Share

Chapter 1

Chapter 1

Avril POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng aming university, hinahanap ko kasi yung classroom ng aking susunod na subject. Hindi ko kasi kabisado kung saan ang mga room dito. 

Ako kasi ang klase ng tao na hindi pala gala dito sa campus kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado mga buildings dito. Ang tanging alam ko lang ay papuntang cafeteria. 

Sa paglalakad ko dito sa may hallway ay may nakasalubong akong isang nerd na aking pinag tanungan kung saan ang room ng chemistry. 

Agad naman akong tinuro nito sa dulong bahagi ng hallway.

"Doon banda sa dulong bahagi Miss, papunta ka din ba ngayon doon? Sumabay kana sa akin at doon din kasi ang punta ko." Ang nakangiti nitong alok sa akin. 

Sinabi ko naman kaagad dito na doon nga ang punta ko. Hay mabuti nalang at may makasabay na ako pumunta doon. 

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ng maisipan ko na magpakilala dito. 

"Ako nga pala si Avril Del Carmen," ang  pakilala ko sa kanya.

"Hello Avril, ako naman si Stephanie Ken Fajardo." Ang pakilala niya naman.

"Avril kilala mo na ba yung professor natin sa Chem?" Ang tanong niya sa akin. 

"Hindi pa eh, pero ang sabi ng ibang mga students ay terror daw masyado yang si Ma'am. Walang patawad sa students niya. Hindi daw pwede pakiusapan. Kung ano ang nakuha mong grado sa kanya iyon talaga walang special project" pagkukwento ko dito.

"Oo iyon din ang pagkakaalam ko. Kaya nga iyong ibang classmates ko ay sa ibang Professor nag enrol. Parehas din daw naman kasi ng descriptive title yung sa isang nagtuturo din. Kaya nga di ko sila kasama ngayon eh. Doon sila sa isang Professor."

"Malamang konti lang tayo na estudyante ngayon nyan ni Ma'am. Kasi yung ibang di napansin na nag enroll ay nag drop na agad sa subject." Napapailing pa na kumento nito.

"Nakakatakot naman pala talaga si Ma'am ano." Ang medyo nahihintakutang sabi nito sa akin. Na ikinibit balikat ko na lang. 

Nang makarating na kami sa room ay iilan ilan pa lang ang naroon. Nasa kalahati pa lang siguro ang nandito. 

Agad na kaming naupo sa may gitnang bahagi ng kwarto at nag hintay na dumating si Ma'am.

Sabagay medyo maaga pa naman kasi, baka maya maya lang siguro ay madadagdagan pa kaming mga magkakaklase dito. 

Masaya kaming nag kwe kwentuhan ni Stephanie nang biglang tumahimik ang paligid na para bang may dumaang masamang hangin. 

Bigla naman ako napatingin sa harap ng makarinig ako nang tunog ng takong sa may pinto banda. 

"Oh shit, ang ganda namang babaeng to" ang di ko napigilang naisambit ko pala nang medyo may kalakasan. Bigla ko naman tinutop ang aking sarili at tumingin na lang ulit sa magandang babae na pumasok na dito sa aming room. 

Narinig pa yata ako ni Stephanie, kaya kunot noo ako nitong tinignan nang may pagtataka. 

Baliwala lang na nagkibit balikat ako at hindi siya pinansin. Patay malisya lang ako.  Binaling ko naman ulit ang tingin ko sa babaeng maganda. Na parang anghel na bumaba sa lupa. Napaka amo naman kasi nang maliit nitong mukha. Na bumagay sa kanyang maliit din na katawan. 

Napansin ko na dumiretso siya sa table ng guro sa harapan at inilagay doon ang kanyang mga dalang gamit. 

Nangunot bigla ang noo ko. Don't tell me na siya ang kinatatakutang professor nang chemistry? Nabibiglang nasabi ko sa aking sarili

Paano na ang isang mala anghel na ito ay kinatatakutan nila? Nagbibiro ba sila? Oh baka nagpalit lang siguro ng Professor?  Tama, siguro nagpalit nga. Sa isip isip ko pa habang nakatitig sa isang dyosang nasa harapan namin ngayon. 

Agad nag sulat sa board si Ma'am, Ms. Jane San Gabriel ang basa ko sa sinulat niya. 

Hayst pati ba naman ang penmanship nito ay maganda rin? Wala na bang pwedeng ika pintas itong si Ma'am Ganda at lahat na lang yata ay nasa kanya na. 

"Tawagin nyo na lang akong Ms. San Gabriel mas prefer ko iyon." Ang masungit na sabi ni Ma'am na naka poker face lang. Seryoso hindi man lang siya ngumiti? Hello first day of school kaya. Dapat first impression sa kanya ng mga student niya. Kaya sana naman ay huwag siyang mag poker face lang dyan. 

Pero sabagay tama din lang na naka ganyan siya ngayon kasi hindi ko na alam pa ang gagawin pag ngumiti pa ito. Baka tuluyan na akong mapatulala sa taglay nitong kagandahan. 

