Share

Chapter 3

Sobrang nagagalit si Ella. Handa na sana siyang bumalik sa opsina para sampalin ang mukha ni Javier. Pero, nagawa niya pa ring pakalmahin ang sarili niya sa at nang dumating ang oras na naglakad si Javier sa harap niya at magpaalam sa pagtatapos ng araw, nakangiti pa rin si Ella nang pormal na parang walang nangyari. Para bang hindi siya nito ininsulto sa pag-iisip nito na puro mga accountant at tax advisor lang ang lalaking nagiging nobyo niya! Para lang din nitong sinabi na sa sobrang boring niya, puro boring na mga tao lang din ang idini-date niya!

“Ang kapal ng mukha!” sabi ni Ella at binuksan ang pinto para pumasok. “Maghintay ka lang, Javier Summers!” Ipinangako niya sa sarili niya at umupo sa sofa. Kahit si Damon o ang boyfriend nito na si Tanner, okay na sana kay Ella. Gay men could make the very best friends for a woman and she was both glad and grateful to have them both in her life. Bago niya pa nalaman na bakla si Damon noong high school sila, matagal na silang magkaibigan. Mabait si Damon, supportive at palagi siyang ipinagtatanggol. Alam niya na papayag itong samahan siya na pumunta sa party ni Javier.

Napaupo si Ella nang maalala kung anong nangyari. Dalawang beses siyang ininsult ni Javier. Una, noong nagulat ito nang banggitin niya na lalaki ang isasama niya sa party. Iniisip ba nito na puro lang babae ang mga kaibigan niya? Na baka lesbyana siya dahil hindi siya lumuhod sa harap nito? Outrageous! Pangalawa, nang isipin nito na accountant o tax advisor ang isasama niya.

Taking a deep calming breath, Ella said decidedly, "I have to find a new job!"

Buong araw siyang nabagabag dahil dito at at kinailangan niya pa ring tiisin si Javier Summers. Palagi niya itong nakikita na nagpapalit ng nobya na para bang underwear ang mga ito at hindi tao. Baka nga medyo nagseselos si Ella. Kung anuman iyon, kailangan niya na itong ihinto. Lalo na at hindi nahihiya si Javier na insultuhin siya gaya na lang ng ginawa nito kaninang hapon.

Hindi siya makikita ni Javier Summer bilang kahit ano bukod sa pagiging propesyonal na sekretarya nito. Wala pang lalaki na nakapukaw ng pisikal na atraksyon niya, maski si Damon Matthews. Hindi lang pisikal na mga bagay, after all, marami na siyang lalaking nagustuhan na may magagandang katawan, ang iba nga mas maganda pa kaysa kay Javier. Hindi, may kakaiba talaga sa lalaking ito na humihila sa kanya palapit at ikinababaliw niya ito.

She did not like the person she was becoming. Sometimes she felt like she did not really belong to herself anymore. She should move on. And move on she would. Mukhang masyado namang masama kung ibibigay niya ang resignation letter niya rito bukas lalo na at dalawang araw lang ito bago ang birthday nito. Kaya sa Monday na lang siguro, pagkatapos ng party nito sa Sunday.

Mas determindado kaysa rati, Isinulat ni Ella ang resignation letter niya at piniramahan ito. Iaabot niya ito sa Monday at kakalimutan na si Javier Summers. Magmu-move on na siya sa lahat ng ito.

* * *

Makalipas ang dalawang araw…

Buti na lang nasa bahay si Damon nang lumabas ako ng flat ko at pumunta sa kanya. “Ella mia Bella!” bati nito at hinalikan siya sa pisngi. “Ready ka na ba?”

Tinawagan ni Ella si Damon dalawang gabi na ang nakararaan tungkol sa plano niya. Masuwerte siya dahil libre ito ngayong linggo at more than willing na ipahiya si Javier.

"I am born ready," answered Ella with a dazzling smile.

“Ipakita natin sa kanya kung sino ang boss, my love!” Kumislap ang mga mata ni Damon sa galak.

“Suotin mo ‘yong glittery tie na binili ni Tanner sa ‘yo last summer! At dark suit!” sabi ni Ella at pumasok sa flat nina Damon at Tanner. Dagdag niya, “‘Wag mong i-overdo ang look mo. Ayaw kong malaman nila na bakla ka.”

"I am a straight man tonight, I promise!"

Nagbuntong-hininga si Ella para pawiin ang lahat ng pent-up feelings na idinulot sa kanya ni Javier lately. Bukod sa hindi na ito huminto kakaasar sa kanya dahil sa sinabi niyang hot si Damon, sinabi rin nito sa kanya ngayong araw na okay lang kung dumating siyang mag-isa. Nakakainsulto! Para bang sinabi nito na nagsisinungaling lang siya tungkol kay Damon at binibigyan pa siya nito ng out. How dare he?!

“Kailangan ko siyang pagbayarin, Dee. Kailangan ko. Nababaliw na ako!”

Binigyan siya ng naaawang tingin ni Damon na nag-aayos ng suit nito. “Ano na naman ba ‘yon?”

“Pinapalabas niya na gawa-gawa ko lang ang lahat ng ‘to. Na hindi ka naman nag-e-exist at nagsisinungaling lang ako. Sabi niya, okay lang kung mag-isa lang akong pumunta.”

“Aray naman!” Umiling si Damon. “Kailangan talagang hambalusin itong lalaking ‘to, dearest!”

Nang matapos si Damon sa attire niya para ngayong gabi, tumagilid ang ulo nito para tingnan si Ella. “Hmm, sa tingin ko mali ‘tong dress mo.”

"What do you mean?"

“Naalala mo ba ‘yong red dress na binili ko para sa ‘yo pero ‘di mo man lang sinuot kahit isang beses?” Nag-angat ng kilay si Damon. "Go make me happy and wear that one."

Alam agad ni Ella ang dress na tinutukoy nito. “No way! Masyadong sexy ang damit na iyon para sa akin!”

“Diyan ka nagkakamali. Ang sexiness ay attitude. Noong suot mo ‘yong dress na ‘yon, confident ka. Nakita ko noong sinukat mo ‘yon. Wear it and bring sexy back!”

"Yes, ma'am!" Ella laughed. "I honestly doubt he will notice, Dee."

“Mapapansin niya. Trust me. Unless bulag siya o bobo, for sure, oo.” Damon wiggled his eyebrows in a teasing manner. “At hindi ko lang ‘yon sinasabi kasi kaibigan mo ako.”

“Okay, you got me. Ipapasa ko naman na ang resignation letter ko sa Lunes kaya bahala na!” Tumawa ulit si Ella. “Maglalagay lang ako ng makeup.”

“Huwag mong kalimutan ‘yong smokey eyes!” utos ni Damon na tinawanan ni Ella. “Magdadala ang ng glass ng wine para ‘di ka naman ganoon ka-tense, darling.”

Habang nakatitig si Ella sa salamin, hindi niya mapigilan ang pakiramdam na umakto ng kakaiba. Nakikita niya na appeal nito. Bibigyan niya si Javier ng isang gabi na hindi nito makakalimutan. Hindi na mahalaga kung magagalit ito dahil kaya niya maging relaxed kasama si Damon, after all, magreresign na siya bukas kaya dapat lang na iwan niya ito at ang kumpanya nang walang pagsisisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status