Share

Chapter 4

Avril

Sakay na kami nang eroplano pabalik ng Pilipinas. Katatapos lang ng kasal namin ni Ma'am Jane. 

After kasi ng kasal ay nagpasya na rin kaming umuwi kaagad. Wala naman kasing mangyayaring honeymoon. Pareho lang naman kaming napilitan sa kasalang ito.

Sa part ko napilitan ako kasi hindi pa talaga ako handang mag asawa. Sa part naman ni Ma'am Jane ay ewan ko lang kung ano naman ang dahilan ng isang ito. 

Hindi pa rin kasi kami nakakapag usap magmula ng pinaalam sa amin nila Daddy na ikakasal nga kaming dalawa sa lalong madaling panahon. 

Iniwasan ko na kasi ito kahit na sabihing Professor ko sya sa isang subject. 

Katabi ko sya ngayon at halatang pagod ito. Nakatulog na kaagad eh. Hindi ko naman mapigilang titigan ang kanyang napaka among mukha. 

Hindi mo mapag hahalataan sa mukha nito ngayon na sobrang m*****a at anak ni Lucifer ang isang ito dahil sa mukha nitong parang anghel na natutulog.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na ang aking Professor. Ang isang kinatatakutan na Professor sa aming university. 

Ang walang sina santo na estudyante. Mayaman ka man o hindi wala itong pakialam basta kung ta tanga tanga ka sa kanyang subject ay mapapahiya ka nito. 

Nang lumapag na ang aming sinasaktan sa NAIA ay ginising ko na si Ma'am.  Baka kasi mapasarap na ang tulog nito at maiwan pa ito sa eroplano. Masisi pa ako ng hindi oras pag nangyari iyon. 

"Ma'am Jane nandito na po tayo sa airport malapit na po tayong bumaba. Ang mahina kong sabi dito. Mahirap na baka mag ala dragon ito pag na bwisit sa akin. Iniiwasan ko pa namang mangyari ang bagay na iyon. 

Ang hirap kaya pag nagalit ito. Walang tigil ang bunganga kakaputak ang sakit tuloy sa tenga pag nasimulan na nitong mag bunganga. Syempre alam na alam ko iyon at Teacher ko nga ito sa isang subject. 

Unti unti naman itong nagmulat ng mata. At luminga linga sa paligid na parang sinisigurado kung nag sasabi ako sa kanya ng totoo o gino good time ko lang siya. 

"Bakit ka ba nang gigising ha!!!??" Inis na turan nito sa akin

"Nakita mong natutulog pa ang tao. Maya pa yan mag palabas, tsaka mararamdaman ko naman na kung lalabas na tayo eh" ang masungit nitong sabi sa akin sabay irap at ikot nang mata. 

Hayst sarap talaga dukutin ng mata nito. Kainis naman oh concerned lang naman ako sa kanya eh. Tapos mukhang parang kasalanan ko pa. Pag nga naman ganito ang ugali ng makakasama mo ewan ko na lang sa iyo kung hindi ka matuyuan ng dugo sa pagkainis mo dito. 

Kailangan ko na talagang habaan pa ng sobra ang aking pasensya dahil kahit asawa ko na ito ay hindi pa rin dahilan iyon upang sagot sagutin ko ito. At isa pa mukhang matatalo din lang naman ako sa argument namin. Kaya mag mabuting pabayaan ko na lang itong mag m*****a.

Nanahimik na lang ako at di na umimik pa. Napaka talaga naman nang ugali nito. Kanino kaya ito nagmana? Ang babait naman nila Tito at Tita na parents nya. 

Oh baka naman ampon lang ito kaya naiiba ang ugali niya sa kanyang mga magulang. Pero kamukha kasi nito si Tita eh. Parang batang version lang nito. Na may ilang features din na nakuha kay Tito lalo na yung perfect at makapal nitong kilay na kuhang kuha nito sa kanyang ama. 

Di ko na lang sya pinatulan at hindi na ito pinansin pa. Nag wait na lang ako ng confirmation na pwede na kaming lumabas. Pagod din naman ako, pero di ako nagsusungit nang walang dahilan. 

Ano ako baliw na basta nalang nagagalit ng wala namang dahilan? Sa pagkakaalam ko naman ay normal pa ako. Ewan ko lang pag lumipas pa ang araw at buwan na kasama ko si Ma'am sa iisang bubong baka magka mental break ako nito. 

Pero akmang akma talaga dito ang alam ko na kasabihan.  "Ang toyo ay sawsawan  at hindi inuugali" tama naman ako diba? 

Para pa ngang isinapuso pa ni Ma'am ang kasabihan na iyan eh. Paano naman kasi ang ugali my god. Hindi makain ng aso sa sama. 

Kabado na ako ngayon. Mag sasama na kasi kami ni Ma'am Jane sa iisang bubong. Iniisip ko kung paano pakisamahan ang isang kampon ni satanas sa kasamaan ng ugali. 

Binitbit ko na ang dalawang maleta naming dala, magaan lang naman sya kasi konti lang naman ang laman Ng mga ito. 

Yung kasama ko ayon nauna na sa labas at di man lang ako tulungan mag bitbit. Wala talagang puso. Kung di ko lang crush ito naku nunka na pag tyagaan ko ang ugali nya. 

Nakita ko kaagad si Manong Nonoy ang driver namin na naghihintay na sa may arrival area. Mukhang kanina pa yata ito sa may terminal. Agad ako nitong tinulungan sa aking mga bitbit ng makita ako at inilagay sa kotse. 