Grabi ang hot naman niya magsalita, kahit na halatang wala ito sa mood ngayon ay nakakahalina pa rin ang malamyos nitong boses.

Kaya di ko mapigilang nakatulala na lang sa kanya. Hay crush ko na yata siya. 

Naka ramdam na lang ako ng pagsiko mula kay Stephanie. Agad ko naman itong nilingon sa nagtatanong na tingin. 

Asar naman oh. Mene memorize ko pa nga lang mukha ni Ma'am Ganda eh. Nang e istorbo naman ang isang ito. 

"Tulala ka na kasi dyan," ang pabulong nitong sabi sa akin." Maya mahuli ka ni Ma'am malagot ka pa doon."  Dagdag pa nitong paalala sa akin na ikina ngiti ko na lang dito ng alanganin. 

Masisisi nyo ba ako kung natulala ako sa kagandahan ni Ma'am. Hello dyosa kaya iyang nasa harapan namin. 

Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanya at hindi mapigilang pamulahan ng aking mukha. My gosh nakakahiya. 

Tinutuon ko na lang ulit ang aking tingin kay Ma'am Ganda at nakinig na sa mga  policy nito sa classroom. 

Mukhang tama nga yata sila ng sapantaha dito. Masungit na may pagka strict nga  si Ma'am. 

Tama din lang naman iyon para naman hindi umabuso ang mga estudyante sa Professor nila. 

Yung iba kasi porke alam na mabait ay parang barkada na lang kung ituring na minsan ay nawawala na iyong teacher x student relationship. 

"Now, pass your index card, and I will call you individually." Pormal na utos nito sa amin.

Mabilis naman na inilabas ko ang index card ko para sa subject na ito at iniabot ko sa nakaupo sa may harapan ang naipon na index card sa row namin. 

Nag roll call na si Ma'am para makilala kami isa isa hanggang sa matapos na ito.

Mabuti na nga lang at hindi na kami nagpakilala individually dahil isa pa naman iyon sa hindi ko masyadong gusto pag first day of school. Medyo mahiyain kasi akong tao eh.

Nagsulat na si Ma'am San Gabriel nang mga magiging topics namin sa next meeting sa kanya. 

After niya mag bigay nang topic ay nagbigay na rin siya agad ng assignment na gagawin niya raw sa oral recitation. 

Grabi seryoso ba talaga siya doon. Gusto niya na kaagad magpa oral recitation sa next meeting namin sa kanya. Mukhang kailangan ko na yatang bawasan ang pag ML ko nito ah. Mahirap na mapahiya kay Ma'am Ganda. Baka ma turn off agad sa akin iyon pag hindi ako naka sagot sa mga tanong niya. 

Hay ang ganda talaga ni Ma'am Jane. Sarap e uwe at ikulong sa kwarto. Tapos huwag ng palabasin pa kasi nakakatakot pag nagkasalubong na ang maganda nitong kilay. Hehehe

"Okay class dismissed" Sabi ni Ma'am Jane matapos nitong ang topic namin sa next meeting sa kanya sabay kuha ng mga gamit nito at lumabas na nang tuluyan. 

Sana huwag na itong bumalik pa. Manatili na lang ito sa langit kung saan nakatira ang mga dyosa na katulad nito. 

Napatingin na lang ako sa pintuang nilabasan ni Ma'am, at hindi mapigilang mapabuntong hininga. Hays gusto ko siya maging teacher na hindi. 

Potek naman kasi bakit ba ang sungit kasi nito? Na heartbroken na ba ito kaya ganyan siya ngayon? Hindi naman pwedeng sabihin na nag me menopause na ito kasi hello bata pa kaya siya. Pwede ko pa ngang maging asawa kung gugustuhin nito e. 

Nakita ko naman mga classmates ko na parang naka hinga na ng maluwag nang makaalis na nga si Ma'am Jane. Kahit nga itong katabi ko ay napa buntong hininga rin eh. Hindi naman halata sa kanila na takot eh no?

Ganun na ba talaga sila katakot kay Ma'am? Tingin ko naman kasi ay mukha naman itong mabait medyo masungit lang. Ang amo amo nga ng mukha nito eh. Para pa ngang di makabasag pinggan kung iyo mo itong pagmamasdan. 

Pero gaya nga ng sabi ko hindi ko pa ganoon kakilala si Ma'am kaya mahirap mang husga agad. Malalaman na lang siguro sa mga susunod pa naming meeting sa kanya. 

Basta isa lang ang sigurado ko crush na crush ko na talaga siya. Hello bulag  at manhid na lang ang hindi magkakagusto dito no. 

Pagka alis ni Ma'am Jane ng classroom ay nag sipag sunuran na rin naman ang ibang mga estudyante dito. 

Kahit ako ay inayos ko na rin ang aking mga gamit upang maka alis na rin at pumunta na para sa aking next subject. 

Binalingan ko naman si Stephanie na iyon nakaupo pa rin at hindi pa nag aayos ng gamit nito. Mukhang wala pa yatang balak umalis ang isang ito. Gusto pa yatang e feel nito ang pagkakaupo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status