Share

I WANT YOU BACK
I WANT YOU BACK
Author: Martian

Chapter 1: Stupidity

We all have that dream to find the guy who would perfectly love us despite our imperfections. We even adore those hunks we saw in the movies we watched and wished that one of them would be our partners for life. But everything was just an illusion.

Five years ago, I had this paranoid, devastating, funny, sweet, and cheesy relationship with my first love. I can still remember our first encounter.

FLASHBACK.

3:00 PM during Filipino class. I was in my third year at that time. The class went boring and I suddenly felt the urge to go outside and find someone to bully.

Yes! You got it right; I'm not the usual pabebe teenager during my high school days. I loved punching guys and I do love bullying the weaklings. My classmates have their groups every break time to talk to, but I prefer to stay alone at the Mango Tree reading books.

Our class was on the third floor. Hindi naman sa nag-skip ako sa klase, kaya lang gusto ko lang maglakad-lakad muna kaysa tulugan si Mrs.Del Rosario, mas nakakabastos 'yon. Masyadong tahimik ang buong school at tanging mga boses lang ng mga guro ang umaalingawngaw. I was walking in the hallway while listening to the teachers solely discussing their subjects kahit na hindi naman nakikinig yung iba. Kitang-kita ko pa 'yong mga naglalaro sa likod, nag-te-text at 'yong mga papahulog na yung mata sa antok.

May klase Si Mr.Sanchez (guidance councilor) ngayon kaya walang magpapapasok sa akin. Pero 'wag kayo, kahit siraulo ako, may utak din naman ako sa klase.

Malapit na ako sa CR when I saw a guy smiling while holding his phone and I feel irritated. Hindi ko nagugustuhan ang mga ngiti niya.

I guess I have my prey now!

Maingat akong naglakad papalapit sa classroom ni Mrs. Magno. May mga nakakita sa aking mga studyante sa loob ng classroom pero pabulong akong nagsalita, "Wag kayong maingay!" Nagtawanan lang ang mga makukulit na bata sa classroom na iyon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad, maingat, walang ingay. Hindi ko alam kung anong demonyo ang naririnig ko sa utak ko at kinuha ko yung vase sa labas ng room ni Mrs. Magno. Without a warning, tinapon ko yun sa lalaking nasa harapan ko.

Kitang-kita ko ang pagkagulat niya.

"Shit!" sigaw niya.

Imbis na matakot mas lalo akong na-excite. Hindi ko na mapigilan ang mga tawa kong kanina pa gustong lumabas. I burst in laughter. Maiyak-iyak nako nun ng makitang halos magwala na siya sa galit, and honestly natanggal ang antok ko. He's covered in soil; there's mud. Bagong dilig lang kasi. Pramis, hindi ko alam na living plant pala yung kinuha ko. I keep on laughing while pointing at him. Ilang segundo din yun and the mood suddenly changes. Nanlilisik na ang mga mata niya. He was frozen and I could see how angry he was with me.

Mali ba ako nang napag-tripan?

I thought that was fun, but the gaze in his eyes went sharp. Napalunok ako ng mga tatlong beses. Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga batang kanina'y tahimik na nakikinig kay Mrs. Magno. I thought weakling din siya. Pero huli na ang lahat, he threw his phone at me. It landed in my chest. Ouch! Masakit yun pramis, but I acted like I didn't feel the pain.

I guess I made a mistake this time.

I saw his phone on the floor cracked, so damn cracked! Kitang-kita ko ang dahan-dahang paghakbang ng mga paa niya papalapit sa akin. Natabunan ng lupa ang mukha niya pero kitang-kita ko pa rin ang mga nanlilisik niyang mga mata. Hindi naka butones ang polo niya at kitang-kita ko ang maitim na sandong nakapaloob nito. Nasinagan ng araw ang pilak na nakabakat sa kaliwang tenga niya, lumiliwanag ang hikaw niya, nakakasilaw.

Bakit di ko napansin na bad boy image pala siya?

Ilang lunok pa ang nagawa ko. I haven't experienced this scene before. Ako yung nambu-bully, ako yung nananakot, ako yung hindi umaatras, but that day was different. I had nowhere to escape kaya pumasok ako sa female C.R. thinking na hindi siya papasok, but that was again a wrong move. He cornered me even more. He is now holding my uniform. The laughter in his eyes is replaced with so much anger.

Ganon na ba kalaki ang kasalanan ko?

"Hey! Wait!?" Napaatras ako.

I saw his ID.

"Wait lang, wait lang Patrick? Yesss... Patrick, let me explain-" Pero hindi siya nakikinig. Palapit na siya nang palapit.

"Hey! Patrick? You listening?" I was holding his hand because he's choking me now. This is bad. This is NO JOKE anymore.

"Do I know you, Mildred?" He is looking at my ID and again looking at my eyes angrily.

"Nope, but I can explain-"

"I don't need an explanation!" he answered in a very husky voice. He is now choking me again.

I made a mistake after all.

"Stop! Hindi na ako makahinga- You're harassing me now! Stop or I'll shout-"

"Try me," those two words came out of his mouth, followed by a smirk.

Kinabahan ako dun but I find it ineffective. I was about to kick his balls pero parang ready siya sa bawat galaw ko. Hawak niya ngayon ang kaliwang paa ko habang nakasandal sa pinakadulo ng C.R. And that scene was so awkward, kaya I shouted.

