Share

Chapter 2.2

Narcissa's Portrait (Part 2)

"P-Po?" Tanong niya kung sakaling mali siya ng narinig.

Nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Lucius. "Are you deaf?" Inis na tanong nito. "Sabi ko pumasok ka sa kwarto ko habang hindi ka pa nakakapagbihis,” Mariing sambit nito sabay turo sa dulo ng opisina kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Lucius.

Alanganganing tango na lamang ang naitugon ni Summer tsaka tumakbo papasok doon.

Isang malawak na kwarto ang bumungad sa kaniya. Walls are in cool gray, the bed is king-sized, sa isang banda ay isang malaking glass wall ang makikita kaya malaya niyang masisilayan ang kabuuan ng resort, mula sa silid ay tanaw niya ang puting beach ng El Salvador, kakaunti pa lang ang taong nagtatampisaw sa dagat at malamlam pa lamang ang sikat ng araw. Nanigas siyang muli sa kinatatayuan nang makarinig siya ng yapak papasok ng kuwarto at agad siyang umusog nang maramdaman ang pagdating ni Lucius.

"You have to change your clothes,” Saad ni Lucius sabay lapit sa kaniyang malaking closet. Binuksan niya iyon at sinimulan nang mamili.

"B-But, sir, I don't have any—" Hindi pa siya nakakatapos ng pagsasalita ay hinagisan na siya ni Lucius ng puting polo.

"Iyan muna ang isuot mo, hindi naman pwedeng magpatuyo ka ng kape sa katawan mo, 'di ba?" Saad ni Lucius. Tama nga naman. Lalakad-lakad siya sa loob ng opisina nito na amoy kape.

Hindi na nagsalita pa si Summer at sinimulan na niyang kalasin ang butones ng suot sa harap mismo ni Lucius.

"What the f*ck are you doing?" Tanong ni Lucius.

"Magpapalit,”

"Nang may tao sa harapan mo?" Taas-kilay na tanong nito. Napalunok nang mariin si Summer at dumako ang tingin sa kaniyang harapan. F*ck! Her cleavage was reaveling!

"S-Sorry, Mr. Salvador,” Agad niyang niyakap ang sarili at tumalikod dito.

F*ck! F*ck! F*ck! Puro kahihiyan at kapalpakan na ako!

"One more failure, I'm going to fire you. You should be thankful that we're running out of applicants,” Huling binitawan ni Lucius bago ito lumabas.

Hindi alam ni Summer kung matatawa ba siya sa reaksyon nito. He should be thankful, at least, he must consider himself lucky to see her cleavage! Though, hindi rin, baka kasi marami na itong nakitang gano'n, nahawakan at natikman pa. Or… tama ang mga narinig kong tungkol dito na bakla ito?

"Where's my next meeting?" Lucius asked Summer while they were inside the elevator. Kakatapos lang ng isang board meeting at ngayon naman ay paakyat na sila sa opisina ni Lucius. It was now already four in the afternoon.

Mabilis na binuklat ni Summer ang iPod ni Lucius upang tingnan ang mga appointments nito hanggang sa pagtapos ng trabaho. Nakasuot na siya ng bagong blouse at skirt. "Meeting with the Tourism Department, Mr. Salvador,” Pormal na tugon ng dalaga.

"Call the driver, pupunta tayo sa munisipyo,” Tanging naitugon ni Lucius sa kaniya. Tumangong muli si Summer at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Naka-save na sa kaniyang cellphone ang lahat ng contacts na kailangan ni Lucius nang sa gayon ay mapabilis ang lahat.

Tinawagan na niya ang personal na driver nito. "Hello, kuya Andres, si Summer po ito, sekretarya ni Mr. Salvador, pakihanda na raw po ang kotse papuntang munisipyo,”

Paglabas nila ng building ay nakasunod pa rin si Summer sa likuran ni Lucius. Agad silang pumasok sa SUV nito at mabilis iyong iminaneho ng drayber patungo sa munisipyo. Buong byahe ay magkatabi ang dalawa. Walang kahit anong radio o music sa loob ng sasakyan. Hindi rin nakilos gaano si Lucius na ipinagtataka ni Summer.

