Share

Chapter 4

The CEO’s POV

Late si Ella. Hindi maitatanggi na late talaga si Ella Stanford.

Hindi mapigilan ni Javier ang sarili na silipin ang Rolex niyang relo at ang entrance minu-minuto. Pagkalipas ng sampung minuto, lahat ng nag-e-enjoy ng cocktails at light snacks sa foyer ay lilipat na sa dining hall. Pero heto siya, nakatayo sa balkonahe, nakatitig sa mga tao sa babae at hinahanap ang sekretarya niya.

"Where on earth is she?" he growled to himself. His buoyant anticipation had slid through a heap of frustration at her lack of appearance before it turned to a nagging worry. Naaksidente kaya ito?

“Babe, anong ginagawa mo rito?” tanong ng isang senswal na boses kasunod ng mga kamay na yumakap sa balakang niya. Inilagay ni London Star ang ulo nito sa balikat ni Javier, at idinampi ang labi sa leeg ni Javier. “Lahat ng kaibigan mo nasa baba. Bakit hindi tayo bumaba saka mangamusta?”

"Ten more minutes," he replied curtly as he moved slightly away from her.

“Puwede mo namang sulitin ‘yang ten minutes na ‘yan,” bulong ni London, halatang ‘di napansin ang pag-aalala sa mukha niya at kung paanong nakakunot ang mga kilay niya. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang dibdib and her breasts pressed against his back.

“‘Wag ngayon, London.” Hinawakan ni Javier ang mga kamay ni London at inilayo ito sa kanya. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang cellphone ni Ella. Hindi ito sumagot at sumubok siya ulit. Pagkatapos ng limang subok, itinigil niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone. Pakiramdam niya, isa na siyang stalker na tawag nang tawag. Baka nagda-drive si Ella kaya hindi nito masagot ang tawag niya.

Lumingon siya at nakita niya si London na nakatayo roon at walang ibang suot kundi ang isang lingerie. Bago pa siya makapagsalita, hinalikan na siya nito. At sa loob ng ilang segundo hinayaan niya lang ito bago ito tuluyang pinahinto.

Kahit anong mangyari, ang utak niya ay na kay Ella pa rin at kung nasaan ito.

* * *

The Secretary’s POV

Dumating si Ella eksaktong limang minuto bago tumungo ang mga bisita sa dining hall. Kahit na sinabihan siya ni Javier na i-enjoy ang sarili niya, alam niya na kailangan niyang siguraduhin na magiging maayos ang event kaya kinita niya na muna si Jackie, ang event organizer. Mula pa college, kaibigan na ni Ella si Jackie at kabubukas lang nito ng sariling Event Organizer na negosyo. Dahil gusto na rin ni Ella na tulungan ang kaibigan, ibinigay niya ang pagkakataon kay Jackie imbes na sa dating EO na palaging nag-aayos ng okasyon para sa Javier and Summers Entertainment.

Mukhang tama nga nga na pinuntahan na muna ni Ella si Jackie, dahil nakita niya itong hindi mapakali. “Anong nangyari?” tanong ni Ella.

“Oh, Ella, anong gagawin ko? Lagot tayo!” Nanginginig ang kaibigan niya at pinagpapawisan kahit naka-on naman ang aircon.

“Kumalma ka na muna. Sabihin mo sa akin kung anong problema,” sabi ni Ella at pilit na pinakakalma ang sarili para mahanap ang tamang solusyon.

Kaso mukhang walang solusyon. Ang singer na kinuha para kumanta sa birthday ni Javier ay biglang nagka-diarrhea kaya hindi ito makapagpe-perform ngayong gabi.

“Kung marunong lang akong kumanta!” iyak ni Jackie na namumutla na. Gustong sisihin ni Ella ang singer pero alam niyang coincidence lang ito na may hito ang light snack na inihanda at hindi ito nakaya ng tiyan ng singer. Ang kawawang babae ay nasa banyo pa rin hanggang ngayon.

“Baka puwede tayo maghanap sa audience?” suhestiyon ni Damon. “I mean, puro mga artista ang mga guest at nagtatrabaho sa entertainment industry, hindi ba? Siguradong may isang gustong kumanta para sa boss nila.”

Tama nga si Damon pero kilala ni Ella ang boss niya at kung gaano kataas ang pride nito. Hindi ito papayag na kakanta nang libre ang bisita nito para sa kanya. Mapapahiya ito at si Jackie at kumpanya nito ang mapapahamak. “No, hindi puwede. Hindi papayag si Javier. Maiinis ‘yon kapag malaman niya na pinakanta natin ‘yong isa sa mga bisita niya.”

Kumurap si Jackiet at tinitigan si Ella, nakabalik na ang dating kulay sa mukha. “Kumakanta ka, Ella. Kaya mong kumanta!”

"W-what?"

“Kumakanta ka. Alam ko. Nanalo ka sa talent show noong college pa tayo. Bakit hindi na lang ikaw ang kumanta? Sigurado ako na okay lang sa kanya kung ikaw.”

Tumango si Damon. “Tama siya. Ni hindi nga malalaman ng boss mo na hindi ka dapat kakanta. Iisipin niya lang na part ‘yon ng plano at gusto mo siyang isurpresa.”

"P-pero—"

Bago pa makaangal si Ella, nagsimula nang magplano ang dalawa niyang kaibigan. They agreed that Ella's red dress was a killer dress thus she did not need to swap her attire. Damon and Jackie were still discussing about her make-up and accessories for her hair when Ella finally found her voice back. "Wait!"

Both of her friends stopped their discussion and looked at her.

“Hindi ako puwedeng kumanta para kay Javier! Masyado iyong personal! Boss ko siya for goodness sake!” Mariing umiling si Ella, hindi niya ma-imagine na kumanta sa harap ni Javier, let alone na gawin talaga ito mismo.

“Oh, come on, Ella. Sige na, please,” pagmamakaawa ni Jackie at hinawakan ang mga kamay niya. “Una ko ‘tong gig. Ayaw kong pumalpak.”

“Magiging okay ka lang, Ella dearest,” sabi ni Damon at kinukumbinsi siya. “‘Di ba sabi mo na gusto mo siyang supreshain with your new look para hindi niya isipin na boring ka?” Nagtaas ito ng kilay at ngumuti. “Ito na ang perfect, grand entrance. Ang lahat ng mata ay nasa ‘yo , maging ang kanya.”

Pumikit si Ella at inayos ang magulo niyang isipan. Tama si Damon at ang mas mahalaga, gusto niyang maging maayos ang negosyo ni Jackie. Mabibigyan ito ng maraming pagkakataon dahil maraming konesyon si Javier na puwede nitong maging bagong mga kliyente.

"Okay, okay. Gagawin ko."

Both Damon and Jackie squealed in joy, clapping their hands while Ella tried to recall all of the condescending comments Javier had ever said to her, about her being uptight and prim.

Oh, to prove him wrong and to see the look of surprise on his face would save her wounded pride.

* * *

Author’s Note: Are you as excited as I am for the next chapter? Please leave a review when you have time. Thank you!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Tria 0911
nice story po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status