I stop. He kissed me.

Bastos!

I wanted to slap him pero he's holding my arms now.

"Bastos! Bastos!" Nagpupumiglas ako. I didn't see it coming.

He even smirked, I could not read his emotions this time.

"Mr.Alonzo! Ms. Garcia!" galit na galit na tawag sa amin ni Mrs. Magno. Ang mga batang kanina'y nagbubulungan ay nasa likuran na ngayon ni Mrs. Magno. Palakas ng palakas ang mga bulungan.

"Si Alex ba yan?" tanong nung isang studyante.

"Oo, yung bully lagi," sagot naman ng isa pang studyante.

Napatingin kami sa may door. Namumula si Mrs. Magno na naka tingin sa amin habang panay usyoso naman yung mga studyante sa likuran niya. "Jusko! Mga bata kayo! Ang lalandi niyo! Dito pa kayo sa CR naghahalikan-"

"Ma'am, No! Where not... I don't even know this guy- Aray-Hindi na ako nakapagpatuloy mag explain dahit kinurot na ni Mrs. Magno ang tenga ko. Rinig na rinig ko ang tawanan ng ibang mga studyante na nakatingin sa akin.

"Ang gwapo naman ni kuya," malanding pagkakasabi ng isang studyante.

"Di ba siya din yung na-suspended kasi-"

"Go back to your room now!" putol ni Mrs. Magno. Nagsibalikan ang mga studyante sa classroom nila.

"Ikaw kasi ang ingay-ingay mo!" Kita ko pang nagsisihan ang dalawang chismosa.

"Ikaw Patrick, kakabalik mo lang galing suspension, ito na naman!!" Galit na galit na sigaw ni Mrs. Magno kay Patrick. "Sa office ni Mr. Sanchez, ngayon na!!"

"Pero Mrs. Magno- Aray!" Mas kinurot pa ako ulit ni Mrs Magno.

Inayos ko ang uniform ko na kanina'y nagusot gawa nang pagsakal sakin ng lalaking nasa tabi ko ngayon.

Is he really going to kill me?

Pareho kaming naglalakad sa hallway habang pinagtitinginan ng mga studyante sa 1st floor. Patay ako ni Mrs. Del Rosario kapag nalaman niyang may kalokohan na naman akong ginawa sa oras ng klase niya. Sinipa ni Patrick ang phone niya na kaninay nahulog sa sahig. Tumingin na naman siya sa akin and biglang nagsmirk. Naka pamulsa ang dalawa niyang kamay na naglalakad. Ngayon ko lang napansin ang ilang mga galos sa kanang pisngi niya. Hindi ko iyon napansin kanina gawa ng natabunan ito ng lupa.

Iniwan kami ni Mrs. Magno na dalawa sa office ni Mr. Sanchez. Pareho kaming nakaupo sa magkaharap na upuan. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya bigla akong di mapakali.

"Look, I'm sorry." I started the conversation. "Sorry kung napag-tripan kita," I said while looking at his face hoping he'd forgive me. "I'll forgive you for stealing a kiss from me if-"

"Tss!" Iniwas niya ang mga mata sa akin habang nilalaro ang mga kamay niya. I guess ayaw niyang makinig so I shut my mouth.

I opened my f******k and may mga notifications. I saw a short clip of me and Mrs. Magno. Kuhang-kuha kung paano ako kinurot ni Mrs. Magno.

Lintik lang ang walang ganti kung sino ang nag-upload nito!

Tiningnan ko kung sino ang nag-upload, as expected, it was a fake account. Which means, I don't have any idea kung sinong susulungin maya-maya pagkatapos naming kausapin si Mr. Sanchez.

Mahigit 30 minuto din kaming naghintay kay Mr. Sanchez sa office niya bago natapos ang klase nito.

"PATRICK? MILDREDKailangan ba kayo magtitino?" Nakakunot noong tanong ni Mr. Sanchez.

Napayuko nalang ako dahil namumula pa ako sa galit gawa ng mga nabasa kong comment sa nag-viral na video ko. Si Patrick naman ay hindi gumagalaw sa kinauupuan niya.

"Ikaw Patrick, ilang beses ka ba dapat i-suspende para maging matino ka? Kakabalik mo lang ngayon, panibagong atraso na naman?" Palakad-lakad si Mr. Sanchez. "Base sa report ni Mrs. Magno nahuli kayong naglalampungan sa C.R.! Girlfriend mo ba itong si Mildred?" Mahinahon na pagkakatanong ni Mr. Sanchez.

"Yes!" Mabilisang sagot ni Patrick.

"What? Nooo! No Sir, Hindi ko nga siya kilala!" Gulat na sagot ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Mas uminit pa ang mukha ko sa inis.

Tiningnan ako ng masama ni Mr. Sanchez, "Mildred, hindi ikaw ang tinatanong ko!"

Pero I wanted to tell the truth, hindi ko naman talaga kilala itong si Patrick.

"But Sir! I'm telling the truth. Wala akong boyfriend-"

"We are kissing when Mrs. Magno saw us," straightforward na sagot ni Patrick kay Sir. His eyes meet mine and he smirks again.

Mas nanlaki ang mga mata ko. I rolled my eyes, actually.

Ano bang problema niya sa akin? Is this revenge!?

"Noooo... no... Sir, that's a lie-"

"Shut up, Mildred!" Galit na pagputol ni Mr. Sanchez sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status