Share

Accidentally Killed His Fiancee
Accidentally Killed His Fiancee
Author: Gazella Bubblykin

Anino

~kring kring kring~

"Hmmm" napabalikwas sa mahimbing na pagkakatulog si Callixta dahil sa pagtunog ng kaniyang alarm clock. Maya maya pa ay may narinig siyang katok mula sa labas ng kaniyang  kwarto. 

" Ma'am, gumising na po kayo at mahuhuli na po kayo sa inyong klase",ani ng kanilang yaya.

Oo nga't pinanganak si Callixta sa may karangyaang pamilya ngunit salat naman siya sa atensyon at pagmamahal ng kaniyang mga magulang. 

  

" Sige po Manang. Mag-aayos lang po ako at maliligo". sagot niya.

Callixta Pov

Mabilis akong naligo at nag-ayos para sa first day of classes ko bilang isang college student. 

" Haysss, wala namang nakakaexcite sa pagiging college. Maliban nalang sa mga gwapong varsity players", ngiti kong saad sa harap ng salamin. At bumaba na para sa umagahan. 

" Manang, nasaan po si Mommy at Daddy?" kahit alam ko na Ang kasagutan Mula rito.

" Ay naku iha maaga silang umalis para magtrabaho", sagot ni Manang na may bahid ng lungkot ang bawat salita. 

" Okay Lang po", sabay kuha ko ng sandwich at lumakad na palabas ng bahay. 

Ako nga pala si Callixta Belle, 18, at isang Business Administration student dito sa University Ng aming probinsya. I had an older sister na si ate Allizah pero last year, binawian siya ng buhay habang papunta para sunduin ako sa isang bar. Kaya naman ako Ang sinisisi nila Mommy at Daddy sa pagkamatay ni ate. Though kahit ako sa sarili ko, hindi ko rin naman mapatawad Ang sarili ko dahil sa nangyari. 

" Haysst, what a good day to start", sarkasmong banggit ko sa hangin at sumakay na sa aking kotse at nagdrive papuntang school. After 15 minutes nakarating na rin ako at pinark ang kotse. Dumiretso ako sa gym para sa gaganaping orientation.

Nakalipas ang ilang oras at papauwi na ako sa aming bahay. Nakita ko mula sa garahe na nandito na ang kotse nila Mommy at Daddy. Nakangiti akong tumungo papasok sa bahay at nakita ko sila na nakaupo sa couch.

Si Mommy Medly ay isang anak ng mayamang business tycoon. Pinagkasundo lamang sila ni Daddy Arc upang mapalawig ang business ng aming pamilya. 

" Mom, Dad" ngiti kong tawag sa kanila. 

Walang emosyong lumingon sa akin si Dad at kumunot Ang noo. 

" Don't disturb us, Callixta Ystraella Belle! Go to your fucking room and don't show your disgusting face" ani niya na halos nagpatulo ng luha ko. 

" D-dad, s-sorry. P-pero dad wala naman po akong ginagawa. D-dad, mom, sorry po kung ako ang dahilan ng pagkaaksidente ni at—"

" Shut your mouth , Callixta!" singit ni Mommy at lumakad palalapit sa akin.

" M-mom, s-sorry po talaga hindi ko naman po sinasady—" 

" I said shut up Callixta!" pagputol muli ni Mommy at biglang namanhid ang aking kaliwang pisngi. Sinampal nya ako. Siya na aking ina, siya na nagluwal sa akin , siya na dapat nagmamahal sa akin ay tila ba naging bato ang pakikitungo sa akin. 

" That's enough! Go to your fucking room Callixta and never talk about your sister! Do you understand?! " sigaw ni dad. 

" Y-yes dad" nakayuko kong tugon at pumanhik na papunta sa aking kwarto. 

Nagpalit ako ng damit at pumunta sa bintana ng kwarto ko, at nagpahangin. Hindi ko mapigilang humikbi sa mga nangyari kanina. Oo, matapang ako pero pagdating sa pamilya ko ay halos hindi ko kayanin. Noong nabubuhay pa si ate Alliyah, namumuhay ako sa anino niya.

"Gayahin mo ang ate mo"

Pero iba ako. Hindi ako katulad ni ate. 

" Dapat ganito Callixta…" 

Pero hindi  ako masaya.

" Dapat ganyan…"

Pero hindi ako komportable. 

" Mabuti pa ang ate mo with highest honor. "

 Achiever din ako, maaaring hindi katumbas ng matataas na grades ni ate pero matataas pa rin ito Lalo na't pinaghirapan kong abutin iyon.

" Congratulations Alliyah, anak. Gold medalist ang pinakamamahal ko." 

Nakatanggap rin ako ng medal sa isang competition pero hindi sila umattend. Eh ako , mommy? Mahal nyo ba ako? 

" Callixta! Simpleng instructions hindi mo magawa?! Simpleng iuutos sayo , hindi mo magawa-gawa! Bakit hindi mo ba tularan ate mo?! Bakit ni katiting hindi ka nagmana sa Daddy mo?! Napakasimple Callixta! Napakabobo mong Bata ka! Hindi ko alam kung bakit naging anak pa Kita"! 

Napakasimple din Mom, Dad, ang sagot ...kase HINDI ako si ate. Ako ay ako. May sarili akong gusto na nagpapasaya sa akin. Sana makita nyo na ako ay iba kay ate. Na sa paglagay ninyo ng mataas na expectations sa amin, unti-unti na naming nakakalimutan ang aming sarili. Hindi na kami, ito. Hinulma nyo kami bilang isang estranghero sa sarili naming katawan at pagkatao. 