Pansin niyang tahimik sobra si Lucius at pormal ang tindig. Ang sinasabi lang nito ang kailangan, maging sa meeting ay nakatuon ang pansin nito nang husto sa nagsasalita. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ito, hindi naman niya magawang makausap dahil unang-una ay sekretarya lang siya at hindi siya kaibigan.

Nagtataka lang naman siya dahil mula pa noong kaninang umaga hanggang ngayon ay iisa lang ang mood ito. Ang maging blangko at malamig sa kahit na sino. Siguro kaya rin walang nakakatagal na sekretarya ito ay dahil nababagot nang husto. Pero dahil kailangan niya ng trabaho, magtitiis siya.

Dapithapon na nang marating nila ang munispyo sa may bayan at agad na silang pumasok doon. Ang lahat ng nakakasalubong sila ay hindi bumabati sa malamig na Salvador, kundi lumalakad palayo at binibigyan ng espasyo ang daraanan nito.

The echoes of the shoes of Lucius stepping on the tiled floor dominated the area. Summer became more intimidated on him because of that. Kita niya ang tikas sa paglalakad ng amo, his confidence could step you down. Hindi na siya magtataka kung bakit iginagalang, kinatatakutan, at kinaiinisan ito. Sapat na ang buong araw na kasama niya ito sa mga meeting at conference, malinaw na ang ugali nito.

Nang marating nila ang conference hall ng munispyo at agad nang ginabayan ng mga empleyado ang Salvador patungo sa kinauupuan nito. Doon siya sa dulo ng mahabang mesa pinaupo habang nakatayo lamang sa kaniyang likuran si Summer at handa nang isulat ang lahat ng tatakbuhin ng pagpupulong.

"Good afternoon, Mr. Salvador sa pagsama sa aming pagpupulong ngayon—" Hindi na pinatapos pa ni Lucius ang sasabihin ng mayor.

"Let's proceed,” Seryosong wika nito. Napatikhim si Vice-Mayor Florence Gomez at tumango-tango. Siya ang ikalawang alkalde ng El Salvador. Nagpatawag siya ng meeting ngayon para sa gaganaping Festival sa buong isla sa susunod na buwan. Dahil ang Salvador Chains of Hotel and Restaurant ay ang pinakasikat sa buong isla ay kakailanganin ng munispyo na makipag-negosasyon sa kanila para sa donasyon at marami pang iba.

"Since nasa pahinga pa si Mayor Leandro ay naibilin niya sa akin na ako na mismo ang magplano nito, kahit papaano ay dapat na makabalik muna ang iyong ama sa kaniyang kalakasan dahil iyon ang mahalaga,” Panimula ni Vice Mayor Gomez. Napatiim ang bagang ni Lucius dahil sa inip dahil paliguy-ligoy ang bise-alkalde. Alam niyang nagkasakit ang ama at nasa pahinga pa ito. Hindi na nito kailangan pang sabihin sa kaniya ang kalagayan ng ama.

"Get me straight to the point, Mr. Gomez,” Malalim na sabi ni Lucius. Napalunok nang mariin ang bise-alkalde. Maging ito ay kabado sa presensya ng kaharap na Salvador.

"K-Kailangan namin ng pondo, Mr. Salvador. Sa dekorasyon, pa-premyo sa mga activities, at marami pa,” Tugon nito.

"Does dad know about that before he leaves?" Tanong ni Lucius. Gusto niya bago magbigay ng donasyon ay alam niyang hindi ito makukupit ng namumuno. Iyon ang natutunan sa kaniya ng ama. Kilala niya ang ama na malinis ang hangarin sa gubyerno, wala ni-singkong duling ang kinukuha nito sa pondo ng bayan dahil sapat na at higit pa ang kinikita ng kanilang negosyo, samantalang sa ibang mga kawani naman ng gubyerno ay wala siyang tiwala, alam niyang marungis ang kalakaran.

