Share

Ms. Jane San Gabriel
Ms. Jane San Gabriel
Author: imnotpsychopath

Prologue

Tahimik akong naglalakad dito sa hallway ng may biglang humablot sa kamay ko at kinaladkad ako papuntang faculty. 

Nabigla man ay sumunod na lang ako sa paghatak nito sa akin. Ramdam ko ang mahigpit nitong paghawak sa aking kamay. 

Hindi naman halata na galit na galit ito base na rin sa kanyang pag hila at paghawak sa aking kamay.

Ano na naman kaya ang nagawa ko at bakit galit ito sa akin? 

Nang makarating na kami sa kanyang office ay agad niyang binuksan ang pinto at patulak akong pinasok sa loob sabay bigla nitong sandal sa akin sa may pintuan. 

Ramdam ko ang sakit nang bigla nitong pagtulak sa akin pasara sa may pintuan. 

Bigla niyang hinawakan ang kwelyo ng damit ko at napaka dilim ang aura na tinitigan ako. 

"Sino yung kasama mo na yun ha!!!?? Babae mo ba yun!!!??? Napaka landi mo talaga!!! May asawa ka nat lahat ay humaharot ka pa!!!!" Ang galit na galit nitong litanya sa akin na may kasamang panggigigil.

"May Pa hampas hampas pa ng brasong nalalaman. Eh kung ihampas ko kaya ang mukha nun sa pader at nang magpantay!!!! Ang harot mo talagang bwisit ka!!!!" Tuloy tuloy  nitong talak na parang kakain na ng tao sa galit. 

Huwag lang na magkamali ako ng sagot dito ay malamang na lilipad na ang kamao nito sa maganda kong mukha. 

Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi magets kung bakit nagagalit siya. Eh wala naman kasi akong matandaan na aking ginawa sa mga binibintang niya ngayon. 

"Oh bakit di kana nakaimik dyan ha?!!! Siguro babae mo nga talaga iyon ano!!! Magsabi ka sa akin ng totoo na bwisit ka!!!!" Lalo pa itong nanggigil sa hindi ko pag imik sa kanya. 

Paano ko naman kasi maipagtatanggol pa ang aking sarili kung ganito na siya kagalit?

Isang option na lang ang aking naisip na alam ko naman na sobrang effective pag ginamit ko sa kanya. 

Mabilis pa kay the flash na agad ko itong hinila papalapit sa akin at kinawit ang kanyang batok at sinalubong ng nagbabaga kong halik ang napaka sarap nitong labi. 

Hinalikan ko ito na parang wala ng bukas. Dahil naman sa pagkabigla ay hindi ito nakapag react kaagad sa aking ginawa. 

Maya lang ay naramdaman ko na ang pag ganti nito ng halik sa akin ng same intensity din tulad ng ginagawa ko sa kanya. 

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng palihim dahil sabi ko nga sobrang effective nito sa kanya.

See, biglang natahimik. Sabi na eh. Mas magandang ganito ang gawin kaysa ang makipag talo dito. Na malamang ay matatalo lang ako at baka makatikim pa ako ng mag asawang sampal mula dito na syempre ayaw kong mangyari. Ang Sakit kaya nun. 

Nang alam ko ng kumalma na ito ay dahan dahan ko ng pinaghiwalay ang aming mga labi pero nakayakap pa rin ako dito. 

"Babe alam mo na hindi ko magagawa sa iyo yang mga binibintang mo sa akin. Masyado kitang mahal para lang ipagpalit sa kung sino lang dyan. Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba? Ilang beses mo ng napatunayan iyan." Mahinahong paliwanag ko dito. 

"Sorry babe, nag selos lang naman kasi ako doon sa nakita ko kanina eh. Akala ko babae mo iyon. Ang kapal ng mukha mo kung yung pangit na iyon lang ang ipapalit mo sa akin ha. Sobrang nakakainsulto kana pag iyon talaga pinalit mo sa akin." Naka nguso naman na sabi nito. 

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito. 

Ang cute lang kasi. Hindi halata na masyado siyang nag selos. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status