinto. Napansin niya na exclusive lang pang empleyado ang buong floor na kinaroroonan niya, naroon na rin ang cafeteria at maging ang paliguan.

Matapos maligo at mag-almusal, handa na si Summer. Kahit kabado sa unang araw ng trabaho ay sinikap niyang labanan iyon. Tulad ng nakasaad sa bilin ng management sa kaniya ay alas-siyete ng umaga ay dapat nasa opisina na siya ni Mr. Salvador kaya six forty pa lamang ay nasa tapat na siya ng elevator para umakyat. Laking pagtataka niya kung bakit antagal nitong bumukas.

Maya-maya ay may lumapit na maintenance attendant doon.

"Ma'am, sira po ang elevator ngayon,” Saad ng manong. Napakagat sa ibabang labi si Summer tsaka napalingon sa wrist watch niya. Ilang minuto na lang ay alas-siyete na. Gusto sana niyang sabunutan ang sarili at magsi-sigaw sa inis dahil mukhang mahuhuli pa ata siya. Nasa tenth floor pa lang siya samantalang nasa twenty fifth floor naman ang boss niya. Hindi niya alam kung ilang oras siyang tatakbo patungo doon gamit ang hagdan!

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at kinaripas ng takbo ang hagdan pataas.

"Six forty-five."

"Six forty-six."

"Six forty-seven."

"Six fifty-nine.”

"Seven!"

Gusto niyang sabunutan ang makalapit sa kaniya nang marating na niya ang twenty fifth floor. Hindi niya gustong manabunot sa tuwa kundi sa inis dahil seven fifteen na nang makarating siya. Sa madaling salita… sobrang late na siya!

F*ck! It's her very first day in job but she's late already. Ginalingan pa man din niya noong online interview tapos ngayon malelate lang siya?!

Pero wala naman siyang dapat na ikatakot 'di ba? Kasalanan pa rin ng boss niya kung bakit siya na-late. Ganda-ganda ng building tapos bulok ang elevator!

She fixed her posture as she walks confidently until she reached the office of her boss.

'Mr. Lucius Pole Salvador, CEO'

Bakit bigla siyang nakaramdam ng lamig nang mabasa ang pangalan nito? Dahil ba sa tunog North Pole ang pangalan nito o dahil sa pagiging alanganin ng buhay niya dahil sa lintek na elevator?

Pero imbis na magmuni-muni siya tungkol sa maagang kapalpakan ay kumatok siya nang dalawang beses sa pintuan ng opisinang iyon. Dahil walang tumutugon ay siya na mismo ang nagbukas ng pintuan at naabutan niya ang isang lalaking nakaupo sa may mesa.

She immediately stood straight when that man looked at him. Sa kapal ng kilay nito at pungay ng mata ay hindi niya maiwasan na kabahan, sinabayan pa ng dilim ng tingin. Nakapagkapit ang pagkabilang kamay nito sa ibabaw ng mesa, nakataas at sinasandalan ng baba.

"G-Good morning, Mr. Salvador. I'm sorry, I'm late,” Hindi niya alam kung katanggap-tanggap ba ang sinabi niya dahil mukha siyang na-late sa school sa lagay na iyon. O kailangan ba niya ng excuse letter?

Hindi nagsalita ang boss at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Akmang lalapitan na sana niya ito pero tsaka naman ito nagsalita.

"Don't you dare to make a single step. Get out now. You're fired,” Mariin at malamig na wika ng boss na animo'y yelo. Napakurap nang dalawang beses si Summer dahil sa narinig. Hindi niya matanggap ang sinabi niyon!

Sinuway ko si mama, nangutang ako ng pera sa kaibigan ko para sa pamasahe, buong araw akong bumyahe papunta rito, pero nang dahil lang sa bulok na elevator masisisante na ako?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status