"Senorita ako na lang po ang bahala dito sa mga bagahe nyo. Pumasok na lang po kayo sa loob at magpahinga na po alam ko na napagod kayo sa inyong biyahe nandoon na po si Ma'am Jane" sabi sa akin ni Manong. 

"Tulungan ko na lang po muna kayo. Itong isang maleta na lang ang bitbitin nyo at ako na ang bahala dito sa isa para mabilis lang po tayong matapos at ng makauwi na po tayo." Sabi ko dito at binitbit na ang isang maleta. 

Nang mailagay ko na ang mga maleta ay agad na akong pumasok sa kotse, Nakita ko naman na prenteng nakaupo na si Ma'am Jane. At nang mapansin ako nito ay inirapan lang ako. M*****a talaga. Sarap tusukin ang mata sabay isawsaw sa suka at kainin. Kainis lang kasi. Hindi na nga ako tinulungan mag buhat ng mga gamit tapos mag gaganyan pa siya sa akin ngayon.

Kung di ko lang teacher to baka pinatulan ko na ang pag mamaldita nito. Parang hindi matanda kung kumilos dadaigin pa nito ang bata kung mag inarte. Kainis 

Tahimik na lang ako na naupo sa tabi nya. Hindi ko na lang papansinin ito. Mas maganda na gawin ko iyon kaysa makipag talo pa dito. Hay sana naman matagalan ko ang ugali niya. Nakaka stress sobra. 

Nagba byahe na kami ngayon pauwi sa kanyang bahay. Doon kasi ang gusto nya. At ayaw niya daw sa condo ko. Kaya no choice ako kundi  ang lumipat na lang. Konti lang naman ang dinala kong gamit. At paminsan minsan na lang ako dadaan sa condo ko upang kumuha pa ng mga kakailanganin kong mga gamit. 

Nandoon naman na ang aking ibang mga gamit eh. Bago palang kami pumunta ng states ay inilipat na agad nila Mom yung mga gamit ko. 

Mas excited pa sila kaysa sa akin na ako ang makikisuno. 

Mga ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa bahay niya sa wakas. 

Binaba na ni manong ang mga gamit namin at pumasok sa loob. 

"Ma'am!, mauna na po ako sa inyo ah." Paalam ni Manong Nonoy sa amin. 

"Sige po Manong Nonoy salamat po ah. Ingat nalang po sa pagda drive." Ang bilin kong sabi dito. 

Tahimik lang akong nakaupo dito sa coach sa living room nya at hinihintay kung saan akong kwarto matutulog. Gusto ko ng humiga at matulog. Sobrang antok na rin ako at naghahanap na ang aking likod ng malambot na kama. 

" Mag usap muna tayo nang masinsinan Del Carmen. May mga rules lang ako na dapat ay siyang masunod nang wala tayong away."

"Una, walang pakialaman sa ating mga pribadong buhay. Tandaan mo kasal lang tayo sa papel."

"Pangalawa, Wala kang ibang pag sasabihan na kasal ka sa akin. Maliwanag ba?" Para namang ipag sisigawan ko na kasal kami. Hello ano ako tanga para pag chismisan ng ibang tao?

"Pangatlo, hati tayo ng gawain dito sa bahay. Ayaw ko ng may katulong kaya tayong dalawa ang gagawa lahat ng mga gawaing bahay." Mabuti nalang at nasanay ako sa mga gawaing bahay. Hindi naman ako iyong anak mayaman na wala manlang kaalam alam sa bahay. 

"Yun lang pansamantala at pag iisipan ko pa kung anong mga idadagdag ko pa doon." 

"At isa pa nga pala. Sa may right side pag akyat mo ang iyong kwarto. Tandaan mo ayaw ko sa lahat ay ang maingay at magulo. At huwag ka rin magdadala dito ng bisita. Nagkakaintindihan ba tayo ha Del Carmen? 

"Yes Ma'am Jane," ang nasabi ko na lang dito at kinuha ko na ang aking maleta at umakyat na. Gusto ko na kasi talagang mag pahinga. Napagod kasi talaga ako sa byahe. 

Pagpasok ko ng room ay agad akong kumuha ng pamalit ko bago pumasok sa cr para makapag shower na. Bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko at gusto ko na kasing matulog. 

After ko makapag shower ay lumabas na ako at nagpatuyo ng aking buhok. 

Habang nag papatuyo ng buhok ay hindi ko maiwasang isipin ang magiging buhay ko na kasama sa araw araw si Ma'am Jane. 

Hanggang ngayon ay Ma'am pa rin o kaya ay Miss ang tawag ko sa kanya. Di ko kasi alam kung dapat ko na ba siyang tawagin sa kanyang pangalan. 

Eh alangan naman kasing tawagin ko syang Mrs. Del Carmen eh baka bigla na lang mag wala iyon at bugahan pa ako ng apoy sa galit. 

Hahayaan ko na lang siguro na sya na lang ang bahalang mag sabi na pag kami lang eh tawagin ko na lang sya sa kanyang pangalan. Mahirap na pag pinangunahan ko pa ito. Baka maya nyan eh makatikim pa ako dito.  

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jackie Montemayor
di ko maintindihan ,bakit senyorita ang tawag kay avril? parehong babae kinasal? ang gulo yata haha
goodnovel comment avatar
Baby Jean Sanchez
Lalaki ba c avril?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status