"S-Sorry to say this, Mr. Salvador, but your father was in leave and we don't have any contact with him, just you,” Utal na tugon ni Lucius.

"Well, I know that this festival was being commemorated annually, Dapat four months at least ay nagplano na kayo, e, last month pa lang nag-leave si dad,” Tugon ni Lucius.

"Mr. Salvador, maraming mga inaasikaso ang gubyerno, hindi pwedeng ituon lang ang pansin sa Festival para paghandaan ito nang matagal,” Katuwiran naman ng bise alcalde. Lucius gave him a playful, yet suspicious smirk.

"Then why you have to ask our donations kung gano'n?"

"Dahil hindi sapat ang pondo,”

Lucius chuckled sarcsastically. "And that just means na pagtutuunan nga ninyo nang husto ang festival,” Sandaling hindi nakapagsalita ang bise-alkalde dahil doon. Huminga nang malalim si Lucius at nagpatuloy. "So, to finish this up, just give me the list of everything you need. Ang El Salvador Resort and Hotels na ang sasagot,” Suhestiyon ni Lucius, nang sa gayon ay eksakto lang ang perang mailalabas mula sa kumpanya at masisigurong ang lahat ng donasyong ibibigay ay deretsong mapupunta sa mga kakailanganin sa Festival.

Wala nang nagawa pa si Mr. Gomez dahil hindi naman niya maaaring suwayin ang kagustuhan ng Salvador na nasa harapan dahil ito ang presidente ng kumpanyang mag-i-sponsor sa kanila. Pinalista na niya iyon sa kaniyang sekretarya at pinaabot na kay Lucius. Mabilis na binasa ni Lucius ang nakasaad doon at pinasa naman kay Summer para itabi.

"Expect to get these two weeks before the event,” Pagkasabi ni Lucius ay tumayo na siya.

"Thank you so much, Mr. Salvador,” Wala nang kasiglahan sa pananalita ng bise-alkalde. Dahil hindi nginitian ni Lucius si Mr. Gomez bago siya lumabas ng bulwagan ay si Summer na ang gumawa niyon at magalang na nagpaalam.

Gabi na nang dumating ang dalawa sa building at agad silang nagtungo sa opisina ni Lucius. "May appointments pa ba ako?" Tanong niya kay Summer nang makapasok sila.

"Wala na, sir, last na po 'yong meeting sa munispyo kanina,” Nakangiting tugon ni Summer. Ramdam na niya ang pagod dahil kabi-kabila ang meeting ng kaniyang boss at pari't parito siya sa tuwing may inuutos ito.

"Okay, your first day was really busy and hectic, since wala ka naman nang gagawin ay pakidala na lang ang lumang files na 'yon sa kabilang kwarto tapos pwede ka nang magpahinga,” Saad ni Lucius sabay turo sa isang box ng mga papeles sa may sulok.

Tumango naman si Summer at ipinatong na ang dalang iPad at clipboard sa ibabaw ng mesa tsaka kinuha ang box na itunuro ng amo. Dinala niya ito sa kabilang silid na tambakan ng mga lumang papeles. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatakip sa ilong dahil sa nanunuot na amoy ng mga alikabok at papel.

Agad siyang naghanap ng mapagtatabihan ng dalahin hanggang sa madala siya ng kaniyang mga paa sa pinakadulong bahagi ng silid. Nagtungo siya sa may sulok kung saan nakatambak ang mga lumang frames at doon niya ipinatong ang box na dala.

Napukaw ang kaniyang atensyon nang mahubad sa isang painting ang kurtinang tabing nito. Isang dalagang hawig niya ang nasa portrait. Dumako ang tingin niya sa may pangalan sa ibaba nito…

Narcissa Silvia Dela Merced.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status