Paulit-ulit na nagrereplay ang mga pangyayare sa nakaraan, paulit-ulit parin akong nasasaktan. Tunay ngang mas masakit ang mga salita kaysa sa sugat na pisikal. Ang sugat sa pisikal nating pangagatawan ay gumagaling paglipas ng oras, araw, linggo o buwan. Mag-iiwan ng peklat ngunit wala na ang sakit. Ang sakit mula sa masasakit na salita ay tumatagos sa puso, tumatatak sa isip. Lumipas man ang taon ngunit patuloy parin ito sa pagsira sa atin. Namumuhay bilang isang bangungot ng kahapon. 

Napabuntong hininga na lamang ako at lumakad na papuntang kama upang magdasal at magpahinga na. 

Naalimpungatan ako dahil sa mga ingay sa ibaba. Alas sais palang ng umaga kaya alam kong sila Mommy lamang iyon. Ngunit bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding kuryosidad kung ano ang dahilan ng pagtatalo nina Mommy at Daddy. Minsan lamang sila mag-away at karaniwan ay dahil sa business ng family namin. 

Bumangon ako sa kama at dahan dahang binuksan ang pintuan ng aking kwarto. 

" Bakit ba gusto mo pang patirahin dito yang Callixta na 'yan! Alam mo namang siya ang dahilan ng pagkamatay ni Alliyah, hindi ba?! A-ar-r-c si Alliyah, ang anak natin wala na dahil sa walanghiyang anak ng kapatid mong yan! Nakuha na natin ang mamanahin ni Callixta, please Arc honey patayin mo na sya. Hindi ko na kayang makasama pa sya sa iisang bubong gayong sya ang dahilan kung bakit nawala ang nag-iisang anak natin Arc! P-please Arc, patayin mo na sya , gaya ng plano" pagmamakaawang hikbi na may bahid ng pagkapoot at mahabang lintaya ni mommy kay daddy.

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig iyon mulla sa kanila. Tila nag-uunahan na nga Ang aking mga luha. 

Ito ang sagot sa aking matagal ng mga tanong ngunit hindi ko aakalaing ganito kasakit. Ang sakit sakit malaman na hindi ka tunay nilang anak at Ang pinakamasama'y trinaydor nila ako. Pera lamang ang silbi ko sa kanila. 

" Shhh Meldy, tatrabahuin ko na ang pagdidispatsa Kay Callixta", marahang haplos ang ginawad niya kay momm–oo nga pala hindi ko sya tunay na ina–upang pakalmahin ito.

Nang marinig ko iyon ay dahan dahan akong bumalik sa kwarto ng may mabigat na damdamin at kirot. 

" Bakit?! Bakit ?! " sabay baon ko ng mukha sa aking unan upang doon humikbi.

Gusto ko silang komprontahin! Gusto ko silang sampalin at saktan ngunit hindi ko Kaya. Ipapahamak ko lamang ang aking sarili kung papadalos-dalos ako sa aking mga galaw kung kaya't kailangan ko ng matibay na plano. 

Hindi ko mapigilan ang aking mga luha na dumaloy sa ' king mukha na tila sinasalo naman ng aking mga unan.

" Arghhhh! H-hindi p-pwedeng u-umiyak nalang ako" mahinang usal ko.

" Kailangan ko ng plano para makuha kung ano ang para sa akin. At plano upang mahanap ang tunay kong pamilya kung buhay pa sila", nakaramdam ako ng lungkot nang maisip ko ang pamilya na wala akong ideya kung sinu-sino sila at alam ba nila ang tungkol sa akin.

Kaya pala hindi nila ako tinatrato bilang anak, kaya pala iba ang pakikitungo nila sa akin. 

Matapos kumalma ay pinunasan ko na ang aking luha at ginawa na ang aking morning ritual upang pumasok sa school. 

I looked in front of my mirror and halos di ko na makilala ang sarili ko sapagkat ang ilalim ng aking mata ay mapapansing namamaga mula sa pag-iyak at pagod. 

" You need to do this Callixta! Kaya mo 'toh! Hindi ka pwedeng mamatay! Kailangan mo pang mabawi ang mamanahin at kailangan mo pang mahanap ang tunay mong pamilya!", pangungumbinsi ko sa sarili. 

Nakarating ako sa school ng matiwasay at maayos. Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko si Jasper ang aking dating nobyo na nahuli kong may kasex sa condo nya. At hindi ko aakalaing ang bestfriend ko pa ang magtatraydor at lolokohin ako.

Napakuyom ang aking kamao nang makita ko sa tabi niya ang ahas kong dating bestfriend na si Zephaniah. 

"Tsss magsama sila, parehong mga b****a. Pwee" mahina kong lintaya at taas noong naglakad palayo sa kanila.

" Well, well, well, look who we have here." tawag pansin ni ahas.

" What do you want, snake? Incontented with the fool besides you that's why you're seeking for entertainment? Why don't you ride your shitty ass in Jasper's face to lessen your itch", I counterreacted with sarcasm. 

~clap clap~

Zephaniah clapped her hands while walking surrounding me like I'm her prey. 

" Tapang-tapangan ka Callixta? HAHAHA", malademonyo nyang tawa habang lumalakad papalapit sa akin. 

" Mahina ka parin Calli, gaya ng dati", dugtong pa ni ahas.

Napakuyom ako ng mahigpit at ramdam ko ang hapdi ng aking mga kuko. Isinawalang bahala ko na lamang sila at umalis na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status