Share

Kabanata 20

Tahimik kami sa sasakyan patungo sa condo namin.

Wala ako sa sarili kanina pa lang pagkatapos niya akong halikan. Hindi ko siya matingnan ng diretso.

"S-si Cody," tanging nasabi ko nang tumigil siya sa paghalik at lumayo.

Nagtagis ang bagang niya. "Who's he? Your boyfriend? Of course not, 'cause you'll not let me kiss you if he is, right?" he said, trying to convince himself.

"K-kailangan ko siyang balikan," sambit ko at umambang lalagpasan siya para bumalik sa loob nang hinaklit niya ang braso ko at ibinalik sa kinatatayuan.

"Blake, please," nang hihina kong sabi at tumingin sa kaniyang mga mata. Nanghihina pa rin ako sa nangyaring halikan naming dalawa.

Akala ko ay hindi niya ako pakakawalan ngunit unti unti ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya agad akong naglakad paalis.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong may malay na si Cody at lumilinga linga sa paligid.

"Cody," sambit ko nang makalapit sa lamesa, wala pa rin si Ericka.

"Where have you been? Can we go home? I'm sleepy,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status