Share

Chapter 3: I'm trapped

"Can't you see what time is it!? Stupid!"

"Hi, pumpkin!" At nanlaki ang mga mata ko. I hurriedly turned off my phone.

I feel so annoyed, "What the heck, where did he get my number!"

Dahil sa isang pagkakamali nagsimula na ang kalbaryo ko.

Hindi na ako nakatulog ulit sa pag-iisip kung saan galing ni Patrick ang number ko. Even my classmates don't have my digits. This is really bad. If I can only turn back time.

End of flashback.

Napapaluha nalang ako how pathetic our start was.

"Alex! Alex! Hey!" She is waving her hands habang sinisigaw ang pangalan ko sa kalagitnan ng Mall. She always has this happy face whenever she sees me. She's wearing a pink blouse paired with a tattered pants. She loves pony tail na mas lalong nagpaangat ng wavy niyang buhok.

That is Miyah "Michaela Beatrice Lorejo" my bestfriend, siya lang naman ang walangjo kung makatawag sa akin in public areas. Hindi na ako anti-social ngayon. I do have friends narin. Hindi na rin ako mukhang gangster, all because of him. To some it up, marunong na akong mag-ayos.

Hingal na hingal na lumapit sa aking si Miyah, "Hey! Ano ka ba, kanina pa kita tinatawag!" Habol pa rin niya ang hininga.

"Siraulo ka ba, nasa Mall tayo. Wala tayo sa palengke besh!" bulong ko sa kanya at nagtawanan kami. Ganyan kami lagi, masayahing tao kasi si Miyah.

She offered me a milk tea from our favorite store. Masyadong marami kaming pagkakapareho, except from one reason, taken na xa habang single parin ako. Hindi naman sa ayaw ko pa ng relationship- bagong relationship pero hindi pa ako ready na ma-inlove ulit at masaktan ulit.

She was taken a month ago pero ayaw pa niyang ipakilala sa akin ang Mr. Right niya dahil gusto niya mag-meet kami sa personal. And I respect her privacy. Ganon kaming dalawa, we don't ask questions sa mga bagay na ayaw namin i-share sa isa't-isa. Nagkakilala lang sila sa isang dating app. Miyah is prettier than me. Habulin din ng lalaki si Miyah. Hindi naman maikakaila dahil maganda naman talaga siya. Simple lang din manamit pero pamatay ang ngiti. Biniyayaan din siya ng dalawang malalalim na dimple samahan pa ng matangos na ilong. Mas matangkad si Miyah sa akin ng kaunti pero mas payat naman ako kaysa sa kanya. Marami siyang suitors pero talagang yung ka-dating app niya ang sinagot niya. And I don't have questions for that. I'm happy whenever she's happy. Suportado ko lahat ng desisyon niya at ganon din naman siya sa akin.

The apple of her eye is still in London and uuwi dito sa Pinas for good sa araw ng graduation namin. Naalala ko pa kung gaano ka excited si Miyah nang sabihin niyang magkikita na sila finally. That would be two months from now. Miya is a happy go-lucky girl. She is easy to be with. Nagkakilala kami nung 1st year college kami pareho. She was in the same class with me with the same schedule, of course. Pahirapan makakita ng friends during that time. I'm from Cebu and dito lang ako sa Manila nag-aaral. She was from Makati. She helped me out all the time. Masyadong malaki ang Maynila para sa kagaya ko. And I'm very thankful for her.

"Hoy! Nag de-daydream ka na naman." She always caught me thinking about something. "Sino na naman yang iniisip mo?" Taas kilay na sabi niya. "Si Mr. Changer na naman ba?" She rolled her eyes again. "Move on na besh, five years na oh!" She even showed me the date today. "Ang daming lalaki sa mundo bakit mo pa binabalikan ang mga bagay na dapat sa past lang?"

Mr. Changer; she doesn't know the name, only our story. I haven't dropped a name since then. I keep it a secret to myself, dying and hurting everyday for letting him go.

"Hindi, ito naman." I know she won't buy my excuses, kaya I changed the topic. "Halika na magpapa-hair color ka diba? Magpapaayos din ako ng buhok ko!" Pag iwas ko sa mga tanong niya.

Malakas mansermon si Miyah, pero iyakin yan. Naalala ko pa nung nag break sila nung first love niya nung second year kami, ilang buwan din bago siya naka move on. Palaban din siya, of course. Ilang beses na niya akong pinagtanggol sa mga pabebe girls na suyang-suya sa ganda ko.

Fast Forward.

We were currently getting our hair done when I remember those days again.

Flashback.

I did not attend class the next day nang tawagan ako ni Alex nang madaling araw.

Early in the morning pumunta ako ng Parlor at nagpa rebond. I changed my hair color to black. I even get my eyebrows done. I got nail polish and everything. Sa madaling salita, nagpaganda ako!

You are not even pretty at all.

Galit na galit ako sa mga nabasa ko sa post ni Alex!

