Share

Chapter 2

Lauren

Matapos lumabas ni Ma'am Angela ay tumayo na ako kaagad at sumaglit muna sa cr. Medyo tinatawag na kasi ako ni kalikasan eh. Paano naman kasi mapapaihi ka talaga pag ito ang naging guro mo. Tapos first subject pa. Hindi man lang ginawang last subject. Wala din itong registrar na to. 

Paliko na sana ako sa corridor ng biglang may dumaan sa aking harapan sila Ms. Catherine at Ms. Camela. 

Medyo napatigil naman ako sa mabilis kong paglalakad. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko ng masilayan ko na naman ang angkin nitong kagandahan. My gosh ang ganda nya talaga. Para siyang diyosa na bumaba sa lupa. Para maghasik ng kamalditahan dito sa mundo. 

Agad naman akong yumukod sa mga ito sabay bati ng good morning Ma'am. 

Pero nag tuloy tuloy lang sila ng lakad at di ako pinansin man lang o tinapunan ng tingin. Sabagay sanay naman na ako sa ugali nilang ito. 

Haist matagal ko na siyang crush mula pa noon first year college palang ako. Ang aking si Ma'am Camela. Ang dyosang dragona ng buhay ko. 

Nang makalagpas sa akin ang mga ito ay habol tingin ko pa rin sila. Pati naman kasi ang behind ang ganda rin na parang sinasabi sa akin na "come on touch me".  Same lang sila ni Ma'am Catherine na isa ring dyosa. Pero syempre mas maganda sa aking paningin ang aking si Ma'am Camela. 

Nang tuluyan ko ng di matanaw ang mga ito ay nagmamadali na rin ako pumunta ng cr. Ngayon ko na lang ulit naramdaman si tawag ng kalikasan. 

Ganun ata talaga pag kaharap natin ang ating sinisinta. Nawawala tayo sa sarili

Mabilis lang ako na nag cr at nag madali na rin bumalik sa room kung saan ang aking next subject. Medyo late na nga rin ako ng mga 5 minutes siguro kaya need ko talagang mag madali na. 

Baka kasi magalit pa sa akin ang next subject ko dahil first day palang late na kaagad ako sa kanyang subject.

Wala pa naman nakalagay doon kung sino ang aming magiging Prof kaya di ko alam kung terror din ba ito o hindi. Pero okay lang naman kasi kung nag aaral ka ng maayos ay kahit terror pa yan eh di ka mag aalala kasi always ready ka sa klase nito. Unlike kung tamaders ka mag aral ay kabahan ka talaga pag ganun.

Papasok na sana ako sa loob ng classroom ng nakarinig ako ng isang malamyos na boses pero nandoon ang authority nito. Mukhang nandito na yung Professor namin ah. 

Tsaka parang bigla na naman kumakabog ang dibdib ko ng marinig ko ang boses nito. Parang alam ko na kung sino ang Prof namin na ito. 

Dahan dahan kahit kinakabahan na pumasok na ako ng tuluyan sa loob at tama nga ang aking hinala na si Ma'am Camela nga ang Prof namin. 

Agad ko naman itong binati ng malingunan ako at poker face lang na nakatingin sa akin ngayon. Yuko ang ulo na nag lakad na ulit papasok sa loob. Pero di pa ako nakakahakbang ulit ng bigla na lang ito magsalita. 

" Sinabi ko na bang pwede ka ng pumasok sa klase ko ha Miss!!!? Galit na sigaw nito sa akin. Kaya mabilis pa sa alas kwarto na agad akong humarap dito saka sinalubong ang nag babaga nitong mga mata na naka tingin sa akin. 

Agad naman akong napayuko at kinakabahan na nagsabi nito ng. "Sorry po Ma'am Camela. Hindi ko po alam na hindi pa pala pwede pumasok." Hinging paumanhin ko kaagad dito. Sabay yuko ng ulo ko at di na makatingin dito ng diritso ngayon.

Sobrang nahihiya na talaga ako dito ngayon. My god bakit naman kasi bigla na lang ako pumasok eh. Alam ko naman na late na ako sa klase nito. At isa yun sa mga pinaka ayaw nito na ugali ng estudyante. Hayst kainis naman oh bakit ngayon pa ako na late sa kanya. Tuloy first impression na nito sa akin ay ang pangit na. Paano pa ako nito magugustuhan kung ganito na kaagad. Badtrip naman oh. 

"Lumabas kana muna ng aking classroom at hintayin mo ako dyan sa may pinto at mag uusap muna tayo" Inis na sabi nito sa akin sabay taas ng isa nyang kilay sa akin habang nakatingin pa rin ng masama.

Nagmamadali naman na akong lumabas ng classroom at napa sandal na lang sa pader habang pilit kinakalma pa rin ang aking dibdib sa pag papasikat nito sa pagtibok. 

Ngayon kapa nagpasikat kung kailan badtrip sa atin ang malditang dyosa. Saka kana magpasikat kapag okay na tayo sa kanya. 

Hayst bakit ba sa dami na pwedeng maging professor namin ay ito pa ang napunta sa amin. Iyon nga lang makita ko lang ito ay todo na ang kaba ko di lalo na iyong maging teacher pa talaga namin siya. Good luck na lang talaga sa akin. Baka mapa tulala na lang ako dito habang nagdidiscuss ito. 

Tapos ngayon eto problema pa. Hayst talaga naman oh ano ba kasi nangyayari sa akin at nalulutang ako pag kaharap ko na ito. 

Maya lang ay lumabas na rin ito sa classroom at masama pa rin ang tingin sa akin nito. 

"Palalampasin ko muna itong pagiging late mo na ito miss pero sa susunod di kana pwede na pumasok pag na late ka pa. Pasalamat ka at di kita pinarusahan." Inis na sabi nito sa akin habang ako ay naka yuko lang dito. Sobrang nahihiya kasi ako sa kanya at di ko kayang salubungin ang maganda nitong mata. Baka kasi mawala na naman ako sa aking huwisyo pag nagkataon. Nadagdagan na naman ang kasalanan ko dito.

Maya lang ay nagsalita ulit ito. "Tumingin ka nga sa akin pag kinakausap kita ha!! Huwag kang bastos. Pinakaayaw ko sa lahat ay yung parang tanga ang kausap ko!" Medyo pa sigaw na nitong sabi nang mapansin nya na nakayuko lang ako dito habang nagsasalita siya. 

Paano naman kasi akong ti tingin dito kung ganito siya kalapit sa akin na halos kalahating dipa na lang ang layo namin sa isat-isa. 

Ito na nga at di na halos ako humihinga eh. Dahil lalo ko lang naaamoy ang napakabango nyang pinaghalong pabango at ang kanyang natural scents na siyang lalong nag papa windang sa akin ngayon. 

Oo at gustong gusto ko na mapalapit dito pero naman kasi eh. Nakakatulala naman kasi siya. 

Baka pag nagpatuloy pa ang ganito hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at hilahin nalang siya at kuyumusin ng halik dahil iyon na lang ngayon ang nasa isipan ko. 

Hindi naman ako pervert na tao pero naman kasi ibang usapan na kapag ito na ang nasa harap ko ang hirap magpigil my god. 

Maya lang ay naka ramdam ako ng pag sakit ng aking pisngi. Nasampal na pala ako nito ng di ko namamalayan. 

Nang tignan ko ang itsura nito ngayon ay napakasama na ang tingin nito sa akin na para bang may ginawa na naman akong kasalanan dito. 

Bigla naman akong napalunok ng di oras dahil doon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chie Ann Sogi
ganda naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status