Humanda ka! Pag ikaw nahulog sa bitag ko, who you ka sa akin!

I was planning on taking revenge. If you find me interesting and nakuha ko na ang loob mo Alex, "I will definitely make you pay for all the troubles you have caused me! Annoying!!"

I was looking for a perfect fit uniform. Yun ang isusuot ko.

I am planning to make you fall Alex! You're gonna pay for everything!!

Naglalakad ako sa hallway. Everyone is staring at me. I know, because I look pretty today.

Fast forward.

Nililigpit ko na ang mga gamit dahil tapos na ang last period, time for our community service.

Papalabas na ako when Alex showed up. Inayos ko ang sarili ko as a sign to start my battle. Nginitian ko siya.

"You were absent yesterday. We will end at 6 pm today!" galit niyang sabi.

Nagulat ako, pwede naman siyang magtrabaho ng wala ako. "What? Hindi ka nag trabaho kahapon? Pwede akong mag extend ng-"

"You're still not pretty!" He smirked.

Nilagpasan na naman ako ni Alex! Ang kanina'y plano ay nawala na sa isip ko.

And that made my day again, worser.

Tumakbo ako at sumunod sa kanya. Naniningkit na ang mga mata ko, gusto ko siyang tadtarin ng kutsilyo. Gusto ko siyang suntukin. Wala akong magawa kundi yumuko at sarilinin ang galit. I feel embarrassed. I really hated him, kahit bali-baliktarin pa ang mundo.

Nakasunod lang ako sa likuran niya nang bigla siyang huminto. Nauntog ang ulo ko sa likuran niya. Huminto pala siya sa paglalakad.

"And, oh!" Nagsasalita siya habang nakatalikod sa akin. "If you are planning to seduce me it's not effective!" He laughed slowly. "Hindi ka kagandahan at kahit na tadtarin mo ng pampakinis ang balat mo mukhang putik ka pa rin!" Panunukso niya sa akin.

Bumilis ang kaba sa dibdib ko habang na-statwa sa mga sinabi niya, "Excuse me Mr.Feeling Gwapo-"

"Correction, Mr. Gwapo!" Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin. I rolled my eyes. He has all this guts and charisma na nagpapataob sa akin always.

Jerk!

Arrogant!

"Tsk! Whatever!" galit kong tugon at nag walkout na ako. Galit na galit ako habang binubuhat ang mga basura para ilagay sa Materials Recovery Facility (MRF).

Akala mo naman kung sinong gwapo. Feeling gwapo! Bwisit! Mamatay na siya, mamatay na siya!

Sinipa ko ang boteng nadaanan ko at natamaan ang asong kanina lang ay natutulog. Kitang-kita ko ang pagkagulat ng aso. Nakabukas ang bibig nito ngayon na puno ng laway, nakasilip ang matatalim na pangil.

Jesus! Not now Doggiiiee, I'm not in the mood.

Nabitawan ko ang bitbit kong basura at napatakbo ako, hinabol ako ng panirang aso. Nasa likod ko lang pala si Alex kaya nagtago ako sa likod niya. Tamang-tama may stick siyang dala kaya ginawa niya itong pantaboy. Naka-palda pa naman ako, pag nakagat ako ng aso bakat na bakat yun, mahal pa naman ang anti-rabies.

"Help!" Yun lang ang tanging nasabi ko.

"Hey! Physical harrassment yang ginagawa mo. Hindi ko basta-basta pinapahawak ang katawan ko sa mga pangit na kagaya mo!" he said sarcastically. Only to find out nakayakap pala ako sa kanya.

"Sorry! Mr. Feeling Gwapo!" I rolled my eyes again habang pinapagpagan niya ang damit niya.

"Correction, Gwapo!" he said with authority.

"Whatever!" Pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho. Ganon pa rin, masungit pa rin siya. Kitang-kita ko ang malapad na likod niya. Ang dami-dami nang tumatakbo sa isip ko, mga masasamang plano.

Saksakin kaya kita?

Paluin ng kahoy?

Pukpukin ng bato?

Ipakulam nalang kaya kita?

Nahinto ang pag-iisip ko ng batuhin niya ako ng bottled water.

"Inom ka! Mas lalo kang pumapangit!" Hindi na ako nagsalita. I just rolled my eyes and drank the water. Napakahirap makipag-argue sa taong kagaya niya.

Nakita ko na rin ang katapat ko. Siguro tawang-tawa ngayon ang mga taong binully ko noon.

Isa pang hagis ng tuwalya sa mukha ang natanggap ko.

"Ano ba!" galit na sagot ko.

"Punasan mo mukha mo! Nakakadiri tingnan ang pawis mo!" he said.

I rolled my eyes again. Pinunasan ko ang mukha ko tsaka nilagay sa basurahan ang tuwalya. Buti nga sa kanya!

I am trapped in my own game.

End of flashback.

Nakaka epic fail lang na ako pa rin ang nainis pagkatapos ng lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status